Chapter 39
Chapter 39
"Are you sure you're okay?"
I gave bebs a bored look. I lost my count of how many times she asked me if I’m okay. She’s been asking me endlessly since I woke up this morning. Alam ko namang nagaalala lang siya pero how many times should I say 'Yes, I'm okay.' para lang mapatunayang okay ako?
"Are you afraid that you might lose to me?"
"What..hey!"
I smirked, "It's very obvious na ayaw mo akong papasukin nung nalaman mong tinanggap ko ang offer nila sakin."
Nagulat ako nung bigla niyang binato yung jersey sa mukha ko. Pikon!
"I'm just acting a good best friend, you know. At sino namang matatakot sayo? It’s not like you always beat me."
"Yes, I did 5 times in a row. Don't tell me nagkaamnesia ka?" I said while showing five with my hands. Nagpout naman siya at inirapan ako. "Don't worry bebs, I'll go easy on you."
"Let's see who'll go easy with whom!"
Seryoso kaming tumingin sa isa't isa na para bang may nakatagong rivalry between us. Yes, there's always been a rivalry. Samin pang dalawa na wala ng ginawa kundi ihilamos sa isa't isa na mas magaling kami kumpara sa isa? Kaya nga there's always Gabs wins over Dom and Dom wins over Gab. Ang pagkakaibigan namin ay--"Achoo! Achoo!"
What a right timing for my cold to react! Thank you for ruining the moment!
"Ew. We look awful. Let's not stare each other like that again. Creepy!"
"You're the only one who looked awful."
"Wow. Says by the girl who look like shitty because she's sick. Ble!" She really stuck her tongue out. Childish bebs! "Come to think of it, I'll use that as an advantage. Sana magkasakit ka pa lalo!"
"Nahiya ako! Best friend ba talaga kita?"
"Magkaaway ba kayo?"
Napatigil kami pareho ni bebs. Tumingin kami sa pintuan at nakita si Marcus at Gatorade na pawisan. Nagkatinginan kami ni bebs. Tapos tumingin ulit sa bagong dating. Tapos kami ulit. Tapos sa kanila.
"Yes bebs, di bagay."
"I agree." She said while going back on tying her shoelaces.
Kinuha ko na rin yung jersey na binato sakin ni bebs. I got this jersey this morning. Dinaan nung class president namin, informing me that I should play for CBA Badminton team. Akala ko hindi na ako isasali since di naman ako nag-try out.
Pero sabi ni bebs, nagmakaawa daw kanina yung class president namin kasi kulang ng member ang team. And knowing bebs is part of CAFA's Badminton team why not gave it a shot? Ako lang ang hindi lalaro samin! It’s double boredome if wala akong kasama ngayon Sports fest!
"Okay ka na ba?" Tumingala ako. Oh great, two Dominiques.
Tumango lang ako at nagsimula ng maglakad pabalik sa kwarto. Aayusin ko pa ang gamit ko. Di naman ako nagtaka nung sumunod siya sakin. Mas nauna pa nga siya sakin sa kama. Humiga pa.
"Gatorade! Tayo! Pawisan ka kaya!"
Itinaas niya lang yung right hand niya. Nagpapahigit. Psh! I won't be fooled by that trick again! Kala niya nakalimutan ko na yung ginawa niya sakin sa Quezon? Kahit nakainom ako, I won't ever forget that.
Eh bakit di ko makalimutan?
At bakit ko ba kinakausap si Gab’s conscience?
"Up. Kakapalit lang ng bedsheet. Wag matigas ulo." Nagpamewang pa ako to let him know that I am freaking serious. Pero wala, winagayway lang niya yung kamay niya. "No Gatorade. I know what you're up to."
Di siya nakatingin sakin pero kita ko yung pagcurve pababa ng labi niya. Sus. Nagdrama pa 'tong blue head na 'to. Bigla siyang umupo at tumingin sakin.
"Ayaw mong lumapit sakin?"
