Chapter 7 : P.E.
Chapter 7 : P.E.
"Bilisan mo. Magpalit ka na." Tinulak ako ni Gatorade sa loob ng bahay pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto. Power walk na ata ang ginawa namin kanina dahil nagmamadali kami. Ayaw niya daw akong matuyuan ng pawis.
I really should change. Wet look doesn't do me any favor.
Dumiretso siya sa kusina para makainom nang tubig habang ako ay sa kwarto para makapagpalit. I locked my doors and look for comfortable clothes. Nagpalit ako sa oversized Domo-kun t-shirt ko at maong shorts.
Nakaka-miss lang rin makapaglaro ng basketball. Naging limited na rin kasi ang bonding time namin ni Papa simula noong tumapak ako ng high school. Mama became more strict. Kelangan daw dalaga na. Gusto niya daw akong lumaki nang tama. Ni hindi ko nga 'yon maintindihan.
Pagkapalit ko ng damit ay lumabas din ako ng kwarto. Naabutan ko si L.A. na nakaupo sa may sofa habang nanonood ng TV. Two days. Two days at parang kinanya na niya ang bahay. Feel na feel at home si yabang-right. You had fun a while ago, Gab. Huwag mo namang i-spoil.
"Hungry?" I asked him while getting a drink.
"You'll cook?"
"Oo." Ininom ko ang isang baso ng malamig na tubig.
Uulitin ko sana ang tanong ko kung gusto niyang kumain pero pagkababa ko ng baso sa may lababo ay nakita ko siya agad na nakaupo sa may dining table. There's a really weird and blank expression on his face. No, I can see hints of curiosity.Diretso lang siyang nakatingin sa akin. He's quite a scenery.
"C-Can I watch?"
Ha?
"Sure." Halos mautal din ako sa tanong niya. Tinalikuran ko siya at humarap ulit sa lababo. Bakit ganoon siya makatingin? Para siyang bata na pinipigilan ang excitement. Mukha naman siyang unaware na lumalabas ang pagka-excite niya. Baka may pagka-bipolar ang lalaking 'to?
Natatakot na tuloy akong magluto. Wala naman akong balak na magluto nang matagal. Sa totoo lang ang nasa isip ko ay instant food lang ang kakainin namin pero parang kasing gusto talagang manood ni Gatorade. Alangan namang manood lang siya ng pagpapakulo ko ng tubig?
Sinilip ko siya mula sa balikat ko-ang weird niyang makatingin.
I feel bad. Gusto ko mang magluto ng iba pero nagutom naman ako dahil sa date namin kanina. Next time ko nalang siya ipagluluto ulit. Binuksan ko ang refrigerator at hinanap ang left over white sauce na ginawa ko last week. Kumuha rin ako ng pasta, cheese, at bacon. Bahala na.
Binuksan ko ang kalan at saka pinainit ang sauce. Sinabay ko na rin ang pagpapakulo ng pasta habang hinihiwa ko ang ibang pang mga ingredients. From time to time ay sisilipin ko si Gatorade. Bakit ba ang seryoso ng mukha niya? Nako-conscious tuloy ako sa ginagawa ko.
I tossed the pasta and fried the bacon. Pinaghalo-halo ko na noong matapos ako saka nilagyan ng
cheese for toppings. While I was busy cooking, Gato did nothing but stare.
"So?"
"Wow."
I almost dropped my jaw after hearing that. Na-amaze siya sa ginawa ko? Bigla tuloy akong na-guilty. Hindi siya special. Tinalikuran ko siya pagkaabot ko sa kanya ng pagkain niya. Tahimik lang ako noong kumain kami kaya hindi rin siya nagsasalita.
But I can feel something weird on my cheeks.
Pwede bang huwag siyang ngumiti?
*****
"Ano bang meron sa mukhang halimaw na 'to?"
"Domokun is cute, FYI." Inagaw ko sa kanya ang Domo-kun stuffed toy ko saka niyakap 'yon.
Inamoy ko pa. Kahit na sabihin ni bebs na amoy laway na ang stuffed toy ko at sana labhan ko man lang daw... I do sometimes pero it feels safe... na para siyang may special scent. Fine, kaartehan.
Speaking of bebs, where is she? Ala-sais na. Hindi ko saulo ang schedule niya pero alam ko hindi siya late umuwi. Baka kasama niya si Marcus? Yep, that's possible.
"You really like cooking?" I jolted when L.A asked, out of the blue-parang siya, blue.
"Oo." And there's the guilt again. Pakiramdam ko kasi masyadong mababaw ang amusement ni Gatorade sa akin. Ang simple lang kasi ng ginawa ko. Pero somehow, nakaramdam ako ng sense ng pride. Mayabang. I got that from my mom. Mabilis akong ma-flatter sa mga ganyang bagay.
