Chapter 3 | The Boyfriend
Chapter 3 | The Boyfriend
"So you're basically saying that you turned down your friends?" Matt ate a big scoop of ice cream. "What the fuck were you thinking?"
"A lot, obviously."
"Pero bakit?" I sighed in response. "Naiintindihan kita na galit na galit ka sa ex-boyfriend mo and you have all the rights to be pero bakit pati sa mga kaibigan mo?"
Hearing the term ex-boyfriend disgusts me, and remembering what happened yesterday made it worse. I am such an asshole. Inaamin ko, wala ako sa katinuan kahapon. Bigla akong sumabog dahil mabilis na nangyari ang lahat. Yes, I feel awful pero weird dahil hindi ko pinagsisisihan ang nangyari kahapon—or hindi palang nagsisink in ang lahat sa 'kin.
I don't know. I really don't know. I don't really understand myself anymore.
"I can't stand the word okay."
Napahalumbaba ako sa lamesa. Hindi ganoong kadami ang tao dito sa food court sa mall kaya naman hindi kami nahirapan na makahanap ng libreng pwesto ni Matt. Kanina pa kami dito at late na kami sa in sa Art Stuff at parang wala lang 'yon para sa 'min. Wala naman kasing trabaho ngayon dahil free ang buong maghapon namin. Iniintay namin ang kliyente namin ngayon.
Well, I don't really mind that my salary is getting cut this month pero ewan ko ba kung bakit hetong si workaholic Matt ay sinamahan ako sa isa sa kinasusuklaman kong lugar.
Mall. Ha—ring a bell?
I freaking hate this place.
"Bakit? Dahil hindi mo matanggap na okay lang sila?"
Hello, pang of guilt. It's not nice feeling you.
"They rubbed it in my face and you should have seen Dominique. Kulang na lang dalhin niya ako sa past para lang ipanood sa 'kin kung anong nangyari sa kanila dati... para literal kong makita na okay lang sila." Nagulat ako sa tono ng pananalita ko, na tila ba nagsusumbong ako sa nanay ko. "Alam kong hindi okay."
"Pero paano kung okay talaga?"
"E bakit pa sila nagpakita kung okay naman pala sila sa loob ng tatlong taon?"
"Bakit ka nga ba pumayag at nakipagkita kay Princess? Mukhang okay ka na rin naman, 'di ba?"
"I hate you."
Pero nginitian lang ako ni Matt. I hate that goofy smile dahil lumalabas lang 'yon kapag alam niyang nananalo siya sa argument. Tinapos namin ang dessert namin habang pinapanood ang mga tao sa paligid. Madalas ganito lang kami ni Matt, tahimik at nanonood. Magbibigay ng mga komento minsan at mag-aagree. An escape. A distraction. Our little weird bubble na kami lang ang nakaka-appreciate.
Siguro 'yun ang isa sa dahilan kung bakit hindi ako lumayo kay Matt. Taken also the credit that he's the only person that has lesser interaction with my ex-boyfriend. For some unknown reason, kapag naguusap kami, kahit pati katahimikan...conversation na para sa 'min.
Another credit, we share the same sentiments.
"Hindi ka ba talaga magtatanong about sa kanya?" I changed the subject. Nakita ko ang pasimpleng ngiti niya sa peripheral vision ko. "Hindi man kami nag-usap kahapon pero nakita ko siya... in flesh."
"Kung sasabihin ko na nakita ko si Lance noong isang araw, magtatanong ka ba?" I heard his name. It felt weird.
Hindi ko pinansin ang tanong niya. Instead, nag-pretend ako na nagtanong siya about kay Aly. "She gained weight pero bumagay sa kanya. Shorter and lighter hair. Nagustuhan ko rin yung lip tint na ginamit niya kahapon. You like her wearing pink, but I think red fits her mo—"
"He dyed his hair back to black." Matt cuts me off. "Translation: stop talking."
Halos isang taon at kalahati na rin noong mag-break sina Matt at Aly. Nagulat ako nang biglang mag-text si Aly noon kay Papa para makausap ako pero hindi ko pinansin 'yon. Naintindihan ko lang nang ibalita na sa 'kin ni Matt ang nangyari pagkadating ko sa office that day. The way he said 'it's over' was so fast that I couldn't believe it at first. Pero seryoso siya noon at tandang-tanda ko pa ang pinakamalungkot niyang ngiti sa 'kin bago siya umalis ng cubicle ko.
