Chapter 40

Chapter 40

Wednesday 

"Please?"

"No."

"Please?"

"No."

"Baby, please? With a blue Gatorade on top?"

"Gatorade!"

Bumuntong hininga siya at saka tumayo. Nakailang tingin siya sakin bago nagsimulang maglakad. Ah! Bakit ba siya ganyan? Ayan na naman yung mga 'boos' and 'how could you's' sounds inside my head! Alam naman nilang mahina ako dyan. Lagi nalang akong talo kay Gab’s conscience.

Please tumigil ka konsensya.

Wala pa sa sampung hakba ay tumalikod ulit si Gatorade at tumingin sakin with... paawa face.

Please make him stop.

"Baby." He frowned.

"Why are you making this hard for me?"

"Pampagoodluck lang e! Masama ba yun?"

Nakatigil ang mga taong sa paligid namin. Even bebs and Marcus beside us didn't try to steal our scene. Why are we making a scene at the first place? Ilang segundo kaming nagtitigan, slash that! I'm glaring.

"Just kiss already!"

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Napatingin kaming apat sa likod at nakita siya. Aly? Nakangiti siyang lumapit samin, hawak hawak ang SLR niya. She seems to be in a good mood. But she's always in a good mood. Di ko pa nga siya nakikitang nababad trip.

Tumigil siya sa harap ni Gatorade at binigyan to ng head to toe look. Gatorade arched his brows, questioning. "Ew."

Ano daw?

Namula ang tenga ni Gatorade at padabog na bumalik sa tabi ko. Marcus started laughing kaya nagkatinginan kami ni bebs. Hindi namin magets.

"Yeah, thanks for ruining it."

"What? I really think you're disgusting!" Mas lumakas ang tawa ni Marcus sa sinabi ni Aly kaya sinamaan siya ng tingin ni Gatorade pero it's very obvious na walang pakielam si Marcus sa kanya.

Ohkay. Anong disgusting?

"Who's she?" bebs whispered.

"Ah! Aly meet my best friend, Dominique." Ngumiti si Aly at kumaway sya kay bebs. "Bebs, she's Aly."

"Hi." Bati ni bebs sa kanya.

"How did you guys meet?" Marcus asked recovering from his laugh.

"Art Stuff. Intern ako dun." I want to ask Aly why she's here pero naalala kong open nga pala ang school's event na to. "Hey, I'm here to watch your game later. I heard from Alexa that championship niyo. I haven't seen you play since I graduated."

"Wag na. Hindi ka pede dito."

"At bakit, Blue?" sabi ni Aly habang pinapagalaw ang kilay niya. Nang-aasar.

"Sabi ko e. Alis na nga."

Ang taray ni Gatorade.

Inirapan lang siya ni Aly. Sanay na ako sa kanilang dalawa kasi halos ganyan sila pagnagkikita sila. Kahit mga 5 minutes lang yun, nagaasaran sila pero mamaya sila ng dalawa ang nagbibiruan.

Hindi na rin siya pinansin ni Gatorade dahil sakin na siya nakatingin ngayon. Oops. Alam ko ang tingin na yan. Agad kong tinakpan ang mata niya at pinaling ang mata niya sa ibang direksyon.

"Minsan lang ako magrequest, Alexa."

"Nasa school grounds tayo."

"Marcus and Dom did it."

"But that doesn't mean we should too." Kay bebs ako humarap para nakatalikod sa kanya. Nakita ko ang pamumula ni bebs at ang pagkamot ni Marcus sa pisngi niya. Nagulat siguro sila na nakita namin ni Gatorade yung kanina sa loob ng classroom.

"Alexa.."

"Di bagay, Lance."

"Shut up, Aly."

"Go on Alexa. I'll close my eyes so I won't see it. Just give Gatorade what he wants. He'll go tantrums and believe me it's very hard to handle." di ko mapigilang mapangiti sa mapang-asar na tono ni Aly. Halata kasing mas inaasar niya si Gatorade kesa sakin. "What? I'm just concern!"

"Just shut the hell up, Aly."

"Onga, Gab. Hindi kami titingin." Sabay na nagtakip ng mata si Marcus at bebs.Now the joke is on us. No, more so, on me. "Sabihin niyo lang pag pede na namin tanggalin ha?"

"Screw you."

Napatawa si Aly at tinakpan na rin ang mga mata niya. "Just do it already."

