065 : THIRTEEN & SEVENTEEN
A/N: WARNING! Beware of typos. Thank you! xD
-
Jenny Shin's Point of View
Nagtaka ako no'ng tumigil kami ni Junhui sa tapat ng Extreme Tower. Napatingin siya sa 'kin tapos ngumisi.
"Anong iniisipㅡ NO WAY, JUNHUI!"
"Let's go, Jenny."
"Ayoko. Paano kung mahulog ako?" Malakas na sabi ko sa kanya, wala akong pakielam sa mga napatingin sa'min.
"Kaya nga may seatbelt para hindi mahulog. Kaya halika na, please?" Pagpupumilit niya tapos may binulong pa siya pero hindi ko narinig. Bakit ba ang kulit ng lalaking 'to?
"Ayoko! Ayoko! Ayoko! Kung gusto mo, ikaw na lang mag-isa."
Maglalakad na sana ako pero hinila niya 'ko. Aish!
"Please?"
"No!"
"Paki-usap?"
"Hindi!"
Bakit ba ang kulit-kulit nitong lalaking 'to? Gigil na si ako, ha.
"Naman e~ ngayon na lang ako mag-rerequest sa'yo. Sige na, please?"
"Ayoko nga, Junhui. Bakit ba ang kulit mo? Kahit kailan, hinding-hindi ako sasakay d'yan."
Nag-pout naman siya. Mukhang pato angㅡ ew.
"Sige na nga, kung ayaw mo, edi 'wag. Halika na! Saan mo gustong kumain?" Salamat naman, tumigil na siya sa pangungulit sa 'kin.
"Kahit saan d'yan, hindi naman ako choosy."
"Sige, maghanap na tayo ng makakainan."
Naglakad kami para maghanap ng makakainan. Tapos nakita namin sina Soonyoung at Haein na nakaupo sa isang bench habang kumakain ng burger at nagtatawanan pa.
"Tawagin ba natin?" Bulong ni Junhui sa 'kin.
"Huwag na, baka maistorbo pa ang moment nila." Sagot ko at tumawa kami nang mahina, sobrang mahina na halos hindi marinig. Dire-diretso na kaming naglakad para maghanap nga ng makakainan.
Gutom na gutom na ako!
Tumigil kami sa isang stand ng mga pagkain. Ayon, may kanin, tapos may iba't-ibang ulam. Kaso kulang yata 'tong pera ko kaya magpapalibre na lang siguro ako kay Junhui. Okay lang naman siguro 'yun sa kanya, 'di ba? 'Di ba? 'DI BA?
"Tara, do'n tayo!" Tapos hinila ko siya papunta do'n.
Hindi naman masyadong mahaba ang pila kaya mabilis lang kaming naka-order. Umupo kami sa vacant seat habang hinihintay 'yung order namin.
"Jennifer!" Nagulat ako sa pagtawag niya sa tunay kong pangalan.
"B-bakit?" Hala, bakit nauutal ako?
Ngumiti siya, "Ang cute mo pala." Tapos tumawa siya.
Anong problema nito? Atsaka bakit ngayon niya lang na-realize na cute ako? Ay, joke lang! Baka bigla na lang sumulpot dito si Haein tapos sabihin niyang mas cute daw siya. Hays.
Dumating na 'yung order namin atsaka syempre, kumain na kami kasi nagugutom na talaga kami.
Habang kumakain kami, may biglang dumating na mga kumakalat na clowns. Bakit may mga clowns dito?
"Nakakatawa 'yung mga clowns." Sabi ni Junhui kaya napatingin ako sa kanya,
"Alangang nakakaiyak." Tinawanan niya lang 'yung sinabi ko. Hala!
Lee Haeyeong's Point of View
"Haein, ang cute no'ng mga clowns." Tumatawang sabi ni Hoshi habang nakatingin kung saan.
Punyemas! NASAAN? Teka, ihahanda ko lang ang sarili ko sa pagtakbo. WAIT!
"PUNYETA! PUTRAGIS! LETSE, MAY CLOWN!" Si Seyuri 'yun, 'di ba?
Punyemas! May clown nga. HALA! PLEASE SAVE MY LIFE!
"Hoshi, alis na tayo ditoㅡ AY BWISET!" May lumapit na clown sa 'min.