"Akala ko kayo nang dalawa hanggang huli."
"Same thought for you and Lance."
"Stop saying his name, please."
"Stop saying nonsense then."
"Hindi mo ba namimiss si Aly?" Matigas talaga ang ulo ko.
"Miss mo na si Lance?"
Sinamaan ko siya ng tingin at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. Sinubukan alisin ni Matt ang mga kamay ko pero naging mapilit ako. "Gwapo ka naman, e."
"Alam ko."
"Stupid, dapat sinabi mo: maganda ka rin naman, Gab."
Nag-pretend siya na parang nagulat. "Sorry, ha. Hindi mo kasi ako na-orient."
Napatawa ako nang halos hindi niya masabi 'yon nang maayos dahil sa pagkakahawak ko sa pisngi niya. Pinisil ko ang pisngi niya para inisin pa siya lalo nang bigla na lang may kumuha ng kamay ko.
Everything went fast at nakita ko na lang na may sumuntok sa mukha ni Matt.
WHAT. THE. HELL.
Napatingin ako sa lalaking nakahawak sa kamay ko na ngayon ay dinuduro si Matt at pinagmumura. Gusto ko sanang tanungin si Matt pero seeing how shocked he is, pareho kami ng tanong na tumatakbo sa utak namin.
SINO ANG LALAKING 'TO?!
Matagal bago mag-sink ang lahat sa 'kin at nakita ko na lang na hawak na noong lalaki ang dalawang kamay ko. I can clearly see on his face that he's mad—no, furious—and sad at the same time.
"Paano mo nagawa sa 'kin 'to?"
"Ha?" Obviously, ayaw gumana ng utak ko.
Dinuro niya si Matt. "Sino ang lalaking 'yan?! Kaya ba hindi ka nakipagkita sa 'kin noong isang araw? Dahil sa kanya!"
That last sentence wasn't even a question. It's an accusation.
Nagulat na lang ako nang biglang tinulak ni Matt 'yong lalaki sa harap ko at hinigit ako patayo—palayo sa lalaking hindi ko kilala at papunta sa likod niya. Halos matumba ako nang pigilan ni Matt 'yung lalaki na makalapit sa 'kin.
"Call the fucking security!" sigaw ni Matt sa grupo ng taong na nanonood sa 'min, na mukhang nagulat habang vinivideohan ang eksena. Mga leche kayo!
"Alexa, bakit ka ganyan?!"Nagulat ako nang marinig ko ang first name ko. Ngayon ko lang ulit narinig ang first name ko mula sa bibig ng ibang tao. "Anong nagawa kong mali? Ayos naman tayo, 'di ba? Alexa!"
"Lumayo ka nga!" Nagulat ako sa lakas ni Matt. Naitulak niya palayo ang lalaki na halos matumba siya sa mga lamesa at silya.
"Gago ka!" Agad siyang tumayo at inumangan na naman niya ng suntok si Matt pero mabilis siyang napigilan ng bagong dating na mga security guards. "Bitawan niyo ako!"
Nagwala 'yong lalaki sa harap namin. Halos saktan niya ang mga security guards na nakahawak sa kanya. Saka ko na lang napansin na nanginginig ang mga kamay ko at sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa damit ni Matt nang hawakan niya ang pupulsuhan ko.
"Nasaktan ka ba?" Mabilis akong umiling.
"Bitawan niyo ako! Siya ang pigilan niyo." Sasagutin pa niya sana si Matt nang pareho kaming natigilan sa sunod niyang sinabi. "Punyeta kang gago ka! Layuan mo ang girlfriend ko!"
Sabay kaming napatingin ni Matt sa kanya. Andoon pa rin ang takot pero hindi napigilan n'on ang mga salita na makawala sa bibig ko.
"Boyfriend kita?"
What. The. Fuck.
* * * * *
Na-detain kami sa Security office dito sa mall. Sinilip ko si Matt sa may pintuan. Tumawag siya sa office to check kung dumating na ang kliyente namin. Mukhang matatagalan kaming bumalik dahil kailangan pa kaming kausapin dito.
