062 : THIRTEEN

Shaine Lim's Point of View
"Hoy, bilisan mo naman d'yan, Shaine." Binungangaan na naman ako ni Natalie na parang hindi ako mas matanda kaysa sa kanya.

"Sandali lang. Mauna ka na kaya."

"Sigurado ka?"

"Oo."

"Okay~" Tapos lumabas na siya ng classroom.

Pagkatapos kong ayusin 'yung mga gamit ko sa loob ng locker, lumabas na rin ako mula sa classroom.

Pero bago ako pumunta sa canteen, nag-CR muna ako kasi kanina pa 'ko naiihi.

Pagkatapos kong mag-CR ay bababa na 'ko. Kaso, unang paghakbang ko pa lang, nadulas na naman ako. Letse naman! Ano na namang katangahan 'to, Shaine?

"Miss, ayos ka lang?"

Biglang may nagsalita sa tabi ko. At na-shookt ako dahil sa kanya kaya muntik na ulit akong madulas pero buti na lang, hinila niya 'ko.

"Mag-ingat ka next time, okay?"

"Minhak?"

"You remembered me? Great! Uhm...you can just call me Milo."

Milo? As in, energy gap? Beat energy gap! Pfft.

"Ah, o-okay."

Hala! Bakit ba nauutal ako?

"So, saan ang punta mo?"

"Sa canteen." Maikling sagot ko sa kanya kasi I'm so spokenless xD

"Talaga? Sabay na tayo, ililibre kita."

Sureee~ Wala akong problema do'n. Libre lang pala, e. Gora tayo d'yan! Dejk.

"Hindi, 'wag na, Minhakㅡeste Milo. Ayos lang." Syempre, pabebe mode muna. Ew~

Bigla siyang nag-pout. Hala, bakit ang cute niya? Aish.

"Sa ayaw at sa gusto mo, ililibre kita. Kaya tara na!"

Hays. Kikiligin na ba si ako?

Bumaba na kami at pumunta sa canteen. Inalalayan niya pa 'ko para hindi ako madulas ulit. Pinairal ko na naman ang katangahan ko!

"Oy si Shaine, may ka-date!" Narinig ko 'yung sigaw ni Myeori. Tss.

"Walang forever!" Halos sabay na sigaw nina Eyrie, Natalie at Haein.

Excuse me? Hindi po kami nagde-date. Aba, malay ko ba rito sa lalaking 'to kung bakit gusto niya 'kong ilibre.

"Anong gusto mo?"

Ikaw. Ay, just kidding! (landi amfuts)

"Libre mo 'ko ng cheese burger." Kahit kaka-libre lang kanina ni Seungcheol sa'min ng burger.

Okay, ganito kasi 'yun. Kung nagtataka kayo, bumalik kasi kami ni Natalie sa classroom namin kasi may nakalimutan daw siya. Tapos ako naman, inayos ko 'yung locker kaya medyo natagalan kami kaya binungangaan ako ni Natalie kanina.

Oh ayan, share ko lang. Alam kong walang may pakielam!

"Isa nga pong cheeseburger at isa ring hamburger." Sabi ni Milo do'n kay Ateng taga-luto. Hindi ko alam ang pangalan, e.

Tumango na lang siya saka isinalang na 'yung burger patty sa lutuan.

"Libre mo na rin ako ng coffee latte, please." Sulit-sulitin ko na 'to, huehue.

"Sure!"

Ngumiti na lang ako sa kanya.

Pagkatapos ng mahabang paghihintay, naluto na rin 'yung burger. Ang tagal, ha.

"Salamat po." Nagbayad na si Milo tapos bumili rin siya ng dalawang coffee latte, ang isa ay sa akin at ang isa pa ay sa kanya.

So basically, para nga kaming nagde-date pero hindi naman talaga.

Maghahanap sana kami ng mauupuan, kasi sabi niya rito na lang muna kami sa loob ng canteen although gusto ko kasama 'yung tropa ko, ang kaso ay nakasalubong namin si Vernon. Oh, shoot!

"Hey, Vernon!" Ngumiti ako sa kanya pero hindi niya 'ko pinansin. Tinitigan niya lang ako saka niya kami nilagpasan. Hala, anong problema no'n? Tss.

"Who's that?" Tanong ni Milo. Umupo na kami sa napili naming pwesto. Medyo mainit rito sa loob mismo ng canteen pero sige, okay lang naman.

"A friend of mine."

Totoo naman, e. Siguro sa lahat nang nakakasalamuha namin, ang SEVENTEEN lang ang naging ka-close at naging kaibigan namin. Halos isang napakalaking barkada na ang THIRTEEN at SEVENTEEN, e.

Ang pinagtataka ko lang, bakit hindi ako pinansin ni Vernon? Kanina lang, halos dinadaldal niya 'ko. Kahit marunong akong mag-english, nano-nosebleed ako sa kaka-english niya.

"Oh, really?"

"Yep." Bakit? Hindi ba naniniwala 'tong lalaking 'to? Pfft.

"Kumain ka na."

Ngayon ko lang na-realize na hindi ko pa nakakagatan 'yung burger ko at hindi ko pa naiinom 'yung coffee latte ko.

"Ay, sorry."
-

A/N

Wala na 'kong idea, sorna xD

P.S. Kung may typo man o may nagkulang na salita, hayaan niyo na! Gigil si acoue~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top