Chapter 34

Chapter 34

Maaga akong pumasok ngayon at sabihin na nating nakakaumay pero inis ako kay Gatorade ngayon. What’s new? Tsk! Pano ba naman kasi nagising ako kaninang madaling araw dahil sa katok ni Gatorade sa bintana ng kwarto ko. Alam niyo yung pagod? Tapos nung tinanong ko kung bakit andun siya, ang sagot niya?

"Naiinis kasi ako sa'yo."

 "Lecheng blue head."

Napabuntong hininga ako at iniling iling ang ulo ko. Just forget about it, Gab. Ewan ko ba kasi pero ang gara lang ni Gatorade. Most of the time, he's playful na compare sa dati na serious mode. O baka naman ako lang nakakapansin nun?

"Aray!" Napahawak ako sa tuktok ng ulo ko. "Sino ‘yun!"

  

"Agang aga nakakunot noo mo. Kaya siguro wala kang friends." sabi niya at mahina na naman niyang pinalo sa ulo ko yung hawak niyang libro.

"You're just simply not aware that you're hitting me with your book huh o talagang gusto mo lang mambwiset?"

"Masakit ba?" pinalobo niya yung bubble gum and pop! "Bakit naman ba kasi ganyan mukha mo? Monday oh."

"So what?" I shrugged at dumiretso na sa paglalakad. "Like there'll be changes if I smile today and frown the other day. Psh."

"Stubborn."

"Well, that's me."

He tsked why shaking his head.

"Ba't ang aga mo?"

"Bakit kaw lang ba may karapatan pumasok ng maaga?"

"Magkaroon kaya ng chances that we can talk normally?"

Nagulat ako nung bigla siyang tumawa. "Wow. As far as I know this is Alex and Gab's normal talks. Right?"

"Whatever."

Pumasok na kami sa room namin at yun nga uunti pa ang tao.Nag-browse lang ako ng libro namin kahit wala naman kaming quiz o ano. Kakatapos lang din naman kasi ng prelims at ngayon palang nagsstart ng panibagong topics.

"Nga pala, Alex." Lumingon naman siya sakin. "Last Thursday,"

"Ah. Yung transferee?" Tumango ako. Nalaman na niya agad ang sasabihin ko. "Wala yun."

"I don't see it as 'wala lang yun'. It's very obvious na you know each other."

"Yeah. I know her. Magkaklase kami dati nung highschool."

"And?" I shift kaya nakaharap na ako sa kanya. Humalumbaba ako a desk niya and tilted my head to the right. This is a bit interesting since I don't know anything about Alex.

And this early arrival in school is quite boring.

"Making your self less bored huh?" Napansin niya. Psh. "Wala. Magkaklase nga lang kami."

"Ulul! The number you have dialed is not yet in service, please don't try again later? Hello Alex. Anong wala dun?" Kahit ngayon di ako makaget over dun. Halata naman kasing iniiwasan niya si Transferee.

"Gab." Nawala ang pagkahalumbaba ko at napaurong nung biglang nilapit ni Alex ang mukha siya sa mukha ko. "Type mo na talaga ako no?"

KAPAL.

"Lumayo ka nga!" Hinilamos ko sa mukha niya ang palad ko. Bwiset. Hilig talaga ng mga lalaki sa mga ganyang pakulo. "Ang boring kasi e. Tahimik mo pa."

"Naks. Kelan ka pa nagkainteres magsalita?"

"Simula nung naimpluwensyahan mo ko. "

"So kasalanan ko pa pala? "

Sasagot pa sana ako nung nakita kong gumalaw yung mata ni Alex papunta sa ibang direksyon. That made me look to where he's looking at yun nga nakita ko si Transferee.

Wait familiar yung kasama niya ah.

"Si Princess yun ah?"

Tatayo sana ako para batiin siya pero naunahan ako ni Alex at nagdirediretso siya palabas ng room. Kahit sina Princess mukhang nagulat nung biglang lumabas si Alex. So that's why.

Naalala ko nung biglang pumunta dito sa school si Princess para lang magpaalam kung pede niyang idate si Gatorade. Kaya pala para silang magkakilala noon ni Alex nung nagkita sila kasi magkakilala pala talaga sila.

Well, in-assume ko lang yun. 

"Princess!" lumabas ako ng room. Ngumiti naman siya sakin. "Kamusta? Bakit ka nandito?"

"I transferred."

"Oh? Saan ka ba dati?"

"Sa manila tsaka dito rin naman napasok si ate e." Napatingin ako dun sa kasama niya. Si Transferee. At tulad nung una kaming magkita... nagtitigan na kami.

