064 : THIRTEEN & SEVENTEEN
Myoui Seyuri's Point of View
"HOY! NAND'YAN NA SILA!" Sigaw ko sa kanila, narinig ko kasi 'yung busina pero hindi na 'ko sumilip sa labas.
Si Maru, nagmadali pang kunin 'yung hotdog sa lamesa nina Haein.
"Tara na, tara na!"
Pagkasabi no'n ni Arue, biglang kumatok ang SEVENTEEN sa gate nina Haein.
"Hoy! Tara na!"
Kaya nag-kanya-kanya kaming kuha sa bag namin.
"Ma, alis na po kami."
"Sige, mag-iingat kayo. Naglagay na 'ko ng pera d'yan sa wallet mo."
"Thanks, Ma!"
Wow! Ang bait naman ng nanay ni Haein. Sana gan'yan din nanay ko HAHAHA.
(A/N: Sana ganyan din nanay ko, kaso hindi eh HAHAHA)
Pagkalabas namin, napanganga kami kasi may limousine sa tapat ng bahay nina Haein. WADAPAK! Kanino 'yan? Rich kid naman~ Siguro, kay Seungcheol o kaya kay Vernon.
"Anong tinutunganga niyo d'yan? Sumakay na kayo!" Sabi ni Seungcheol.
Shookt! Spokenless pa rin ako. Bicycle lang yata ang afford namin, e. Pero limousine? Jusko, nganga ako d'yan. Hays.
Pumasok na kami sa loob ng sasakyang 'to na napakahaba. Jusko, pang-mayaman!
Ayon, ginawa pang driver si Mingyu. Tapos may 'good morning' towel pa siyang nakapalibot sa batok niya. Lalo siyang nag-mukhang driver...ng jeepney. HAHAHAHA.
Nagulat kami nang biglang pinaandar ni Mingyu 'tong sasakyan. Bwiset! Muntik akong malaglag sa upuan. Anak ng tupa naman!
"Ayos ka lang, bes?" Natatawang tanong ni Shaine, sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Sinong may-ari nitong punyetang limousine na 'to?" Gigil si Jenny.
"Hiniram lang namin 'to sa Papa ni Vernon." Sagot ni Minghao.
"Buti pa 'yung Papa ko, mayaman 'no? Pero ako, nganga!"
Nagtawanan kami dahil sa sinabing 'yun ni Vernon. Buti pa 'yung Papa niya, 'no?
"Hoy guys, sa Enchanted Kingdom na lang tayo, ha? Libre raw ni Vernon." Sabi ni Seungkwan.
"Libre ng Papa ko."
Ang yaman talaga ng Papa ni Vernon HAHAHA.
"Sure!" Sigaw naming lahat. Enchanted Kingdom? Gora lang!
Dahil boring ang byahe at malayo pa naman, mag-soundtrip muna ako at inaantok din ako.
Pero tinamaan ng malas, wala akong dalang earphone. Hala, nakalimutan ko sa bahay. Saklap naman!
"Sinong may earphonㅡ" Mga naka-earphones silang lahat. Punyeta!
"Hati na lang tayo, bes." Alok ni Haein kaya naghati kami sa earphone niya.
Ang ganda ng kanta~
"Anong kanta 'to?" Tanong ko sa kanya tapos bigla siyang tumawa. Hala, bakit?
"Someday by BTOB."
Ah, kaya pala. BTOB again! Sige, pagbigyan ko siya, cellphone niya naman 'yan, e. Ako lang naman 'tong nakikihati xD
(A/N: Suri nuah~ xD)
"Pagbigyan mo na 'ko, please? Pagkatapos ng kanta, ililipat ko sa ibang grupo."
"Sige po."
Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya saka pumikit. INAANTOK AKO!
Lee Jihoon's Point of View
"Ano ba! 'Wag kang malikot, natutulog ako rito!" Hinampas ko nang napakalakas si Soonyoung sa braso. Bwiset kasi!
"Aray naman, Jihoonie~" Reklamo niya habang hinihimas 'yung braso niyang hinampas ko.
"Bwiset ka!"
"LQ na naman ba kayo?" Isa rin 'tong si Seokmin, e. Mahahampas ko rin 'tong lalaking 'to. Hindi ko na lang siya pinansin kasi wala namang kwenta 'yung mga pinagsasabi niya at inaantok ako. Bahala na sila sa mga buhay nila!