Tumingin ako kay Gatorade at mukhang nageenjoy siya sa ginagawa ng mga kasama namin. I boringly looked at him. "A-S-A."

I heard him tsked.

"Aw. Rejected." Marcus joked making the three of them laugh at us. Ang saya nila at clown nila kami ah. Are we really good entertainers? *note the sarcasm.

Gatorade looked at me, blankly. Siguro nagiisip pa yan ng pedeng gawin. But I feel bad for him. Kanina pa kasi niya akong kinukulit. Ano bang hiningi niya sakin? Obvious na naman kung ano di ba? Err. Like I'll let that happen in public.

"Win first."

"Yun naman!" kantyaw ni Marcus pagkarinig sa akin.

"Daming pakulo bebs." Inirapan ko lang si bebs.

"Really. This topic is giving me shivers!" Aly, making it much worse.

"Single ka kasi." Bigla akong inakbayan ni Gatorade, sumenyas siya kay Marcus at bigla tong umakbay kay bebs. Tumingin sila pareho kay Aly at, "Belat."

Mukhang nainis si Aly pero umiling nalang to at ngumiti. Single siya? Sa ganda niyang yan? Well, hindi naman dapat talaga dapat i-stereotype na pag maganda o gwapo ka dapat may boy friend o girl friend ka.

Biglang inilapit ni Gatorade ang bibig niya sa tenga ko at naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko sa batok. Bulong niya, "Make that twenty."

Twenty?!

"Akala ko ba isa lang!"

"Hey. I'll win the championship. Prize ko na yun." Magsasalita pa sana ako pero inunahan niya ako. "Hep hep. Bawal bumack out. You already made your condition kaya ako naman."

"Aba!"

"Remember, I live by my own rules baby." Hinalikan niya ako sa noo at binalik ang pagkakaakbay sakin. Bumulong siya ulit, "I'm so ready winning that game... Aw!"

"Tricky Blue head."

Inilabas niya yung pa-cool boy smile niya habang hinihilot ang bewang niya. Pero imbes na mas mainis ako, I just find myself smiling with him. Oh boy. I just can't get enough of him.

Kelan ba kasi to nagsimula?

*

[Francis Madrigal's POV]

Kanina pang palibot libot ang pinakagwapong lalaki dito sa school na 'to at hanggang ngayon di ko pa rin makita ang gym! Nasan na ba ang mahiwagang Gym? May curse ban a bawal ‘tong makita ng mga gwapo tulad ko?

Nakakainis naman kasi e. Napa-pout ako dahil sa pagod. Kanina pa akong naglalakad!

"Ah miss."

"Po?—Gwapo. " I smirked nung narinig ko ang sinabi niya. Sabi ko sa inyo gwapo ako eh.

"Thank you. Anyway, alam mo ba kung saan gym dito?" Dahan dahan siyang tumango at tinuro yung daan. "Salamat!"

Naglakad na naman ako. Kanina pa ko dumating dito pero almost thirty minutes na akong nagpakapagod para makita ang gym. Bakit kasi ang tanga ko at hindi ako nagtanong sa guard kanina? Ohwell, kung ginawa pa akong matalino ni God, ako na ang pinakaperpektong tao sa mundo. Di ba? Kaya din siguro makapal ang mukha ko. *Mwahahaha*

Nabalitaan ko kasing maglalaro sina Gatorade ngayon at championship nila. Sayang nga kanina e, di ko napanuod yung championship ni Gab at Dominique. Ganda daw ng laban nila, In the end nanalo si Gab. Atsaka may inuutos sakin si Madam about sa proposal ni Gatorade nung Monday.

Lakas talaga nun kay Madam!

"Gym, yuuhuu. Where art thou?"

Lumiko ako at nakita ang mga taong papasok ng gate. Ow. Mukhang dun na ang gym ah! Nakisabay ako sa mga tao. At nice, ang daming cute na babae. Envy of Gatorade and Marcus going to this school with bunch of cute girls!

Pero isa lang talaga ang pinakacute para sakin at nakikita na siya ng mga gwapo kong mata!

"Hi." Inakbayan ko siya. "Namiss ko ang kagandahan mo, alam mo ba yun?"

"Oh. If it's not the annoying and very cocky manager of BFC! Wow. I'm really having a bad day. I can sense it. Oh wait! It's bad already." Kinuha niya ang kamay ko at tinanggal ang pagkakaakbay ko sa kanya. 

Aw. Kala ko pa naman holding hands kami.

