022 : SEVENTEEN & THIRTEEN
TRESE
Active Now
Shaine: Hoy, nasan na kayo? Nandito na kami sa McDo
Shaine: Sina Arue umoorder na
Mira: Nandito pa po kami sa classroom
Mira: Nakikipagbangayan pa si Eyrie dun sa secret admirer nya kuno
Mira: Sina Myeori at Haein ang sabi nila kukunin lang daw nila yung gadgets nila sa Guidance office pero hindi pa nakakabalik
Mira: Jusme baka ini-stalk na yung mga krass nila sa dance troupe
Natalie: OH MY GOSH
Shaine: Jusmiyo naman
Mira: Si Jenny naman hina-hunting yung Bambam
Mira: Ay nvm nandito na si Jenny huehue
Arue: Sina Myeori at Haein?
Arue: Naka order na po kami
Mira: Teka lang guys tapos na makipagbangayan si Eyrie hahaha
Mira: Pupuntahan nalang namin sila sa dance practice room baka mamaya kung ano nang ginagawa nila dun
Arue: Bilisan nyo para sabay sabay na tayo kumain
Arue: Si Maru jusme pinaglalaruan pa yung mga tissue
√seen by Mira
*****
"Hoy, Haein! Myeori!" Tawag nina Mira sa dalawa ngunit hindi yata sila narinig dahil hindi lumingon sina Haeyeong at Seyuri.
Wala na silang choice kundi ang lapitan ang dalawa na gusto na yatang makisali sa mga sumasayaw dahil halos nasa loob na sila ng practice room.
"Hoy! Tara na, naghihintay na sila do'n."
Tumigil naman ang music, kasabay ng pagtigil sa pagsasayaw ang dance troupe.
"Okay, 15 minutes break." Anunsyo ng dance instructor nila.
"Hi, Mira."
Lumabas naman ng dance practice room si Taeyong. Medyo nagiging close na rin kasi sina Almira at Taeyong, at ilang beses din silang nagkakabangga, nagkakasalubong, o nagkakasabay.
"Hey, Taeyong."
"Bakit mo nga pala ako tinatanong tungkol do'n sa dalawa naming ka-member?"
"Ah, wala 'yun. Huwag mo na lang 'yun intindihin."
"Hoy, tumatawag na si Arue. Tara na!"
"Ah, sige, aalis na kami."
Napa-pout naman sina Haeyeong at Seyuri dahil do'n.
"Teka lang, hindi pa namin alam 'yung pangalan. Hala!" Sambit ni Seyuri at siniko naman siya ni Haeyeong.
"Bukas na ang landi, kakain muna tayo sa McDo."
"Ay sige."
*****
"Hay salamat! Oh tara, kain na tayo."
Umupo na sina Haeyeong at Seyuri sa bakanteng upuang magkatabi.
"Sinong nagsabing pagtabihin 'yang dalawang 'yan?" Sabi ni Arue habang nagdi-distribute ng kutsara't tinidor.
"Hayaan mo na, kain na tayo."
Sa kabilang dako, isang grupo ng mga lalaki ang maingay na pumasok sa loob ng McDonalds. Halos pinagtitinginan sila ng mga tao sa loob ngunit hindi na lang nila pinapansin ang mga ito.
Sila ay walang iba kundi ang SEVENTEEN. Ano bang bago? Palagi naman silang maingay, mas maingay pa kaysa sa THIRTEEN.
"Kami na ang mag-oorder, maghanap na kayo ng pwesto." Saad ni Seungcheol at inakbayan si Jeonghan.
"Ang landi niyo." Sabi ni Seungkwan sabay flip nito sa imaginary long hair niya.
"Inakbayan lang, malandi agad?"
Dahil sa sinabing 'yun ni Naegahoshㅡeste Soonyoung, nagtawanan naman ang iba.
Pumila na sa counter ang mag-asawaㅡeste sina Jeonghan at Seungcheol. At naghanap naman ng mapupwestuhan ang mga anak nilaㅡeste 'yung ibang members.
"Uy, ang SEVENTEEN."
Napalingon ang SEVENTEEN kung saan nanggaling ang mga boses na 'yun.
"Hala, nandito rin ang THIRTEEN?" Parang tangang tanong ni Mingyu kaya naman, nakatanggap siya ng hampas mula sa asawa niyaㅡeste kay Wonwoo.
"Aray naman, Wonu~"
"Para namang nasaktan ka talaga. Tss."
