Alternative Epilogue
A/N: Bahala na kayo sa typo HAHAHA. Intindihin niyo na lang!
-
Myoui Seyuri's Point of View
Habang busy kaming magkakaibigan sa paglamon dito sa loob ng canteen, nagulat na lang kami nang biglang nagsigawan ang mga students na nandito sa canteen.
Hala, anong mayro'n?
"SEVENTEEN! OH MY GOSH! OPPA, PAKASALAN MO 'KO!"
"SHET, LEE JIHOON!! BAKIT ANG CUTE MO? PANINDIGAN MO 'KO, JUSEYO!"
What a freak? And who are SEVENTEEN? I haven't heard of them. And also, who is Lee Jihoon?
"Lintik, sino ba 'yang mga 'yan? Akala mo naman ang gu-guwapo." Sabi ni Natalie with matching flip pa ng buhok.
"Huwag mo na silang pansinin, mga pabida lang 'yang mga 'yan." Sabi naman ni Mira habang nilalantakan 'yung tinapay na binili ko kanina. Ang alam ko kasi, akin 'yun, e. Anong nangyari? Hays.
"SHET SHET. BESSY, ANG GWAPO TALAGA NI SOONYOUNG! TANGINA, ANG GALING PA SUMAYAW! WAAAAAH, ANG SARAP NIYANG HALIKAN."
Argh, yuck! Hindi man lang nandiri sa sarili niya.
"Sino naman si Soonyoung?" Tanong naman ni Haeyeong habang naglalaro sa phone niya ng Block Puzzle, basta parang tetris pero hindi. Ewan, basta gets niyo na 'yun.
"Puta, may naglagay nga ng sulat kanina sa locker ko. Vernon Chwe ang pangalan. Sino 'yun?" Tanong naman ni Shaine.
Aba, malay ko ba sa Vernon na 'yan, hindi ko naman siya kilala. Baka isa siya sa mga members ng SEVENTEEN.
"May naglagay nga ng picture ng manok sa loob ng locker ko. Bwiset, muntik ko nang mahagis kanina 'yung cellphone ko." Natawa naman kami dahil sa sinabi ni Hyeseul. Siya 'yung dakilang takot sa manok, jusko.
"Alam niyo, 'wag niyo na lang pansinin 'yang mga lalaking 'yan. Masasaktan lang kayo!" Humuhugot na naman 'tong si Natalie. Salaksakan ko siya ng tinidor, e.
"Tumigil ka nga, hahampasin kita ng pamaypay, e!" Ayan, nanggigil bigla si Jenny, inaantok na naman kasi. Natawa na lang kami dahil sa kanya. Siya ang pinakamaliit sa 'min pero kapag nanggigil, grabehan.
"Guys, share ko lang, sino ba si Seokmin? May nagtext sa 'kin kanina, Seokmin ang pangalan." Pagsabat naman ni Eyrie. Nagkibit-balikat na lang kami.
Tang'na, may koneksyon ba kami sa SEVENTEEN na 'yan? Sino ba 'yang mga 'yan? Tss. Nanggigil ako, ha!
"Bumili nga ulit kayo ng pagkain, nagugutom ako, e." Sabi naman ni Haeyeong.
"Paanong hindi ka magugutom, laro ka nang laro d'yan." Sabi ko sa kanya. Kanina pa siya naglalaro habang may klase, buti na nga lang hindi na-confiscate 'yung cellphone niya. Tsk.
"Nakakaadik kasi 'tong larong 'to. I-download mo, ang sayang laruin." Sabi niya at nag-mala-Taehyung ng BTS sa pagngiti.
"Ewan ko sa 'yo, bes!"
"Hala, may Hello Kitty si Ateng! Haeyeong, oh!" Sigaw ni Natalie. Napatigil naman si Haeyeong sa paglalaro. Etong dalawang 'to ang mahilig sa Hello Kitty, bukod sa gusto rin ni Haeyeong si Mickey and Minnie Mouse. Relationship goals daw kasi. Shet, ang cute!
Saan kaya ako makakahanap ng pororoㅡoh, nevermind, may lalaking dumaan sa harapan namin at may keychain siya na ang design ay si Pororo. Shit, I freaking need that keychain! It's a fckin' Pororo! PORORO!
"Hoy, bibili ako ng pagkain, anong gusto niyo?" Hindi kaagad nag-process sa utak ko 'yung sinabi ni Hyeseul dahil naka-focus ako kay Pororo.
"Uhm, coffee latte atsaka fudgee bar. Kung may mani, bumili ka na rin hihihi salamat~" Sabi ni Haeyeong tapos nag-cellphone ulit. Jusko!
"Tubig lang, sapat na. Salamat~" Sabi naman ni Natalie at tumawa naman na parang baliw.
"Ako na lang bibili para sa sarili ko." Wala e, rich kid kasi 'tong si Eyrie.