And to think na itong isang mayabang pa ang napamangha ko. Paano pa kaya kung magluto talaga ako? Okay, that's enough Gab.
"Gusto mong magluto?" napaurong ako nang mabilis siyang tumingin nang marinig niya ang tanong ko. Malapit na at sasabihin ko na ring nagiging male version na siya ni Dominique. I did see a tiny sparkle on his eyes.
"I want to. But I don't have time."
"I'll teach you?"
"Sus. You don't have to." There's a hint of weak smile, pero ang ganda tingnan. "And besides, we're dating. We don't have time for-"
"Then cooking lesson as a date?" I offered. At yun na! Naging light bulbs na ang mata niya. "I'll teach you, some other time. May 3 months pa naman."
I tried to smile, hoping it would encourage him. Wala naman talagang kaso sa akin kung gawin namin 'yon since I do love to cook. Ako lang din naman ang maaasahan sa kusina sa aming dalawa ni Dominique. Sa akala kong nagiging sweet ako sa kanya, tinugunan niya rin ang ngiti ko.
Okay, I lost.
Damn.
*****
It's Friday, so we have P.E. Ayun lang ang subject ko for today.
Na-meet namin ang magiging professor namin for this semester. Sports game ang curriculum namin. We had orientation para sa overall schedule. Since we only meet once a week, kelangan i-utilize ang 3 hours. Badminton at table tennis ang gagawin namin sa first group. Yung second half naman ay basketball at volleyball. Limited lang kasi ang net at space sa gym dahil may mga kasabayan rin kaming ibang courses. Lahat ng P.E., dito sa gym ang meetings. Kahit exam, dito rin. Nakaupo sa sahig.
"So be in alphabetical order. One and two ang partners, three and four ang sunod and so on and so forth. Am I clear?"
"Yes, ma'am!"
Pumila na kami. Nakapartner ko 'yung isang bookish kong kong kaklase. I remember last year when introduced herself to us. While fixing her thick eyeglasses, she told us that we can call her nerdy. Alam naman daw niya na ayun na ang pumapasok sa isip namin once nakakita kami nang mga taong may makakapal na salamin. Well, it didn't but when she mentioned it... the memory always follow. Tumungo lang nang lapitan at nginitian ko siya. Hindi ako masyadong close sa mga kaklase ko. Humarap nalang ulit ako sa unahan at nakitang lumapit si Alex sa professor namin.
"Okay, let's start the first match. Doubles agad tayo, ha? Next time na ang singles. Pair 1 & 2 vs. Pair 3 & 4, punta sa court!"
Nagsimula na ang match. Pang-apat pa kaya audience muna kami. Sinilip ko ang kapartner ko at napansing nanginginig ang kamay niya. May history na rin kasi siya nito. Last PE 1 and PE 2, hindi siya nakasayaw nang ayos noon sa mga dance activities. She excels well in academics kaso may fear of sports.
Maingay sa gymnasium. Lalo pa dahil nag-start na rin sa half side ng gymnasium ang basketball at volleyball. Habang sila nagchi-cheer sa mga naglalaro, ako naeexcite dahil gusto ko na ang maglaro. I want to play. I want to play! Marami akong na-save na energy para lang sa P.E.
Mabilis naman natapos ang naunang tatlong matches kaya kami na ang kasunod. Tinapik ko ang balikat ng kapartner ko, "Good luck-uy!"
Napasigaw ako nang bigla siyang nahimatay. Mabilis na lumapit sa amin ang professor. Napalibutan na rin kami ng mga kaklase ko-pati na rin ng mga chismoso at chismosa. Really, guys? Seriously? Tumabi naman ako agad noong may nagprisintang isugod na si Nerdy Partner sa clinic.
So her fear is real.
"Anong ginawa mo don?"
"Aba malay ko. Bigla nalang siya nag-collapse." I shrugged. Kung kelan pa namang excited na akong maglaro saka naman nahimatay ang partner ko.
"Sabi sayo e. Mabigat ang mga kamay mo!"
"Shut up, Alex." Irap ko sa kanya na ikinatawa naman niya.
Mukhang wala na ang klase. Nawala na rin naman kasi ang mga kaklase ko nang mapansin nilang ang tagal bumalik ng professor namin. Mukhang natagalan sa clinic. Nakakatamad tuloy. Hyper na hyper pa naman ako kanina para sa laro kasi gusto kong mapagpawisan. Gusto ko kasing maulit yung laro kahapon--I'm talking about the basketball game at hindi yung date.
Napatigil kami sa pagkukwentuhan ni Alex nang may narinig kaming sigawan mula dun sa kabilang side ng gym. Maraming tao at mukhang maganda yung nagiging laban sa may basketball court.
"Gusto mong manood?"
"Tara!" Hinigit ko agad ang braso ni Alex.
