026 : THIRTEEN & SEVENTEEN
Lee Haeyeong's Point of View
"Ang galing mo Haein! Hoo~ idol~" Bwisit 'tong mga 'to. Ewan ko ba kung pinupuri nila ako o nilalait? 'Yung totoo?
"Ang ganda ng boses mo! Sana araw-araw ka na lang kumanta."
"Bolero." Binatukan ko si Soonyoung.
"Totoo naman eh."
"Ay teka, performance na ng Dance Troupe." Sabi bigla ni Seyuri kaya napatingin ako sa stage.
OMG! Si Taeil~
'Yung mga lalaki lang muna sa Dance Troupe ang magpeperform. Ah, baka mamaya pa 'yung mga babae.
Now Playing:
Fire - BTS
"MOON BIN!" Malakas na sigaw ni Myeori, 'yung tipong nakakarindi. Jusme! Katabi ko pa naman siya.
"FIGHTING! DANCE TROUPE!" Sigaw naman ni Mira. 'Yung buong Dance Troupe ba talaga or si Taeyong lang? Ayieee lumalablayp 'tong si Mira.
"Baka si Taeyong lang?" Tanong ni Natalie. Tumawa kaming lahat pero si Mira parang namula yata.
Sus! Kinikilig siya.
"Landi niyo." Ito na naman 'yung dakilang linya ni Seungkwan. Na susundan ng linya ni Hoshi na "Malandi agad?"
Just wait for it...
Teka, bakit ko ba siya tinatawag na Hoshi? Psh.
"Kwan, malandi agad?"
I told you.
"Kung manunuod kayo, manuod na lang kayo. Ang daldal niyo, ang iingay na nga ng buong school." Sabi ni Joshua. Kaya ayon, tumigil sila sa pagdadaldal.
Biglang nagpalit ng kanta. Ay, naka-remix. Amazing!
Now Playing:
Bang Bang Bang - BIGBANG
Oh~ Suweeeeg~
"BANGYA! BANGYA! BANGYA!" Ang ingay ng buong school, kasama kami sa mga nagsisigawan.
"SHEEET! BIGBANG! I LOVE YOU NA DANCE TROUPE." May sumigaw from the crowd. Wow, crowd? Mala-concert lang!
Pero totoo naman, nagmukhang may concert dito sa buong school dahil sa Dance Troupe.
Nagpalit na naman 'yung kanta. Ilang kanta ba 'yan?
Now Playing:
Monster - EXO
I'm creepin' in your heart babe~
Ang cute nilang sumayaw huehue lalo na si Taeil. Teka, 'yung beanie na suot niya parang pamilyar. Ay, nevermind, baka kaparehas lang.
Nagpalit na ulit 'yung kanta at ngayon, mga babae naman ang magpeperform.
Now Playing:
Ice Cream Cake - Red Velvet
OMG!
Kalma lang, Haein! Kalma lang! Hindi mo alam 'yang kantang 'yan 'diba? Huhuhu
"I SCREAM YOU SCREAM~ GIVE ME THAT GIVE ME THAT ICE CREAM~" Nagfafanchant na 'ko dito. Jusme!
Kapag nag-SNSD pa sila, huhubels na lang! RIP Lee Haein.
Sobrang ingay na. Jusme! Gusto kong magtakip ng tainga kaso hindi ko mapapakinggan 'yung kanta huhuhu
Nagpalit na naman ng kanta. Huwag SNSD, please! Pleaseㅡ
Now Playing:
I Got A Boy - SNSD
Okay, ayoko naaa!
"Bye guys, punta na lang kayo sa funeral ko." Pabirong sabi ko,
"Gagu, bes." Tumawa na lang ako sa sinabi ni Myeori.
*****
Natapos na 'yung buong program. Gosh! Sobrang ingay. Na-enjoy naman namin dahil sa Dance Troupe, nakakatuwa silang panuorin atsaka ang gagaling nilang sumayaw.
Sana magaling din ako sumayaw huhu
"Oh, uuwi na 'ko. Ito pera." Nagulat ako nang bigyan ako ni Mama ng isang libo. Wow!
"Wow! Thanks, Ma."
"Sige, uuwi na 'ko." Sabi niya at umalis na.
(A/N: kUnG gAnYaN lAnG kAbAiT nAnAy kO hUhU)
"Guys, pwede na raw umuwi." Biglang sabi ni Wonwowㅡeste Wonwoo.
"Yown! Kain tayo sa McDo." Sabi ni Natalie at nag-agree naman kaming lahat.
"Teka, kukunin ko lang gamit ko." Sabi ko at tumango na lang sila.
Tumakbo ako papunta sa Dance Practice Room. Oo, sa Dance Practice Room talaga. Sabi kasi ng instructor (?) namin, sa Dance Practice Room na lang namin ilagay 'yung mga gamit namin kasi ila-lock 'yung practice room ng Choir. Since 'yung practice room ng Dance Troupe ay palaging bukas kaya do'n na lang sa'min pinalagay 'yung mga gamit namin.
"Oy, si Haein oh." Napalingon ako sa kung saang galing 'yung boses. Ah, si Taeyong pala.
Shit, katabi niya si Taeil. OMG! Suot niya pa rin 'yung beanie. Pamilyar talaga 'yung beanie na 'yun eh. Aish.
"Uuwi na ba kayo?"
"Ah, hindi pa naman. Balak pa kasi naming kumain sa McDo. Kayo ba?" Sagot ko at kinuha ko na ang bag ko.
"Talaga? Ay, sayang. Sa KFC kasi kami kakain eh. Manlilibre raw si Taeil-hyung." Sayang? Sus, ang sabihin niya'y gusto niya lang makita si Mira. Nako!
"Ah, ayos 'yan. Sige, mauna na 'ko. Bye!"
"Sige, bye. Ingat kayo. Paki-sabi na lang kay Mira na i-chat ako mamaya pagka-uwi niya." Yieee.
"Sure, sasabihin ko kay Mira. Sige, bye."
Tumango na lang siya at umalis na 'ko. Gusto ko pa sanang mag-stay do'n kasi nando'n si Taeil huhu (landi amfuts)
Bumalik na 'ko do'n sa kinatatayuan namin kanina, "Tara na."
"Haein, 'diba sabi mo manlilibre ka?" Tanong bigla ni Shaine,
"Oo. Eto na nga oh, kaya nga ako nanghingi kay Mama ng pera eh. Tara na!"
"Yown!"
"Uy, kami rin, kami rin! Libre mo rin kami."
Napatingin kami sa SEBONG. Aish.
"Oo na, oo na. Tara na!"
"YEY!"
Napa-iling na lang ako. Hays.
-
A/N
Akala ko na-publish ko na 'to hahahaha
P.S. Bakit ang qt ni Taeyong? Huhuhu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top