Punyemas! Ang haba na nga ng upuan, tapos sinisiksik pa 'ko ni Soonyoung. Isa pang punyemas ulit!
Wala akong choice kundi ang ipatong ang ulo ko (SA TAAS, 'wag kayong ano) sa balikat ni Soonyoung saka pumikit.
"LQ? As in low quality? I'm the best quality!" Sigurado akong si Seungkwan ang nagsabi no'n.
"Anong low quality? Lover's quarrel kasi ang meaning no'n. Bobo ka talaga! Mag-aral ka nga, tsk."
"Ang sakit mo namang magsalita, Seokmin." Nararamdaman kong naka-pout siya. Kadiri~
"Ewan ko sa'yo."
Kailan ba titigil sa pag-aaway 'tong dalawang 'to? Kapag ba nakapag-confess na si Seokmin kay Eyrㅡ Oops! Gonna sleep, bye!
Ahn Hyeseul's Point of View
"Malayo pa ba?" Naiinip na 'ko. Itong mga katabi ko, natutulog na. Tapos ako, hindi ako makatulog kahit na inaantok ako.
"Hindi ka ba inaantok?" Nagulat ako nang biglang nagsalita si Joshua. My hearteu~
"Inaantok, pero hindi naman ako makatulog." Nag-pout ako kahit alam kong nagmumukha akong pato, pwe.
"Edi matulog ka." Ultimate facepalm para kay Joshua -___-
Jusme, hindi nga ako makatulog, e. Ewan ko ba kung nahawa na 'to kina Seokmin, Seungkwan at Soonyoung o sadyang savage lang siya.
Kung sadyang savage siya, masakit po 'yun sa harteu HUHUHU.
"Bakit naka-pout ka d'yan? Mukha kang pato." Sabi sa 'kin si Jeonghan kaya nagulat.
Putㅡ oh, bawal ang magmura. Masama po 'yun, hindi ka makakarating sa langit.
(A/N: Nakakabwiset yung mga ganitong tao, e. Ang sarap hambalusin, tsk. Feeling banal, pwe)
"Ang sama mo naman po." Nag-pout ulit ako. Oo na, alam kong mukha akong pato.
"Paki-hampas nga 'tong babaeng 'to, please lang." Sabi ni Shaine tapos nagulat ako sa hampas ni Natalie.
Mga putㅡ walang galang! Makatulog na nga lang. Hays.
---x
(a/n: hindi ko na alam ang itsura ng EK kaya bahala na kayong mag-imagine xD)
"Hoy! Gising na! Nandito na tayo sa Enchanted Kingdom!" Naalipungatan ako dahil kay Wonwoo. Ang laki ng boses, e.
Lahat sila ay nagising na rin. Si Jihoon, hinampas pa si Soonyoung sa braso bago umupo ng maayos. Katagalan, mapagkakamalan na talagang bakla 'tong dalawang 'to.
Isa-isa kaming bumaba. Maliban kina Seokmin, Seungkwan at Soonyoung na nagtutulakan pa sa may pinto.
"Isa-isa lang kasi." Hinila ni Vernon si Seungkwan tapos tinulak niya sina Soonyoung at Seokmin palabas. Pfft.
Nang makababa na kaming lahat, ni-lock na ni Mingyu 'yung lahat nang pinto.
"Tara na, tara na!" Sigaw ni Seungcheol.
"Hey!"
"AY, MANOKㅡ 'wag ka namang manggulat, Joshua!" My hearteu~
"Pasensya na kung nagulat kita, hindi ko intensyon na gulatin ka." What?
Kung hindi siya nag-eenglish, ang lalim niyang magsalita ng tagalog. Nosebleed si ako! Pagsama ko kaya sila ni Haein? Ay, just kidding~ hindi nga pala marunong mag-english si Haein HAHAHA.
"Ayos lang. Pero please, kung magsasalita ka ng malalim na tagalog, si Haein na lang ang kausapin mo. Nakaka-nosebleed kasi, e." Sabi ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya.
"Nasa Pilipinas tayo kaya kailangang magtagalog, unless may foreigner na hindi nakaka-intindi ng wikang Filipino."
I swear, ayoko na.
Kwon Hoshi's Point of View
Bumili na kami ng ticket saka pumila para makapasok kami sa Entrance.
"Ngayon na lang ulit akong nakapunta dito sa EK." Sambit ni Haein habang manghang pinagmamasdan ang kapaligiran. Teka, ang lalim!
