044 : THIRTEEN
Myoui Seyuri's P.O.V
Hays. Bakit ang tagal nila? O sadyang ang aga ko lang pumasok? Nakakainis naman kasi si Mama, pinaalis ako ng maaga, ayaw na yata akong makita xD
Nandito ako sa catwalkㅡbasta parang maikling hallway na may mga upuan sa gilid, hinihintay ko kasi sila na dumating.
Bakit kasi ang aga ko? Hindi ako sanay.
Napatingin ako do'n sa bagong building na ginagawa. Sus, bagong building na naman. Kunsabagay, sayang naman 'yung space ng school, sobrang laki kasi ng school na 'to.
Tapos biglang may sumitsit. Hala sino 'yun?
Napalingon ako sa kung saan tapos may isang construction worker na kumindat habang nakatingin sa'kin. What the heck! May sakit ba 'to sa mata?
Nag-cringe ako at umiwas na ng tingin. Baka masuka lang ako rito.
Nasa'n na ba kasi sila? Bakit ang tagal?
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. 6:30 na, wala pa rin sila. Usually, sobrang aga nila, especially sina Haein at Jenny. Siguro, before 6am nandito na sila. Pero anong himala ang mayro'n ngayon?
Napatingin na naman ako sa kung saan kasi may sumisitsit ulit. Si kuyang "may sakit sa mata" na naman. Ano bang problema nito?
Tinaas niya 'yung damit niya tapos kumindat na naman. Ay, kadiri talaga! Siguro, may sakit talaga 'to sa mata. Kanina pa kindat nang kindat eh. Tss.
Bakit ang creepy niya tumingin? Argh, napapa-cringe na naman ako. Tutusukin ko ang mata nitong manyak na lalaking 'to, saktong may katabi akong stick dito.
Umiwas na lang ako ng tingin kasi baka masapak ko lang siya. Nagulat ako nang may kumalabit sa'kin. Sino na naman 'to?
"ANOㅡay, hello Bin~"
OMG! Nakakahiya. Nasigawan ko pa tuloy siya.
"Oh. Anong nangyari sa'yo?" Tanong niya sa'kin bago umupo sa tabi ko. Kikiligin na ba 'ko?
"Nakakainis kasi 'yung isang construction worker, manyak yata ang siraulo."
"What? Teka, uupakan ko lang!"
Tatayo na sana siya pero pinigilan ko, "Huwag na! Grabe ka naman."
Tumawa siya ng konti, "Joke lang."
"Seyuriㅡoh, nevermind." May tumabi na naman sa'kin. Si Jihoon naman ngayon.
Oh my gosh!
Mga besh, 'wag muna kayong pumasok kasi nagmomoment pa ako rito hihihi (landi amfuts)
"Hello Jihoonie~"
"Pwe. Makaalis na nga." Tapos umalis na siya. Ay, bwiset! Why are you like that, Jihoonie? At bakit ang drama ko? Pfft.
Tumingin ako sa kung nasaan si Bin kanina pero wala na siya. Napatingin ako do'n sa construction worker kanina, at kausap niya si Bin.
Nagulat ako nang sinuntok niya 'yung construction worker. Hala!
Tapos may nga lumapit sa kanya na estudyante. "TAMA NA 'YAN, TAMA NA 'YAN!" Sigaw nila.
"Mr. Moon Bin, pumunta ka sa Guidance Office RIGHT NOW!"
Oh shit.
"Seyuri! Hala, anong nangyari kay Bin?" Ngayon pa kayo dumating. Tss.
"Sinuntok niya kasi 'yung manyak na construction worker kaya ayun, pinapunta siya sa Guidance Office."
"Bakit kasi niya sinuntok?" Tanong ni Maru.
"Sinabi ko sa kanya na ang manyak nung lalaki kasi kinikindatan ako. Sabi niya, uupakan niya raw pero pinigilan ko. Tapos tumabi sa'kin si Jihoon kaya kinausap ko ng saglit, tapos pagkalingon ko nawala na si Bin, 'yun pala eh sinuntok na 'yung construction worker."
Tumawa silang lahat.
"May Jihoon na nga, may Bin pa. Tsk tsk. Ang haba ng hair~ naka-rejoice ka ba?" Sabi ni Shaine tapos biglang tumawa.
"Baliw!"
-
A/N
4uQ nU4h~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top