Chapter 5 | I Need Your Sofa
Chapter 5 | I Need Your Sofa
Nagtatampo si Aljie nang umalis ako sa bahay. Weekend pero hindi kami makakaalis. Hindi naman sa ayaw ko siyang kasama, ang problema kasi... ayokong mag-stay sa bahay. I'm not ready to face her yet. Of course, Aljie gave me the loneliest frown he could do. Those big eyes and small pouty lips helped a lot and lucky for me, I managed to resist that cute boy. Oh, did I ever mention na kasama niya si Papa na nakasimangot sa 'kin bago ako umalis? It was tough.
We share the same eyes and nose. Mas manipis ang labi niya, straight ang buhok at mas maputi siya kumpara sa 'kin. Madalas napapagkamalan siyang babae dahil maliit siya para sa edad niya. Payat pa. Mixture siya ng ugali nina Mama at Papa. Striktong makulit.
Andito ako ngayon sa Batangas and I think I'll be staying here for a week or two. Aside from knowing that it'll be easier for me to get to Art Stuff, wala na akong makitang benefit doon. Batangas doesn't amuse me anymore.
Dumaan muna ako sa mall para makapag-groceries dahil may hiya rin naman ako sa may-ari ng bahay na pupuntahan ko. Hindi ko pa nasasabing pupunta ako pero alam naman niyang para akong mushroom na sumusulpot sa labas ng pintuan niya—And I found myself staring at a drink that I think I haven't tried in ages.
"A bottle won't hurt I guess." Kinuha ko yung isang bote ng Gatorade. I wanted to get a different color pero yung kulay blue lang talaga ang gusto ko from the selection. And yep, I don't know what's happening and I'm really tired of thinking.
Dumiretso na agad ako sa apartment niya matapos kong mamili. I didn't bother to knock. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya. Hindi pa siya nakakapagsalita ay inunahan ko na siya, "Pintuan."
"You're kidding me, right?"
That's odd.
Kumatok ako para bigyan siya ng confirmation na nandito talaga ako sa labas ng apartment niya. It took a while bago niya ako pinagbuksan. Halos tatlong buwan na kaming hindi nagkikita pero naninibago pa rin talaga ako kapag nagpapaikli siya ng buhok.
"I need your sofa." Papasok na sana ako pero pinigilan niya ako. Mabilis siyang lumabas at sinarhan ang pinto na para bang meron akong dapat hindi makita sa loob.
"Hi, Gab. Long time no see." Bigla niyang kinuha ang bag at pinamili ko sa kamay ko. "You can't stay here."
"What?" Naglakad siya sa hallway, papunta sa elevator. Nataranta ako bigla. "Why?"
"I'll bring you somewhere else."
"Bakit? Dahil may babae ka sa loob? Para namang may pake ako!"
"No. Lalaki." Dirediretso siyang pumasok sa loob ng elevator.
"Iba na ang taste mo?" nagulat ako nang bigla niya akong tuktukan. "I'm sure he won't mind if I'm there. Kaibigan mo naman ako, 'di ba?"
"Oh, trust me, Gab. He will." Nasa labas na kami ng building at mabilis niyang hinanap ang motor niya. Napasimangot ako dahil pinagtatabuyan niya talaga ako. "I'll bring you to Alex. He won't mind."
"No." Hinigit ko ang bag ko sa kamay niya. "I'll talk to your guy friend. May dala rin akong beers at yung paborito mong pagkain. Just pleaaase, let me stay."
"Gab." Ibinalik niya ang simangot sa 'kin. "That guy needs me."
"And I need you, too. Too bad you're wearing the Mister Congeniality sash." Hinila ko ang bag ko. "I can't talk to Alex, yet!"
Natataranta na talaga ako. Sana pala tinawagan ko siya kaninang umaga. Ayoko sa mga inn o kahit anong hotel dahil mahal ang stay per night. It can take my whole month salary! At alam kong alam niyang hindi ako kasing friendly tulad niya at wala na akong ibang matutuluyan.
"How about Dominique's? Kina Princess?"
"Russel!" I whined.
"I want to help you, Gab. Pero kailangan din ako ng ugok na 'yon."
"Eh, malay mo makatulong din ako sa problema niya?"
"Kung umuwi ka na lang kaya?" Mabilis akong umiling na ikinatawa niya. "Kanina ko pa rin sinasabi sa kanya 'yan pero pareho niyong ayaw."
"Lumayas siya o pinalayas siya?"
