Chapter 7 | TGWSGSHA

Chapter 7 | TGWSGSHA


I don't hate my first name though I always make it an excuse that it's too girly for my preference. Kaya naman nag-stick ako with Gab or Gabrielle. Bilang lang sa mga kamay ko kung ilan ang tumatawag sa 'kin ng Alexa. Kaya hindi ako sanay, naiilang ako kapag ibang tao na.


That's why it's always been a question why I let him call me by my first name. From the very start, Alexa na ang itinawag niya sa 'kin. He barely used Gab. Gagamitin niya lang 'yon kung mang-aasar siya, galit siya o para iparamdam sa 'kin na masama ang loob niya kapag "nagpapakamanhid daw" ako.


Being an observer, alam ko ang bawat ibig sabihin tuwing babanggitin niya ang pangalan ko. My favorite was whenever he calls me out of curiosity, out of the blue. There's a hint of worry and excitement in his voice when he wants to check where I am, what I'm doing or if I'm listening. Na para bang naninigurado siya kung may sumasanib na sa 'kin. And the innocence in his eyes...


Alexa...


Alexa...


Alexa...


Alexa...


"Alexa."


This time hindi ko alam.


Oh, my pretty, pretty boy

I need you

Oh, my pretty, pretty boy I do

Let me inside

Make me stay right beside you—


Hindi ko...


"Ale—"




Nasampal ko siya.


Hindi ko na nakontrol ang sarili ko. Nakita ko na lang na malakas na tumama ang kamay ko sa pisngi niya at bago pa siya nakapagreact ay naunahan ko na siya.


"Shit!" Pagmumura hindi dahil galit ako sa kanya kundi mura dahil nagulat din ako sa ginawa ko. "I'm sorry!"


Nakailang akmang paghawak ako sa mukha at pagbawi ng kamay ko dahil gusto kong takluban ang nakanganga kong bibig. Nyeta anong ginawa ko?!


Kita ko ang panlalaki ng mga mata niya dahil—duh!!!—nagulat siya sa ginawa ko. Natatarantang tiningnan ko ang pintuan ng apartment ni Alex. Gusto kong pumunta sa loob at pagsarhan siya ng pinto pero sa sobrang kaba ay sinarhan ko ang pinto nang nasa labas kami pareho.


AHHHHH. PUNYETAAAA!!!


Nakatunganga akong nakatingin sa pintuan nang marinig ko siyang tumawa. Dahan-dahan ko siyang sinilip mula sa balikat ko. Hawak hawak pa rin niya ang kaliwang pisngi niya pero tawa pa rin siya ng tawa na halos hindi niya malaman kung sakit ng pisngi o tiyan niya ang aatupagin.


"Looks like I'm not dreaming." Inayos na niya ang tayo niya at bahagyang tumungo na para bang may hinintay akong gawin. "Hey."


"I'm really sorry." Hinarap ko na siya at pinigilan na hawakan siya nang nakita ko ang pamumula ng pisngi niya. "Hindi ko alam na—" pero tumango lang siya kahit hindi ko pa natatapos ang explanation ko. I don't know how to end it anyway.


What's a good excuse for slapping his face out of nowhere? Dahil bigla akong sinaniban ni Gab three years ago at kinontrol ang kamay ko para sampalin siya? That will be a good excuse but what the hell.



You stay a little while

And touch me with your smile

And what can I say to make you mine

To reach out for you in time



Mabilis kong tinanggal ang earphones sa tainga ko nang maging aware na ulit ako sa kanta. I'll remind myself to delete that song later. Inayos ko ang phone at earphones ko sa bag at sinilip siya. Tulad ko, hindi niya rin alam ang gagawin at sigurado akong pareho naming hindi inaasahan na makikita ang isa't isa ngayon.


"Wa—wala si Alex."


"Mukha nga."


"Gusto mo bang pumasok sa loob?" Well, that came out naturally—yet sounded wrong. "I mean, hintayin si Alex..." again, tumango siya nang hindi pa ako tapos sa sinasabi ko. Na para bang gusto niyang tapusin agad ang sinasabi ko dahil ayaw na niya akong magsalita.


Ewan. 'Di ko rin 'yon sure. Trip ko lang na 'yon ang dahilan.


Tinugunan ko siya ng tango dahil hindi ko rin alam ang gagawin ko. Bubuksan ko na sana ang pintuan pero—ayaw bumukas. I cursed myself for having a habit of automatically pressing the lock whenever I go out. Nakailang testing pa ako at tinawag ang mga santo para tulungan akong gumawa ng himala at buksan ang pintuan.


