Chapter 27
Chapter 27
"Bato bato pik!"
"Bato bato pik!"
"Bato bato pik! Ahh! Ang daya naman e!" Napanguso akong wala sa oras. Humalumbaba lang si Gatorade sa lamesa at pasimpleng ngumiti. Aish. Ito nanaman ang pacool boy attitude niya.
"I win."
"Madaya ka!"
"At pano ako naging madaya?"
"Eh! Basta! Binabasa mo ang utak ko! Psh"
"Ewan ko sayo." mataray niyang sabi pero di pa rin niyang mapigilang mapangiti. Nakakainis! "Sige na. Hugas na."
"Psh." Padabog akong tumayo sa upuan at kinuha ang pinagkainan naming dalawa.
Ano bang ginawa namin? Naglaban ng bato bato pik para malaman kung sinong maghuhugas. Pareho kasi kaming tinatamad. Haaay. Friday morning at ito kami, parehong tinatamad.
"Atlast! Natapos din kayo sa pagtatalo niyo." sabi ni bebs pagkababa, bagong ligo. Bago kasi siya pumasok sa kwarto, naglalaban na kami ng bato bato pik. Sinipag kaming maglaro pero tinamad kaming maghugas ng pinggan. Ang labo naming dalawa ano?
"Bilis malelate tayo!" sigaw ni Gatorade nung papuntang living room.
"Ikaw kaya maghugas!"
"Di naman ako ang natalo e."
Psh! Whatever.
Hinugasan ko na 'yung pinagkainan namin ng mabilisan. Magpabili nalang kaya ako ng dishwasher kay Papa? Para mabilis diba? Mabawasan man lang ang kayamanan nila. Chos! Pagkatapos maghugas, dumiretso ako ng kwarto para magsuot ng PE Pants. Pagkalabas ko, nakita ko si Gatorade na nakaupo sa sofa hawak ang rubber shoes ko.
"Bagal e. Tss." He said with his poker face.
Inirapan ko lang siya at tumabi sa kanya sa sofa. Inagaw ko sa kanya 'yung sapatos ko at sinuot 'yun. Pero nagulat ako nung bigla siyang tumayo at lumuhod sa harap ko.
"Anong ginagawa mo?"
"Alam mo kwento ni Cinderella ang pinakafavorite ko."
Di ko napigilang mapatawa. "Ang gay! Haha"
Pero wala siyang reaksyon kaya naging awkward ang pakiramdam ko. Napatigil ako sa pagtawa habang patuloy pa rin siya sa pagsuot sa sapatos ko.
"Yung kabila." Medyo nailang ako pero sinunod ko pa rin siya. "Sa lahat kasi ng kwento, yun lang ang pinakanaalala kong kwinento sakin ng Mama ko."
Oh. Tinali niya 'yung sintas at tumingin sakin.
"Kasunod na dun 'yung reason na pagmamahal ng prinsipe kay Cinderella kahit mahirap man 'to."
Tinitigan ko ang mata ni Gatorade. Kahit gusto kong alisin ang tingin ko 'dun, hindi ko magawa. Parang may pumipigil sakin. Ang mga dark brown eyes ni Gatorade. Natauhan lang ako nung bigla siyang ngumiti sakin.
"Tara na."
Agad kong iniwas ang tingin ko at tumango saka tumayo.
Shoot. Para san ang tingin na 'yun?
Ugh! Nakakahiya!
*
Hinanap ko agad ang asul na buhok ni Gatorade sa nagkalat na estudyante sa gym. Yun kasi ang pinakamadaling hanapin sa kanya. Halos lahat kasi written ang exams at pag PE ang klase, sa gym ka mageexam. Sa gym mismo. Sa sahig.
"Nabalitaan mo ba yung transferee? Narinig ko lang sa faculty kanina e."
Naabala ako sa paghahanap nung magsalita 'yung kaklase kong malapit sakin. Nagaayos kasi siya ng gamit sa tabi ko.
"Oo. Balita ko nag out of the country kaya di nakapasok nung June."
Oh? Prelims na ah. Pede pa pala yun?
Well, may kapangyarihan ang pera.
"Nga e. Ang alam ko magiging classmate natin siya sa ibang subjects."
"Galing daw sa Mani..."
"Hoy!"
Di ko na narinig 'yung sinabi ni...Uh... ni Classmates. Hindi ko maalala ang pangalan nila. Ganun talaga e. Dahil sumigaw 'tong lalaking 'to.
"Bawal akong bwisitin ngayon."