Bumalik ang tingin ko kay Jun—boyfriend ko daw. Kalmado na siya ngayon at kung gaano kalakas ang sigaw niya kanina ay ganoon din naman siya katahimik ngayon.
"Kilala mo ba siya?" Tanong sa 'kin ng head dito sa office. Umiling ako. "Pero Alexa Delos Reyes ang pangalan mo?" Tumango ako dahil 'yon ang pangalan ko though he's missing the Gabrielle part.
"Girlfriend ko siya." Sabat ni Jun sa usapan.
"Saan sa Facebook?" tanong ni Matt pagkabalik niya. Umupo siya sa tabi ko. Nagtaka ako nang iharap niya sa 'kin ang phone niya. "Sikat ka, Gab. Astig."
But he doesn't sound amused—more like, galit pa.
Nagulat ako nang i-browse ko ang isang account na gamit ang pictures at pangalan ko, excluding my second name. Not only that, I have freaking more than 10,000 followers.
"Sir," muntik na akong mapamura nang bigla akong hawakan ni Matt sa balikat. Nakita ko naman ang sama ng tingin ni Jun. "Taong bundok po itong kaibigan ko. Yes, may Facebook siya pero maniwala kayo sa 'kin, it's been three years nang huli niyang buksan 'yon."
At totoo 'yon pero mukhang ayaw maniwala ni Jun sa sinasabi niya. Pinagpipilitan niya na nagsisinungaling ako sa kanya dahil nagkagalit daw kami. Nagalit daw ako sa kanya dahil akala ko daw ay may iba siyang babae.
Ang sarap niyang suntukin.
"We've been dating for five months, Alexa!" Muntik ko nang mabato siya ng phone nang tawagin na naman niya ako sa first name ko. "Quit this act, please! Mahirap ba ang favor na makita kita once and for all?"
"No, we're not dating." Diin ko sa kanya. "At hindi kita kilala."
"Ale—"
"And for goodness sake, please stop calling me Alexa!" Hindi ko na nakontrol ang inis ko. Huminga ako nang malalim at tiningnan siya ulit. "Get your phone."
"Ano?"
"Just get your phone!" mukhang nagulat na yung head sa asal ko pero hindi niya ako sinita. E halata namang chismoso din 'to! "Chat mo 'ko." Kita ang malaking question mark sa mukha niya pero hindi na niya tinulak pa. Ibinalik ko kay Matt ang phone at itinaas ang dalawang kamay ko. "Now shove the goddamn truth on your ass kung magrereply AKO."
Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya minutes after. Looks like the Alexa-he-knew replied. Tumayo ako at kinuha ang phone sa kamay ni Jun. I composed myself and ordered Jun to stand up. Nakatungo siya nang itutok ko ang front cam sa 'ming dalawa. I tried my best to smile as I took our picture.
Sinend ko ang picture sa kanya with a follow up message na: In all sincerity, fuck you. –Gab
"I'm assuming that this Alexa is all nice, cute and girly but let me introduce you to the real one." Ibinalik ko ang phone kay Jun. Smile gone. "She's not."
Natapos na ang discussion namin sa Security office after what I did. Jun was speechless and obviously ashamed of what he discovered. Mas nag-aalala ako sa kanya dahil sa video na pwedeng lumabas sa internet. As for me, nawala na ang takot ko at napalitan 'yon ng matinding galit. Hindi kay Jun o sa officer na kaharap namin kanina. Pero dahil sa babae o kung sino mang taong gumagamit ng picture at pangalan ko.
Kanina pa ring nakikipaglaban si Matt sa sarili niya kung tatawa ba siya o hindi dahil sa sakit ng panga niya. But he chose to laugh. Hindi lang dahil sa tindi ng inis ko pero dahil sa ginawa kong eksena kanina. Nakailang ulit din siya na sana navideohan niya ang sinabi ko para may pampatanggal stress daw siya kahit papano.
"Nakakakilabot!" Halos mabitawan ko ang phone ni Matt.
Paano niya nasisikmurang mag-post ng mga walang kakwenta kwenta sa Facebook? Hit like sa gising pa? Comment naman d'yan kung love mo ako? Kung sinong mags-share nito, ippm ko?!