"Hello po~" Binati pa ni Hoshi 'yung clown. Nagtago ako sa likuran niya dahil ayokong makita 'yang clown na 'yan o kahit na ano mang clown.
"Bakit ka ba nagtatago d'yan sa likuran ko, Haein?"
"Palayasin mo 'yang clown na 'yan." Mariing bulong ko sa kanya.
Tumawa siya tapos hinila 'yung clown papunta sa 'kin. Napatakbo tuloy ako nang wala sa oras. Nakabangga ko pa si Myeori. Kaming dalawa 'yung parehas na takot sa clowns.
"Haein! Oh my gosh!" Hingal na hingal niyang sabi.
"May clown pa. HALA!" Tinuro ko 'yung isang clown na nakakalat tapos tumakbo ulit kami palayo do'n sa lugar na 'yun.
Ilan ba 'yang mga clowns na 'yan na nakakalat dito? Letse!
Si Hoshi kasi, do'n pa niya ako hinila. Hindi ko naman alam na may mga clowns pala do'n. ABA, MALAY KO BA!
"Tara, bili muna tayo ng tubig." Sabi ko sa kanya,
"Ay, sige."
Lee Jihoon's Point of View
"Hoy, Jihoonie!"
Bakit ba Jihoonie ang tawag nila sa 'kin? Pwede namang Woozi na lang or simply Jihoon. Hays.
"Nasa'n si Haein?" Aba, bakit ba ako ang tinatanong nitong lalaking 'to?
"Ewan ko, nawala nga rin si Seyuri, e."
Mga takot pala sa clown 'yung mga 'yun. Pasensya na, hindi naman namin alam, e.
"Tara, hanapin na lang natin."
Naglakad kami ni Soonyoung kung saan-saan hanggang sa nakita namin silang nakaupo sa bench habang umiinom ng tubig.
"Seyuri!"
Lumapit kami sa kanila,
"Haeyeongie~ bakit mo naman ako iniwan?" Naka-pout na sabi ni Soonyoung. Ew~
"'Wag mo ngang artehan 'yung pagtawag sa pangalan ko, mukha kang siraulo." Tapos hinampas ni Haein si Soonyoung sa braso.
"Ouch~"
Pinigilan kong tumawa. Ang cute nilang magsama, sobra.
Umupo ako sa tabi ni Seyuri. Napatingin naman siya sa 'kin, "Jihoonie~"
"Bakit mo 'ko iniwan do'n?" Sounds gay, but I don't care anymore.
"Sorry na, Jihoonie~ takot kasi ako sa clown."
Nginitian ko na lang siya nang konti. Biglang kumalma 'yung itsura niya. Kanina kasi ay halos hindi siya mapakali, lalo na no'ng napadaan kami do'n sa lugar na maraming clowns.
"Pasensya na rin, hindi ko naman alam na takot ka pala sa clowns."
Ngumiti naman siya nang konti, "Ayos lang 'yun. Inom ka muna, Jihoonie." Tapos inabutan niya 'ko ng isang bote ng tubig na puno pa ang laman.
"Salamat." Tinanggap ko na lang kasi kanina pa 'ko uhaw na uhaw. Nakakapagod kayang maglakad, sa totoo lang.
"Punyeta, Kwon Soonyoung! Lumayas ka na nga sa harapan ko."
Nagulat kami nang makita naming nakaupo na sa lupa si Soonyoung habang tumatawa, tapos si Haein naman ay masama ang tingin sa kanya.
Hays! Katagalan ay baka sila rin ang magkatuluyan. Pfft, hindi ko ma-imagine.
"Alam mo, Jihoonie, nakakatakot talaga ang mga clowns." Ano ba 'yan, biglang nagsasalita si Seyuri, hindi man lang mangalabit.
"Bakit? Hindi naman sila nakakatakot, ha." Well, para sa isang taong hindi takot sa clowns, nakakatawa sila. Pero minsan, ang corny din no'ng ibang clowns kung magpatawa.
"Nakakatakot kaya! Imagine mo, sobrang laki no'ng ngiti. Hindi ka ba natatakot do'n? Ang creepy kaya, Jihoonie~" Tapos nag-pout siya. Argh!