Ewan ko ba pero dumadami ang members ng Weird Club ni Gatorade. Siya kaya ang president nun. And I think, we all know why.

"Classmate ko siya."

"Ah! Oo nga pala, BA ka." Tumango ako. BA = Business Ad. "So sige alis na ko. Mas class na din kasi ako e."

"Okay."

Weird din. Di siya ganung ka-aggressive ngayon. I wonder kung asan kaya si Francis? Tagal ko na din di nakikita yun. Isa pa yung nakikipag-agawan sa posisyon ni Gatorade as President of WC. (Weird Club)

"Justine Saaverdra." Nagulat ako nung bigla niyang nilahad ang kamay niya. "We're not formally introduced."

"Ah!" I took her hand. "Gab Delos Reyes."

Nagshake hands kami and I don't even know why we did that. Do we have to be really formal?

"I know. The Gab Delos Reyes." She smirked. "I'm hearing some interesting stuff about you."

About me? Di ko na siya tinanong since hindi rin naman ako interesado at pumasok na rin naman siya sa loob, though she's really creeping me out. Justine Saavedra. Weird din. Pareho kaming parang panlalaki ang pangalan.

Lumapit ako sa railings at sinilip ang baba. Nasa 4th floor kasi ako. Medyo dumadami na ang taong napasok.  Saan kaya pumunta si Alex? Eto pala ang epekto ng boredom sakin, nagiging chismosa ako. 

Psh.

Then a color popped out of nowhere.

Hulaan niyo kung sino.

Pinanuod ko lang siyang umakyat dito. Kahit small crowd, di mawawala yung hindi titingin sa kanya. Kulay palang ng buhok di ba? I wonder what he looks like with black hair. At ano naman kayang pumasok sa kokote niya at nagpa-blue siya ng buhok?

Ice cream.

Nagmumukha kasi talaga siyang ice-cream.

The hell Gab. why are you so bored? Grr.

*

"Rest ka muna. First week is tough for you." Matt said after receiving my usb. Dun ko kasi sinave yung file. "Tsaka wala pa namang masyadong demands e."

"Okay lang. Tsaka gusto ko naman ng may ginagawa e."

"I'll just call you kung may mga bagong projects na dumating." Tumango naman ako. "So how was Quezon?"

Oh! "Wala lang. Usual stuff."

"I've been in Quezon last Holy week e. With friends, we went camping sa Mt. Banahaw. Malapit lang kayo dun?"

"Yup. My relatives din akong nakatira dun kaya medyo familiar na ako."

"Really? That's good. I have connections na if ever na bumalik kami dun."

I smiled at him. Matt is a good boss, actually di mo nga aakalain na boss namin siya. Siya ang naghahandle ng bagong department dito sa Art Stuff at ang nagsusupervise ng mga nagpapart time or trainess. Ang alam ko graduating na siya this school year and he's very fortunate dahil kinuha na siya agad ng Art Stuff.

"Nga pala, hindi ka pa nalilibot dito di ba? Yung other trainees nakita na ang buong building."

"Oo. I wasn't here nung first day."

"Tara? I can give you a tour."

"Sige."

Sana after I graduate, I'll be adopted by this company since well known na nga din sila at nationwide na ang coverage nila. Art Stuff plays with everything basta may kinalaman sa Arts. Kaya hindi nakakapagtaka kung bakit sikat na company na sila.

"The first floor is for the gallery. Pansin mo naman yun when you enter. Andun agad at iba't ibang masterpiece ng mga Artists dito." Totoo yun, pagkapasok na pagkapasok agad puro paintings, pictures at kung ano ano pa na akala mo sa museum ka pumunta. "Well, for appearance and marketing purposes. You know."

"Syempre naman ilalabas mo kung ano dapat ipagmalaki ng Art Stuff."

"Right!" 

Sumakay kami ng elevator since ang department namin nasa second floor. More on ‘media’ ang nasa second floor, tulad ng photography, videos and likes. 

"Sa 3rd floor, yung medyo techy." Pagkabukas ng elevator door puro computers na agad ang makikita mo. "This floor holds the website making at yung nangangailangan ng computer or machines. Like invetions. Yun. I hope you get it."

Tumango naman ako.

"4th floor is mainly for Marketing, finance stuff or should I say ‘paper works’." He chuckled. Of course this is a company at kelangan talaga nun. "Boring right?"

"Hey, course ko yun."