Pero wala.


"Dito na lang tayo. Okay lang naman dito." Nakita ko na lang siya na umupo sa isang step ng hagdan sa harap ng pintuan. Sinilip niya ako kung susunod ako at tatabi sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko.


Tayo.


Ang lungkot naman n'on.


Sumandal ako sa pintuan at tinitigan ang kalsada, umaasa na dadating na ang sasakyan ni Alex. Gusto ko sanang itext si Alex pero hindi ko alam ang number niya. Gusto kong sabihin na i-text niya si Alex pero mismong sarili ko na rin ang ayaw gumalaw.


Pinanood ko siya mula sa likod. Inayos niya ang itim jacket niyang jacket pati na ang buhok niya. Tinitigan ko ang kamay ko. Hindi ko napigilang mapangiti. Hindi ako makapaniwalang sa lahat ng pagpapractice ko at pagkausap ko sa sarili ko lagi sa salamin para lang paghandaan ang araw na 'to, mas pinili kong sampalin siya. Sa lahat ng magandang comeback, ayun pa ang nagawa ko.


"Uy." Natigilan ako nang bigla niya akong sinilip kahit inaasahan ko na 'yon. Iniwas ko agad ang tingin ko nang tiningnan niya ako. "Sorry." Sabi ko habang tinuturo ang pisngi ko. "Nagulat lang ako."


Narinig ko ang pagtawa niya. "You didn't get that alias for nothing, Alexa."


Alexa. This time may halong pang aasar sa boses niya.


Nahuli ko ang ngiti niya nang tumunghay ako pero lumingon na siya sa harap. Alias... TGWSG.


For the second time, out of shock, I slapped the Gatorade.


TGWSGSHA.


The Girl Who Slapped Gatorade Slapped Him Again.


Uhhh, that's not even funny.


Wala na ulit nagsalita sa 'min after n'on. He didn't even bother to look at me again, though I don't really mind. Hindi ko rin naman alam kung anong gagawin kapag ginawa niya 'yon.


I was playing with the strap of my bag nang biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko agad 'yon ang nakita ang pangalan ni Papa. Sinagot ko agad at napangiti nang marinig ang boses niya.


"Hi, baby." Naglakad ako palayo, papunta sa may malapit sa kalsada. I was waiting for an excuse para makaalis sa pwesto ko d'on at savior ko ang tawag na'to. "Did you steal Papa's phone again?"


"Baby, uwi ka na po!!"


Napasimangot ako sa tono ng boses ni Aljie. Pero iniwasan niya ang tanong ko, ibig sabihin ay patago niyang kinuha ang phone ni Papa. Tataob na naman ang bahay pagkatapos ng tawag na 'to dahil iniiwan lang ni Aljie kung saan saan ang phone pagkakatawag sa 'kin.


At kapag tuwing patago niyang kinukuha ang phone ni Papa para tawagan ako, kung saan-saang sulok ng bahay siya pumupunta para lang makapagtago.


"Ilang days na lang baby. Promise, uuwi na 'ko."


"Wala ako kalaro bahay. Wala Papa Mama."


Nagkwento lang si Aljie tungkol sa nangyari sa bahay noong wala ako. Of course, based on his perspective. He even mentioned na sinipa niya si Papa paalis ng kama para lang masolo niya si Mama pagtulog. Napaka-clingy ni Aljie, sweet at mabait pero kapag pagdating kay Papa... lagi silang magkaaway. Dahil na rin siguro pareho sila ng ugali.


Nagkukwento pa rin si Aljie nang may mapansin akong papalapit sa 'kin. Tulad ko, may kausap rin siya sa phone. Nagpaalam na ako kay Aljie at sinabing baka next week na ako makakauwi. Hindi ko pa rin kasi alam kung kailan ang flight ni Mama pabalik. Sakto din namang nagpaalam si Russ sa kausap niya.


"Wala pa akong tulog, Alex. Bilisan mo na. Nagkita na sila."


"We did." I confirmed it and faked laughed. Sabay kaming sumilip sa taong nakaupo sa harap ng apartment ni Alex.


"Sorry."


"Wala ka namang ginawang mali."


"To be honest, I don't know what's right or wrong when the two of you are involved."


"E di dapat ako ang mag-sorry."


Tumango-tango lang si Russ saka lumapit sa kaibigan niya. Tumingin ulit ako sa phone ko at napansing may text ako galing kay Dominique. Ni-remind niya lang ako tungkol sa schedule niya sa mga preparation. I simply answered okay since wala rin naman akong choice.