"Alam mo, kahit ang creepy mo ngumiti, ang cute mo pa rin para sa 'kin." Wait! Ano bang pinagsasabi ko? Aish!
Napansin kong namumula siya. Nasobrahan yata siya sa blush-on.
"A, e.."
"I, o, u?"
Tapos bigla na lang siyang tumawa pero nakikita ko pa rin 'yung pamumula ng mukha niya. Ang weird niya talaga!
"Hoy, tama na ang landian. Hindi ba kayo nagugutom? Tara, kain tayo. Gusto ko ng kanin." Ano ba 'yan, panira talaga 'tong si Soonyoung. Ang sarap hampasin ng gitara, kung may dala lang ako ngayon.
"Tara! Nagugutom na rin ako. Libre niyo, ha." Sabi ni Seyuri tapos hinila si Haein. Bakit si Haein? Bakit hindi ako? BAKIT?
Okay, stop, Lee Jihoon! Wala kang pag-asa sa kanya kahit kailan. Kaya 'wag ka nang umasa pa.
Kang Almira's Point of View
"Gusto mo ba sa Mirror House?" Tanong ni Wonwoo sa 'kin. Eto kami, naglalakad lang at naghahanap ng pwedeng sakyan na rides.
Sina Maru at Jeonghan, humiwalay na sa'min kasi maghahanap pa raw sila ng rides na pwedeng sakyan.
"Pwede rin. Ano, tara?"
"Tara!"
Kaso hindi ko alam kung nasaan ang Mirror House. Hindi ko naman kabisado 'tong Enchanted Kingdom, e.
"Saan nga pala 'yun?"
"Basta, sundan mo na lang ako." Sagot niya at tumawa na lang ako nang konti.
Nang makarating na kami sa Mirror House, kaagad kaming pumila. Medyo mahaba ang pila pero gora lang, basta makapasok kami sa loob. Actually, it's my first time na papasok sa Mirror House, so goodluck na lang!
Isa-isa kaming binigyan ng gloves bago pumasok. Kailangan daw kasi 'yun para walang maiwan na kahit anong fingerprints sa mga salamin sa loob.
"Pwede na po kayo pumasok." Sabi no'ng isang staff kaya pumasok kami agad.
Hala, bakit kinakabahan ako? Usually, hindi naman ako kinakabahan sa mga ganito, e.
"Hoy, Wonwoo, 'wag mo 'kong iiwan, ha. Kapag ako ay naligaw dito, ihahampas ko sa'yo 'tong mga salamin na 'to." Sabi ko sa kanya pagkapasok namin.
"Basta kumapit ka lang, hindi ka mawawala." Tapos may binulong siya pero hindi ko naman narinig. Ano kaya 'yun?
Nagsimula na kaming maglakad. Una pa lang, nauntog na si Wonwoo na isang salamin. Katangahan!
"Ayos ka lang?" Medyo pigil na pigil 'yung mga tawa ko.
"Basta ayos ka, ayos lang din ako."
Hindi ko alam kung kikiligin ba 'ko o whatever. Parang ang creepy pakinggan.
Naglakad na ulit kami. Kumapit ako sa braso niya kasi baka mamaya, maligaw ako. Hindi ko pa naman alam kung nasaan ang exit.
"AH BWISET." Sabi niya kasi muntik na siyang mauntog. Pfft, pangalawa na.
Napatigil kami no'ng biglang may nagpatugtog ng BOYFRIEND by Justin Bieber. Hala! Sino 'yun?
Luminga-linga kami tapos nagkibit-balikat na lang kasi hindi naman mahanap kung saan galing 'yun.
May babaeng staff na lumapit sa amin at tinulungan na kaming lumabas mula rito sa Mirror House. Hays, medyo hindi ko na-enjoy kasi nakatingin lang ako sa sapatos ko, wala nga akong pakielam kung muntik na ba 'kong mauntog or whatever.
Pagkalabas namin, nakasalubong namin sina Arue at Joshua. I swear, ang cute nila together!
"Arue-ya!" Tawag ko sa kanya, nakatingin lang kasi siya kay Joshua. Tsk, tsk.
Napalingon naman siya sa 'kin saka ngumiti habang kumakaway.
"Mira-ssi~" Lumapit naman sila sa 'kin, may hawak pang maliit na Stitch stuffed toy si Arue.