Pumwesto na lang ang SEVENTEEN sa lamesang katabi ng lamesa ng THIRTEEN.
Bumuntong hininga naman si Arue, "Isang malaking kaguluhan 'to."
Nagtawanan naman ang buong THIRTEEN at pati na rin ang SEVENTEEN.
"Realmente eres hermosa, Haein-ssi."
Napatingin ang lahat kay Soonyoung dahil sa sinabi nito at napakunot ang noo. Sinamaan naman siya ng tingin ni Haeyeong.
"Eres feo, Soonyoung-ssi."
"Grabe! Ni-compliment ka na nga, nilait mo pa 'ko." Umakto pang umiiyak si Soonyoung.
"Tumigil ka nga, hindi bagay sa'yo."
"Seryoso, wala kaming naintindihan do'n." Sabi naman ni Jihoon,
"Sabi ko kasi, maganda si Haein. Sinabihan ba naman akong pangit."
"Bakit? Hindi ba totoo?"
"Hoy, ang gwapo ko kayo."
"Mahiya ka naman. Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo."
"Savage~" Pagsabat ni Seyuri kaya nagtawanan na naman sila.
"Mas gwapo naman ako kay Hoshi." Sabat ni Mingyu.
"Oy guys, umusog-usog naman kayo. Wala na kaming pwesto ni Seungcheol." Biglang dumating si Jeonghan na may dala-dalang tray na may lamang labing-tatlong mga baso ng tubig.
Maya-maya'y dumating si Seungcheol na may kasamang staff. Pareho silang may dala-dalang tray. Sa dami ba naman ng SEVENTEEN, hindi kasya sa isang tray ang mga pagkain nila.
"Salamat po."
Dinistribute naman ni Jeonghan ang mga pagkain, kutsara at tinidor.
"Mga anak, kumain kayo ng maayos ha."
"Opo, Nay!"
Nagtawanan naman ang SEVENTEEN at nagsimula nang kumain.
*****
Taeyong Lee
Active Now
Taeyong: Hi!
Taeyong: Mira, may performance pala kami bukas. After ng performance ng choir, kami ang sunod.
Taeyong: Manuod kayo ha.
Almira: Ah sige
Taeyong: Nga pala, yung tinatanong mo sakin
Taeyong: Si Moon Bin yung ka-member naming miyembro ng ASTRO. Originally, member sya ng choir pero nag-quit daw sya dahil mas gusto nya raw sa dance troupe hahaha malay ko ba
Taeyong: At si Taeil-hyung naman yung sinasabi mong medyo maliit at magaling kumanta
Taeyong: Dapat talaga'y mag-aaudition sya sa choir kaso nga lang na-late sya. Kaya pinilit namin syang sumali sa dance troupe para rin ma-enhance yung dancing skills nya
Taeyong: Nag-iimprove naman sya actually. Btw, member din sya ng NCT.
Almira: Ahh
Almira: Diba 15 members kayo sa NCT?
Taeyong: Opo hahaha ang dami no?
√seen
"Hoy, sino ba 'yang ka-chat mo, Mira?"
Kaagad niyang itinago ang phone niya, "Ah, si Taeyong. May performance daw sila bukas after magperform ng choir."
"Talaga? Kasunod namin sila? Hala!" Reaksyon naman ni Haeyeong bago pinapak 'yung ketchup.
"Paniguradong manunuod ako." Sabat naman ni Seyuri at namapak din ng ketchup.
"Taeil at Moonbin pala 'yung pangalan ng mga crush niyo. Member ng NCT at ASTRO." Sabi naman ni Mira at humigop ng McFloat niya.
"Sino do'n 'yung member ng ASTRO?" Tanong ni Seyuri,
"'Yung Moonbin."
"Ah, Taeil pala ang pangalan niya. Hindi ko naman siya crush, na-cute-an lang ako sa kanya." Ngumiti pa si Haeyeong, 'yung halos hindi na makita ang mga mata niya.
"Guys, 'wag munang mag-lovelife." Sabat naman ni Mariannie at nagtawanan naman ang iba.
"Wala kasing forever."
"Tama 'yun."
Tahimik lang na kumakain ang SEVENTEEN habang pinakikinggan ang mga usapan ng mga babaeng kasama nila.
"May malapit nang magselos d'yan. Secret, walang clue!" Sabat ni Dino habang tumatawa.
"Ang ingay mo naman, Lee Chan." Reklamo ni Jihoon.
-
A/N
Hi :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top