033 : THIRTEEN

Natalia Hwang's P.O.V
Bakit ang ineeet sa Pilipinas? Para kang nasa napakalaking oven sa sobrang init.

"Hey, Ms. Hwang? Are you even listening?" Hindi ko namalayan na tinatawag pala ako ng teacher ko. Tulala pa, Natalie. Hayst.

"Sorry po."

Ang init kasi. Ang hirap makapagfocus sa klase kapag sobrang init. Kung bakit kasi walang aircon dito? Private nga 'tong school at napakalaki pero BAKIT WALANG AIRCON?

Kunsabagay, kasi kung may aircon baka lalong hindi makapagfocus ang mga estudyante atsaka baka lagnat ang abutin namin nito. Hays, hindi maganda ang magkasakit.

Buti pa 'ko, ang ganda koㅡay mali, dyosa pala ako. Sana humangin ng malakas. Ang DYOSA ko kasi eh.

"Ms. Hwang!"

"Sorry po ulit."

Sabi ko nga makikinig na ako. Hanuba! Bakit kasi ang init? Hindi kinakaya ng kadyosahan ko. Ang hot ko kasi. Hays.

---x

At dahil nga dyosa ako, eto ako't nasa labas ng classroom ng crush kong si Baekhyun at ini-stalk siya. Ahihi ang cutie niya talaga. Kaso mukha nga lang bakla. Pero okay lang, crush ko pa rin siya.

"Hoy, anong ginagawa moㅡ"

"Wag kang maingay." Bwiset naman 'tong si Shaine, basta-bastang nasulpot, akala ko kung sino.

"Nako, si Baekhyun na naman. Hindi ka pa ba nakuntento sa ka-sassy-han ni Seungkwan, at si Diva Baek pa ang gusto mo?"

"Shut up! Hindi ko gusto si Seungkwan. Ew~"

Dahil una, hindi ko gusto ang mga lumalabas sa bibig niya minsan. Pangalawa, napakachismoso niya, sobra. Pangatlo, masyado siyang matakaw dahil inaagawan niya 'ko ng pagkain. At panghuli, HINDI KO SIYA GUSTO.

"Sus, baka kainin mo lang 'yang mga sinasabi mo bes."

"Bakit, mabubusog ba 'ko do'n?"

"Tss. Sige bes, magsi-CR lang ako. Sandali lang."

"Okay." At ayun, umalis na siya.

"Class dismissed!" Sabi nung teacher nila kaya ayun, nagkagulo na sila.

Hinintay ko na lumabas si Baekhyun tapos aalis na 'ko.

Speaking of...

Okay, aalis na 'koㅡ

"Hey!"

Shit.

"Uhm.."

"Natalie, right?"

"Yup."

"May nagpapabigay sa'yo. Sige, bye." Tapos may binigay siya sa'king papel bago siya umalis.

Kanino naman galing 'to? Aba, may secret admirer ako? Ang dyosa ko kasi.

Binuklat ko 'yung papel at na-shookt ako sa nabasa ko.

Hwang Soyeon,

Oo na, crush na kita. Ang ganda mo kasi. Pero cute pa rin ako. Ge, 'yun lang!!

-BSK

Ay hutspa, sino 'to? Cute daw siya? Hala!

Shaine Lim's P.O.V
Lumabas na 'ko ng CR kasi tapos na 'kong umihi. Paki niyo?

Bababa na sana ako sa hagdanan nang inatake ako ng katangahan. Nadulas ako kaya muntik na 'kong mahulog.

Jusjo, mai-injured na ba 'ko?

Pero wait, bakit wala akong naramdaman sakit? Atsaka bakit parang may humahawak sa'kin? What the heck!

"Miss, ayos ka lang?" Ay putcha! Mukha ba 'kong ayos sa paningin niya? Tss.

"Ayos lang." Hindi ako ayos.

"Sa susunod kasi, mag-iingat ka ha. I'm Kim Minhak, by the way." Tapos ngumiti pa siya.

"Shaine Lim."

"I know."

"Ah gano'n? Okay."

"Mag-ingat ka sa susunod para hindi ka ulit madulas."

"Oo sige, salamat." Ngumiti na lang ako saka bumaba na. Ang tanga-tanga ko kasi. Buti na lang hindi ako nahulog dahil kay Minhak.

Mag-iingat na nga ako sa susunod at baka madisgrasya na talaga ako. Hays.

Pagkababa ko, nakasalubong ko si Vernon. Oh, nice.

"Hey, Shaine."

"Hey."

"Nakita ko 'yun, mag-ingat ka sa susunod ha." Hindi ko alam pero bigla akong napangiti. Tumango na lang ako.

"Sige."

"Sige." Tapos may binulong pa siya pero hindi ko narinig. Hindi ko na lang 'yun pinansin at umalis na.

Jennifer Shin's P.O.V
"Hello, Jenny!"

Napalingon ako sa tumawag sa'kin. Ah, si Junhui lang pala.

"Hi, Junhui." Umupo na lang ako sa tabi niya kasi nakaupo siya sa isang bench.

"Breaktime niyo ngayon, hindi ba?" Tanong niya.

"Oo, breaktim namin ngayon pero susunod na lang ako sa kanila."

Ngumiti siya, "Sabay na tayo sa canteen?"

"Sige."

"Ay teka lang, dito ka lang ha. Babalik ako sa classroom kasi may kukunin ako. Hintayin mo 'ko, okay?"

Tumango na lang ako, "Sige." Tapos umalis na siya.

"Hello, Ms. Shin." Napaka-poker ako. Si Bambam.

"Bakit?"

"Wala lang. Boyfriend mo 'yun?"

Kumunot ang noo ko, "Boyfriend? Wala naman akong boyfriend."

"Akala ko, boyfriend mo 'yun eh. Ibig sabihin, single ka?"

Tumango na lang.

"Ah sige. Yes!" Tapos bigla siyang umalis. What the heck!

Maya-maya ay bumalik na si Junhui na may dalang papel, "Tara na?"

"Sige."

Tapos pumunta na kami sa canteen. Pagkapunta namin, nando'n na 'yung iba. Pero wala pa sina Haein, Soonyoung, Myeori, Jihoon at pati na rin sina Arue at Eyrie.

Umupo na lang kami sa usual spot namin.

"Hey."
-

A/N

JungAhreum5 Haxkie kiryu_nation

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top