"Galing kayo sa Mirror House?" Tanong niya at tumango na lang ako.
Tumingin siya kay Joshua, "Tara, Joshua, pasok din tayo sa Mirror House. Dali na, please?" Nakangiti sabi nito tapos si Joshua ay naka-serious face lang. Ang sungit naman!
"Ayoko." Sagot ni Joshua tapos nag-pout si Arue. Mukha talagang pato 'tong babaeng 'to kapag nagpa-pout. Ew!
"Oh sige, mauna na kami. See you later, guys."
"See you later, Mira and Wonwoo!"
Bakit ang hyper niya? WADAPAK lang! Anong nasinghot no'ng babaeng 'yun? Dejk.
Naglakad na ulit kami. Grabe, napapagod na 'ko sa kakalakad.
"Pwede bang magpahinga muna? Ang sakit na ng paa ko."
Kahit naka-rubber shoes na ako, pero sumasakit pa rin ang paa ko.
"Sakay ka sa likod ko." Sabi niya, napakunot naman ang noo ko.
"You mean, like piggyback ride?"
"Yup. Ayaw mo?"
"Ayoko."
Bumuntong-hininga siya, "Sige, maupo na lang tayo sa bench."
Hindi ko alam pero natatawa ako.
Umupo kami sa pinakamalapit na bench. Bumuntong-hininga ako kasi pagod na pagod na ako. Hindi sa buhay, ha, kundi sa paglalakad.
May clown na napadaan sa harap namin. May hawak siyang mga lobo. Siguro kung makita nina Haein at Myeori 'tong clown, malamang tatakbo 'yun sa takot.
"Kuyang clown!" Natawa ako nang tinatawag ni Wonwoo 'yung clown. Lumapit naman kaagad sa 'min 'yung clown.
"Binebenta mo po ba 'yang mga lobo, Kuya?" Tanong ni Wonwoo. Langya!
Umiling siya, "Hindi, pero libre kong binibigay."
"Pahingi po kami ng dalawa, okay lang po?"
"Sure."
Ang bait naman ni Kuyang clown. Pfft.
"Heto, oh." Binigyan kami no'ng clown ng tig-isang balloon.
"Salamat po."
"You're welcome." Tapos umalis na kaagad 'yung clown.
"Nakakatawa ka, Wonwoo. Bigla-bigla mong tinatawag 'yung clown."
"Nakakatuwa kasi 'yung mga balloons, kaya humingi ako." Sagot niya tapos tumawa siya nang konti, natawa na rin ako dahil sa kanya.
"Okay ka na?"
"Okay na. Pero stay lang muna tayo rito, konti pang pahinga."
"Oh sige." Yey!
Ahn Hyeseul's Point of View
"Nauuhaw ako." Sabi ko bigla bago tumigil sa paglalakad.
"Teka, bibili ako ng tubig." Tapos umalis siya kaagad. Hala!
Napatingin ako sa katabi kong palaruan. 'Yung mga maliliit na lobo na may tubig sa loob tapos kailangang paputukin gamit 'yung arrow na may pin. Balloon Dart Game, to be exact.
Nakaagaw ng atensyon ko 'yung malaking stitch stuffed toy. Hala! Gusto kong makuha 'yun.
"Hey, Hyeseul! Tubig, oh." Napalingon ako sa tabi ko. Inabutan ako ni Joshua ng isang bote ng tubig.
"Joshua, magaling ka ba sa Balloon Dart Game?" Gusto ko talagang makuha 'yung malaking stuffed toy na Stitch HUHUHU.
"Not really. Why?"
Tapos tinuro ko 'yung malaking Stitch stuffed toy na nakita ko.
"Okay, I'll try."
Ayieee, ang bait naman niya. Kikiligin na ba 'ko? Joke lang!
"Kuya, magkano po ang isang laro?" Tanong ni Joshua do'n sa lalaking nasa loob nitong stand.
"50 pesos."
What? 50 pesos ang isang laro? Tapos kapag walang napatamaan, edi sayang lang. Tsk, tsk.
Nag-abot si Joshua ng 50 pesos do'n sa lalaki. Inabutan naman siya no'ng lalaki ng limang panira para mapaputok 'yung mga balloons.
