025 : THIRTEEN & SEVENTEEN
Ahn Hyeseul's Point of View
"Ang tagal mag-perform nina Haein, 'yun lang naman ang hinihintay ko eh." Sabi ni Shaine na nasa tabi ko lang,
"Kaya nga eh." Sagot ko naman.
Biglang nakita namin si Haein na tumatakbo papunta sa'min. Hala, bakit?
"Oh, bakit?"
"KungsinongmaynumberniMamapakitawagansiyapleasepumuntakamosiyaditobefore9:30please."
Ano raw? 'Yung '9:30' lang ang naintindihan ko. Para siyang nag-rap na walang hinga-hinga, eh hindi naman siya marunong mag-rap.
"Ano? Dahan-dahan lang bes. Paki-ulit."
"Tawagan niyo si Mama, paki-sabi pumunta dito before 9:30, please. 'Yun lang, bye." Tapos biglang umalis na siya.
Ah.
"Oy guys, sino raw may number ng Mama ni Haein?"
"Ako, ako." Sabi ni Myeori at nilabas ang cellphone kahit bawal maglabas ng gadgets.
"Hello po? Kaibigan po ito ni Haeyeong. Pumunta raw po kayo rito sa school before 9:30 kasi po may performance silang choir...Sige po...Salamat."
"Ano raw sabi?"
"Maliligo lang daw tapos pupunta na siya."
Tumango na lang kami. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. 8:12 pa lang. Anong oras ba magsisimula 'yung program? Aish.
Speaking of...
Nagsimula na 'yung program. Eto ngayon 'yung Principal, nagi-speech nang pagkahaba-haba. Halos hindi na kami nakikinig, wala nga kaming maintindihan eh.
"So, anong oras matatapos 'yung speech ni Ma'am Principal?" Biglang nagsalita si Eyrie.
Bumuntong-hininga na lang kami. Ang tagal matapos ng speech niya, naiinip na kami.
Matapos ang ilang minuto ay natapos na rin 'yung mahabang speech ni Ma'am. Mabuti naman kung gano'n!
Ang program daw pala na 'to ay para sa birthday ng Dean ng school. Ang dami nilang alam. Pwede namang sila-sila na lang ang mag-celebrate, tss.
Nagulat ako nang magpalakpakan ang lahat tapos may mga grupo ng babae ang nasa stage. Ah, siguro sasayaw sila.
NOW PLAYING:
Boombayah - BlackPink
BlackPink in your area~
Bias ko si Jisoo sa BlackPink. Ang ganda niya kasi tapos ang ganda rin ng boses niya.
Si Rosè, medyo may pagkahawig kay Haein, medyo lang.
"Ang tigas ng katawan nung isa." Komento ni Myeori na nasa harapan ko na pala.
Magaling kasing sumayaw si Myeori kaso ayaw niyang sumali sa dance troupe. Sa next school year yata, sasali siya.
"Oo nga eh." Sagot naman ni Natalie. 'Yang dalawang 'yan, magaling sumayaw 'yang mga 'yan.
Magaling din namang sumayaw si Haein kaso dine-deny niya na marunong siyang sumayaw. Mas gusto niya ang pagkanta. Well, maganda naman kasi talaga ang boses niya, matinis at mataas, mostly puro palsetto ang gamit niya.
Hindi ko namalayan na tapos na pala 'yung sayaw. Halos hindi ko na-enjoy. Atsaka nakakaboring silang panuorin, to be honest, ang titigas ng mga katawan nila, kulang pa sila sa practice atsaka puro lakad-lakad lang pinaggagagawa nila. Hindi naman gano'n magperform ang BlackPink eh.
Grupo naman ngayon ng mga lalaki ang nasa stage.
NOW PLAYING:
Wow - BTOB
Ay, hindi ko alam 'tong kantang 'to. Ngayon ko lang 'to napakinggan.
Mukha silang tanga sumayaw, ano ba 'yan!