"Talaga? Parehas tayo." Sabi ko, napatingin naman siya sa'kin nang matagal.
"Uhm, bakit? May dumi ba sa mukha ko? May mali ba sa sinabi ko? Hala! Bakit ka gan'yan makatingin?" Natutunaw ako, e. (landi mo fo leshe)
"H-huh? W-wala." Tapos umiwas na siya ng tingin. May binulong siya pero hindi ko narinig.
Nang makapasok na kaming lahat, dumiretso muna kami sa pinakamalapit na bench. Pero dahil marami kami, 'yung mga babae na lang ang pinaupo namin.
"So ganito para hindi magulo, by pairing na lang tayo." Sabi ni Seungcheol-hyung. Anong pairing? Sinong ka-partner ko? Ah, baka si Jihoon, huehue.
"Ganito ang pairingㅡ" Tapos naglabas siya ng papel na dilaw mula sa bulsa niya. Hala, para saan 'yun?
Tapos pinakita niya sa'min kung anong nakasulat do'n sa papel.
* Jeonghan and Maru
* Joshua and Arue
* Junhui and Jenny
* Hoshi and Haein
* Wonwoo and Mira
* Woozi and Seyuri
* Seokmin and Eyrie
* Seungkwan and Natalie
* Vernon and Shaine
* Seungcheol, Dino, Mingyu and Minghao
Hala! Kasama ko si Haein? Akala ko, si Jihoonie. Pero okay lang, huehue.
Langya si Seungcheol-hyung! Pinagplanuhan na 'yung pairing. Bwiset!
"Pero bago tayo maghiwa-hiwalay, do'n muna tayo sa Horror House."
Hala, no! No way!
'Yung ibang members ng THIRTEEN at SEVENTEEN ay todo sa agree. Pero ako, si Haein, Jenny at Seungkwan, todo sa pag-iling.
"Kayo na lang. Ayoko!" Sabi ni Jenny tapoa nagcross-arms.
"Nandito naman ako, e." Medyo malandi, Wen Junhui. Yaks!
"Walang forever!" Sabi ko, tinawanan lang niya 'ko -___-
"Tara na! Majority ang um-agree." Sabi ni Wonwoo tapos hinila niya si Mingyu at nauna pa sila. Mira or Mingyu? Ewan ko kung bakla ba 'tong lalaking 'to or whatever.
Wala akong choice kundi sumunod sa kanila. Ayoko nga kasi, e. Ang kulit!
Nang makarating na kami sa tapat ng horror house, hindi ako mapakali. My hearteu~ hindi ako makakalma! Lord, please save me.
"Hala, punyeta! May zombieㅡay si Seokmin pala!" Tumawa kami dahil kay Seungkwan, maliban kay Seokmin na sobrang sama ng tingin kay Seungkwan HAHAHA.
"Hoy, pasok na sa loob." Sabi ni Seungcheol-hyung kaya kinabahan ulit ako. Okay lang sana kung Mirror House, pero Horror House is a big NO.
Si Minghao, tinulak-tulak ako papasok sa loob, habang tumatawa. Punyemas! Kapag ako hinimatay sa loob, aba'y, bahala na.
Unang hakbang ko pa lang sa loob, nagulat ako do'n sa Mummy.
"PUTRAGIS! JUNHUI, 'WAG MO 'KONG BITAWAN!" Sigaw ni Jenny. Hokage 'tong si Junhui, tsk.
Naglakad na lang ako nang naglakad. Bahala na!
"AY, ZOMBIE!"
"Huwag kang sumigaw! Ang sakit sa tainga."
Sina Seungkwan at Natalie yata 'yun. 'Yung sigaw lang ni Kwan ang nakilala ko, e.
Nasa'n ba si Jihoon? Jusko, hihimatayin na 'ko rito.
"AYㅡ BWISET!" May zombie sa tabi ko. How to calm?
"Hoy! Lintik na zombie ka, kapag hindi ka umalis sa tabi ko ay susuntukin kita." Letse, hindi nga umalis. Gusto yatang masuntok. Aba!
Akmang susuntukin ko 'yung zombie pero biglang may humila sa'kin kaya naudlot.
"HAEYEONG!"
"Huwag kang sumigaw, bwiset!"
"Ay."
Sabay kaming naglalakad. Kanina, halos takot na takot pumasok 'tong si Haein. Pero ngayon, ang kalma niyang naglalakad. Paano niya nagagawang kumalma?
