039 : SEVENTEEN & THIRTEEN

Kimaru Takumi's P.O.V
"Hoy, Takumi! Anong ginagawa mo dyan sa gilid?" Biglang may kumalabit sa'kin. Si Myeori lang pala.

"Uhm...hinahalikan si Karma?"

Kaya ayun, hinampas niya 'ko. Bakit? May masama ba sa sinabi ko?

"Gaga! Hinahalikan mo 'yung screen ng phone mo. Mahiya ka naman, bes. Pinagtitinginan ka na oh."

"Hindi kaya. Hinahalikan ko kaya si Karma."

Tapos napa-facepalm siya. Ano bang masama sa sinabi ko?

"Tara na nga!" Tapos hinila niya 'ko papunta sa canteen. Palagi naman kaming nasa canteen.

By the way, mayro'n na namang program ngayon. Isang maikling program lang naman tapos pwede nang umuwi.

Actually, naka-civillian lang kami ngayon. Hindi ko alam kung para sa'n 'yung program. Ang nabasa ko lang sa bulletin board, birthday daw ng Founder ng school na 'to.

Umupo na kami sa upuan, syempre, alangang sa sahig. Umupo si Myeori sa tabi ni Haein, tapos ako naman ay tumabi kay Jenny. Nagulat ako nung tumabi sa'kin si Jeonghan.

"Gusto mo?" Tapos inabutan niya 'ko ng lollipop.

"Uhm..sige." Tatanggi pa ba 'ko? Eh mahilig ako sa lollipop, atsaka sa chocolate huehue, "Salamat."

"Walang anuman."

"Yo! Naegahosh! Sino may gusto nito?" Tapos naghagis si Soonyoung ng mga boy bawang sa lamesa.

Ayun, nag-unahan sina Natalie, Seungkwan, Seokmin, Seungcheol at Haein do'n sa boy bawang.

"Thanks."

"Tss. Simula noong nagtransfer sila dito, lagi na silang nakiki-feeling close sa THIRTEEN. Psh." Narinig kong sabi nung nasa likuran namin.

Paki ba nila? Atsaka hindi naman sila feeling close ha. Sa totoo lang, close na close na kami sa SEVENTEEN.

"Loko 'yun ha. Sapakin ko 'yun." Bulong ni Jenny. Narinig niya rin pala. Malamang kasi may tainga siya, 'wag tanga, Kimaru.

"Students, doon kayo sa Quadrangle, 'wag dito. Kung kakain, bilisan niyo." May pumasok na teacher dito sa canteen para sabihin 'yun tapos lumabas na ulit.

"Kumain na kayo kung kakain kayo." Sabi ni Joshua kaya ayun, sina Seokmin, Mingyu, Seungkwan at Minghao ay nag-unahan pang pumunta sa counter. Parang mga baliw! Ay, baliw din pala kami.

"Sinong sasama sa'kin? Bibili rin ako ng pagkain." Sabi ni Arue tapos tumayo sina Eyrie, Haein, Natalie at Myeori mula sa kinauupuan nila.

"Kami!"

"Jjamppong na naman bibilhin niyo?" Tanong ni Arue do'n sa apat,

"Yas." Sagot nung tatlo, pero si Haein ay umiling lang,

"I'm not gonna buy Jjamppong. Gusto ko chicken."

"Okay. Let's go, let's go na." Tapos tumakbo na rin 'yung lima papunta sa counter.

"Teka lang, teka lang." Sigaw nina Shaine at Mira tapos tumakbo na rin papunta sa counter.

Nagkatinginan kami ni Jenny tapos tumawa saka tumakbo na rin papunta sa counter. Bibili na rin kami ng pagkain hihihi.

Yoon Jeonghan's P.O.V
"Penge ako! Penge ako!" Sigawan nina Hoshi, Jun, Vernon at Chan do'n sa apat na kagagaling lang sa counter. May dala-dala kasi silang limpak-limpak na chichirya.

Wat da fak? Hindi kaya magkasakit sila niyan? Nako!

"Kapag kayo ay nagkasakit, bahala na lang kayo sa mga buhay niyo." Sabi ni Seungcheol, tumawa lang ako ng konti.

"Grabe ka naman. Eh ikaw nga 'tong nakipag-unahan pa kanina sa Boy bawang." Sabi naman ni Joshua.

"Isa lang naman 'yun. Grabe ka!" Sagot ni Seungcheol at umiling na lang si Joshua.

"Minsan lang silang bumili ng maraming pagkain kaya sulitin na natin." Sabi naman ni Jun at binuksan 'yung Piattos na kinuha niya mula kay Minghao.

"Kayo? Hindi kayo bibili?" Tanong ko kina Josh, Cheol at Wonwoo.

Umiling si Joshua, "Hindi na, busog pa ako."

"Busog din ako." Sagot naman ni Wonwoo.

"Ah gano'n?"

"Mamaya na rin ako bibili, busog pa 'ko eh." Sabi naman ni Cheol.

"Oh, edi ako rin."

Maya-maya, dumating na ang buong THIRTEEN na may dala-dalang kanya-kanyang pagkain.

---x

Nagsisimula na 'yung program. At nandito kami sa Quadrangle. At heto, para na namang may concert. Tapos mamaya, magpeperform daw ulit ang Dance Troupe. Panigurado, magfafangirl na naman sina Haein, Mira at Myeori.

Nevermind. Speaking of...

"Nandito sila para magperform para sa inyo. Let's welcome! The Dance Troupe!"

Kaya ayun, nagsigawan naman ang mga estudyante. Ang sakit sa tainga.