"Oops! I forgot. Sorry." Natawa nalang kami pareho. Nag-roam around kami sa third floor since mas dito ako hindi familiar. "Good thing you chose different course from what you love to do."

"Huh?" Tumigil kami sa isang section for robots. Mga maliliit lang naman na robots yun kaya di masyadong kelangan ng machines. "Hindi ba dapat baligtad?"

"Hindi rin. Tingnan mo ako." He started. "I’m taking up Mass Communication tapos eto nga. I'm here at Art Stuff."

"So what's the problem with that?"

"You won't grow enough." Naglakad na kami pabalik sa elevator. "I don't know but this is base on what I'm experiencing now. Base kung anong pananaw ko."

"If that's what you believe in, bakit hindi ibang course ang tinake mo?"

"I just realized this when I entered the real world." Real world? "Ang aga ko ngang pumasok sa real world na 'to. Imagine I'm only turning 21 pero kumakayod na."

Pareho kaming natawa dun sa term niyang kumakayod. That was deep!

"I don't know. I just realized that after Art Stuff what's next? Hindi ba parang ang boring if you just focus on things that you know you are capable of? I know kung mawala man ang Art Stuff, sa ganitong field lang din ako babagsak."

"Pero this is what you enjoy most right?"

"True. But enjoying doesn't mean you are whole or satisfied." 

Nakababa na kami sa second floor. "Ano ba yan. Ang drama ko. I don't even know why I'm discussing this with you. Haha!"

"It's okay. I'm interested."

"Really?" I nodded. "Ewan ko ba. I have this concept na people should grow not on what he or she thinks na kaya niya. Kaya nga meron tayong mga talents at mga hindi magawa."

Talents at hindi magawa?

"Think about it. Bakit tayo may weaknesses? Hindi ba dapat dun tayo magfocus to grow?" He chuckled, obviously lacking of terms. "Ewan ko ba. Magulo pero alam kong gets mo."

"Yeah. I understand. You are the type of guy who longs for risks and challenges."

"Siguro nga. Kaya siguro naconceptualize ko 'to."

"You'll get over it."

"And I'll talk it to you again. I'm glad someone's interested kung anong ideas meron ako. You are much more of a listener than talker. Nah, thinker is better term than listener."

"Obvious naman. Di kasi ako nagsasalita masyado."

"No. You're talking. Not in a literal way, pero mas maganda kung sayo nagsasabi. Though this is weird since this is the first casual talk we had."

"Close na daw tayo agad e." I joked.

"I can see that." He smiled at me. Wow. Ngayon ko lang narealize na sobrang bata niya para maging boss ko. "Nah, I should go back to work."

"Okay."

Listener or thinker type, eh?

I wonder why we came up with that talk. Halata naman kasing maraming ideas na naiisip si Matt. I can see it through on how he explains things to us pag ay naiisip siyang kulang sa gawa namin. Hindi siya ganun katalino pero malikot ang utak niya. Maybe that's why Art Stuff adopted him.

Inayos ko na yung gamit ko. Wala rin naman akong gagawin at uwian na rin naman yung mga kasabayan kong mga trainees dito. I dialed Gatorade's number. Di ko kasi alam kung andun siya sa labas.

["Oo, alam kong miss mo na ko."]

"Masyado ka na namang proud sa sarili mo."

Tumawa lang siya, finding my statement funny than offensive. ["Andito lang ako sa labas."]

Inayos ko na yung bag ko at bumaba. Nagpaalam na ako dun sa incharge sa Reception Area, since binati niya ako. Sabihin naman ang sama ng ugali ko. Pero hindi ako makalabas. May nakaharang kasing babae sa glass door. Sumisilip siya sa labas at hindi siya aware na traffic na kaming andito sa loob. Uhhh..

"Di ba si Lance 'yun?" 

Huh?

"Aly, tara na! Tama na ang pagbo-boy hunt! Di makadaan yung trainee oh."

"Oh? Sorry!" Tumingin siya sakin at ngumiti. "Boy hunt ka dyan! I just saw a familiar guy outside. Akala ko yung ex boyfriend ko. Haha!"

"Sus! Lahat naman ata ng nakikita mong gwapo, ex mo."

"Bakit, kelan ba ako nagkaroon ng panget na boyfriend huh?"

Ex-boyfriend?

May kasama ako sa building na 'to na ex-boy friend si Gatorade?

*

Tuesday

"So you're actually saying that I should develop on what I'm weak most than to what I excel?" Tumango ako sa kanya. "Isn't that ironic?"

"Ewan ko. Kaya nga naguguluhan ako e. Blame Matt! Psh."