"Wag kang magalala, kahit anong insulto mo sakin, crush pa din kita. "

"I'd rather praise you para tigilan mo na ako."

"Talaga? So gwapo talaga ako?"

"On the second thought, I'd rather die."

That’s so mean!

Tumigil ako sa paglalakad at ngumuso pero ini-snob lang niya ang kagwapuhan ko at nagdirediretso lang siya sa paglalakad papasok ng gym. I smiled. Tama na ang kaartehan. I look too good when I frown. Ganun ako kagwapo!

Sumabay ulit ako kay Princess at inakbayan siya pero tinanggal na naman niya. O sige na nga, wag na siyang akbayan. Hahawa ang kagwapuhan ko at hindi na siya magiging maganda pag nagakaganun.

"Bawal ang matanda dito."

"Hoy! 22 lang ako! Matanda ka dyan!"

"Like I care. I still see you as an adult. So stop harassing me, you pedo." [Pedo = short term for Pedophile.]

"Nakakainis ka na, alam mo yun?"

"Yun talaga ang plano ko. Ang asarin ka." She smirked. At yung smirk na yun imbes na maasar ako, I still find her cute. Ang cute talagang magalit ng amazonang 'to.

Akalain mong siya yung hinahabol ko dating pasaway na avid fan ni Gatorade? Ibang iba na siya ngayon.

"Princess!"

Napatingin ako dun sa tumawag kay Princess. Aba! Isa ding magandang babae pero bakit parang nakita ko na siya dati? Ohwell. Sumunod lang ako kay Princess nung lumapit siya dito. Sinamaan pa nga ako ng tingin pero hindi ko yun ikakapanget kaya sumunod pa rin ako.

"Sino ka?"

"Your future husband." Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan yun. "Francis Madrigal, babe."

"Ah. Annulled na ang kasal natin." Tumingin siya kay Princess. Nakita ko yung patagong ngiti ni Princess. Aba! Nakita ko talaga yun.

Napansin kong may pagkakahawig sila.  Oh! Siya ba yung ate niya? Baka siya yung kausap ni Princess nung nagkita kami sa supermarket? Baka nga! Two beautiful Saavedra's before me. This is a very good day!

Mas dumami yung tao nung pumasok na ang players sa loob ng court. Nakita ko agad si Gatorade. Malamang! Ulo palang. Katabi niya si Marcus at yung isang friend nila. Ano ngang pangalan nun? Alex? Ah. Yun nga.

"Francis?"

Tumingin ako sa likod ko at nakita si.. "Gab!"

Niyakap ko siya agad pero tinulak niya ko. Hala! Di makascore. Haha! Joke. Baka magalit si Gatorade.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Bawal ba talaga ang gwapo dito?"

"Not funny."

Bakit ba ang tataray ng mga babae ngayon? Wala na ba silang sense of humor ngayon?! Bakit puro parang nasa menopausal stage na silang lahat?! Well, forget about that. They're still cute for me!

"Dun kami nakapwesto. May kasama ka ba?"

"Oo naman." Inakbayan ko ulit si Princess "Kasama ko kaya girl friend ko."

"Let me go, pedo!" Hinampas niya ang braso ko pero hindi ko parin tinatanggal. Malakas kaya ako. I can endure all pain for love! Mwahahaha!

"Uy! Hi Princess."

"Hi!" Tinulak naman ako ni Princess at lumapit siya kay Gab. Nagbeso sila. Ayyy. Bakit kami kanina wala? May discrimination! "Naks. Supportive girl friend?"

"Parang ganun na nga." Gab shrugged at pareho nalang silang tumawa.

Ay... "Bakit sakin di ka nangiti?"

Tumingin si Princess at Gab sakin pero inirapan agad ako ni Princess, making Gab chuckle. Ehhh. Ang damot ng babaeng 'to!

"Puntahan ko na yung kasama ko ha?" Pagpapaalam ni Gab. Tumango lang si Princess at bumalik na naman siya dun sa tabi ng kapatid niya. What a very hard to get girl.

Ohkay lang!! Mas exciting to, may thrill!

*

[Alexa Gabrielle Delos Reyes’ POV]

Naagaw niya ang bola sa kalaban. Lumakas ang sigawan sa paligid ko. Hindi ko mapigilang di humanga sa galing niyang maglaro. Lahat halos dito sa team na ng CBA nagchi-cheer dahil ata sa kanya. He never left the court since magstart ang laro.