"I'm having trust issues with myself." Pangalan ko at picture ko ang nandoon. Hindi ko matanggap na naka-post 'yon gamit ang pangalan at picture ko. "Jun fell in love with these?"
"Judgmental nito." Nailing na sinabi sa 'kin ni Matt. "Baka they talked a lot at doon nakilala ni Jun yung tao."
"E sinungaling yung taong 'yon!"
"At hindi alam ni Jun 'yon."
"Wow." Inayos ko ang upo ko sa shotgun seat. Malapit na kami sa Art Stuff. "Considering na sinuntok ka niya, ang bait mo ha."
"He has his reason for punching me. I know he's stupid for doing it. But still."
"Stupid." Sumandal ako sa bintana at hinawakan ko ang seatbelt. "I was."
"We were." Pagtatama niya sa 'kin.
Halos katulad na katulad kami ni Jun dati. That's why I feel bad for him kahit nakakainis ang ginawa niya. Mabilis akong napailing nang may nagtakang memorya na mag-play back sa utak ko.
"But there's another thing bothering me." Inunlock ko ulit ang phone ni Matt at tiningnan lahat ng pictures ko na nandoon. "Hindi ko alam ang mga pictures na 'to."
I'm not really fond of taking pictures of myself. Yes, nagse-selfie din naman ako pero napaka-rare n'on lalo na ngayon. Mostly, I'll join a picture kung grupo, required o natripan. Pero yung mga pictures na gamit dito...
"All of them are stolen. Not only that, may pictures ako way back college at hanggang ngayon."
Nagtaka ako nang lumabas ang mapanlokong ngiti ni Matt habang pumapasok kami sa parking lot ng Art Stuff. Lampas 3 P.M. na. "Baka ex mo. Iniistalk ka."
Napanganga ako sa sinabi ni Matt. "At nagpapanggap siyang ako sa Facebook ganon?"
"No. Baka pinost niya sa ibang page or website at nakita nung poser mo."
"Ay grabe, Matt! Tindi ng imagination mo!"
Natatawang lumabas si Matt ng sasakyan at sumunod ako. Akala ko tapos na ang usapan pero nagsabi pa siya ng mga plots na pumapasok sa isip niya.
"Baka, 'di ba? O kaya naman may hired stalker siya for you. Tapos babae yung nagpipicture sa 'yo. E nainsecure dahil wala siyang lovelife? Ayun ginamit picture mo at nagpanggap na ikaw." Napangiwi ako sa pinagsasabi ni Matt. "But still, pinapa-stalk ka ng ex-boyfriend mo."
"Please, pigilan mo ang utak mo."
Binati ni Matt yung nakatoka sa reception area bago nag-time in. Tumango lang ako sa kanya. Sumenyas siya na nasa loob na 'yung kliyenteng hinintay namin kanina pa. Good thing, sakto lang ang dating namin.
"O baka naman may secret admirer ka o may naiinggit sa 'yong babae?" Dumiretso kami sa lounge area para i-meet sila.
"Stop, Matt. Just stop."
"There are endless possibilities, Gab. Malay mo."
Kahit ayokong pakinggan ang mga pinagsasabi ni Matt, hindi ko maiwasang isipin na baka pwede nga. Hindi naman siguro magic 'yon na lalabas na lang sa Facebook ang mga pictures ko.
I tried to push the thought away noong tumahimik na si Matt. Malapit na kasi kami sa lounge area. Binuksan ko yung folder at bag ko just to make sure that I have everything I need.
I was busy checking my things when Matt greeted them and I did notice the questioning tone at the end. Hindi ko kilala ang kliyente dahil wala namang nababanggit si Matt pero mukhang hindi niya rin kilala ang ime-meet namin ngayon. Curiosity itched me, tiningnan ko kung sinong naghihintay sa 'min...
...and I froze in an instant.
"I'm sorry, we're late." Sinubukang ayusin ni Matt ang tono ng boses niya. There was a stutter but he managed to cover it up.
So, he did dye his hair back to black.
Come on, Gab.
It's been three years.
Blue hair doesn't fit him anymore.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top