Ilang minuto rin ang nakalipas nang dumating si Alex. Tuliro siyang lumabas sa sasakyan at tiningnan ako.


"I didn't miss anything, right?"


"At akala ko naman concerned ka kaya ka natataranta. Tsismoso ka nga pala."


"Gossip, first. Worry, second." Nailing na sagot ni Alex. "You know I love to see you in agony."


Inirapan ko na lang ang gago. "May lakad ata kayo. Mag-solo flight na lang ako."


"Ano ba plano niyo dapat?" Napansin ko na lang na may tao na pala sa likod ko. "Kami lang naman sabit, e."


"Kasama tayo?" Tanong ni Russ sa kanya.


"Bakit? Ayaw mo bang kasama si Gab?" Nagulat ako sa tono ng boses niya. Gab. "Tara? Gutom na 'ko, e."


Pumasok si Gatorade sa shotgun seat at sumunod na rin si Russ dahil mukhang wala na rin siyang magagawa. Nahuli ko ang tingin sa 'kin ni Alex. He murmured, "I did miss something."


Hindi ko alam.


Meron ba?


*****


May isa akong pinangako sa sarili ko na hindi ko gagawin in case na makikita ko si Lance. I promise that I won't ever-EVER-check him out. I won't steal glances just to see what changed or not. I won't assume-not even a bit-that he's checking me out too. Promise 'yon. Kaya hindi ko gagawin.


Kaya naman hindi ko alam na mas pumuti at tumangkad siya. Hindi ko rin napansin na mas naging bulky siya ngayon kumpara noon. Yep, hindi ko napansin ang muscles perplexing nang tanggaling niya ang jacket niya. His hair is even shorter. Mas clean cut pero hindi nawala ang bangs. Did I even mention that it's black? Yun lang naman ang obvious so...I'll forgive myself.


But ghaddamnit!! I did check him out!!


Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil sa dalawang rason... Una, wala akong magawa. Since we got here, sa mall, hindi na ako nagsalita. Kakausapin ako saglit nina Russ at Alex pero madalas sila nang dalawa ang mag-uusap. Pangalawa... well, I got curious—joke—hindi ko napigilan dahil hindi ko mapigilan.


Seeing him in front me is already a tease that I should check him out.


At may napansin ako habang pasimple kong ginagawa 'yon, hindi na niya ako tiningnan mula nang sumakay kaming lahat sa sasakyan. Akala ko noong una nakatingin siya sa 'kin mula sa side mirror pero sa iba pala siya nakatingin.


Katabi ko si Russ at nasa harap ko naman si Alex noong kumakain kami kaya medyo ayos na rin. Nagkwentuhan silang tatlo at hindi ako makarelate d'on dahil mga nangyari 'yon sa loob ng tatlong taong lumayo ako sa kanila. I did feel weird knowing that he kept in touch within those years. It did sting me and I chose not to let them notice.


"Gusto ko din sanang magpa-tattoo, e." Natigilan ako sa pagkain nang bigla akong ituro ni Alex. "Tulad n'ong tattoo ni Gab. Calligraphy lang pero sana sa likod o kaya 'yung kahit dibdib." Agad naman akong napahawak sa may dibdib ko. "Pero papatayin ako ni Ma kapag nakita niya."


"Anong nakasulat?" Sasagot sana si Alex pero napansin niyang sa 'kin nakatingin si Lance.


"Eleutheromania." Nakita ko ang tanong sa mukha niya dahil hindi siya pamilyar sa salita pero hindi na siya nagtanong.


Naging tahimik na rin kaming apat pagkatapos non.


Pero naramdaman ko ang tapik ni Russ sa tuhod ko—comforting me.


Mukhang napansin niya rin pala.


Oo, Russ.


Sasabog na ako.


Ayoko na dito.


Who would have thought that I'd meet the Lance Alexander Zamora today? Sa tinagal-tagal ng panahon at sa pagtatago sa 'kin ni Alex kagabi, magkikita rin pala ang landas naming dalawa. Inaasahan ko nang mangyayari 'to sooner or later pero hindi ko akalaing ngayon na pala 'yon.


Sa totoo lang, noong medyo nagkausap na kaming dalawa kanina nang wala pa sina Russel at Alex ay akala ko magiging okay dahil mukhang okay. Pero habang tumatagal na nakikita kong dahan-dahan na naman siyang nageexist sa paligid ko, dahan-dahan din akong nasasakal. Dahan-dahan na ring nagpaparamdam lahat ng sama ng loob ko.