"But that keeps you interested. No Gab-bugging for me! Hoho!"

"Jeez. I’m still thinking your connections with Justine. That girl really creep me out, Alex." Vacant kami ngayon kaya naman magkasama kami ni Alex. Di naman kasi sabay ang vacants namin with other sections.

"Bakit ba ang kulit kulit mo?"

"I always thought that you're very sociable. Di lang pumasok sa isip ko na you will be ignoring someone."

"I have my reasons and I'd like to keep that in private."

"Jeez. Bahala ka nga."

Hindi naman sa pakielamera ako cause that is way out of my vocabulary pero hindi naman ako magtatanong kung hinid ako bibigyan ni Justine ng motibo to be interested. She keeps on staring and staring at me lalo na kung magme-meet ang mga mata namin.

Who wouldn't find it creepy right?

"Para kasing may gusto siyang sabihin sakin pero may humaharang sa kanya kaya di niya masabi."

"Wag mo nalang pansinin si Justine."

"At bakit naman di niya ako papansinin?" Napatigil kaming dalawa ni Alex sa pagkain nung may marinig kaming ibang boses. "Alex,"

"Una na ko, Gab. May assignments pa kong gagawin."

Ha? Wala naman kaming assignments ah!

Pero hindi ko na nahabol si Alex, umalis na siya agad. Naiwan na naman ako sa babaeng 'to and the usual, nakatitig na naman siya. Minsan na se-self conscious na ako dahil sa pagtitig niya.

"Can we be friends?"

 *

"Nakakatakot lang kasi. Letter I?" Tumango naman siya at nilagyan ang spaces na may letter I.

"Malay mo nagagandahan sayo kaya ka tinititigan?"

"Really, Gatorade? I know that stare means more. A?" He crossed out the letter G from the word Guess, meaning nagkamali ako. "Ano ba naman kasing pinapahulaan mo sakin?"

"Ba't ko sasabihin sayo? Pinapahulaan nga e."

Psh. Naglalaro kami ngayon ng ‘Guessing game’. Hindi talaga naming alam kung anong tawag dun. Magpapahula kayo ng word/words tapos ang clue lang ay ang dami ng letters. Parang dun sa larong Hangaroo. You'll guess by giving letters. Tapos limited lang yung mali. Yung samin hanggang 5 tries base on the letters G-U-E-S-S. Pag nacross out lahat yun, meaning talo na.

"Ang tagal naman nina bebs. O?" May nilagay siyang isang o dun sa second word.

_ I _ _ I _ _    _ O _ _ _ _ _

Ano ba kasi ‘to?

"Clue!"

"There's no clue."

"Daya."

Nabore kasi kaming dalawa. Nagpapaintay samin sina bebs dahil sabay sabay daw kaming umuwi. She wants to treat us. Stress daw kasi siya masyado sa naging results ng prelims niya. At yun ang ginagawa niya, panlilibre ang stress reliever niya.

"Baka naman familiar sayo yung babae."

"I haven't seen her before."

"Not actually, you always ignore things when you always thought that they're not important to you."

"Oo na. Ikaw ng maraming alam. Letter R." Nilagay niya yung R sa pinakalast space.

"Ako pa. My eyes are always on you."

Uhh. Just don’t mind him, Gab.

"Letter P?"

Ginuhitan niya yung letter U. Psh. Ano bang words 'to?

"Letter E?"

_ I _ _ I _ _    _ O _ _ _ E R

"Letter U?"

Krinos out niya yung letter E. Dalawang beses nalang akong pede magkamali. 

"D?" Ginuhitan niya yung S. Uhhh. Wala akong maisip na pedeng maging letters. Teka,  ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ?"G?"

_ I _ _ I _ G    _ O _ _ _ E R

"L?"

"Engk. You lose." Ginuhitan niya yung last letter na natira sa S. And to my surprise, bigla niya akong hinalikan. "Consequence for losing."

Nagulat ako. 

"Wala naman tayong usapan ah!"

"Wala nga."

"Eh ba't mo ko hinalikan?"

"I have my own rules, baby." I rolled my eyes heavenward since I can’t do anything about it now. "Wanna know the words?"

"Shoot." Sinulat niya na yung mga unknown letters. Nung natapos siya saka niya pinakita sakin...

"Aray!"

"Nangaasar pa kasi e!"

"Atleast di mo nahulaan, di ba?"

Playful siyang ngumiti sakin at pinsil niya ang pisngi ko. Ano ba yung pinapahulaan niya?

K I S S I N G  M O N S T E R

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top