"Ganyan na ba talaga ang tingin mo sakin tuwing lalapit ako sa'yo?" Walang ano-ano ay tumango ako. "You're very judgmental."
"Nah, just being honest."
Inayos namin ni Alex ang gamit namin since pareho na kaming tapos na magexams. Nakita ko si Gatorade sa kabilang side ng gym. Ang totoo niyan di ako nahirapang hanapin siya. Sumisigaw ang kulay ng buhok niya. Ipinagsisigawan na ‘Tingnan niyo ako! Isa akong blue. Blue ako! As in asul!’
Meh.
"Lunch?"
I shook my head, "Iintayin ko si Gatorade."
"Naks. Bait na girlfriend."
"Ulul. Ililibre ko kasi 'yun." Isinabit ko na sa balikat ko 'yung bagpack ko.
"Oh? May discrimination na pala ngayon?" Ha? Anong pinagsasabi nito? "Boyfriend na lang pala ang nililibre ngayon? Pano naman ang mga kaibigan na katulad ko?"
"Baliw. Tinulungan lang ako nun sa exam."
"So kelangan ng ginagawang kabutihan ng tao sayo may bayad o kapalit? Grabe nga naman ang tao ngayon."
"Wow. Sino ang totoong judgmental satin? "
"Hahah! Nagbibiro lang ako. Ikaw talaga basag trip." Inilayo ko ang mukha ko sa kamay nya nung balak na naman niyang pisilin ang pisngi ko. "Damot."
"Wag kasi." Sinuklay ko ang buhok ko gamit ng kamay ko.
Bigla kong naalala yung nangyare kahapon. Who would have thought that I will-slash-called him baby yesterday? Masyado ata akong nacarried away kahapon dahil sa sobrang saya ko sa naging result ng exam ko.
Kahit ngayon, may after shock pa. Seriously.
"So I'm your baby now huh?"
Bad trip. Ba't ba niya tinanong 'yun? Psh. I shook my head, trying to erase the memory at nakita ko ang weird expression ni Alex nung ginawa ko 'yun. I just rolled my eyes. Don't care if he thinks that I'm a weirdo.
"Nabalitaan mo 'yung transferee?" tanong ko sa kanya. Wala lang.
"Hindi e." Ilang segundo bago siya makarecover. "Naks. Chismosa ka na pala ngayon?"
"Heh. Narinig ko lang. Masama na bang sumagap ng balita ngayon?"
"Sus. Ikaw naging interesado? You always don't give a damn, Gab."
Medyo nagulat ako sa sinabi ni Alex. Pano niya nalaman yun? Pero di ko nalang siya pinansin at nag-shrug nalang ako. Yeah, I don't really give a damn. Nakita ko ng tumayo si Gatorade at nagpasa ng papel kaya nagbabye na ako kay Alex. Inasar pa ako. Baliw talaga 'yun kahit kelan. Pinanuod ko lang si Gatorade na ayusin ang bag niya nung naglalakad ako papalapit sa kanya.
"Hi."
"Hi."
"Tara?" Tumango siya sakin at kinuha 'yung back pack ko. Di na ako nagugulat sa ginagawa niya. Lampas isang buwan na niyang ginagawa yan, di pa ba ako masasanay?
"Wala ka naman gagawin di ba?" Tumango ako. "Good."
Di na ako nakapagtanong kasi hinawakan niya ang kamay ko at hinigit na ako palabas ng gym. Pumunta kami sa AN building, mageexam pa kasi siya para sa NSTP at sabi niya kung pede intayin ko siya.
"15 minutes."
"Pano pag lampas 15 minutes?"
Nakita ko ang pagkagulat niya at the same time ang pagka-amuse sa expression ng mukha niya, "Fine. You can ask for anything."
"Game!" Ngumiti ako pero agad na nawala 'yun nung sinabi niyang..
"Pano if less than 15 minutes?"
I know that there's something in his in mind. Ayaw talagang naiisahan siya e. Psh. "Oo na. You can ask for anything too. Psh."
"Good." Pinatong niya 'yung palad niya sa tuktok ng ulo ko saka ngumiti. "Timer."
Oh!
*
Sumilip ako sa pintuan para makita kung magstart na silang magexams. Once na naibigay na nung prof 'yung test paper kay Gatorade, pinindot ko na 'yung timer. Hope I can win this time!
Pero ano namang hihilingin ko kung manalo ako?
Ugh. Can't think of any.
Umupo ako dun sa nagkalat na upuan sa hallway at kinuha ang phone ko. Maglalaro muna ako. Nakakainip maghintay kahit fifteen minutes pa 'yan.
Gas. Gas. Brake! Gas!
