Chapter 45
Chapter 45
Monday
"The calculation of the total assets differs from how to get fixed assets. You must consider first the..."
"Barter was the first type of transaction made in ancient times. We don't money or peso to buy and gold was just scattered..."
"To get the value of x, you must know the given formulas..."
"The header should start an inch with 3 spaces. There are 4 kinds of margins in making letters..."
"Ang wika natin ay maraming pinagdaanan. Katulad na naging historya ng Pilipinas, kasabay nito ang pagbabago ng ating mga dialekto..."
"According to whatever and anonymous..."
Pedeng sumigaw?
Please let me.
AHH!!
Halos iuntong ko ang noo ko sa desk. Kinamot ko ang ulo ko kahit di naman makati. I'm frustrated. Oh wait, hindi lang pala ako. Lahat siguro kami halos sumabaw na ang utak sa nangyayare ngayon.
This is the consequences after a fun week. School is really unfair.
Dahil sa nawalang isang linggo dahil sa celebration ng Sports Fest at Foudation days, naghahabol ang mga prof namin dahil halos dalawang linggo lang ang preparation for the upcoming Semi Finals. We should. Dapat kasi sundin nila yung binigay nila saming curriculum.
"Ayoko na talaga.."
"Ang hirap maging estudyante." Nagulat ako nung naramdaman ko yung ulo ni Alex sa batok ko. Aba't sakin pa sumandal! "Wag ka ng magreklamo, ang tigas kasi nung desk."
"So ang tingin mo sa batok ko unan?" Tutunghay sana ako pero ang sakit ng ulo ko. Morning classes palang pero halos sumabog na ang utak ko dahil sa tadtad na lectures ng mga prof.
Nawala yung bigat ng ulo niya sa batok ko pero napatunghay agad ako nung bigla niyang pinisil yun. "Alex!"
"Oh!" Naguluhan ako nung tinakluban niya yung bibig niya na para bang manghang-mangha siya tapos tinuturo turo ako. Err. "Weakness found! Yes!"
Sumuntok siya sa hangin na para bang tuwang tuwa siya. Uhhh. Erase that. Tuwang tuwa nga siya nung nalaman niyang may kiliti ako sa batok.
"Saya mo ah."
"Of course. Alam ko na kung pano tatalunin ang undefeated Alexa Gabrielle Delos Reyes! Mwahahaha!"
I gave him a bored look at umubob na ulit sa desk ko. I don't have time for his stupid acts. I have to give my head a break. Nagwewelga na ang mga brain cells ko.
"Di nga pala kita nakita nung foundation days."
"KDL. Bored. A kid appeared."
"Hinabol ka sa KDL?" mukhang nagulat siya dun, meaning nangaasar siya. "Ganda mo pala. "
"Gagi ka." Shinift ko ang ulo ko at tumingin sa kanya hbang nakapatong ang temples ko sa braso ko.
"That KDL is quite irritating." Naks. Eh di siya na ang hinabol. "Wait. A kid appeared?"
"Long story and my brain cells are so tired to bring up memories."
"Damot." I smirked. Akalain mong kaya ko pa alaskahin si Alex kahit pagod na pagod ang utak ko.
About Andrei, bumalik na sila ni Lorenzo sa Laguna kagabi. Iyak ng iyak nga si Andrei e. Halatang ayaw niyang bumalik sa Laguna pero may work si Lorenzo at walang magbabantay kay Andrei dito sa Batangas. Ang gara nga e. Kung may work si Lorenzo, sinong nagbabantay kay Andrei habang wala siya?
Well, that’s one of my business.
Pero what shocked me most about yesterday is what happened between Lorenzo and Gatorade.
[Flashback]
Lahat kami napatakbo sa labas nung marinig namin ang sigaw ni Lorenzo. Nakakagulat since mukhang galit ang sigaw na yun. Kahit si Marcus mukhang nataranta dahil iba ang kutob namin sa nangyare sa labas.
Pagkalabas namin, nakita namin si Gatorade na nakahiga sa damuhan.
"Daddy!" pinilit ni Andrei na bumaba sa pagkakabuhat sa kanya ni Marcus. "Si Daddy!"
"Andrei..." Lumapit ako sa kanilang dalawa ni Marcus. Ayaw ni marcus na ibaba si Marcus. Anong meron? Anong nangyare?