Ay, medyo SPG pala 'yung steps. Ew~ mukha lang silang ewan sumayaw. Para bang mga tambay sa kanto na natripan lang sumayaw. Jusme!
Hindi ko na kayang manuod. Ang tagal kasi ng performance nina Haein.
"Tayo na lang kaya ang sumayaw dyan? Mas magaling pa tayo dyan eh." Sabi naman ni Mira.
Nagulat ako nang biglang may kumalabit sa'kin. Jusme, 'yung Mama lang pala ni Haein.
"Hindi pa ba sila magpeperform?" Tanong ng Mama ni Haein.
"Uh, hindi pa po. Sabi niya po mamaya pang 9:30." Bakit kasi ang tagal?
"Pwede bang pumunta do'n sa Practice Room nila?"
"Pwede naman po siguro."
"Ah, sige." Tapos umalis na para pumunta sa practice room ng mga choir.
Pagkatapos ng performance nung mga lalaking "tambay sa kanto", kung anu-ano pang sinasabi nung MC/Host.
Host? 'Diba member 'yun ng SEVENTEEN? Si Naega-Host? Ge.
"Nagugutom na 'ko. Punta muna tayo sa cafeteria." Sabi ni Shaine,
"Sus! Canteen na lang eh, may cafeteria pa silang nalalaman."
Pumunta na lang kami sa 'cafeteria' para kumain. Babalik na lang kami do'n kapag magpeperform na ang choir.
Bumili kami ng sari-sariling pagkain tapos umupo na kami sa kung saang pwestong mahanap namin.
"Grabe, kanina pa 'ko nagugutom." Reklamo ni Myeori saka kumagat do'n sa binili niyang sandwich.
Pagkatapos naming kumain lahat, nag-stay muna kami rito sa loob ng canteen, nakakaboring kasi do'n sa Quadrangle. Saka na lang kami babalik kapag magpeperform na ang choir.
Lee Haeyeong's Point of View
"Fighting, Haein!"
Bakit nandito ang SEVENTEEN? Aish.
"Bakit kayo nandito? Bumalik nga kayo do'n." Sabi ko sa kanila.
"Masama ba? Babalik naman kami do'n kapag magpeperform na kayo." Sabi naman ni Mingyu. Napa-poker face na lang ako.
"Ngumiti ka kaya, Haein. Never kitang nakitang ngumiti." Sabi ni Soonyoung,
"Kasi kapag dumarating kayo, nawawala ang ngiti ko."
"Grabe naman, ngiti na kasi."
Ngumiti na lang ako ng pilit.
"Ano ba 'yan! Halatang pilit. 'Yung totoo."
"Wag mong pagpilitan ang isang bagay na ayaw naman talagang ipilit. Hintayin niyo na lang 'yung pagkakataong ngingiti ako ng totoo sa harap niyo." Napahugot tuloy ako nang wala sa oras. Hays.
"Get ready, choir members. After ng nagpeperform, kayo na ang susunod."
Napabuntong-hininga na lang ako. Kinakabahan ako. Paano kung pumiyok ako? Paano kung mag-flat 'yung tono ko? Nasa gitna pa naman ako. Aish! Nakakakaba!
Pero kakayanin ko. Ako pa ba? Psh.
"Oh sige, babalik na kami. Fighting! Goodluck sa inyo." Tapos umalis na ang SEVENTEEN. Hay salamat naman!
"Oh, uminom ka muna ng tubig." Inalok ako ni Mama ng bote ng tubig pero tumanggi ako.
"Ma, mamaya na lang po pagkatapos. Bawal daw uminom ng tubig bago kumanta."
"Ah, gano'n ba 'yun? Oh sige."
"Oh, kayo na. Pumunta na kayo sa stage." Pitingini.
Huminga ako ng malalim saka sumunod na sa mga ka-miyembro ko.
Kaya mo 'yan, Lee Haeyeong! Fighting!