"Alam ko naman kasing hihigitin mo ako-ah!"
"That's better." Bigla niya akong hinigit at humiga na siya sa kama, causing me to fall with him. Nasa ibabaw niya ako. ( Ang pangit ng term.)
"Let go, Gatorade. Late na ako." Hinampas ko siya sa dibdib pero tulad ng dati, no use. This boy is really immune to my hitting. "Dali na. Kakaligo ko lang at—ew Gatorade! Pawisan ka!"
"Nakuha lang ng energy e." Hinigipitan niya ang pagkakayakap sakin. Nakapikit ang mga mata niya. Nakuha lang ng energy? "Magcha-charge lang. Five minutes?"
I bit my lower lip. He’s impossible. Ngayon, hindi ko na siya mabasa at worse, hindi ko rin naman maayawan.
"Ang init mo." Naramdaman ko yung kamay niya sa likod ng ulo ko. "Closer."
Tinulak niya ang ulo ko papunta sa gilid ng leeg niya. He shifted to his right so I can lie down at my bed to. Di ako nagsalita. I just let him enclosed me between his arms. Hugging-monster.
At ang daya. Even though he’s sweaty, ang bango bango pa rin niya.
Sumunod si Gatorade sa five minutes. He even shouted "Gatorade fully charged!" with killer smile. Di ko naman mapigilang di mapangiti. Naligo na siya ulit habang ako nagpalit ng damit dahil nabasa ako ng pawis niya. And if you're asking why he's sweaty, meron silang early morning practice kanina.
Ang alam ko nakaschedule ang game ng College of Business Administration VS. Engineering Basketball team this afternoon. At for sure hindi na vacant ang gym kaya there's no time for more practice. Yun ang ayaw ko pag kasali sa laro, ang early morning practice. Puyat ka na nga, pagod pa.
Sports fest! Ito yung counterpart ng intramurals nung highschool dito sa college. Sports inclined students always look up to this event. Syempre, it's their time to participate. Wala, normal sports fest lang naman. Tapos after the 3-day sportsfest, 3-day foundation celebration naman ng CK University.
Napatingin ako sa may pintuan ng banyo nung lumabas si Gatorade, suot na niya yung jersey shorts niya pero nakawhite shirt, katulad ng outfit ko. Ang init kasi pagsuot na yung jersey. Kapit sa balat.
"Wala ba kayong practice?"
Umiling ako, "Di naman ako na-inform na kasali pala talaga ako sa team e."
Napaurong ako nung bigla niyang hinawakan ang noo ko. "Pero ang init mo pa rin. Kaya mo ba talaga?"
"Gatorade, you sound a lot like bebs. I'm perfectly fine if you ignore my runny nose."
"Fine." Pi-nat niya ang ulo ko. "Gusto mo bang manuod ako ng game mo?"
"Ah!" nakaramdam ako ng consciousness, "Kasi ano,"
"Oo na, hindi na po. Baka ako pang sisihin mo pag di ka nanalo."
Aish. Bakit kasi ako ganun.
*
[Marcus Lau’s POV]
Pumasok na kami ulit sa CKU nung natapos na ulit kaming maligo ni Gatorade. Grabe yung practice kanina. Akala ko pa naman pa-easy easy lang tulad dun sa isang school na pinasukan namin ni Gatorade last year, pero hindi. Terror at torture ang mga coach dito!
Napaakbay ako kay Love nung naalala kong may warm up session kami ng lunch. 1 PM kasi ang start ng firt game namin. I thought having an early morning pracctice will make us go easy habang wala pang game, yun pala hindi!
"I'll go cheer for you Love! Galingan mo ha?"
Napangiti ako sa sinabi ni Dom. Pinisil ko yung pisngi niya. Ang lambot lambot talaga ng pisngi nito. Kinaadikan ko na ang pagpisil sa pisngi niya. "Oo ba. Love, basta may reward ako?"
"Reward?"
"Yup! Free massage and kisses from Love reward!"