Ah, wag kang matutumba!
"Tsk!"
Nakakainis. Nadriver down. Nirestart ko 'yung laro at in the end, nainis lang ako. Ang hirap hirap kasi ng larong 'yun. (Hill Climb Racing) Tiningnan ko 'yung timer. Eight minutes palang ang nakakalipas.
Ang tagal.
Sinubukan ko ulit maglaro nung nakarinig ako ng ingay mula dun sa katabing room kung nasan sina Gatorade. At dahil bored ako, nagiging active ang pagiging chismosa ko. O'rayt. Don't judge me that much. It's a human nature to become nosy.
Tumayo ako at sumilip dun sa glass part ng pintuan, yung part na sinisilipan ng mga SA (Stduent Assistant) para macheck ang attendance ng professors.
[Lollipop by 2NE1 and Bigbang playing~]
Nasa ten siguro ang tao sa loob. Lahat sila mukhang dancers. (Mahahalata mo naman 'yun di ba?) Parang may inuutos 'yung nasa unahan, nagpapaformation ata?
[~Lolli Lolli oh lollipop! Lolli lolli oh lolli pop pop!~]
Maya maya ay nagsimula na silang magsayaw. Wow. In fairness, they're good. Umurong ako para makita kung anong tawag sa room na 'to. Dance Rehearsal Studio. Di na nakakapagtaka kung bakit may nagsasayaw.
Pinanuod ko lang sila. It take all my will power na hindi pumasok sa loob. Ang galing kasi nila!
"You're blocking the door."
"Ay!"
Instant na napaurong ako at naramdamang may bumangga sa likod ko. Sinilip ko siya mula sa balikat ko at nakitang hawak hawak niya ang balikat ko para di ako matumba. Dahan dahan akong tumingala at nakaramdam ng konting takot.
"So..sorr"
Tinulak niya ako (mahina lang) para mabitawan niya ako at dahil dun nakaramdam ako ng inis. He could just atleast be gentleman right? Psh. What a jerk.
"Tabi."
I inhaled sharply when I almost caught his glance. Di ko alam pero may kung ano sa mata niya na nagagawang magpakaba sakin. Unconsciously, nakita ko nalang ang sarili ko sa gilid ng pinto. Pano ko nalaman? Nakapasok na kasi siya.
Napahawak ako sa dibdib ko.
Weird. Eyes really have effects on me.
Sinubukan ko ulit sumilip sa loob ng room pero nung nakita kong nakatingin siya agad akong umalis dun sa bumalik sa pagkakaupo ko kanina. Saktong saktong lumabas si Gatorade sa kabilang classroom.
Napatingin ako sa phone ko. Nagulat dahil di ko alam na napindot ko yung reset ng timer.
Tss.
*
Umuwi muna kami ni Gatorade at sinubukan kong alisin sa iip ko kung anong nangyare kanina. Minsan ko lang naman siyang makasalubong sa school and the least thing I can do is to avoid his gaze kung may chances na magkikita pa ulit kami.
Forget, Gab. Forget.
"Wait lang ha." Tumango ako kay Gatorade saka pumasok sa kwarto.
Binagsak ko ang katawan ko sa kama. Mamaya na ako magpapalit. Nakakatamad. Friday and I don't why I'm feeling so lazy. Err. First time ah!
"Alexa!"
Instant akong napatayo sa kama. Pero lalabas na sana ako ng kwarto nung biglang magring ang phone ko...
"Wait lang!" Lumapit ako sa cabinet ko bago sagutin ang tawag.. "Hel-"
["Princess!"]
"Papa?" Nilayo ko muna sa tenga ko yung phone para icheck kung si Papa nga 'yun. Wow. Mas hyper ngayon si Papa ah.
["YouwouldnotbelievethisIamsoproudofyou, Princess!"]
"WTH." Absentmindedly kong nasabi.
["Did you jut WTH me?"]
Oh! "Sorry Papa. Magdahan dahan ka kasi!" Napailing nalang ako at nagpalit ng tshirt. Talk about multi-tasking. Haha!
["Ganyan ka na!"]
"Papa, please." Jeez. Napakasensitive talaga ng tatay ko! "Tantrums again. Are you sure you're taking your medicines?"
["Now you're saying that your Papa is insane huh?"]
"Well, I wouldn't doubt. Your daughter is exactly the same as you." I chuckled. Ang baliw ko nga ano? Haha!
["Alam mo talaga kung saan ka nagmana."]
"Obvious naman kasi." Lumabas na ako sa kwarto at nakita si Gatorade na naghihintay sa main door. Nakatingin siya sa labas. "So, para san ang tawag?"