"Kapag tatlo ang napaputok, may prize na isang maliit na stuffed toy, kahit na alin dito. Kapag lima naman, malaking stuffed toy ang prize." Pag-explain no'ng lalaki, tumango na lang si Joshua.
"Sige Joshua, kahit tatlo na lang."
"Okay."
May nakita rin kasi akong maliit na Stitch stuffed toy, ang cute! Pero mas gusto ko pa rin 'yung malaki.
Ayon, nakapagpaputok siya ng tatlong loob, kaya may prize na maliit na stuffed toy.
"Mamili ka na ng prize. Sorry, hindi ko nagawang lima."
"Okay lang. 'Yung si Stitch po."
Kinuha naman 'yun agad no'ng lalaki saka binigay sa 'kin, "Salamat sa paglalaro. Godbless!"
"Salamat din po."
Okay na 'tong maliit lang, atleast cute pa rin si Stitch, 'di ba?
"Hyeseul, nagugutom ka na ba?" Tanong sa 'kin ni Joshua. Hindi pa 'ko kumakain simula no'ng umalis kami para pumunta rito sa EK.
Tumango lang ako sa tanong ni Joshua.
Naglakad na kami para maghanap ng makakainan.
"Arue-ya!"
Napalingon ako do'n sa tumawag sa 'kin. Si Mira lang pala, nasa tapat sila ng Exit ng Mirror House.
Kumaway ako sa kanya habang nakangiti. "Mira-ssi~"
"Galing kayo sa Mirror House?" Tanong ko, tumango lang siya.
"Tara, Joshua, pasok din tayo sa Mirror House. Dali na, please?" Sabi ko sa kanya pero ang seryoso lang ng mukha niya. Ang sungit naman!
"Ayoko." Sagot ni Joshua kaya napa-pout ako. Oo na, mukha akong pato, no need to inform me.
"Oh sige, mauna na kami. See you later, guys." Sabi ni Mira saka kumaway sa 'kin
"See you later, Mira and Wonwoo!" Tapos umalis na sila ni Wonwoo. Bakit ang cute nila? Ang cute din no'ng height differences nila, huehue.
Naglakad na kami ni Joshua. May nakita kaming popcorn stand.
"Joshua, popcorn na lang ang kainin natin." Sabi ko habang nakangiti. Sana naman ay pagbigyan niya na ako HUHUHU.
"Sige, gusto ko rin ng popcorn, e." YEY!
Lumapit kami ro'n tapos bumili si Joshua ng isang malaking tumbler ng cheese popcorn. Although mas gusto ko 'yung Caramel, pero gora lang tayo sa cheese kasi gusto ko rin naman 'tong flavor na 'to.
"Hati na lang tayo, ha? Ang mahal kasi, e."
"Okay lang."
Tapos umupo kami sa pinakamalapit na bench. MARAMING BENCH SA EK, 'WAG KAYO! xD
"Hyeseul."
"Hmm?"
"Mas maganda ka siguro kung wala kang pimples." Ano ba 'yan! Akala ko naman kung anong sasabihin. 'Yun palaㅡ ay, bwiset!
"Grabe ka naman po sa 'kin."
Tumawa siya nang konti, "Joke lang naman po 'yun."
HIMALA! Ngayon ko lang siyang narinig tumawa. Ang cute niya pala~
Shaine Lim's Point of View
"Shaine, do you wannaㅡ"
"Cry? No, I don't wanna cry." Tapos bigla akong tumawa.
"What? No. That's not what I'm going to ask."
"Then what are you going to ask?" Baka mamaya, biglang maging wrong grammar 'yung englisheu ko. Hays, nahahawa na 'ko do'n sa English teacher namin.
English teacher pero mali-mali naman ang mga grammar. Naging English teacher pa. Nako, gigil talaga si ako!
"Do you wanㅡ"
"Paki-tagalog na lang kasi nasa Pilipinas tayo." Kahit marunong akong mag-english, nano-nosebleed pa rin ako kapag 'yung kausap ko ay english nang english.
(a/n: nosebleed na rin si acoue, kaya stob it engrisheu xD)
"Okay. Gusto mo bang sumakay sa..roller coaster?"
Roller coaster ba kamo? Gora!
"Sure."
Tapos na-shookt ako kasi ngayon ko lang na-realize na nasa tapat lang pala kami ng roller coaster.