"You," Napatingin kaming lahat kay Lorenzo. Iba ang aura niya ngayon. Compare sa playful at matakaw niyang attitude, ibang iba 'to. Ngayon mo masasabi na matanda siya samin ng ilang taon. "Alam mo na yun lang ang dahilan kung bakit ko inaalagaan si Andrei."
Pinunasan ni Gatorade ang labi niya at tumayo. "Akala ko ba kaibigan kita kaya mo ginagawa?"
"Wow." Lorenzo smirked. "You actually treat me as a friend?"
Napatungo si Marcus at iniwas ni Gatorade ang tingin niya kay Lorenzo. Alam ba ni Marcus kung anong nangyayare? Si Andrei nagsimula ng umiyak dahil ayaw siyang ibaba ni Marcus. Kaming dalawa ni bebs walang magawa. Siguro dahil di rin namin alam kung ano bang dapat naming gawin.
Pareho kaming walang maintindihan. Dahil wala kaming alam.
"This better be good, Lance." Malamig na binanggit ni Lorenzo ang pangalan ni Gatorade. "Whatever this is."
I even wonder why Lorenzo secretly looked at me after that statement.
[End]
After nun, bumalik na ulit si Lorenzo sa pagiging matakaw niya at kenkoy. Though, hindi sila nagpapansinan ni Gatorade. Awkward pa rin kahit pinipilit nilang gawing normal ang atmosphere. Trying hard nga e.
Pero sabi naman ni Marcus lilipas lang din daw yun. Konting misunderstanding lang daw. Naka-pagsapakan na daw kaya okay na for sure ang dalawa. Ganun daw kasi talaga pag lalaki.
"Hay! Buti nalang may incentives tayo dahil sa games. Hindi na ako masyadong mamomroblema magaral!"
Umunat si Alex at sumandal sa upuan, lazily. Ipinaparating na tinatamad siya. Nung umisod siya dun ko lang napansin na nakatingin na naman samin si Ms. Transferee. And with the regular classes starting again, I'll get her weird stares and stalker moves again.
Lilituhin na naman ako ng dalawang 'to.
Medyo nakakainis na nga e. Kahit ako sumuko ng magtanong ng magtanong kay Alex. Wala rin naman ako napapala sa kanila.
"70 percent ano?"
"Yup. Kahit di tayo magtake ng exam, sure ball ng 88% grades natin. Swabe!" Halata sa mukha ni Alex na tuwang tuwa siya dun. 70% sure kasi agad sa exams pag may place ka sa game tapos 30% kung naglaro lang.
Pasimple akong tumingin sa likod ni Alex. And I smiled seeing Justine smiling nung nakita niyang nakangiti si Alex.
"Alam mo, Alex, bagay kayo."
"Ha?" Ngumuso ako sa direksyon kung nasan si Justin. Tumingin si Alex dun pero agad niyang binalik ang tingin sa'kin, "Grabe. Ang sarap talaga ng 70% incentives!"
Uminat na naman siya.
Sumipol ako, "Bitter alert. Bitter alert."
Natawa ako nung inirapan ako ni Alex. Grabe. Sasapukin ko na talaga siya pag hindi na ako nakapagtimpi sa hindi pagpansin ni Alex kay Justin. Masyado na kasing halata e.
*
Wala kaming klase. Pero meron kaming library works. Nagparesearch lang yung prof namin at pag natapos na, ipasa na sa president at pede na kaming umuwi since last subject namin siya.
"Alis na ko. May gawin pa ko e." Tumango lang si Alex at inagaw yung papel sa kamay ko. Nangongopya. "Salamat ha."
"Don't mention it." Sarcastic niyang sabi habang nangongopya pa din.
"Pasa mo yan ha!"
"Oo na! Alis na. Shoo!"
Kinuha ko na yung bag at laptop ko. Maaga pa para pumunta ako sa Art Stuff at hindi pa kasi labas si Gatorade. Ayoko namang gumawa ng project ko dito sa library. Lumabas na ako ng library dito sa SH building
San ba pede?
To: L.A
Txt me kung labas ka na, okay?
Itinago ko na yung phone ko at inayos ang pagkakahawak ko sa laptop. Tumingin ako sa wifi area pero madaming tambay na freshmen. Paikot ikot ako sa SH building hanggang sa matigil ako sa stairs
"Like I can concentrate with people moving around. Tsk." I said to myself.
Tumayo na naman ako sa stairs at naglakad sa hallway. Sinilip ko ang bawat room to check kung may mga klase. Halatang naghahabol din kahit sa ibang years. Habol na habol sa oras.