Paulit ulit na tumatakbo sa utak ko lahat ng sinasabi ko sa harap ng salamin tuwing paghahandaan ko ang araw na 'to. Kung paano lagi papaalalahanan ang sarili ko na magiging okay ang lahat kapag nakita ko siya.


Pero bakit ganon...


"Pa'no ka?" Nakita ko na lang si Alex sa tabi ko. Pabalik na kami ngayon sa parking lot.


"Maghahanap na lang ako ng hotel."


"Sure ka? Wala kang dalang sasakyan."


"Akala ko ba you love seeing me in agony?"


"Well, watching us drink tonight will discomfort you for the fact that there could be chances na lahat kami malalasing at may malaman kang hindi mo dapat malaman." Sinuntok ko siya sa braso pero hindi naman man lang siya natinag.


"It will discomfort me dahil alam kong hindi niyo ako bibigyan ng beer."


"May trabaho ka, 'di ba? Maging proud ka sa 'kin! Kahit papano marunong akong maging best friend! Dinaig ko ang carebear sa pagbibigay ng care!"


Bumaba agad ako ng sasakyan pagkabigay sa 'kin ng susi ni Alex dahil aayusin ko pa gamit ko. Bibili pa daw sila ng yelo kaya naman umuna na ako. And I don't think I can spend another minute with him around. Mabilis akong nag-ayos at naghanap sa internet ng vacant rooms, hoping na makaalis ako dito bago sila magsimula sa gagawin nila. Mga lasinggero.


Pagkalabas ko ng kwarto ni Alex, laking gulat ko nang makita siya sa living room at nakaupo sa sofa—the exact sofa kung saan ako nakahiga kagabi.


"Nasa'n sila?"


Pero hindi niya ako sinagot.


Kaya naman bumaba na ako at inilagay lahat ng gamit ko sa kabilang sofa. Chineck ko ang living room dahil baka may maiwan pa ako. Napatingin ako sa sofa kung saan nakaupo si Lance at nakita 'yong charger cable ko. Lumapit na ako para kunin 'yon pero natigilan ako nang bigla siyang magsalita.


"Bakit ka nandito?"


"Hindi ba ako pwede dito?"


Mabilis agad namuo ang inis ko. Seryoso ang mukha niya at hindi man lang niya ako tingnan. Mabilis kong kinuha ang cable sa tabi niya at tumalikod na pero nagsalita siya ulit. "The last time I checked, you pushed everyone out of your life."


Mabilis akong humarap ulit at tiningnan siya sa mata. "The last time I checked, wala ka nang pakialam sa 'kin."


Ngumiti siya.


Pucha, ngumiti siya at tinanguan ako.


Ngayon alam ko na kung bakit ko siya sinampal kanina. Hindi nakaraan ko ang sumanib sa 'kin kanina. Advance payment 'yon sa sinabi ni Lance at nagsisisi ako't nag-sorry ako sa kanya.


Bumalik ako sa pag-aayos nang gamit ko at nagmadaling lumabas nang matapos ako. Saktong dumating sina Russ at Alex na may dala-dalang pagkain. Mabilis akong nagpaalam at naginsist si Russ na samahan ako pero tumanggi ako. Papalabas na sana ako nang magsalita ulit si Lance.


"It's nice seeing you, Gab."


Gab.


Naalala ko ang sinabi ko kay Lean noong nagkita kami at naalala ko na rin ang promise niya sa 'kin bago siya umalis noon. I smiled for knowing he actually kept his promise.


Sinilip ko siya at nakita siyang nakatingin sa 'kin. I smiled, not giving a damn if I look insincere or not. "We both know that's not true, Gatorade."


Kumaway ulit ako kay na Alex at Russ bago tuluyang umalis. Nagdire-diretso ako sa paglalakad at hindi na lumingon. Tumigil lang ako noong kailangan ko nang pumara ng masasakyan.


As I was waiting for a ride, napansin ko na lang na nanginginig ang mga kamay ko. Hinayaan kong gumalaw ang mga kamay ko at tinawagan siya. Mabilis niyang sinagot ang tawag ko at nakaramdam ako ng lungkot nang tawagin niya akong Gab.


"Bebs." Natahimik si Dominique sa kabilang linya. "Bebs..."


Huminga ako nang malalim, umaasa na mapipigilan ko pa ang pagsabog ko.


"Help."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top