Third Person's Point of View
"She's great!"
"Who?"
"Lee Haeyeong."
"Oh. Tama ka dyan, hyung, magaling nga d'yan. Well, I'm not surprise na siya ang nasa gitna."
Habang naghahanda ang buong dance troupe, sari-saring komento ang kanilang sinasambit.
"Gusto ko siyang makitang sumayaw."
"Me either."
"Hoy, 'tong mga 'to! Baka mamaya mabilaukan 'yan nang walang dahilan kasi pinag-uusapan niyo siya. Tsk, tumigil kayo."
"Ay, sorry."
"KAIBIGAN NAMIN 'YAN!" Rinig na rinig ang sigaw ng THIRTEEN. Ang iba naman ay nagfafangirl/fanboy sa kanila.
"THIRTEEN, pwedeng pa-autograph?"
"Mamaya na, okay?" Sabi ni Seyuri at pilit na nginitian 'yung babaeng nagtanong sa kanya.
"Okay."
"Sayang, hindi ko nadala 'yung ginawa kong banner." Sabi ni Kimaru kaya napatingin sa kanya ang mga kaibigan niya,
"Seryoso ka? May ginawa ka talagang banner?" Tanong naman ni Jenny,
"Oo nga."
"Sayang! Dapat dinala mo, Maru."
"Ei~ nakalimutan ko eh."
"Lumipad na naman isip mo 'no?" Sabi sa kanya ni Seyuri,
"Sus! Ano bang bago? Palagi namang lumilipad ang utak niyan." Napa-iling naman si Hyeseul.
"Grabe kayo sa'kin!" Nagpout pa si Kimaru pero hinampas lang siya ni Natalie kaya lalo siyang nagpout.
Akmang hahampasin siya ni Shaine pero pinigilan siya ni Kimaru, "Huwag! Masakit na."
Natapos na ang choir kumanta. Ngunit naiwan si Haeyeong sa stage dahil may solo performance siya.
"Fighting, Haein!" Sigaw naman 'yun ng SEVENTEEN.
Hinanap ng THIRTEEN kung nasaan ang SEBONG at napansin nilang nasa tabi lang pala nila.
"Hoy, nandito lang pala kayo!" Sabi ni Natalia,
"Kanina pa kaya kami nandito, duh~" Mataray na sagot ng dakilang Diva na si Seungkwan.
Umirap na lang si Natalia dahil sa sinagot ni Seungkwan.
"Maganda pa rin ako!"
"Basta cute ako!"
"Shut up!"
Now Playing:
Keep Holding On - Avril Lavigne
"Hoy, 'wag na kayo maingay, kumakanta na si Haein." Saway ni Mariannie sa kanila.
You're not alone
Together we stand
I'll be by your side
You know I'll take your hand
When it gets cold
And it feels like the end
There's no place to go
You know I won't give in
You know I won't give in~
Keep holding on
'Cause you know
We'll make it through
We'll make it through
Just stay strong
'Cause you know
I'm here for you
I'm here for you
"Kailangan ko kaya ng jacket!" Biglang sabi ni Soonyoung kaya napatingin sa kanya ang mga kaibigan niya,
"Bakit naman?" Tanong ni Wonwoo,
"Ang lamig kasi ng boses niya."
"Pfft. Jusme, Kwon Soonyoung! Tumigil ka nga sa mga ka-corny-han mo." Sabi naman ni Jihoon,
"Totoo namang ang lamig ng boses niya eh."
"I know. Pero 'wag ka nang bumanat, baka banatan kita dyan."
"Sige nga, Jihoonie~"
"Pwe."
"Ang landi niyo!" Paboritong linya ni Diva Boo.
"Malandi agad?"
"Oo, malandi kayo!"
"Pwe."
-
A/N
Cuteㅡeste cut muna kasi pabitin akong author. Tengkyu~
P.S. Wala na 'kong paki sa mga typo, 'yun lang xD
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top