In the end, napatigil ako sa isang room dito sa fourth floor.. Hindi dahil walang tao, may naalala lang kasi ako sa room na 'to. Sinilip ko yung room at nakitang vacant yung room for one and a half hour. Pumasok ako sa loob at buti nalang bukas yung aircon.
Umupo ako sa teacher's chair. Sinaksak ko yung laptop at tiningnan yung project na pinasa sakin ni Matt. Actually ito na yung last kong projects ko dahil ililipat na ako ng department. Di ko lang alam kung san pa.
As a trainee dapat kasi halos lahat ng department maexperience mo ang trabaho dun. Dapat last week pa ako pero umabsent ako dahil ng exams at events last week. Napagiwanan na tuloy ako ng iba.
"Hello, Travis." I tapped my fingers over the table. Book cover ng isang libro na may title na Hello, Travis.
Kwinento lang sakin ni Matt yung story. Story yun about sa isang unknown caller. Mystery ang genre at alam ni Matt na ito daw ang forte ko cause I like dark and cool colors. Wala pa din daw siyang masyadong trust sa colorful side ko. Kahit naman ako wala pa ring tiwala sa sarili ko.
"Wala akong maisip."
Teka nga. Kanina ko pang kinakausap sarili ko.
Napatingin ako dun sa bintana ng room. Ito yung dahilan kung bakit ako napapasok dito. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa bintana. I wonder what he's doing here that time. Dahan dahan kong tinulak yung bintana at nagulat ako nung hindi yun nakalock.
Pero nakalock ba talaga ang mga bintana dito?
I pushed it more hanggang pumasok na yung hangin sa labas. An afternoon air. Out of my curiosity sinubukan kong lumabas sa bintana. May semento dun na pede kong tungtungan. You can actually lay or sit down.
"Scary eyes." Naalala ko nun nung iinom dapat ako ng gamot. Andito sa mismong room na to ang gamit ng section namin. "He was here."
Tambayan niya ba 'to?
Umupo ako sa semento pero agad kong itinaas ang paa ko nung nakita ko kung gano kataas ang pwesto ko. A sudden image of Nikki flashed through my mind. I slapped my cheeks to remove the thought. Wala naman akong takot sa heights pero dahil dun di pa rin mawala ang kaba ko.
It may not be obvious pero may trauma din ako kahit papano.
"You're not allowed here."
Napatingin ako sa likod ko at nakitang may tao sa kabilang side, sa loob ng room. Napahawak ako sa dibdib ko para kalmahin ang sarili ko. Narerealize ko na masyado na akong magugulatin ngayon.
"So—sorry," utal kong sabi.
"Alam mong takot ka pero andito ka." napaisod ako nung lumalabas na din siya. "Are you crazy?"
"Aalis nalang ako." Tatayo na sana ulit ako pero napansin kong hindi ako makakalabas kasi maliit lang yung space ng semento at since na lumabas din siya, naharangan niya yung dapat na daan papasok ng room.
Dapat pumasok ulit siya para makapasok ako.
Inilawit niya yung legs niya dun sa semento at casually na swinay yun, back and forth. Nakakaramdam ako ng kakaibang ano sa tiyan ko kasi feeling ko mahuhulog siya dahil sa ginagawa niya.
"Akala ko ba aalis ka na?"
"Pano ako makakaalis kung andyan ka?" Napakunot ang noo ko nung nagshrug lang siya. Arogante. "Pede bang pumasok ka muna ulit?"
"Magpapakapagod ako para sayo?" Hindi siya nakatingin sakin pero diretsong para sakin ang mga salitang 'yun. "Ikaw na nga tong pumasok sa teritoryo ko."
Wow. May-ari ka ng school?
"Eh pano ako makakaalis?"
"None of my business." Sumandal siya dun sa window board, totally blocking my way out. Ano bang problema niya?
"Alam mo nakakainis ka."
Napasinghap ako nung mabilisan niya akong pinadaanan ng tingin, "Don't care."
Iniwas ko ang tingin ko. Tumingin ako sa side ko at tinitigan yung puno sa tabi namin. The tree gave me an idea to have the other way to escape this place pero knowing the fact na mataas. No, thank you.
Damn this trauma.
"Thank you."
"Ha?" tumingin ako sa kanya. Nakatitig pa rin siya sa harap niya.
"Dun sa bear. Thank you daw sabi ni Rinrin." Ah! Yung teddy bear nung gabing yun. "Kahit na para sayo dapat yun."
