029 : SEVENTEEN
Flashback...
At Divine Christian Church...
Kwon Soonyoung's P.O.V
"Uy, may darating daw na estudyante galing sa Pledis Stone Uni." Sabi ni Seokmin.
Bakit naman may pupunta rito?
"Waeyo waeyo? Waeyo~" Kumanta pa si Seungkwan ng 'Why', 'yung kanta ni Shannon Williams. Kung hindi niyo kilala 'yun, bahala kayo.
"Pahinging support, guys ha. Kakanta kami mamaya." Sabi naman ni Seokmin.
Kanina niya pa 'yan sinasabi. Paulit-ulit lang, Seokmin?
"Sige, supot ka naminㅡeste, support." Tumawa pa nang napakalakas si Mingyu, kaya sinitsitan kami ng mga madre.
"Ang ingay mo kasi." Binatukan naman siya ni Wonwoo.
Napa-iling na lang ako.
Nilapitan ko si Jihoon at inakbayan, "Jihoonie~"
"Ano na naman ba, Soons?"
"Ayieee~ kinikilig talaga ako kapag tinatawag mo 'kong Soons." Kaya ayun, hinampas ako sa braso gamit 'yung chopsticks.
Saan niya naman nakuha 'yung chopsticks?
"Masakit, Jihoonie~"
"Ang bakla mo, Soons. Mas bakla ka pa yata kay Kwan eh." Tapos tumawa siya. Ang cute niya~
"Hindi ako bakla, 'no. Ganito lang talaga ako." Sagot ko sa kanya pero tinawanan niya lang ulit ako.
"Oy, nand'yan na raw sila. Tumahimik na lang tayo dito sa isang tabi." Sabi sa'min ni Joshua-hyung. Magsasalita pa sana kami pero biglang may dumaan na madre kaya napatahimik kaming lahat.
Gusto kong mag-ingay, nangangati ang dila ko.
Napatingin kami sa may pinto, may siyam na babaeng pumapasok dito sa loob ng Simbahan.
Para kaming banal pero hindi naman talaga. Katoliko ang karamihan sa'min. Kaso pinilit kami ni Seokmin na pumunta rito kasi kakanta raw silang choir. Para namang hindi sila kumakanta araw-araw dito.
"Hello. We are THIRTEEN."
THIRTEEN? Nice group name.
"Isa po kasi sa'min ay choir member dito. Karamihan po sa'min ay Katoliko pero gusto po naming mapanuod kumanta ang choir." Sabi nung isa sa kanila.
Maya-maya lang ay marami nang tao ang nagsipasok dito sa loob. Kaya ayun, si Father, nagsimula nang magsermon. Nag-sign of the cross ako kahit nasa simbahan kami ng Christian.
Natapos na 'yung misa kaya pumunta sa unahan ang buong choir para kumanta.
Pagkatapos nilang kumanta, bumalik dito si Seokmin.
"Ang galing-galing naman ni Seokmin." Sabi pa ni Seungkwan.
"Maliit na bagay."
Magmumura sana ako kaso, nevermind!
Biglang lumapit sa'min 'yung THIRTEEN.
"Hello! We are THIRTEEN." Alam na namin.
"Bibigyan sana namin kayo ng Bracelet, kung okay lang?" Tanong nung isa na halatang siya ang pinakamatanda.
Nagkatinginan kami.
"Okay lang." Nakangiting sabi ni Mingyu pagkatapos ay siniko naman siya ni Minghao.
May babaeng lumapit sa'kin. Feeling ko tuloy nasa langit ako. Anghel ba 'tong nasa harap ko?
"Excuse me?"
"Ha?"
"Isusuot ko kasi sa'yo 'tong Bracelet. Ba't ka ganyan makatingin sa'kin?" Nakakunot-noo niyang sabi.
ANG GANDA NIYA.
"Ay, sorry Miss. Hindi, ako na lang ang magsusuot." Sabi ko sa kanya at binigyan naman niya 'ko ng Bracelet.
Tinanggap ko ito ay isinuot sa braso ko. Ang ganda nitong bracelet, pati 'yung nagbigay hihi
"Salamat, Miss." Halos hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Puso ko, kumalma ka lang!
"Walang anuman. Actually, nagbebenta kami ng Bracelet, pero para sainyo ay libre na 'yan."
"Thank you."
"Walang anuman ulit." Tapos ngumiti siya. Isang rectangular smile.
Puso ko, kumalma ka lang!
"Uh Missㅡ" Tatanungin ko pa sana siya kung anong pangalan niya kaso umalis na.
SAYANG!
-
A/N
Ang landi ni Soonyoung!
Isang maikling update para sa inyo huehue
P.S. I not knows Bangtan for a week, that's all xD #teambahay T^T
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top