061: SEVENTEEN
Yoon Jeonghan's Point of View
"Oy, anong gusto mo? Libre kita." Pa-cool na sabi ko. Nakasabay ko siya sa pagpasok sa canteen. 'Yung iba kasi ay nasa labas ng canteen, may mga lamesa din kasi do'n. So bale, do'n 'yung usual spot namin.
Please lang Kimaru, 'yung mura lang, wala akong pera. HAHAHAHA.
"Ha? Kaka-libre lang sa 'tin ni Seungcheol 'di ba? Ang sarap ng burger." Nakangiti niyang sabi. Pigilan niyo 'ko, baka makurot ko 'yung pisngi niya.
"Si Seungcheol naman 'yun. Ililibre nga kita, ayaw mo ba?" Pa-cool ka talaga, Jeonghan, wala ka namang pera.
"Ay, talaga? Gusto ko ng Pringles."
"Pringles? Ah s-sige, itatanong ko muna k-kung magkano." Napalunok na lang ako. Singkwenta pesos lang yata ang mayro'n ako rito. Hala!
"Okay."
Pumunta ako do'n sa counter tapos tinanong ko kung magkano 'yung Pringles. P65 daw. Hala! Kulang 'yung pera ko.
Aish! Pa-cool ka pa kasi, Jeonghan. Tss.
Saktong nakatabi ko si Jihoon dito sa counter. Maka-utang nga muna ng P15, huehue.
"Hey, Jihoon!"
"Oh, Jeonghan-hyung."
"Pwedeng pautang muna ng P15?" Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Ano kamo? Bakit naman?" Gulat niyang sabi. Bumuntong-hininga naman ako.
"Please?"
"Oh sige, bayaran mo bukas, ha." Tapos inabutan niya 'ko ng bente pesos. Bakit bente pesos?
"Salamat. Si Seungcheol na lang ang singilin mo, huehue."
"Sige. Gotta go!" Tapos umalis na siya.
At eto ako, nakabili na 'ko ng Pringles na gusto ni Maru. Tss, pa-cool ka pa kasi Jeonghan. Hays.
Agad akong tumakbo papunta kay Maru. Ay shet, parang ang bakla. Pfft, hayaan niyo na :3
"Hala! Salamat."
Inabot ko sa kanya 'yung Pringles tapos nagulat ako nang bigla niya 'kong niyakap.
Teka. Niyakap niya 'ko? Hala! Wait!
"Ay, sorry." Tapos kumalas na siya sa yakap.
I-eenjoy ko pa lang sana tapos bigla siyang kumalas. Bastusan lang? Ay, just kidding~ Ang landi ko naman! Pwe.
"Tara na, baka sabihin nilang nagde-date tayo pero hindi naman." Sabi niya at hinawakan ang braso ko. Hindi ko alam pero bigla na lang akong namula.
Yoon Jeonghan, walang meaning 'yung sinabi niya, okay? Kumalma ka lang, please. Kalma!
"O-okay." Ayoko na.
-
A/N
Ayoko na rin xD
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top