"Wait."
"Ha-" napaurong ako nang lumuhod siya sa harap ko at inabot ang sapatos ko. Oh. Natanggal pala ang pagkakatali.Ibinuhol na niya ulit nang ayos at hinigpitan. "Thank you."
Tumayo na siya at tumingin sakin. Ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko, "You're welcome."
Nagpunta na kami sa may basketball court. May nahagip ang mga mata ko at nakita ang kumpulan ng mga kaklase ko. Ah, I know that pageant smile. Isa lang naman ang kakilala kong ganyan makangiti on a normal basis.
"SHOOT! SHOOT! SHOOT!" tinakpan ko ang mga tenga ko dahil sa lakas ng sigawan ng mga nanonood. Parang may sports event tuloy sa dami ng nanonood.
Nakipagsiksikan kami ni Alex hanggang sa makahanap ng pwede naming pwestuhan. Hinanap ko kaagad sa mga players ang pinagkakaguluhan ng karamihan sa mga nanonood. Well, hindi naman ako nahirapan dahil siya lang naman ang may ganoong kulay ng buhok.
"GO BLUE! GO BLUE! GO BLUE!!"
Si L.A.
"Oh, that's why." narinig kong sabi ni Alex. Maraming nagchi-cheer kay Gatorade. Appeal palang niya, talong talo na ang mga kalaban. Paano pa kaya ang basketball skills niya?
I watched him play. Naalala ko ang nangyare kahapon at naramdaman ang pag-init ng mga pisngi ko. Ewan ko kung bakit pero nakaramdam ako ng yabang. Proud ba ako dahil boyfriend ko ang pinagkakaguluhan ng mga nanonood?
Isang malakas na sigawan na naman nang na-shoot ni Gatorade ang bola. Hindi man lang ngumiti. Napasungit talaga ng loko!
"BLUE! BLUE! BLUE! BLUE!"
Man! He's getting famous!
Nakailang shoot pa siya nang bola at mas lumakas din ang bola kapag siya ang nakakaagaw o nakakahawak ng bola. Sinundan ng mga mata ko ang bola sa kamay ng kalaban nila. Nang hindi nila na-shoot 'yon, mabilis na nahabol ni Gatorade. Rebound! Nakuha ni Gatorade ang bola at hindi ko na napigilan ang excitement ko. Nakisali na rin ako sa mga nanonood. Ang bilis niyang tumakbo! Pumwesto siya sa three point lane, walang bantay, and aimed for shoot!
"THREE POINTS!!"
Ohmydee. Ang galing niya.
Hindi ko naiwasang mapangiti. I know he's a better player than me at may oras na pinagbibigyan niya lang ako kahapon. Pero dito, nakakahiya tuloy na ang yabang-yabang ko pa sa kanya kahapon dahil kita ang agwat naming dalawa.
Siya na ngayon ang sinusundan ng mga mata ko. Natigilan ako nang biglang magtama ang mga tingin namin. I doubted for a second pero... bigla siyang ngumiti. In an instant, nagkagulo ang mga tao sa paligid ko.
Sinundan siya ng mata ko. Napaurong ako nang biglang nagtama ang mga mata namin. And there it was...a smile from Gatorade.
Mabilis nagkagulo 'ang mga tao sa paligid ko. Nakakarinig pa ako ng 'Nginitian niya ako!!', 'He was looking! He was looking!' at 'OHMYGOD!! ANG GWAPO!' I smiled to myself knowing that that smiled was for me-pero teka... para sa akin nga ba?
Because at that moment, I really felt it was for me.
"Nginitian ka ba niya?"
"Ha?" Napatingin ako kay Alex. Naguguluhan ang mukha niya. Umiling ako. "Sus. Bakit naman niya ako ngingitian?"
"Para kasing..."
"Teka lang. Iinom lang ako." I cut him and made my way out from this crowd. Ayokong ma-hot seat ni Alex for unknown reason. Ayoko rin at baka mataranta ako at kung ano pang masabi ko.
Dumiretso ako sa drinking fountain na wala masyadong tao. Ang tagal pa bago ako makainom dahil naalala ko ang ngiti kanina ni Gatorade. Nakakahiya. Mamaya nakangiti ako na pala ako nang hindi ko namamalayan, Bwisit na Gatorade 'yon. Bakit kasi kelangan pa niyang ngumiti?
Babalik na sana ako sa pwesto naming dalawa ni Alex nang may humarang sa aking babae. "Number 5."
"Excuse me?"
Pero bigla siyang naglakad at binunggo ako sa may balikat. Sinamaan ko siya nang tingin. Anong problema niya? Sinilip ko siya sa likod ko at nakita siyang nakasilip rin sa akin na may ngiting hindi ko maipaliwanag. "You'll be just number 5."
She walked away.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top