"Ano ba 'yan! Ang haba ng pila, kailan ba matatapos 'yan?" May narinig kaming reklamo mula sa grupo ng mga babae na malapit lang sa 'min.
"Mukhang mahaba raw ang pila. Saan mo ba gustong pumunta?"
Hmm..
"Alam mo, mag-picture na lang tayo." Sabi ko sa kanya tapos inilabas ko 'yung cellphone ko mula sa sling bag ko.
"Sige."
Then inihanda ko 'yung camera, "Okay. 1, 2, 3.." Click!
"Hala, ang cute nila, 'no?"
Bigla akong napalingon do'n sa mga babae. Shocks, nakakahiya!
"Tss, just ignore them. Halika, bili muna tayo ng pagkain."
"Okay." Sakto! Nagugutom na 'ko, e.
Bumili kami ng dalawang malaking Pic-A, dalawang bote ng tubig at isang bote ng C2 na apple flavored.
Umupo kami sa pinakamalapit na bench saka kumain.
May mga bata na dumaan sa harapan namin, kasunod 'yung magulang nila. Ang cute~
Ano kayang feeling na may kapatid? Siguro, masaya. Wala kasi akong kapatid, e. Si Vernon kaya, meron ba?
"Vernon, may kapatid ka ba?" Tanong ko sa kanya, napatigil naman siya sa pag-inom ng tubig.
"Yup. Her name is Sophia."
"Ah."
Buti pa siya, may kapatid. Haaays.
"Bakit? Ikaw?"
"Wala akong kapatid, tapos feeling ko wala rin akong mga magulang." Sige lang, nag-drama na 'ko.
"Ayos lang na walang kapatid, pero pwede ba 'yung wala kang mga magulang?"
"Ewan ko. Siguro hininga lang ako ng nanay ko." Pagbibiro ko pero halong lungkot sa boses ko.
"Hala, grabe naman!" Tapos bigla siyang tumawa. Ang cute niya pa lang tumawa, 'no? Bakit ngayon ko lang napansin? Tsk.
"Okay, enough dramas. Ayoko nang malungkot." Sabi ko saka tumawa.
"Sino ba kasing nagsabing mag-drama ka d'yan?" Tapos tumawa ulit siya. I swear, ang cute talaga ng tawa niya.
"Hindi ko rin alam. Kumain na nga lang tayo." Tumawa ako tapos tumawa rin siya.
Boo Seungkwan's Point of View
Hello! I'm Boo Seungkwan, at maganda akoㅡ este gwapo pala. 'Yun lang, maraming salamat!
"Seungkwan! Seungkwan!" Tatawagin na nga lang ako, kailangang dalawang beses pa? Alam kong maganda ang pangalan ko pero hindi kailangang ulit-ulitin. Nakaka-stress sa bangs kahit wala naman ako no'n.
"Oh ano 'yun, hampas-lupa?"
"Aba! Ang tigas naman ng bungo mo. Sa ganda kong 'to, hampas-lupa ako? Bugbugan na lang d'yan sa may kanto. Ano, palag?"
Ang daming satsat, tsk.
"Oh, tama na, nagsayang ka lang ng laway. Ano ba kasing kailangan mo at tinawag mo ang maganda kong pangalan?" Pinaypayan ko pa ang sarili ko gamit ang kamay ko. Because I'm so fab, don't you know it? Now you know!
"Ang kapal talaga ng mukha! Anyway, gusto ko 'yung Hello Kitty na keychain na 'yun. Dali na, please?" Nag-beautiful eyes pa. Tsk, pabebe talaga!
"Aba, bumili ka. Are you rich? Are you poor?"
"I'm poor, kaya bilhan mo 'ko. Bilis na!"
Aba! Demanding pa ang gaga, pinagmamadali ako? Aba, aba!
"Ikaw ang bumili, ito ang pera." Binigyan ko siya ng 50 pesos. Poor daw kasi siya. Sorry because I am rich(er) more than you.
"Yey! Thank you, Seungkwan! Seungkwan!"
"You're welcome, Natalia! Natalia!"
Nandito kasi kami malapit sa isang Souvenir Shop. Naghintay na lang ako sa kanya sa may gilid.