Tumigil siya at pumunta sa harapan ko, causing my arm to fall. Nakatingin lang siya sakin pero nakangiti ang mga mata niya. Tumango siya at saka tumalikod ulit. Sumabay siya sa paglalakad nina Gab at Gatorade.
Napakamot ako sa pisngi ko kahit di naman makati.
Kasi naman, Ah no. Don't ever let yourself, Marcus. No. No. No.
Right. No. Not ever.
*
"Ay! Sila yung Choreographite Knights!" Napatingin kaming lahat sa stage nung biglang sumigaw si Love. Kahit andun siya kasama ng mga co-archi student, rinig na rinig ko ang boses niya.
Si Love ko talaga. Active na active pag ganitong bagay!
"Choreographite Knights?"
"Estudyante ka ba talaga ng CK?" tanong ko kay Gab na halatang walang kaalam alam kung sino yung nasa stage. Nag-shrug lang siya at pinakielaman yung badminton racket niya.
CKnights ang official modern dance troupe ng CK University. Lagi silang nagppractice every Friday. Napapasilip ako sa dance room tuwing NSTP. Katabi lang kasi ng room namin ang studio. And I must say that they are all really good.
I even want to audition kung magpapaudition sila!
But too bad, BFC doesn't allow us. Dahil nga temporary nga lang naman kami sa schools dahil ng client's terms and condition. Kaya bawal kaming sumali sa mga varsity clubs or clubs that requires more than 3 months service.
Nag start na ang song. Ah! Yan yung pinapractice nila last week. Wow! Naiinggit talaga ako! Sana i-propose na ni Francis sa management yung tungkol sa school matters namin. Every semester lagi kasi kaming lumilipat. Hassle kayaaa! Tsss.
Ah!
"Gatorade, sabihin mo naman kay Madam yung school matters natin!"
Mukhang naguluhan si Gatorade sa tanong ko. Hehe. So sudden kasi. Eh baka kasi makalimutan ko pa pag di ko sinabi sa kanya. Ganun kasi ako. Feeling ko may alzheimers ako pero wag naman sana. Sayang ang kagwapuhan ko.
"Bakit ako ang magsasabi?"
"Eh malakas ka kasi kay madam!"
"Tapos?"
"Ehhh. Please?" Tinaasan niya ako ng kilay. Oh! Di ako maalam nung pagtaas taas ng kilay. Daya! "Dali na. Gusto ko kasi magaudition dyan."
Tinuro ko yung mga nagsasayaw dun sa stage, CKnights. Tumingin naman siya tapos bumalik sakin. Nag-pokerface na siya. I tsked. Ano pa nga bang inasahan ko sa lalaking 'to?
Anong ibig sabihin ng pokerface niyang yun?
'Tinatamad ako.'
"A best friend can't even ask a favor!"
Nagkibit balikat lang siya at binalik ang tingin sa stage. Nagsigawan yung mga tao kasi nag-stunts yung mga lalaki. Tinaas pa ang shirt. Lah! Ako din. Expose ko abs ko. Meheheh! Yun nga lang, wala akong abs. Flat stomach lang.
'Tong si Gatorade kahit payatot meron.
Ang unfair ni Gatorade! Huhu
But that gave me motivation! Must. Exercise. I. Want. ABS!
Uhh. Ang dami kong gusto.
"Si Scary eyes."
Napatingin kami ni Gatorade kay Gab. Scary eyes? Lumingon ulit ako dun sa stage. Gumagawa kasi ng 5 consecutive back flips yung isang lalaki. And BAM! Excellent landing! Parang di nahirapan.
Mas nagkagulo tuloy sa loob ng gym at may sinisigaw sila na ‘Frost!’
Pero eh? Di man lang marunong ngumiti?
Buti nalang ako all smile always!
Tumingin ako kay Gatorade at nahuli siyang nakatingin dun sa lalaking nag-back flip. Alam ko ang tumatakbo sa isip niya. It’s a small world, no Gatorade?