"AY, BWISETㅡ ISA PA!" Lintik na whitelady! Nasobrahan yata sa espasol 'yun.
Sigaw lang kami nang sigaw dito sa loob. Ang may pinakamalakas na sigaw ay si Jenny. Rinig siguro 'yun hanggang labas ng universe. Just kidding!
Nang makalabas na kami, 'yung iba ay gusto pa raw ng isa pa. Bahala sila, basta ayoko na. Hays.
Uminom muna kaming lahat ng tubig. May dala kasi si Wonwoo na tatlong jag ng tubig. Aba, ready siya~
"Maghiwa-hiwalay na tayo. 'Yung pairings, ha." Sabi ni Seungcheol-hyung.
Ihahanda ko na ang sarili ko sa mga hampas at sigaw ni Haein, tsk.
"Ayieee~ ka-pair ko si Jihoonie~"
"Lumayas ka sa harapan ko, Seyuri."
"Oh sige, sa likod na lang hihihi."
"Punyeta!"
Kaya hindi nakaka-girlfriend 'tong si Jihoon, e. Pati kasi ang mga babae ay sinusungitan. PAANO UUNLAD ANG BANSA N'YAN? Dejk.
'Yung iba ay humiwalay na. Masyadong excited, nako!
Hinila ko na si Haein at nakapikit pa 'ko habang naglalakad kami kasi baka mamaya ay hampasin ako o sigawan. Pero naghintay ako ng ilang segundo, wala akong naramdamang hampas o sigaw mula sa kanya, kaya minulat ko ang mga mata kong maliliit.
"Hindi mo 'ko hahampasin o sisigawan?" Sabi ko sa kanya, kahit medyo awkward ang atmosphere namin.
"Hindi. Bakit ko naman gagawin 'yun?"
"Ah, wala lang." Mabuti naman kung gano'n, huehue.
"Saan mo gustong pumunta?" Sa puso ko ba? Joke! 'Wag malandi, Kwon Soonyoung, nakakabawas ng pogi points 'yan.
"Libre mo na lang ako ng ice cream."
"Sure."
Joshua Hong's Point of View
"Do'n tayo sa Extreme Tower." Napatingin ako kay Hyeseul habang naglalakad kami. Seryoso ba siya?
"Are you serious?"
"No, I'm Hyeseul." Tapos tumawa siya. Umiling na lang ako at hindi na siya pinansin. Inunahan ko na siya sa paglakad.
"Hoy, joke lang naman 'yun. So, sa extreme tower tayo?"
"No."
"Ay. Bakit? Duwag ka 'no?"
"No."
"Bakit ayaw mo sa Extreme Tower?" Naka-pout siya ngayon and I swear, mukha siyang pato.
"Kasi ayoko." Simpleng sagot ko. Ang ayaw ko ay ayaw ko!
Nag-pout siya ulit. I swear, lalayasan ko na 'tong babaeng 'to.
"Oh sige, do'n na lang tayo sa Dragon's Egg." What?
"Seryoso ka? Pambata naman 'yun." Muntik na 'kong tumawa dahil sa sinabi niya.
"Ayaw mo sa Extreme Tower, 'di ba? Kaya sa Dragon's Egg na lang. Dali, masaya do'n, promise!"
Anong masaya do'n?
"Oh sige, pero ikaw lang ang sasakay. Kukuhanan na lang kita ng video, ayos lang ba 'yun sa'yo?"
"SIGE!"
Tapos hinila na niya 'ko papunta do'n sa Dragon's Egg (?). May pagkaisip-bata pala siya. Hays.
Pagkapunta namin do'n, pumila siya kaagad. Siya lang 'yung nag-iisang teenagers. Ako 'yung nahihiya para sa kanya.
"Mga bata lang po ang pwede rito." Halos matawa ako do'n sa sinabi sa kanya no'ng babaeng staff.
"Bata pa po ako. I'm only 10 years old."
"Ang laki mo naman para maging 10 years old. Pero sige, pasok ka na."
Jusmiyo! Ayoko na. Kinahihiya ko siya, promise. Bakit hindi man lang sinukat 'yung height niya?
"Joshua Hong, video~"
Tumango na lang ako saka nilabas 'yung phone ko mula sa bulsa ko.