"Hindi ko naman hinihingi. At bakit mo naman ako bibigyan nun?"
"Bakit nga ba?"
Natulala ako nung bigla siyang ngumiti. Pero alam kong may iba sa ngiting yun. Hindi ko alam kung nangaasar siya o sarcasm lang niya talaga yun. This guy. I don't know why I am even talking to him.
No. I don't even know why I got curious and got myself stuck out here...with him.
Si Russ. Si Frost. Si Scary Eyes. Kasama ko ngayon. Dito sa labas ng bintana sa tabi ng isang puno. Teritoryo niya to? Ibig sabihin, he usually go to this place. I wonder kung nahuhuli siya o bawal pumunta sa place na 'to.
"Di ba bawal pumunta dito?"
Dahan dahan akong sumilip sa baba. Andun pa rin yung chill na nararamdaman ko. I hope I can overcome this trauma soon. Nilingon ko yung katabi ko dahil di siya sumasagot. Nakita ko siyang nakapikit habang nakacross arms.
"Wow. You're sleeping when you know the fact that I should go back in."
"Shut up." Inilagay niya yung beats niya at narinig ko yung lakas ng tugtog. Hindi ba siya nabibingi.
"Huy! Padaanin mo muna ako bago ka matulog."
Iminulat niya yung isa niyang mata pero pinikit niya agad yun. Nangiinis pa!
"Face your consequences. Hindi ka invited pero pumupunta ka dito."
*
Tumingin ulit ako sa relo ko. Twenty minutes nalang at baka dumating na yung magkaklase dito. Hindi ko pa rin tapos yung project ko at matatapos na din ang last subject nina Gatorade. Wala pa ba siyang balak gumising!
"Russ," I poked his left arm pero parang wala lang din nangyare. "Russ."
I poked him harder.
"Russ!"
I poked him again pero hindi siya gumagalaw!
"Russ naman e!"
Napatungo ako, sighing my defeat. Ito pa ata yung tipo ng lalaking mahirap gisingin. Pano pag nahuli kami nung prof? Pano kung malock yung bintana? Gumising na naman siya oh!
"Huy!" This time tinapik ko na yung braso niya. "Russ naman e. I need to go now."
Inalog ko yung balikat niya at to my surprise bigla niya akong tinulak. Napapikit ako. Ohmydee! I’m going to fall!
"Sht!" Naramdaman ko yung mahigpit niyang hawak sa braso ko. Minulat ko ang mata ko at pikit ulit yun, just to check if I'm still alive. "Tanga ka ba talaga?!"
Tanga ako?
"Hoy!" Inagaw ko yung braso ko at umupo ng ayos. "Kung hindi mo ko tinulak, eh di sana hindi na ako muntik mahulog!"
"Kung hindi ka pumunta dito, hindi dapat kita matutulak!"
"Eh di sana pinadaan mo nalang ako di ba!"
"Tatanga ka kasi. Di ka naman pede dito pero pupunta punta ka dito!"
"Bakit? Ikaw ba may-ari ng school na 'to para sabihin mong bawal ako dito?"
Tiningnan namin ang isa't isa. Glaring na para bang may kuryenteng lumalabas sa eyeballs namin na parang anime. Mas kinunot ko ang noo ko nung kinunot din niya ang noo niya.
Akala mo magpapatalo ako sayo? No way!
Pero instant na nawala nung nakita ko siyang ngumiti. He smiled, for the first time. Iniwas na niya yung tingin niya sakin at tumayo na siya. Halos nangalay yung leeg ko sa taas niya. Ibinaba niya yung kamay niya, "Up."
Hindi ko alam pero ipinatong ko yun at tumayo.
"Delos Reyes." He smirked again at pumasok na sa loob ng classroom. Inalalayan niya ako para makapasok. Bakit parang iba yung aura? Binitawan niya agad ang kamay ko nung nakapasok na ako. Naglakad siya 2 steps backward. "Russ Hyuuga."
"Russ Hyuuga?"
He nodded, "And you're Alexa Gabrielle Delos Reyes."
"Pano mo..."
"Bakit nga ba?"
Bigla siyang tumalikod at naglakad na papuntang pintuan. He raised his hand and bid goodbye. Andun lang ako nakatunganga hanggang sa makalabas ng classroom. I found myself looking at my hand.
What was that all about?
Napatalon ako nung biglang tumunog yung phone sa bulsa ko. Kinuha ko agad yun.. "Ah. Ano! Kasi—ay! Hello, Gatorade?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top