058 : THIRTEEN & SEVENTEEN
Jennifer Shin's Point of View
"Hoy! Anong ginagawa mo d'yan?"
Nakita ko kasi si Junhui sa may tapat ng basurahan. Balak niya bang kainin 'yung basura? Kadiri.
"Huh? May binabasa kasi ako." Sagot niya.
Napansin ko 'yung nakapaskil na qoute sa taas ng basurahan. Oh, okay.
"Ah. Akala ko kakainin mo 'yung mga basura." Pagkasabi ko no'n, bigla akong nag-cringe.
"Ano kamo? Kadiri naman kung gagawin ko 'yun."
"Kaya nga, akala ko lang. Sorry!" Nag-peace sign pa 'ko sa harap niya.
"Tss. Halika na sa canteen."
Bigla akong napatingin sa kanya. Ay, mali lang siguro 'yung pagkakarinig. Pfft, nevermind!
"Oh sige."
Tapos na-shookt ako kasi bigla niya 'kong inakbayan. Aish! Hinayaan ko na lang. Magkaibigan naman kami 'di ba? Kaya okay lang.
Pagkarating namin sa canteen, nando'n na pala ang lahat at kami na lang ang wala.
"Bakit ngayon lang kayo? Nag-date kayo 'no? Aba! Nakaakbay pa." Halata namang pabirong sinabi 'yun ni Mingyu kasi bigla siyang tumawa.
"Hindi ah." Sagot ko na lang at inalis 'yung kamay ni Junhui sa balikat ko.
Umupo na ako sa tabi ni Maru, at umupo naman si Junhui sa tabi ni Minghao. Sa sobrang close nila, napapagkamalan ko na silang mag-boyfriend, parang sina Jihoon at Soonyoung. Hindi ko alam kung mga bakla ba sila or whatever.
Jusme! Utak ko, magtigil ka nga, kung anu-anong iniisip mo.
"Teka, may mani. Hala!" Tapos biglang tumakbo paalis si Haein, sumunod naman sa kanya si Soonyoung.
Bakit ba palaging nakabuntot 'yun kay Haein? Tss. Napaghahalataan, nako!
"Alam niyo, pwede na nating regaluhan si Haein ng isang sako ng mani sa birthday niya." Biglang sabi ni Shaine kaya natawa kami.
"Samahan mo na rin ng sandamakmak na Mickey Mouse stuffed toy." Dagdag naman ni Natalie.
"Yaaaas! But sadly, hindi natin afford ang bumili no'n. Saklap!" Biglang lumungkot 'yung mukha ni Hyeseul.
Oh, saklap nga. Sorry na, poor kasi kami kaya hindi namin afford 'yun. Swerte na lang ni Haein kung may mag-reregalo sa kanya ng gano'n, 'di ba?
Maya-maya, dumating na 'yung dalawa. Si Haein, may dalang maliit na baso ng mani. Tapos si Soonyoung, may dalang isang plastic ng Boy Bawang.
Wadapak?
"Oh, sino may gusto nito?" Tapos hinagis ni Soonyoung 'yung mga boy bawang sa lamesa. Nag-unahan naman sa pagkuha ang buong SEVENTEEN.
"Tara, bili tayo." Sabi ni Hyeseul tapos silang tumayo, naiwan ako kasama ang SEVENTEEN. Hala! Ang dadaya nila.
Wen Junhui's Point of View
Paalis sana si Jenny pero bigla ko siyang hinila.
"Ayieeee~ walang forever!" Sabay-sabay nilang sabi.
"Ikaw Junhui, ha, pinagpapalit mo na ba 'ko?" Pabirong sabi ni Minghao. Tss, loko-loko talaga!
"Uh..ah..b-bakit?" Nauutal na sabi ni Jenny sa 'kin.
Napansin ko na namumula siya. May lagnat ba siya? Pero ang lamig ng braso niya.
"W-wala. S-sige, bumili ka na." Ngumiti ako nang awkward. Sobrang awkward.
Aish! Ang tanga mo talaga, Wen Junhui. Hays.
-
A/N
Ano bang pinagsusulat ko? Pwe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top