["AYY! Butipinaalalamo! Princessyoudidityoudiditpapaissoproudofyou!"]
"Ano ba papa. Can you just atleast talk slower? Di kita maintindihan e!" Natatawa kong sagot kay papa. Ang gara naman kasi. Alam kong parang armalite ang bibig niya pero pede bang pahingi ng consideration?
Ngumiti ako kay Gatorade nung nakita niya akong papalapit sa kanya. I mouthed, "Where are we going?"
Pero umiling lang siya at ngumiti.
Ay. Tsss. Pasuspense pa.
["You did it Princess! Pasok ka sa Artstuff! I already got the call. Check your email!!"]
I...I..I what?!
"Pa..sok po-"
["Yes! Ang galing galing talaga ng anak ko."]
"Ohmydee."
["I told them that you'll give them a call para sa confirmation. I'll send you their number. Call them asap!"]
I cant move. I can’t speak. I can’t even think properly!
["Alexa? Yoohoo! Are you still there?"]
"Okay ka lang ba, Alexa?"
Ohmydee.
["Well, I was really expecting this from you. Di na talaga ako nagaalanganin na anak kita. Hahaha! Feeling ko lahat ng genes at dugo ko lang ang dumadaloy sa katawan mo."]
Wow.
["Alam kong masaya ka. Alam na alam ko. Ganyan din ako nung nag-yes ang mama mo sa proposal ko. Oh~ Those days~"]
"Alexa? Uyy.. Gumalaw ka!"
["Nice! Is that Lance? Lance! Naririnig mo ba ako?"]
"Alexa!" Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko. "Baby!!"
["Did he just call you baby, Alexa? Wah! Mangaagaw ng baby! Hoy! She’s my baby, not yours!"]
Di ko na napigilan, napatawa na ako.
"Huh?" naguguluhang tanong ni Gatorade.
["Tawanan ba naman ako, Princess? Inaagaw ka niya sakin! Hmft!"]
"What a possessive father."
Nakita ko pagkunot ng noo ni Gatorade. I just shook my head and smiled at him.
["Ah basta! Wah! Magrereport ako sa BFC!"]
"Papa, stop it! Hahaha!"
["Now, you're making fun of me. What a good daugther huh! Waah!"]
"Si papa talaga. Oo na. I'm always and will be yours only." I smiled. Totoo naman kasi 'yun. No one can replace papa.
He sniffed, ["Naks. I love you, Princess. And hey Lance! Don't you dare calling my baby 'baby' again! Magnanakaw ng baby!"]
" Si Papa talaga. He can't hear you! Thank you papa! I love you too, Papa. So much!"
["Please go home. I miss you so much, princess. And we'll celebrate! Ha? Ha? Ha? Please!"]
"Oo na po. Promise!"
["Really? Yay! Yes!"] Naiimagine ko pa si papa na may matching suntok pang gestures yan. Si Papa talaga.
"Bye papa. I owe you so much!"
["No problem. Always, for my princess."]
I hung up and looked at Gatorade na alam kong kanina pang naguguluhan. I can't hide my happiness! Alam kong obvious na obvious na sobrang saya ko!
"Pinaguusapan niyo ba ako?" inosente niyang tanong. I nodded. "Bakit?"
"Wag mo daw akong agawin sa kanya. Siya lang daw ang may karapatan na tawagin akong baby. Crazy, no?"
"Naah. Who's rule is that? Boyfriend mo ko."
"At Papa ko siya."
"Don't care."
Wow. Matigas ang ulo niya ngayon. Oh-kay.
"And?"
"Anong and?"
"Bakit ka masaya?" instant na napangiti ako ng bonggang bongga nung natanong niya. Shoot! "You look like Marcus."
Ignore the last statement. Tss.
"I got in Lance! I made it!" Tumalon ako ng tumalon kasi di ko na talaga mapigilan! "Art Stuff called. They want me in!"
Nakita ko ang pagsmile ni Gatorade.
"Ang galing talaga ng baby ko." Sabi niya at pi-nat ang ulo ko.
"Yes! Yes! Yes! This is the best day so far of my whole life!"
"And there's more to come." Tumango tango ako. Ayaw pa rin mawala ng ngiti sa labi ko. "Want to celebrate?"
Huh?
"Celebrate?"
Tumango siya. "I was planning for a date today so, I guess may dahilan na ako para ayain ka."
"Date?"
"Yup." Tinaas nya ang kamay niya, hawak hawak ang isang susi na di familiar sakin.
Ohkay. Ano 'to?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top