*
Nagstart na ang games ng iba't ibang sports. Sa loob ng gym ang volleyballs, basketball at badminton. Sa may gilid ng open gym yung table tennis at darts. Sa open field naman yung soccer. Tapos ang alam ko may swimming competition din.
Ang dami palang events!
Meron din akong narinig ng running events e. Parang Olympics!
"Love, nagssparkle na din mata mo!"
"Talaga?" tingin ko kay love.
"Oo."
"Ibig sabihin bagay na bagay tayo!" umakbay ako sa kanya.
"Ay." Biglang namula ang ilong ni Love. Pero imbes na yun ang pisilin, pinisil ko ulit ang pisngi niya, ang malalambot niyang pisngi. Buti di nalawlaw yun kahit pisil ako ng pisil. Lambot lambot.
"Psh. Get a room."
"Sus. Inggit. La kasing kapartner!"
Umirap lang si Gatorade kay Love. Napangiti nalang ako. Wala kasi si Gab. Andun sa loob ng gym. First match niya ngayon. Siya yung pinakaunang lalaban sa CBA Female Singles. Pero nagtataka ako kung bakit kami nandito.
"Bakit nga ulit andito tayo sa labas ng gym?" tanong ni Love.
Di naman sumagot si Gatorade. Tumuon lang siya dun sa bakod (yun lang kasi ang harang sa open gym), pero nakatingin siya kay Gab.
"Dun tayo sa loob! Mamaya crowded sa unahan natin. At bebs needs support. Tara!"
"Wag. Dito na tayo."
"Pero pero mahaharangan nila tayo dito!"
Tinuro ni Love yung mga students na manunuod ng Badminton. Pero mukhang hindi naman kami mahaharangan kasi tuwing mapapansin nila kaming nakatingin sa Badminton court, automatic na mabilis silang dadaan or they make sure na hindi nila kami nahaharangan.
Powers ata namin yun?
Gwapo ako e!
Nagstart na yung game nung pumito yung umpire. Taga Med Tech ang kalaban ni Gab. First time kong mapapanuod si Gab na maglaro. Lagi kasi kaming may game sa PE pag naglalaro din sila. Basta ang alam ko lang lagi niyang kapartner yung si Marilao.
Speaking of Marilao, kateam nga pala namin siya.
Ang gu-gwapo ng CBA Basketball players. Pero syempre, ako ang pinakagwapo!
"Yay! Go bebs!" cheer ni bebs habang nakataas ang dalawang kamay niya na parang may hawak siyang pompoms.
"Shhh!"
"Ha? Malayo na nga natin sa court bawal pa rin magcheer?"
"Wag kasi." Seryosong nanunuod si Gatorade sa laban ni Gab. Ano kayang problema?
Tuwing makakascore si Gab, di mapigilan ni Love na mapasigaw, kahit ako! Ang galing kasi! Di ko alam na sporty din si Gab kasi mukhang di siya mahilig sa sports. Pero sa pagchi-cheer namin, lagi kaming sinisita ni Gatorade. Pansin ko din na pag napapasigaw kami, nawawala ang tingin ni Gab sa shuttle cock. Di kaya nadidistract siya? Pero mukhang di naman kasi namemaintain pa rin niya yung laro.
"Tago!"
Napatakbo kami dun sa malapit na poste nung sumigaw si Gatorade. Hala! Anong nangyare? Sumilip ako at ganun din si Love. Tapos na pala ang first set at mukhang may hinahanap si Gab.
"Mabilis ba mawalan ng focus si Gab?"
Tumingala si Love para makatingin sa akin since nakaupo siya tapos andun sa kabilang poste si Gatorade. Mukha tuloy kaming ewan. Parang nagtatago sa mamamatay tao at si Gab ang murderer.
"Ay! Oo nga! Kaya pala."
"Ano yung love?"
"Nawawalan siya ng focus pag alam niyang kakilala nya ang nanunuod sa kanya!"