Habang kinukuhaan ko siya ng video, tuwang-tuwa naman angㅡ hays. Nakakahiya talaga, tsk. Siya lang 'yung nag-iisang teenagers, hindi man lang siya nahiya.
Matapos ang ilang minutong kahihiyan ay bumaba na siya, tapos pumila ulit. WTF!
"Hoy, Hyeseul, tama na 'yan. Tara na!" Hinila ko ang braso niya.
"Ay. Sige na nga." Mukha na naman siyang pato, hays.
Jeon Wonwoo's Point of View
"Gusto mo ba ng cotton candy?" May nakita kasi kaming cotton candy stand habang naglalakad kami.
"Oo naman~ basta, libre mo." Tapos tumawa siya nang konti.
"Sure."
Kaya hinila ko siya papunta do'n sa cotton candy stand. Ang lambot ng kamay niya, kung pwede lang sanang hawakan araw-araw.
"Kuya, magkano po ang isa?" Tanong ko do'n sa lalaking nagbebenta.
"Bente pesos, hijo."
What? Do'n nga malapit sa school namin dati, 10php lang. Tapos dito, 20php? Jusmiyo!
"Dalawa po."
Walang choice, e. Ayoko namang maghati kami ni Mira sa isa lang.
"Sige, hijo, kumuha ka na d'yan."
Binigay ko na kay kuyang nagbebenta 'yung bayad kong 40php. Ang galing ko sa Math, dejk.
Since blue at pink lang naman ang kulay ng cotton candy dito, kumuha ako ng tig-isa sa bawat kulay. Binigay ko kay Mira ang color pink at sa'kin naman ang color blue.
"Ang sarap ng cotton candy, 'no?" Tumango lang siya sa tanong ko. Hala, bakit ang cute niya?
"Tara, upo muna tayo do'n." Tapos tinuro niya 'yung pinakamalapit na bench.
"Sige."
Lumapit kami do'n at umupo na habang kumakain ng cotton candy. Oops, ang awkward na ng atmosphere namin! Hala, otteoke?
"Pagkatapos nito, punta tayo sa Caterpillar." Biglang sabi niya. Ah, 'yung roller coaster na maikli.
"Sige."
Lee Jihoon's Point of View
"Jihooonie~ pasok ulit tayo sa horror house." Hindi ko alam na may pagkaisip-bata pala 'to.
"Are you serious, Seyuri?"
"Yup, I'm serious, Jihoonie~ kaya tara na!" Nagulat ako, bigla niya 'kong hinila.
"Kuya, dalawa po kami." Excited na sabi niya do'n sa lalaking staff.
"Nakikita ko." Tumawa lang siya kahit alam niyang binara na siya no'ng staff.
"Oh siya, pumasok na kayo."
Hinila na naman niya 'ko. Hindi na ako magtataka kung bakit mamaya ay putol na 'tong kamay ko. Just kidding!
"AY, GAGIㅡ kuyang zombie, nanggugulat ka naman." Bakit ang tapang niya pagdating dito sa Horror House? Siguro, palaging may patay sa kanila. Ah, kaya pala siguro puro itim, puti at gray ang mga damit niya. Oh, joke lang ulit.
"Shookt ako sa'yo, ateng!" Hinampas niya pa 'yung whitelady.
Kapag may nanggugulat, syempre mabibigla naman ako. Pero itong si Seyuri, mumurahin at hahampasin 'yung mga nanggugulat. Kawawa naman sila, pfft.
Nang makalabas na kami, gusto pa raw niya ng isa pa. Hindi ba siya naaawa do'n sa mga gumaganap sa loob?
"Alam mo, kain muna tayo." Sabi ko sa kanya.
"Ano namang kakainin natin?"
Biglang sumeryoso 'yung mukha ko, "May malapit na basurahan d'yan. Tara, mamulot tayo, Seyuri."
"Hala, Jihoonie~ grabe ka naman. Pakakainin mo 'ko ng basura?"
"Kung gusto mo, bakit hindi?"
Tumawa lang siya. Loka-loka ba 'to? Aish, ang weird niya talaga minsan.
"Tara na! Basta, libre mo 'ko, ha." Ngumiti siya.
"Sa basurahan?" Pagbibiro ko.
"HINDI! Syempre, sa restaurant." Aba, demanding pa. Sa restaurant pa ang gusto, tsk.
"Konti lang ang pera ko, kaya d'yan lang tayo sa tabi-tabi."
