073: SEVENTEEN

Lee Seokmin's Point of View
Umagang-umaga pero inaantok ako. Nakakaboring talaga magturo si Ma'am. Nakakatuwa 'yung subject niya kaso sadyang nakakaantok 'yung pagtuturo niya. Hays.

"Hindi ka ba inaantok, Gyu?" Tanong ko sa katabi kong kapreㅡI mean, si Mingyu.

"Inaantok nga ako, e." Tapos bigla siyang bumuntong-hininga.

Ilalabas ko sana ang phone ko mula sa bulsa pero binalik ko ulit, dahil trauma na si ako. Kapag nakuha 'to ulit, baka hindi na maibalik sa 'kin.

Naglabas ako ng notebook at ballpen, kinopya ko na lang 'yung mga notes na nasa blackboard. Mas mabuti na mag-note taking na lang ako para hindi ako antukin.

"Okay, let's have a quiz." HALA! ANO?

"Hala naman, Ma'am?"

Ano 'to, surprise quiz? Hindi ako nakinig. Pakdisshet! Wala akong alam, wala akong maisasagot. BAHALA NA SI BATMAN.

"Oh bakit? Ka-didiscuss ko lang, nakalimutan niyo na agad? Dali na, up to 10 lang 'to."

Kami pa niloko mo, Ma'am. Baka mamaya, 'yung up to 10 ay naging 20. Tss.

"Bukas na lang, Ma'am, magrereview muna kami." Sabi no'ng isa kong classmate na walang hiya sa mga teachers.

"Oh sige na nga, bukas na ang quiz. Mag-review kayo, ha." Sabi ni Ma'am at kasunod no'n ang pagbell. Aye, sakto!

"See you tomorrow, class."

"See you tommorow, Ma'am."

Wala akong naintindihan sa ni-lesson ni Ma'am, at hindi nga ako nakinig. Mangongopya na lang ako ng notes kay Minghao, malamang may notes 'yun, masipag 'yun mag-notes, e. Masipag siyang mag-note taking pero hindi niya naman ni-rereview, kaya wala rin. Pfft.

"Isang oras na lang, break time na." Sabi ni Mingyu.

Makapag-chat nga muna sa group chat, wala pa naman si Sir, e.

SEBONGTEEN
Active Now

Dokyeom: Oy guys

Dokyeom: Hello!

Kwannie: Haaaiiii

Kwannie: Seungkwan Seungkwan

Kwannie: Lah? Hahaha

Kwannie: Wala pa kayong teacher?

Dokyeom: Yup

Jeonghannie: Sige lang Dokyeom, cellphone pa tsk tsk

Dokyeom: Oo na, wala pa naman si Sir eh

Jeonghannie: Kapag dumating, itago mo na yang phone mo ha

Cheol: Sumunod ka sa Nanay niyo

Dokyeom: Opo Nanay, Opo Tatay HAHAHAHA

Woozi: Dafaq?

Woozi: Ay may teacher na pala kami, BYe

Naegahosh: Me is back!

Cheol: Hindi ka likod

Naegahosh: Gageu ka hyung hahahaha tao kasi ako

Kwannie: OMG tao ka? Hala, akala ko bacteria

Naegahosh: Good bacteria hehehe

Dokyeom: F U

Kwannie: C K

Jisoo: HOY! Watch your words, kids.

Vernon: Nako

Dokyeom: Ay dumating na si Sir, bye Bye muna

Vernon: Babye

Ini-off ko na ang phone ko saka umayos ng upo kahit hindi naman ako maayos umupo.

Naramdaman kong nag-vibrate 'yung phone ko. Hala! Oy, nag-chat si Eyrie. Himala?

Eyrie
Active Now

Eyrie: Hoy

Eyrie: Seokmin!

Seokmin: Haaaiiii

Seokmin: May klase kami Eyrie, mamaya na lang hehehe

Eyrie: Ay sorry

Eyrie: Oh sige babye

Seokmin: See you~

Ini-off ko na ulit 'yung phone ko saka nakinig na kay Sir. Baka mamaya kapag naconfiscate pa 'to, baka hindi na makabalik sa 'kin.

Yoon Jeonghan's Point of View
Ilang minuto na lang, magbebell na. Bakit ang bagal ng oras? Shet naman, nagugutom na 'ko.

"Mr. Choi Seungcheol."

Napatingin ako kay Cheol no'ng tinawag siya ni Ma'am. Kaya pala, gumagamit ng cellphone, akala niya hindi siya mahahalata.

"Stop playing with your phone, or else, I will confiscate that."

Tsk tsk, isa pa 'tong magagaya kay Seokmin na nakompiska ang phone. Nako talaga!

Anyway, BAKIT BA ANG BAGAL NG ORAS? Hays.

"Okayㅡ" tapos biglang nag-bell. YEY! "Sige, class dismissed!"

Saved by the bell. ORAYT! Makakakain na ako dahil gutom na gutom na 'ko.

"See you tomorrow, Miss. Good bye!"

Agad kaming lumabas ng classroom.

"Wait. I'll just go to the bookstore because I have something to buy."

Jusko, nanosebleed ako dahil kay Joshua.

"Sige, mauna na ba kami?"

"Yes."

"Okay, if you say so." Oh ayan, napa-english na rin ako. Lintik na buhay 'to, jusmiyo.

Joshua Hong's Point of View
As I went to the bookstore, I saw Hyeseul lining up, with her phone on her hands.

Should I call her?

I walked towards her, "Hyeseul-ah!"

"AY MANOKㅡjusmiyo, bakit ka naman nanggugulat, Jisoo?"

"Sorry, I didn't mean to."

She sighed and slid her phone inside her pocket, "May bibilhin ka rin ba? Pasabay ka na sa 'kin para isahan na lang." She smiled a bit.

(Pohta! Tagalog na nga lang, nosebleed na si acoue jusq)

Kinunot ko ang noo ko. Bakit ba siya ganito? Argh, my heart, please calm down!

"Okay." Iniabot ko sa kanya 'yung 50 pesos, "One ballpen, one long plastic envelope, and 10 pesos short bond papers. Thank you, Hyeseul-ah."

"Okay. Pupunta ka ba sa canteen? Mauna ka na, Jisoo." Sabi niya.

"Yes, but I will just wait for you, para sabay na tayo." Oh shit, what am I even saying?

I saw her blushed. Cute. "Oh? Okay."

Hinintay ko siya hanggang sa matapos na ang pagbili niya.

"Let's go."

"Okay."

A moment of silence para sa pagka-awkward ng atmosphere namin.

What to do?

Nakarating kami sa canteen nang hindi nag-uusap, atsaka hindi ko rin alam kung paano magsisimula ng conversation.

"Ang tagal niyo naman, nag-date kayo 'no?" Sinamaan ko ng tingin si Soonyoung.

"Hindi, ah. Ang haba kaya ng pila sa bookstore." Sagot ni Hyeseul saka umupo sa tabi ni Shaine.

"Walang forever, 'wag munang mag-lovelife." Biglang sumingit si Eyrie habang kumakain siya ng jjamppong.

"Hyeseul!"

"Arue na lang, Jisoo."

"Okay, Arue."

"Wala nga kasing forever!" Nagulat ako kay Haein nang maglapag siya ng cracklings sa lamesa.

"Kumain na lang kayo, gutom lang 'yan."

Panira naman ng moment 'tong babaeng 'to. Hays.
-

A/N

I hate engrisheu OMG!
Bahala na ulit kayo sa typo XD

P.S. Patapos na 'to, MYGASH!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top