Nagulat ako nung makita siyang nakatingin sakin bago niya itapon ang bola sa ere.

"Score!"

Inalog alog ni bebs ang balikat ko. "Oh my dee! Go Gatorade!!"

Napailing ako nung maramdaman ko ang pagsiko ni Aly sa balikat ko. "Don't tell me na ngayon lang nagsisink in sayo na hot ang boy friend mo?"

"Ano?" Tinawan lang niya ako at binalik ang tingin niya dun sa court. Nasa kamay ng kalaban ang bola. But still, magaling ang depense nina Gatorade.

I have a hot boyfriend?

The heck Gab. You really have a hot boyfriend! Jeez..

Nagkagulo na naman nung na-rebound ni Alex yung bola, making it pass through our side. Pero nagawa siyang harangan ng taga-Criminology (they have good defense tactics too!) Mukhang nahihirapan si Alex pero nagawang tumakbo ni Marcus sa pagitan ni Alex at nung nagbabantay sa kanya kaya nakuha niya kay Alex ang bola.

Smooth move, Marcus!

He aimed for a 3- point shot and boom! Pasok! "Wah! Boyfriend ko yan! Go Love!"

Boyfriend ko 'yan...

 Ano ba tong iniisip ko?

"Aren't you gonna cheer for him?"

"Wag mo ng asahan yan Aly. Masyadong mahiyain yan e." Buti alam mo, bebs. A-S-A talagang mapapasigaw mo ko dito. Pero sa totoo lang, kanina pa akong nagpipigil na sumigaw. Ang ganda kasi ng laro.

"Eh? Ano ba yan. I thought supportive girl friend ka."

"Andito naman ako ah! At least, I'm watching."

Nagshrug lang yung dalawa sa tabi ko. Ewan ko ba. Hindi naman kasi ako ganung tipo ng babae. You all know that I rarely speak in front of everyone. I'm not really vocal at para kasing ibang Gab yun pag nagsisigaw ako dito.

Nagkaroon ng time out kaya medyo nagcalm down ang crowd. Biglang nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko yun. A text from Gatorade. Tumingin ako sa kanya at nagsensya siya ng "one".

"Oh please, not you too. "

Mukhang nagets naman ni Gatorade ang reaksyon ko kaya sumimangot siya. He mouthed "Please" pero umiling ulit ako. Sumuko na siya at nakinig dun sa coach nila.

"What was that?" asked bebs nung napansing magkausap kami ni Gatorade.

"Wala po."

Nagbell na ulit meaning tapos na ang last timeout for 4th quarter. Nasa lead ang team namin with three points at less than two minutes nalang ang oras. Bawal pa rin kaming makampante dahil sobrang liit lang ng pagitan ng scores.

Tumingin ulit sakin si Gatorade pero umiling ako.

Wag na kasing mapilit.

Nagstart na naman ang match. We're on defense at ang may hawak ng bola ay ang isa sa pinakamagaling na player ng criminology. Nakakatakot pa ang sigawan nila kasi halos lahat sila lalaki.

"3 points!"

Hala! Tie na naman ang scores!

One minute nalang at hawak na ng CBA ang bola. All of them are very eager to win this game. Especially sa CBA dahil ngayon lang daw sila nakatapak sa Basketball championship. This is really important for our department.

"Shoot it, A-hole!" Napatingin ako kay Aly. Nakakagulat. That's really vulgar. All scream talaga niyang ginawa yun. Walang censored sound. "Ano bang problema niya! Kakalbuhin ko siya e!"

Tumingin ako kay Gatorade at pinasa niya ang bola kay Alex. What?! Bakit niya pinasa?! Shinoot ni Alex at bola pero sablay! Rebound please!

"Yes! Go Love!!" sigaw ni bebs nung nakuha ni Marcus ang bola. Pinasa niya yun kay Gatorade pero pinasa niya yun pabalik kay Alex.

What the heck is he doing? He can shoot that ball!

Marami ng nagrereklamo sa ginagawa ni Gatorade. "I’ll go get my scissors."

Mukhang seryoso si Aly sa binabalak niyang pagkalbo kay Gatorade. Bald Lance Alexander Zamora. Hmmm. I think he still look good with no hair.

Natauhan ako nung nakitang nakatingin sakin si Gatorade. 30 seconds nalang. Wag mong sabihing sinasadya niya to? Naagaw ng kalaban ang bola at agad tong nakascore ng 2 points. Ahead na samin ang kalaban.  