Napatingin ako kay Gatorade. Pano niya nalaman na ganun si Gab? Ibig sabihin napanuod na niyang maglaro dati si Gab? Kelan? Hindi naman siguro ganun yun! Tinignan ko si Gatorade at bumalik ako kay Gab nang may mapansin ako. Wait, may kakaiba sa jersey nila.
"Mama Monster, Papa monster? "
Nakita ko yung ngiti ni Gatorade pero tinago niya yun nung humalumbaba siya sa bakod dito sa gym. Alam na niya agad ang ibig sabihin ko.
"Anong sabi mo Love?"
Tinuro ko yung likod ng jersey ni Gab tapos tinuro ko si Gatorade. Tiningnan naman ni Love yun at lumaki ang maliliit niyang mga mata. Nakita ko yung pag-form ng ngiti sa labi niya nung naintindihan niya ako.
"Aw. Sana ganun din satin Love!"
"Hm, Love." Tumalikod ako at tinuro yung likod ng jersey ko. Nakalagay dun yung DM, tapos yung number 17. Nagulat ako nung tumalikod si Love at tinuro din ang likod niya. MD naman yung sa kanya.
See? Pareho kami ng iniisip! DM? Domnique Marcus at MD yung kabaligtaran.
Naging maganda ang laro ni Gab nung second set at mukhang siya na ang mananalo. Pigil na pigil namin ni Love ang pagcheer. We don't want to ruin her play. Baka magalit pa samin si Gatorade. Mahirap na.
"Miss." tawag ni Gatorade dun sa isang babae sa harap namin. Lumingon naman siya. Pareho kaming nagtaka ni Love kung bakit tinawag ni Gatorade yung babae. Lumapit naman yung babae at may binulong sa kanya si Gatorade.
Ano kaya yun?
Last point nalang mananalo na si Gab! Hinigit na ako ni Love papasok ng gym. Okay na daw yun since isa nalang naman daw. Sumunod na samin si Gatorade pero laking gulat namin nung magseserve na si Gab..
"GO BABY! " sigaw nung mga nanunuod ng laban ni Gab, specifically nung barkada nung babaeng binulungan ni Gatorade.
Napatingin ako a likod ko at nakitang nakasmirk si Gatorade. Halatang nagulat si Gab pero nagawa pa rin niyang mareturn yung tira ng kalaban. Pasimple siyang lumilingon sa mga nanunuod. Buti nalang di niya kami nakikita.
"Bad Gatorade!" sita ni Love.
"Di ako pedeng magcheer e."
"Baby! Baby! Baby!" patuloy ng pagchi-cheer ng crowd kay Gab. Halatang nawawalan siya ng focus pero nagawa niyang i-smash yung shuttle cock, gaining her first win. Nice!
"Way to go, Mama Monster!" sigaw ko. At dun nalaman ni Gab kung nasaan kami. Mukhang nagulat siya at Mama Monster ang tawag ko sa kanya. Eh yun kasi ang nakalagay sa likod ng jersey niya. Don't tell me di niya pansin?
Clever Gatorade. A very sneaky move.
*
[Alexa Gabrielle Delos Reyes’ POV]
"Sabi mo di ka manunuod!!"
"Di nga ako nanunuod!"
"Eh para san yung ‘GO BABY!' ha!" Napangiti si Gatorade. Iniwas niya yung tingin niya sakin. I hit him pero nasalag niya. Nakangiti pa rin siya. Ang kulit! Tapos ngayon ko lang din nakita yung nakalagay sa jersey ko."Bakit Mama Monster ang nakalagay dito!"
"You're my mama monster, remember?"
"Alam mong kasali ako sa badminton team?"
Iniwas na naman niya ang tingin niya sakin. He's too obvious na guilty siya. Jeez! Why didn't he tell me? I took a deep breath. Calm down, Gab. What's the use? Suot ko na nga yung jersey. Ang oblivious ko naman at di ko napansin ang nakasulat sa likod ng jersey ko.