"Bes, isang Mountain Dew atsaka Cheezy, 'yung maanghang." Sabi ko naman saka tumawa rin. Napa-facepalm na lang siya.
"Kahit ano na lang po sa 'min, kawawa ka naman, e." Sabi naman ni Shaine. Minsan talaga, thuglife 'tong babaeng 'to.
"Dahil sinabi mo 'yan, samahan mo 'ko." Sabi sa kanya ni Hyeseul, tumawa muna si Shaine bago tumayo. Umalis na sila para bumili ng food.
Nagulat na naman kami nang bigla na namang nagsigawan ang mga students dito. Bakit ba gwapong-gwapo sila sa mga lalaking 'yan? Hindi naman kagwapuhan, e. Tss.
"Putangina niyong gago kayo!" Pagmura ni Haeyeong. Ang lutong, shet HAHAHA.
"MASASAKTAN LANG KAYO, MGA ULOL!" Sigaw ni Natalie. Natawa na lang kami. Walanghiya rin 'tong babaeng 'to.
Mas lalo kaming tumawa nang hampasin ni Jenny si Natalie sa ulo gamit 'yung pamaypay niya. Ayan, ginigigil niyo talaga si Jenny, e. Pfft.
Itong mga lalaking 'to, feel na feel ang pagiging sikat. Ang sarap balatan nang buhay tapos buhusan ng kumukulong tubig. Argh, nanggigigil din ako!
Hindi ko na sila pinansin at pinanood ko na lang si Haeyeong sa nilalaro niya, katabi ko kasi siya.
"Pa-try ako mamaya." Sabi ko sa kanya.
"Sige, wait lang."
Maya-maya ay bumalik na sina Hyeseul at Shaine na may dala-dalang maraming food. This is heaven! Oh my gosh!
Kinuha na namin 'yung ni-request naming pagkain saka nagsimula nang kumain.
"Hey!"
Sa peripheral view ko, may nakita akong lumapit sa 'min. Lumingon kami do'n sa lumapit. Ang SEVENTEEN.
"Yes, what can we help you?" Sabi ni Maru kaya natawa kami. Parang sa call center HAHAHA.
"THIRTEEN!" Sabi ng isa sa kanila. THIRTEEN?
"We're not 13, we're 9." Pagsingit naman ni Mira habang ngumangata ng mani. Tama nga naman!
"Oh talaga? Okay. I guess, hindi sila 'yun." Sabi ulit ng isa sa kanila. Hindi ko sila maintindihan. WHAT?
"Ano ba kasing kailangan niyo?" Masungit na tanong ko.
"Nothing." Tapos umalis na lang sila bigla.
Hala! Anong mayro'n? Nasa parallel universe ba kami at bumaligtad ang lahat? Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Anong koneksyon nila sa 'min? Argh! Sumasakit ang ulo ko.
"Sino ba sila?" Tanong ni Shaine. Nagkibit-balikat lang kami.
Napatingin ako sa bracelet na suot ko. Tinanggal ko ito at tinitigan nang mabuti. Teka, bakit may LJH na nakasulat dito? Sino si LJH? Ang akala ko binili ko lang 'to sa isang souvenir shop. WHAT?
Tumingin ako sa mga wrists ng mga kaibigan ko. May mga bracelets din silang suot, may mga initials din na nakasulat. Wala talaga akong maintindihan! What in the world is happening?
Tumingin ako sa paligid. Kami na lang ang students na nandito. Grabe, ang kalat ng buong canteen, tsk.
Napag-isipan naming lumabas na ng canteen since wala na kaming ibang ginagawa.
Sabay-sabay kaming naglalakad, ang ingay pa ni Natalie dahil hugot siya nang hugot with matching hampas mula kay Shaine at Jenny. Pfft.
Napatigil kami sa gitna ng quadrangle. Hindi ko alam kung bakit tumigil. Nasa harapan namin ngayon ang SEVENTEEN.
"Thank you for all the memories! We're very sorry." Sabi nila na pinagtaka naming siyam. Bakit sila nagpapasalamat at nagso-sorry sa 'min? Huh?
May nilapag silang mga bracelets sa sahig. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Na-glue yata ang mga paa ko sa lupa at hindi ako makaalis, gano'n din ang mga kaibigan ko. Parang na-stuck ang mga paa namin sa lupa.
Pagkatapos no'n ay umalis na sila bigla. Nagkatitigan kaming siyam bago binalik ang tingin sa mga bracelets. Isang bracelet ang nakakuha ng atensyon ko. Kinuha ko ito at tinitigan nang mabuti. Nakasulat ang pangalan ko dito sa bracelet na 'to. Teka, bakit? Aish, lalo tuloy sumasakit ang ulo ko.
Wait, sino ba si LJH? Jihoon? Lee Jihoon? LJH stands for Lee Jihoon? Holy shit!
-
A/N
Requested by a friend.
thank you for all the memories!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top