"Pareho kayo."
"Pero Russ—"
"Sinuntok siya ng kapatid niya out of nowhere. Nag-away sila at wala siya sa mood para makipagbangayan since nakikitira lang siya sa kanila." Inayos na ni Russ ang motor niya at hinagis sa 'kin ang extra helmet. "I think you understand na ayaw mo mag-stay sa isang bahay na pakiramdam mo pabigat ka."
"Hindi ba talaga pwedeng magkasama na lang kami? Tatlo naman tayo d'on." I plead for the last time.
"Then what? Pagkagising ko sa umaga, makikita ko na lang kayong magkayakap sa sofa?" Sinuot na niya ang helmet at sinenyasan ako na sumakay na. "Trust me, Gab. You don't want to be inside my apartment right now."
Hindi na ako nakipagtalo. Sumunod na ako at sumakay. "It's not like I'll be seeing Gatorade sitting on your sofa, right? Ayon ang hindi ko magugustuhan."
Pero hindi siya sumagot.
Russel Hyuuga rejected me. What the hell.
* * * * *
"No."
"Told you."
Naging malalim ang buntong-hininga ni Russel. Between the three of us, siya lang naman kasi ang may gusto na mag-stay ako dito kay na Alex. Pero kahit ganon, dumiretso pa rin sa loob si Russ at hindi naman umangal si Alex.
"Bigyan mo siya ng tatlong unan. Ilang araw lang."
"Don't tell me na nagayuma ka na naman ng babaeng 'to?" Tinapik ko ang kamay ni Alex nang tinuro niya ako. "And I thought I made myself clear when I said no seconds ago."
"Please, Alex. Ilang araw lang." Mukhang pagod na pagod na si Russ at ayaw niyang makipagtalo.
"Ba't ayaw mong bibitin dun sa best friend niya?" Bigla akong inirapan ni Alex.
"Then destroy Dominique's lovey-dovey with her future husband? No, thank you." Wala na rin namang choice, eh. Kinuha ko yung bag ko at dumiretso sa living room, sa sofa.
"Anong pinagsasabi mo?"
"Ang sinasabi ko, baka kasi live in na kasi sila ni Marcus. It's possible since they're getting married anyway." Napabuntong-hininga na rin ako. Hindi pa rin talaga nagsisink in sa utak ko ang balitang 'yon—and hoorah, I'm the freaking maid of honor. "Ang hirap ding i-catch up ng three years."
"Ikakasal sila?" Rinig kong tanong ni Russ pero tahimik lang si Alex.
"Do you really have to be here?" Alex asked me, totally ignoring Russ.
"I have no choice."
"Bakit?" Pero walang umimik sa 'ming dalawa ni Russ. "You want help but you don't even want to tell me why."
I really don't want to talk about it. But heck.
"Nasa bahay si Mama." Mahina kong sagot. "Umaalis ako sa bahay tuwing umuuwi siya." Mukhang nagulat si Alex sa sagot ko. Katulad ni Russ, naramdaman ko ang pagod sa isang topic na ayaw ko nang pag-usapan. "Mahirap talagang i-catch up ng tatlong taon."
I've been sleeping in whenever Mama's around. Halos dalawang taon nang pabalik-balik si Mama sa Macau at Pilipinas. Like everyone's expectations, Mrs. Delos Reyes will succeed and will continue to be successful. She did and she's not failing anyone. And as our business makes its way to the top, we gradually lose our bond. It was like we're back to square one. It's more like me losing it, actually.
I don't want her to see me. Kaya naman sinisigurado ako na wala ako sa parameter niya tuwing umuuwi siya ng Pilipinas. And Russel's sofa has been my savior. Hindi ko na alam kung paano nagsimula 'yon. It just did—at nakikita ko na lang ang sarili ko sa tapat ng pintuan ng apartment niya tuwing nandito si Mama. Most of the time wala siya since nagta-travel siya. Kaya din siguro nakasanayan na.
"And here I thought galit na galit ka sa kanya." Umupo si Alex sa single sofa na may dala-dala beers at tinuro ang Gatorade sa tabi ng laptop ko. Kanina pang nakaalis si Russ. Kailangan din daw niya ng tulog dahil magdamag daw siyang gising kagabi. Thanks to his precious friend. Psh.
"Sa tao ako galit, hindi sa inumin."