Ano bang ginagagawa niya! 

Hawak ulit ni Gatorade ang bola pero sa pagtingin niya sakin parang may balak na naman siyang ipasa ang bola sa kateam mate niya.

Yung text niya kanina, [Cheer for me. Please baby?]

That very clever blue head!

"Sht." Humigpit ang pagkakahawak ko sa raketa. I'll really hit him later. "Shoot it or go bye bye on your twenty! You blue headed guy!"

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Nakaplaster na sa mukha niya ang pagkapanalo niya and within ten seconds, humakbang siya sa labas ng three point lane. Aim for it and,

"Shoot! CBA Wins!"

Napalunok ako sa narinig ko. 

Yung cheer ko kanina, ibig sabihin pumayag ako. Sht.

*

"One." Binitawan niya ang magkabilang pisngi ko at saka pinisil ang ilong ko. "I'll take it slow. Sabi nila, don't spoil your blessings."

"I hate you."

"I love you."

Naramdaman kong nag-react ang puso ko sa sinabi niya. 

"Stupid blue head!" I wanna hit him pero, "Wag kang umilag!!"

"Baby naman, pagod ako. Save it okay?" Hinalikan na naman niya ako. "Two. Tss. I'm having second thoughts on not spoiling my blessings."

Nagchuckle siya at inayos na ulit ang bag niya. Ipinatong ko ang dalawang palad ko sa dibdib ko. Calm down. Calm down. Pinagti-tripan ka lang ng lalaking niya. Bakit niya kasi sinabi yung salitang yun?

It's been a long time since I heard those words.

"Tara, mama monster?" Inakbayan niya ako at kinuha yung raketa sa kamay ko. "Ikaw, bakit ayaw mong humingi ng prize since nanalo ka naman kanina?"

"Medal is enough."

"Don't you want my kisses as your medals? They're unlimited." I shook my head and mouthed 'no thanks.' Adik ba siya? He's already awarded 20 kisses tapos gusto niya may prize din akong kisses mula sa kanya?

"Bagay sayo yung papa monster." Ngumiti ako. "Kissing monster."

"At least ako nakikita at nararamdaman mo talaga ang pagiging papa monster ko. Eh ikaw? I wanna see your kissing monster side."

"You won't see it. Di ako papayag."

"No fair-Alexa again."

Pinagtitinginan kami ng tao. Actually, halos lahat ng makakasalubong namin babatiin siya at iko-congratulate. Lalo na tuloy siyang sumisikat. Pano ba naman siya ang inawardan ng MVP gaining lots of scores sa mga games.

He's very sporty.

Tapos ang talino pa.

Tapos ang gwapo pa.

Your boyfriend is really freakin hot guy plus the fact that he’s a package deal. Para ngang may promo add ons pang kasama.

"My papa Gatorade!"

Napatigil kami pareho at tumingin sa likod namin. Kilala ko yung boses na yun. Mabilis siyang tumatakbo papunta kung nasan kami. Napaurong si Gatorade pero too late, nayakap na kami ni Francis.

"Congrats Bro!" Ginulo niya yung buhok ni Gatorade. Buti nalang di sensitive ang lalaking 'to pagdating sa buhok niya. "Congrats din Gab! Nakalimutan kong batiin ka kanina."

"Kasama ba naman kasi si Princess kanina." I teased him pero nagpout lang siya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Gatorade, hindi pinansin ang congratulations sa kanya ni Francis.

"Eto, dakilang mabait na kanang kamay ni Madam. About your proposal. Why so sudden bro? Alam mo naman busy ang sched ko!"

"Wala ka ngang ginagawa kahapon. "

"Oy, mahirap kayang umupo maghapon sa office! Anyway. I'll give her some reports today at kakausapin ko din yung club na gustong salihan ni Marcus at yung coach ng Varsity team."

Proposal? Anong kinalaman nun sa club at coach?

"Si Marcus lang naman ang interesado."

"Oh come on Gatorade, I know you want that slot too!" Iniwas lang ni Gatorade ang tingin niya at ginawa na naman ang mannerism niya. Is it abour the varsity proposal? Bawal ba yun—ah! Wala nga pala silang permanent school dahil ng Boyfriend Corporation.

So that's the reason kung bakit di niya tinanggap. Kasi after our contract baka lumipat na ulit sila ng school for second semester. Cause you'll never know kung sinong sunod nilang client.