Sinilip ko yung likod ni Gatorade. Papa Monster naman ang nakalagay sa kanya tapos #17 ang nakalagay sa likod niya.
"Ba't pareho kayo ng number ni Marcus? Bawal yun ah!"
Gatorade just looked at me. Don't tell me ginamit nila yung charismatic powers nila? Uhh. No doubt they used that. Di ba bawal yun? Ibig sabihin tatlo kami sa CBA na may pare parehong #17 sa likod.
"Wag ka ng magalit sakin." Paawa siyang tumingin sakin at sumimangot. Pinipilit niyang maging cute sa paningin ko.
And yep, he succeed.
Umupo ako sa tabi niya, inubos ang isang boteng tubig. "Di ako galit sayo."
"Talaga?" Tumango ako. Nanlaki ang mata ko nung bigla niya akong hinigit at niyakap. "This is your prize for winning the game. Good job, baby."
Agad ko naman siyang tinulak. Aish! Mamaya ma-PDA pa kami!
Lumapit siya sa tenga ko at bumulong, "Too bad can't kiss you. Daming tao."
Automatic ko siyang nahampas sa tagiliran At ang sakit dahil mali ang pagkakahampas ko sa kanya. Tsk. Feeling ko may something na sa katawan ko ang nagvo-voluntary pag may ginagawang tulad na ganito sa Gatorade.
"Ang init mo pa rin. Pumunta ka sa clinic. Pahinga ka muna."
"No. I'll watch you play."
"Baka mawala din ako sa focus."
"Wag ka ngang mang-asar!"
Di ko talaga ineexpect na manunuod sila ng game ko kanina. Pero nahahalata ko na rin naman kanina na nasa paligid lang sila pero inisip ko lang na napaparanoid ako. May fear na talaga ako sa ganung matter. Good thing that they didn't show up in the middle of the game.
Pumunta na kami sa gym since may warm up pa sila Gatorade. I excused myself dahil kelangan kong uminom ng gamot. Nasa SH Building pa naman ang bag ko. May nakaassign kasing room sa amin kung san pede tumambay yung ibang estudyante.
Tumakbo agad ako papunta sa SH building. Di pa naman nags-start ang game kaya siguro makakaabot ako. Pumasok ako sa room 408, walang tao pero bukas ang aircon. Wow. Ang yaman ng school namin. Nagsasayang lang ng kuryente.
"Nasan ba ang bag ko?"
Iniabot ko lang kasi dun sa namukhaan kong kaklase. Ano ba yan.
"Yun." Lumapit ako dun sa upuan na malapit sa bintana at napansing bukas. Weird. I don't know we're allowed to open it. Bukas pa ang aircon. Pero laking gulat ko nung may nakita ako sa labas ng bintana. "Ah!"
"Sht!"
Na-off balance ako sa gulat. "What the hell are you doing out there!"
Hinilot ko yung balakang ko. Ang sakit. Tsk! Pumasok na siya dun sa bintana at pinagpagan ang pantalon niya. Wow. Ayaw magpakagentleman. Di man lang magoffer na tulungan akong tumayo?
But heck, I don't care.
I got myself up at kinuha ang bag ko. Di ko alam pero nagawa ko siyang irapan. Di ba takot ako sa kanya, sa mata niya to be exact! Iniwanan ko na siya dun since mukhang wala pa siyang balak umalis dun. Di ko naman siya kilala at ano bang pakielam ko?
Pero napatigil ako nung bigla siyang magsalita.
"Don't... don't tell anyone, Gab."
Don't tell anyone about him getting out of the window? Pero hindi yun ang gumugulo sa isip ko. Pano niya nalaman ang pangalan ko?
"How did you know my name?"
"Wala ka ng pakielam." Dirediretso siyang naglakad. Akala ko titigil pa siya sa harapan ko pero binunggo niya ang balikat ko at lumabas na ng room.
Si Scary eyes.. Alam niya ang pangalan ko?
Kilala ko ba siya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top