Now Playing:
You're So Fly - BTOB

Ah, mga lalaki pala muna ang magpeperform. May dalawang grupo kasi ang Dance Troupe. Babae at Lalaki.

By the way, hindi ko alam 'yung kanta.

"Hala! BTOB! Oh my god!" Sigaw nina Haein at Mira.

"Member pala ng Dance Troupe si Minhak? I'm so shook." Narinig kong sabi ni Shaine.

"Yup, new member ng Dance Troupe. No'ng isang linggo lang siyang naging member, sabi sa'kin ni Taeyong." Sagot naman ni Mira kay Shaine. Orayt, Taeyong again. Pfft.

Napatingin ako kay Wonwoo na nasa likuran ko. Halos lumuwa na ang mga mata niya sa sobrang irap. Ang bitter nitong lalaking 'to. Tss, torpe kasi.

"Ang galing nila 'no?" Napatingin ako sa tabi ko. Si Maru pala. Katabi ko pala 'tong babaeng 'to.

Tumango na lang ako, "Oo, magaling nga sila."

"By the way, ipapakilala ko sa'yo si Karma. Ito siya." Tapos may pinakita siyang picture mula sa phone niya.

Oh, anime character lang pala si Karma? Akala ko, totoong tao. Bwiset.

"Ah okay." Wala akong masabi. Ang awkward namin, hays.

"Ang gwapo niya 'no."

Ngumiti na lang ako. Oo na lang, Maru. Bakit ka pa na-inlove sa isang anime character at hindi sa totoong tao?

"Ang cute niya rin." Tapos humagikhik pa siya. Tss.

Almira Kang's P.O.V
Kanina pa kami nagfafangirl dito dahil do'n sa kanta. Fan kasi kami ni Haein ng BTOB. Okay, share ko lang.

Ay, nagpalit na 'yung kanta.

Now Playing:
Solo - Jay Park

"Holy shit. JAY PARK!" Sigaw na naman naming dalawa, plus Myeori.

"Wala bang english? Puro KPOP." Narinig kong bulungan ng mga nasa likuran namin. Tss.

Palibhasa mga pure Filipino sila at ayaw nila ng KPOP. Karamihan kasi sa school na 'to ay Half-Korean o Half-Filipino. Mayro'n namang mga Pure Korean pero marunong magtagalog. Mayro'n din namang hindi Filipino or Korean, pero marunong pa ring magtagalog.

Kagaya nung kaibigan naming si Eyrie. American-Australian kasi siya. Hindi siya masyadong fluent magsalita ng tagalog pero marunong siya.

Hindi ko namalayan na nagpalit na pala ng kanta.

Now Playing:
Closer - Chainsmokers ft. Halsey

"Uy Arue, 'yung paborito mong kanta." Tumatawang sabi ni Myeori kay Arue.

"Pwe."

Sa kabaligtaran, ayaw niya talaga ng kantang 'yan. Nakakasawa na raw kasi. Pfft.

"Buti naman, english na." Bulong na naman nung nasa likuran. Tss.

Jennifer Shin's P.O.V
Pagkatapos ng mga lalaki, 'yung mga babae naman ang nagpeperform.

Now Playing:
Dancing Queen - SNSD

Bigla akong napakapit kay Haein. Kalma lang, Jenny. Kalma!

"Kalma lang tayo bes, kalma lang!"

Pero dahil hindi kami makakalma, sumigaw na kami.

"Kumalma kayong dalawa."

Kumalma kami nung tumigil ang kanta, tapos nagpalit ulit.

Now Playing:
Crazy - 4Minute

At dahil sa kantang 'yan, sumigaw kaming siyam. Especially sina Haein, Eyrie, Shaine, Myeori at Mira.

"Namamaos na 'ko." Sigaw ni Haein. Pfft.

"Sigaw ka kasi ng sigaw eh." Sabi sa kanya ni Eyrie.

Nung last performance na, nagsama-sama 'yung mga lalaki at babae.

Now Playing:
Go Crazy - 2PM

Michingo aniya~

Na-miss ko 'tong kantang 'to, sobra.

---x

Natapos na ang programa at pauwi na kami. Hindi na kami pumunta sa McDo kasi pinapauwi kaagad si Haein ng Mama niya, 'wag na raw gumala.

Si Eyrie, nauna nang umuwi.

Si Myeori naman, pinapabantay sa kanya 'yung tindahan nila kasi aalis 'yung mga magulang niya. Gano'n din si Arue, pinapabantay sa kanya 'yung tindahan nilang electric shop.

Tapos si Mira naman ay pinapaglinis ng bahay nila. Pfft.

'Yung iba, tinatamad gumala ngayon kasi raw mainit. Totoo naman, ang init-init kaya. Baka masunog pa kami.

"Seyuri!" Napatingin kami sa likuran at napatigil sa paglalakad. Si Jihoon pala 'yung tumawa kay Myeori.

"Hatid na kita, saan ang bahay mo?"

Ayieee~ luma-lovelife na si Myeori ngayon. May Moonbin na nga, may Jihoon pa. Aba, ang lufet!

"Pasabay ako, Jihoon, malapit lang naman ang bahay ko kina Myeori eh." Sabi naman ni Maru. Ay, panira 'to ng moment nung dalawa. Tss.

"Sige, hintayin na lang natin 'yung service ko." Sabi ni Jihoon at hinawakan 'yung kamay ni Myeori. Kinilig naman ang gaga. Pfft.

"Sige, mauna na kami." Tapos umalis na kami. Sinundan naman kami ng SEVENTEEN.

"Hatid na namin kayo!"

Psh.

"No need!"
-

A/N

Hello :)

Bahala na kayo sa typo xD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top