Yeah, sunod nilang client.

*

"Nine, ten, seven! "

What the!

Tinulak ko siya palayo at nagsimula na naman siyang tumawa. "Kelan pa naging kasunod ng ten ang seven?"

"I can't count." He stuck his tongue out.

"I'll hit you."

"Oo na.. Eleven na kung eleven." Hinawakan na naman niya ang magkabilang pisngi ko at eto na naman ako gumagawa ng paraan para di ko siya tingnan sa mata. Jeez. 

"Just do it already!"

"Atat sa kiss ko?"

Nakakainis! 

"I'm busy." Ngumiti siya sakin at hinalikan ulit ako.

"Twelve. Di na. Mamaya na ulit yung eight."

"You're playful again."

"What do you mean playful?" he tilted his head to his right.

Inayos na niya ang pwesto niya at ipinatong niya yung ulo niya sa lap ko. Nakatingin siya sa screen ng laptop. Ginagawa ko kasi yung weeklong project ko na magazine layout for Art Stuff. Actually lahat kaming trainees gagawa tapos mamimili sila sa mga gagawin namin.

At gusto ko talagang mapili yung sakin.

Tahimik lang si Gatorade na nanunuod sa screen. At ginawa ko lang ang trabaho ko. I know it's been a long day para sa lahat pero hindi pa rin talaga ako inaantok kaya ginagawa ko rin 'to. Pampalipas oras.

Maya-maya naramdaman ko ang bigay ng ulo ni Gatorade.. "Gatorade?"

Hinawi ko ang buhok niya at sinilip ang mukha niya.. Nakapikit ang mata niya at mahina siyang humihilik. Napagod ata. Brinush ko ang buhok niya paalis ng noo niya, giving me clearer vision of his face.

"Siguro maraming naiinggit sayo. Nakakainggit naman kasi talaga."

Ibinaba ko ang laptop sa sahig at dahan dahan inayos ang ulo ni Gatorade sa lap ko. Who would have thought that I'll have a hot boyfriend? I didn't plan this. Wala naman talaga akong balak magkaboy friend di ba? That's really out of my plans.

Wala akong balak kung hindi grumaduate at patakbuhin ang business ng pamilya namin. Ayun lang.

Gab without her romantic bone.

"Ano ba kasing ginawa mo?"

Pinaglaruan ko ang buhok niya. Naagaw na naman ng atensyon ko yung black parts ng buhok niya. Iniimagine kung anong itsura niya pag itim ang buhok niya. Siguro kahit anong kulay, bagay sa kanya.

"You're lucky having a good face."

Naalala ko yung pinaguusapan nila ni Francis kanina. At yung iniisip ko na after nito, blurred na ang lahat ng pedeng mangyare. Sino bang niloko ko? He’s just working and this won't last. In the end dapat aware ako nito pero wala, pinabayaan ko. I just let it go with the flow.

"Parang alam ko namang ito ang magiging resulta." I sighed. Sumandal ako sa headboard. Pano kaya kung makita ko bigla si Gatorade kasama ang bagong girl friend niya pagkatapos nito?

Papansinin ko kaya siya?

Ngingitian niya kaya ako?

Ano kayang mararamdaman ko?

 Ang hirap magisip.

"Baby." Nagitla ako nung biglang umupo si Gatorade at humarap sakin. "Nakatulog ako. Sorry."

"Okay lang." Lumapit siya sakin at hinalikan na naman ako.

"Ano ngang number na tayo?"

Number? Ah. "Hi—hindi ko maalala."

Ngumiti siya sakin kahit halos papikit na ang mga mata niya. "Good. That means we're back at 1."

"Ano? Hindi pede!"

"Bakit? I live by my own rules. So yup, balik tayo sa one." Humiga siya sa tabi ko at niyakap ako sa may tiyan. "Patulog muna ha. I sleep well beside you."

At ito na naman ang mga maraming tanong na tumatakbo sa utak ko. The Tent. Ang weird sickness niyang namamahay. Si Princess. Ang orphan na Gatorade. Lahat yun nagtatanong at naghahanap ng sagot.

Tumingin ako sa natutulog na blue head sa tabi ko. Pero mas naagaw ng atensyon ko yung nagbi-blink na phone sa side table. Inabot ko yun..

Lorenzo calling...

Sinagot ko yung tawag at,

["Daddy!"]

D—daddy? 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top