"Wow! Kaya pala ayaw mong makipagkita sa 'min kasi may koneksyon kami sa kanya. Wow lang talaga!" Sarkastikong sagot niya. "Kaya rin ako nagtataka, eh. You managed to intrude Russ every time you need help pero noong 'kinidnap' ka nina Dominique at Princess, big deal sa 'yo."
Natahimik ako... dahil alam kong tama siya.
"Alam mo bang araw ng celebration ng graduation 'yon ni Princess? Thanks for ruining it, by the way."
Alam ko. Kaya mas naiinis ako sa ginawa ko. Alam ko namang invitation ang email sa 'kin ni Princess at hindi dahil sa video. Natagalan kasi bago siya nakagraduate. Marami ding nangyari. At kung kailan medyo okay na... leche.
"Pwede akong umalis kung ayaw mo talaga ako dito." Pinatay ko na ang laptop ko.
"At konsensya ko kapag na-abduct ka ng alien sa labas? Ah! Wait. No! Gab Delos Reyes has already been abducted. Who's to abduct anyway?"
"You and your alien abduction jokes. Aminin mo na lang na namimiss mo ako—"
"I do." Biglang sumeryoso ang boses ni Alex. "Too bad you're not back to your old self."
"Ano bang meron at gustong-gusto niyo siyang bumalik?"
"Ano bang meron at ayaw mo siyang bumalik?" I almost forgot how witty Alex is. I almost forgot how I always lose to his clever retorts. "Tell me, Gab. Ano ba talagang nangyari at hanggang ngayon ay galit na galit ka pa rin kay Lance?"
Tinitigan ko siya. Nakita ko ang pagaalala ni Alex. Hindi lang naman kasi si Dominique ang best friend na nilayuan ko, pati siya. Alam ko ding masama ang loob niya dahil kay Matt at Russ ako tumakbo at hindi sa kanilang dalawa ni Dominique. Mukhang hindi talaga ako na-orient kung anong duties and responsibilities ng best friends sa buhay mo.
"I need your sofa, Alex. Nothing else."
"So you're just going to throw us out of your life just like that?"
"I'm not throwing you out."
"E anong ginagawa mo? Do you even know how stupid we look—"
"I lost someone I loved and should have loved—I almost lost Mama! Three years aren't enough to compensate with that." napahigpit ang hawak ko sa laptop ko hanggang hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Sa tingin mo ba kung nag-stay ako anong mapapala ko? You'll comfort me with bullshit promises na magiging okay lang ang lahat, you'll console me na lahat may rason kung bakit nangyayari at ayoko n'on! I distanced myself because that's what I need—fucking hard truths so they can hurt me, so I can heal in a way that I'll be totally healed. At kung hindi mo kayang intin—"
"Kaya kay Russ at Matt ka lumapit." Tumayo si Alex at lumapit sa 'kin. Inalok niya sa 'kin ang isang beer sa kamay niya. "You thought I'll set you up with different guys the same way I set up Russ with random girls noong nagmo-move on siya sa 'yo."
Tinanggap ko na 'yung beer nang mahina niyang pinukpok 'yon sa noo ko. Umupo siya sa tabi ko, sobrang lapit na halos nagdikit na ang balikat naming dalawa. Uminom ako, umaasa na mapapakalma nito ang sarili ko.
"Ilang beers ang dala mo?"
"Enough to make you barf."
"Buti naman." Bigla niya akong inakbayan. "Skip your work tonight. Drink with me."
"Para san?" Sinubukan kong alisin ang braso niya pero inikot niya lang 'yon sa leeg ko. "Oo na nga, e! Miss mo na ako!"
"Sabi mo nga, 'di ba? Mahirap i-catch up ang tatlong taon. So we'll start right now." Nginitian ako ni Alex. Hindi ngiting mapang-asar kundi ngiti na parang nagkaroon siya ng sagot sa problema. "I think hard truth is all I need after all these years."
"Last week, maid of honor. Now I'm a psychologist. Sabihin mo nga sa 'kin, kaibigan ba talaga ang namimiss niyo?"
"Kaibigan nga, 'di ba? Package 'yon. Expect to have different roles and occupations when your friends are in need."
"Akala ko ba galit ka sa 'kin?"
Tumawa siya, "Akala ko din, eh."