"Ay, sige, ayos lang 'yun sa 'kin." Ngumiti na naman siya. Kahit ang creepy ng ngiti niya, pero para sa'kin, cute 'yun. Aish, ano bang pinagsasasabi ko? Lee Jihoon, tumigil ka nga!
Takumi Kimaru's Point of View
Nakapila kami ngayon sa Caterpillar. Nasa harapan namin sina Mira at Wonwoo.
"Okay po, next batch!"
Hay, salamat. Hihihi, excited na 'ko.
Pumasok na kami sa loob at sumakay, syempre nagsuot din kami ng seatbelt. Baka mamaya, bigla akong lumipad sa labas ng Caterpillar, huehue. Katabi ko si Jeonghan, tapos ang nasa unahan namin ay sina Mira at Wonwoo. Tapos syempre, hindi ko kilala 'yung nasa likuran namin at wala akong pakielam sa kanila.
"Okay lang ang sumigaw, pero tandaan niyo na tayo lang ang teenager ditㅡ PUTRAGIS!"
Pati kami ni Jeonghan, nagulat nang biglang umandar 'tong Caterpillar. Nakaka-shookt!
"WOOOOOOAH~" Masisira yata ang boses, pero ayos lang 'yan. Pagkatapos nito, parang gusto ko pa ng isa pa, huehue.
Nang matapos na, pinababa na kaming lahat. Isa paaa!
"Hoy Maru, tama na, ha." Hala, nabasa ba ni Jeonghan 'yung nasa isip ko?
"Kakain kami, kayo ba?" Sabi ni Wonwoo.
"Sige, sabay na kami sa inyo. Nagugutom na rin kami kanina pa."
Kaya naglakad na kami at naghanap ng makakainan. Nakakita kami ng hotdog stand. Orayt! Huehue
"Tara!"
Tumakbo kaming apat papunta do'n.
"Sa inyo?"
"Apat pong hotdog." Sabi ni Jeonghan. Bakit natatawa ako? Pfft.
"May ketchup o wala?" Tanong na naman ni Ateng.
"Gusto niyo ba ng ketchup?" Tanong ni Jeonghan at sinagot naman ni Mira ng,
"Gora tayo sa ketchup."
"Sige po, may ketchup."
Tumango na lang 'yung babaeng nagbebenta saka hinanda 'yung apat na hotdog.
Naghintay kami nang ilang minuto hanggang sa maluto na 'yung hotdog.
"Ito na oh."
Kinuha ni Mira 'yung mga hotdog at isa-isa kaming binigyan. Si Wonwoo na ang nagbayad kasi sabi niya, e.
"Saan tayo sunod?" Sabi ko.
"Alam mo, pahinga muna tayo." Sabi ni Jeonghan. Umupo kami sa pinakamalapit na bench.
"Sina Eyrie at Seokmin, oh."
Lee Seokmin's Point of View
"Rides or food? Anong uunahan?" Tanong sa'kin ni Eyrie.
Nagugutom na 'ko, kaso gusto ko munang sumakay sa kahit isang rides muna.
"Sige, rides muna. Do'n tayo sa Carousel." Sabi ko saka tumawa.
"What? Seryoso ka?"
"Oo."
Tumawa siya, "Sige na nga."
Naglakad na kami papunta sa Carousel. Buti na lang, hindi masyadong mahaba ang pila.
"Next batch po!"
Ayo'n, ayos! Kami na agad ang sunod. Ay, wala pa lang kami. Saklap ng buhay :(
"Hala, sasakay tayo sa ka-uri mo." Sabi niya saka tumawa. Hays.
Sumakay na kami sa tig-isang kabayo. Hinintay na lang ni operator na mapuno saka niya pinaandar.
"ANG SAYAAA!" Sigaw ni Eyrie. Hala, bakit ang cute?
Sa buong sampung minuto, nakatingin lang ako kay Eyrie. Aish, puso mo Seokmin, kumalma ka.
Bumaba na kami at naglakad para maghanap ng makakainan.
"Sina Eyrie at Seokmin, oh."
Napatingin kami sa nagsalita. Oh, sina Wonwoo pala.
-
A/N
To be continued, guys! Sobrang haba na, at naghahang na 'tong phone ko HAHAHA.
Bitin ba? Suri nuah~ xD
Kung may typo man, maling salita o kulang na salita, hayaan niyo na lang, putcha! Nakakatamad i-edit, hays.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top