Mamaya-maya ay lumapit siya sa 'kin habang may dala-dalang Hello Kitty keychain.
"Sukli ko?"
"Oh." Inabutan niya 'ko ng 15 pesos. Kumunot ang noo ko.
"50 minus 15 is..35? 35 pesos 'yung keychain?" Tumango na lang siya.
Ang liit lang no'ng keychain tapos 35 pesos? Grabehan na 'to, ha!
"Natalia! Natalia! Saan mo gustong mag-rides?"
"Seungkwan! Seungkwan! Gusto ko sa ferris wheel." Ang ganda talaga ng pangalan ko. Oh my gosh!
"Tara!"
Naglakad na kami papunta sa Ferris Wheel. Ang katangahan namin, muntik pa kaming maligaw kung hindi lang kami nagtanong kung saan ang ferris wheel. Hindi ko naman kabisado 'tong Enchanted Kingdom, 'no.
Pumila na kami agad. Buti na lang, maikli lang ang pila.
"Gusto ko do'n sa pinakamataas para kita ko ang langit." Demanding ang gaga.
"Next batch po."
Isa-isa kaming pinapasok sa loob ng fenceㅡewan, basta sa loob ng ferris wheel.
Pumasok na kami ni Natalie sa loob ng wagon. Nag-seatbelt ako pero si Natalie, hindi man lang sinuot 'yung seatbelt. Aba, thuglife!
"Bahala kang mahulog." Sa 'kin. Joke! Ang landi mo, Boo Seungkwan!
Nagulat ako nang biglang gumalaw 'yung wagon. Shocks! Umaandar na pala 'tong ferris wheel.
"Awieee~ paakyat tayo nang paakyat! Yey!" Patalon-talon pa siya sa upuan niya. Aish!
"Umupo ka nga nang maayos, Soyeon." Seryoso kong sabi sa kanya. Bigla siyang napatigil at napatingin sa 'kin.
"Ah, o-okay."
Napatigil kami sa pinakatuktokㅡ I mean, itong wagon namin ay nakarating na sa tuktok.
"Yey! Nakikita ko na ang langit."
"Bakit? Patay ka na ba?"
"Puso ko, patay na."
Sumeryoso na lang ako ng mukha. Kailangan ba talagang humugot, ha?
"Ang ganda ng kalangitan, 'no?"
"Oo, maganda nga." Pero mas maganda kaㅡ joke! Ako pala xD
"Seungkwan! Seungkwan!"
"Natalia! Natalia!"
Tapos sabay kaming tumawa. Masarap din pa lang kasama 'tong Natalie. Minsan lang talaga, nakakainis 'yung pagiging mahangin niya atsaka 'yung bigla-bigla na lang siyang huhugot. Hays.
Nagulat kami bigla na namang umandar 'tong ferris wheel. Mas ikinagulat ko 'yung bigla na lang napayakap sa 'kin si Natalie.
Wait!
What?
Seriously?
Kimbap kidding?
Jusko! Puso mo, Seungkwan! Kumalma ka lang, please. Please! PLEASE?
"Ay, sorry." Tapos kumalas siya. Napansin ko namang namumula siya. Naramdaman kong umiinit ang buong mukha ko. Shocks! Namumula rin yata ako.
Okay, AWKWARD~
Tumigil ulit 'tong ferris wheel. Nandito na pala kami sa pinakababa. Binuksan na no'ng isang staff 'yung pinto at tinanggal ko naman ang seatbelt ko.
"Baba na po."
Kaya bumaba na kami agad. Hindi ko alam kung na-enjoy ko ba o what. Aish, bahala na!
"Nagtext si Shaine, nando'n na raw sila sa Van." Sabi ni Natalie. Oh, okay.
"Sige, tara na." Atsaka maggagabi na rin. Hays, bahala nang bungangaan ni Mama. Jusme! Wala na akong pakielam.
--x
Pagkarating namin sa Van, kami na lang daw pala ang hinihintay. Ahue, sorry naman, masyado kasing nag-enjoy si Natalie do'n sa ferris wheel.
"Hoy! Sumakay na nga kayong dalawa. Gusto niyong maiwan?" Sabi ni Mingyu.
"Ay, ito nga oh."
-
A/N
Ayown! Ayoko na HAHAHA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top