* * * * *
There are a lot of things I learned this evening. My best friend slash architect works for an awesome company and she loves them. Marcus is finally okay with his family and he travels back and forth from here to Korea. Grumaduate siya last year kahit natagalan bago siya tinulungan ulit ng family niya. Nag-stop si Princess ng ilang semester. Maraming nangyari din sa kaya kaya hindi ko siya masisisi. I really need to talk to her. As for Rinrin, he's the same. Though, I haven't heard a word from him yet. Aly, as expected, is a successful CPA. And Alex? Edi ito, mahangin pa rin—he's slowly taking charge of their business.
"Eh, ikaw?"
"Opposite of what I should have been." Inubos ko na ulit yung beer—I lost count. "After graduation, I pretty much lost everything. Taliwas noong undergrad pa ako."
"Different companies have been calling you nonstop para makapagtrabaho ka sa kanila. You basically topped our class and you have the surname."
"They did and I rejected them all. Hindi pa natatapos si Karma hanggang ngayon."
"Bakit ba hindi ka nagtatrabaho sa company niyo?"
"Kay Aljie na ang kompanya." I sighed knowing the fact that he's only turning four and there's a long way to go. "Hindi ko pa kayang pagkatiwalaan ang sarili ko sa mga ganyang bagay."
"You're doing it."
"What?" sinandal ni Alex and ulo niya sa sofa. Pulang pula na ang pisngi at tainga niya. "Doing what?"
"You're using Lance as an excuse."
"No, I'm not."
"Then tell me why you can't trust yourself running your company?"
"Cause I'm a failure."
"How can you say that?"
"Because I am." I can still remember the way I looked at the mirror while holding my diploma, when I was at the hospital, when Aljie came, how my parents looked at me, when everything happened.
"Excuse mo si Lance."
"Hindi nga kasi—"
"You consider yourself a failure dahil naging failure ka noong iwan ka niya." Natigilan ako. This is what you want, Gab, hard truth. "Doon nagsimula ang lahat."
"Tingnan mo? Kahit supposed to be future ko sumama noong umalis siya."
"At hinayaan mo lang mangyari 'yon." Sumimangot ako sa kanya. "Oo na. Oo na. It's your hard truths and shits method but you see, okay lang naman yung process na gusto mo, e. Ang problema, hinayaan mong maging ganyan ka na lang."
"I—"
"Hinayaan mo, Gab. Natapos ang tatlong taon... nand'yan ka pa rin. Nagbago ka nga pero hindi ka umalis kung saan ka iniwan ni Lance."
"Ouch."
"Gaga ka kasi." Biglang pinisil ni Alex ang pisngi ko. "Naiintindihan ko na kung bakit ka lumayo pero dapat sana naisip mo rin na kailangan mo rin ng bullshit promises at flowery pambobola okay statements. Asukal sa mapait na kape, kumbaga."
"I'm sorry."
Kasasabi ko lang na naghahanap ng psychologist si Alex pero mukhang ako ang nangailangan ng consultation. I don't regret it though. I just feel bad and weird at the same time. Nag-heightened pa ang emotion level ko dahil sa beer.
"Sige na. Matulog ka na. Maaga pa tayo bukas."
"Saan naman tayo pupunta?"
"Kay Justine." Nakita ko ang pasimpleng tingin sa 'kin ni Alex. Hinahanap kung anong magiging reaksyon ko. "Hindi naman dahil wala na siya, hindi mo na siya kaibigan."
Tumango ako at dumiretso na siya papunta sa CR. Inayos ko na ang pinagkalatan naming dalawa at ang sofa na tutulugan ko. Hirap sa apartment, madalas walang extra bedroom. Ayoko namang patalsikin ang may-ari sa mismong kwarto niya.
Since Dominique and Princess kidnapped me, a lot of things happened. Sa totoo lang, noong una ay ayoko dahil alam kong hindi pa ako handa. Wala pa sa plano ko ang makita sila—kahit wala naman talagang plano. It felt bad—and it's worse now—worse and sort of okay, actually. There's a part of me saying na napaaga pa 'to at hindi na dapat nagtagal nang tatlong taon. I do miss my friends. And Alex's right...masyado kong pinapahirapan ang sarili ko.
Inayos ko na ang tatlong unan sa sofa na halos wala na akong mahihigaan d'on nang biglang tumunog ang phone ni Alex. Sinilip ko yung pintuan ng CR pero mukhang next year pa ang labas ng loko.
"Alex, tumatawag si Russ!"
"Sagutin mo na!"
I did.
And when I was about to say hello...
"Hoy, Alex! Asan ka? Puntahan mo ko dito kay na Russ!"
Ang puso ko.
Nagwawala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top