063 : THIRTEEN & SEVENTEEN
A/N: Ipa-fast forward ko na dahil nagmamadali si ako xD
-
Wen Junhui's Point of View
"Ang boring naman~" Paghikab ni Seungkwan saka hinagisan si Seokmin ng unan nang walang dahilan.
Anong trip nito?
"Ayown, salamat!" Humiga si Seokmin sa sahig. Oo, sa sahig. Tss, bahala siyang magkasakit d'yan, kasalanan niya naman.
"Guys, nag-chat ang THIRTEEN." Pagkasabi no'n ni Cheol-hyung, nag-unahan kaming lahat do'n sa laptop niya.
"Teka, chill!" Sigaw ni Jeonghan-hyung kaya kumalma kami, maliban kina Seokmin at Seungkwan na nag-aagawan ngayon sa unan. Hays.
BENTE Y DOS
Active Now
Arue: Hello!
Hyeseul: Sinong online?
Hyeseul: SEVENTEEEEEN!
Seungcheol: Hi
Seungcheol: Videocall, gusto niyo? -Jeonghan
Seyuri: Bakit magkasama kayo? Ayieeee ahue jk
Seyuri: Gora lang hahaha
Seyuri: Nandito kami sa bahay nina Haein kaya gora lang
Seyuri: AYOS KAYO HA! -Haein
Seungcheol: Hello Haeyeong! -Hoshi
Seungcheol Choi starts a videocall
"Hello!" Lahat kami ay bumati sa THIRTEEN, maliban do'n sa dalawang nag-aagawan pa rin sa unan. Hays.
"Mga tangㅡ niyo, umayos nga kayo!" Pagsaway ni Jihoon do'n sa dalawang siraulo.
"Sorry."
"Bored din ba kayo?" Tanong ni Seyuri.
"Yaaaaas!" Sabay-sabay na sagot namin. 'Yung dalawang siraulo ay nakahiga na sa sahig. Hays.
"Kami rin, sobrang bored! Naglaro na kami ng UNO, Charades, nagsayaw na kaming parang baliw, pero wala pa rin." Sabi naman ni Natalie saka bumuntong-hininga.
"Punta tayo sa Mall?" Tanong ni Seungcheol kaya napatingin kami sa kanya.
"Libre mo, Hyung? Hehehe" Ang creepy talaga ng "hehehe" ni Soonyoung. Bwiset!
"Yes."
"Gusto ko sa Enchanted Kingdom!" Sigaw ni Seungkwan saka napabangon mula sa pagkakahiga.
"Choosy ka pa? Edi mag-isa ka sa EK." Sabi sa kanya ni Seokmin saka siya hinagisan ng unan. Kailan matatapos ang pag-aaway nitong dalawang 'to?
"Tara, gora na tayo!" Sigaw ni Jeonghan-hyung. Naka-upo na lang ako sa may gilid kasi tinatamad akong magsalita.
Lumapit sa 'kin si Minghao at humiga sa ibabaw ng hita ko. "Inaantok ako."
"Edi matulog ka."
"Hoy, sunduin niyo kami rito!" Sabiㅡsigaw ni Myeori kaya binatukan siya ni Haein.
"I-chat ko na lang ang address. Sige, mag-aayos na kami. See you later!" Sabi naman ni Haein. Nagpaalam na kami at do'n na nag-end ang videocall.
"Mag-ayos na kayo!"
"OPO!"
-
A/N
Sige, walang kwenta. Sorna!
Kung may typo man o may kulang na salita, hayaan niyo na xD
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top