005 : SEVENTEEN

Mrs. Park's Narration
Kasalukuyang kumakain sa loob ng cafeteria ang SEVENTEEN. Sobrang ingay sa loob ng cafeteria, dagdag mo pa ang tunog ng blender dahil may tinitindang shake sa loob.

"Ang ingay naman. Hindi ako makapag-focus." Sabi ni Joshua habang lunod sa libro ang mukha niya.

"Wag kasi dito sa cafeteria, sa bahay ka mag-aral." Sabi naman ni Jeonghan habang lumalamon ng cheesecake.

Sinara na lang ni Joshua ang libro dahil nga'y hindi siya makapag-focus dahilan ng ingay sa loob ng cefeteria.

"Hala hala! Nandito na sila!"

"Sinong 'sila'?" Nagtatakang tanong ni Seokmin.

"Hindi niyo sila kilala?" May lalaking lumapit sa kanila.

"Uh..hindi eh. Tranferees pa lang kasi kami." Sagot naman ni Soonyoung na lumalamon ng ice cream sandwich.

"Sila ang Thirteen."

"Thirteen?"

Nagkatinginan sila. At isa lang ang tumatakbo sa isip nila. Pamilyar ang pangalang 'yun.

"Sino ang Thirteen?" Tanong naman ni Mingyu na may nakasalpak na egg sandwich sa bibig niya, kaya binatukan naman siya ni Wonwoo.

"Ouchie~"

"Sila ang pinakasikat na grupo rito. Masungit ang iba sa kanila kaya DONT. MESS. UP. WITH. THEM."

Napanganga na lamang sila. Seryoso ba siya?

"Sige, pasensya na sa istorbo. Aalis na 'ko." At bigla na lang umalis 'yung lalaki.

"Kailangan natin silang makilala. Pamilyar sila eh." Sabi ni Seungcheol.

"Ah, baka sila 'yung nagbigay ng bracelet sa'tin noon? Hindi kaya?"

At napatingin silang lahat kay Chan na para bang nakaisip si Chan ng magandang ideya.

"Maaari nga."

*****

"Good morning po."

"Yes? Anong kailangan niyo?"

Pumasok sila sa Guidance Office. Umupo sila sa napakalaking kulay pulang Sofa. Airconditioned din ang loob kaya feel at home ang mga loko.

"Hoy, magsi-ayos nga kayo. Hindi na kayo gumalang." Saway ni Joshua sa mga kaibigan niya.

"Ay sorry."

"May irerequest lang po sana kami. Maaari po ba naming makita ang biodata ng grupong THIRTEEN?" Lakas-loob na sambit ni Seungcheol sa Dean ng school.

"Maaari naman. Sandali lang at kukunin ko." Umalis ang Dean at pumunta sa likuran para hanapin ang mga files.

"Salamat po."

Ngumiti pa si Seungcheol na halos nakikita na ang gilagid, sa mga kaibigan niya.

"Ang pangit mo." Sabi ni Mingyu kay Seungcheol.

"Kausap mo ba sarili mo?"

"Ang gwapo ko kaya."

Napa-iling na lang ang iba dahil sa kahanginan ni Mingyu.

Bumalik ang Dean na dala-dala ang isang folder na may label na 'THIRTEEN'.

"Oh, heto." Binigay ng Dean ang folder kay Seungcheol, at tinanggap naman ito ni Seungcheol.

Umupo siya sa Sofa at pinakita sa mga kaibigan ang mga biodata ng THIRTEEN.

"Isulat natin 'yung mga pangalan nila sa papel tapos hanapin natin sa FB, and then i-chat natin."

"Magandang ideya 'yan."
-

A/N

Hello :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top