Chapter 1 : We Mean ALL

Chapter 1 : We Mean ALL


"Ohmydee! Ang gwapo gwapo gwapo talaga niya!" How many octave she reached? I'm really not sure. May nakita kasi siyang standee ni Siwon—a KPOP idol (ayun lang ang alam ko). She's been obsessed ever since she discovered that world. "Look bebs!"


I rolled my eyes heavenward, defeated. Kahit naman hindi ako tumingin, pipilitin niya ako. As in, hahawakan ako sa magkabilang pisngi para i-maneuver ang mukha ko.


"Ang gwapo, 'di ba!"


Tumalon siya habang hawak-hawak ang braso ko. Hindi ako sigurado kung bakit namula ang mukha niya—dahil ba excited siya o hinahapo na siya sa ginagawa niya? Ah, I reckon both. It's useless to tame her so I just watched my insane best friend fan girl in front of a KPOP idol standee. Just imagine her actually seeing the idol in person... yep, crazy.


"Bebs, isang oras na tayo dito sa mall. Wala pa rin tayo sa supermarket." Pinaalala ko sa kanya. "Pwede bang magset tayo ng limit ng pagwawala mo sa harap ng mga poster at standee?"


"Bebs naman. Ang KJ!" She puffed her cheeks. Noong napansin niyang hindi umepekto ang pagpapaawa niya, "Fine! Let's go before I do something crazy."


Crazier, you mean.


"Pwede ko kayang nakawin 'yong standee?"


"Bebs!"


Okay, I have no choice but to pull her far away from Siwon! (Ugh, hindi ako makapaniwalang nasasaulo ko ang mga pangalan ng mga KPOP idol. Thanks to her!) I love my best friend and I trust her. I. Trust. Her. Freaking. Words. If I don't stop her now, baka habulin na naman kami ng mga guard. No! I can't let that happen again!


Kumokonti nalang kasi ang mga mall na pwede naming puntahan. Ugh!


Dominique Veena Delos Santos is not only crazy, but also spoiled. Nakailang suway na ako sa kanya na huwag damihan ang pagkuha ng mga pagkain at iba pang pangstock sa apartment dahil accessible naman ang mall. Alam ko na mini rebellion niya lang 'to dahil sa nangyare kanina.


"I'll pay, bebs. Stop acting like my mom, okay?" I hate bratty Dominique. She must have noticed my disappointed and very exhausted sigh, kaya binalikan niya ako. "Riiight. You don't care if I even flaunt my money kasi you're also rich."


"That's not the point, bebs!" I smacked my forehead out of frustration. Nagaaway ba kami? Nope. This is how we normally talk. "We don't need these!"


"Eh kung tanggalin kaya natin ang mga bagay sa apartment na hindi rin naman natin kelangan? Mga manga mo!"


I was shocked. "My mangas are not useless. They are source of entertainment. Arts, Dominique!"


"How about those CDs na puro rock 'n roll at sigaw lang naman ang naririnig ko?"


"Those are my collections. They don't scream, they sing! Again, art!"


She gritted her teeth, "But they're everywhere, bebs! Your bedroom walls are full of them. Hindi mo naman napapakinggan lahat."


"At least, kwarto ko lang."


Nakita ko na ang mga guhit sa noo ni Dominique. Naiinis na siya sa 'kin.


"Itatapon ko ang mga Domo-kun mo dahil pakalat kalat sila sa bahay!"


"Sabi na, e! You have grudges with my Domo-kuns!" I was honestly offended.


"If you don't stop saying nonsense about me getting whatever I want in this supermarket, I swear to every gods and goddesses that you won't be seeing them ever again!"


Hindi ko mabasa kung nagloloko ba o seryoso si bebs. Nagkibit-balikat nalang ako at itinulak na ulit ang cart. Yes, I'm weak. My collections are my weaknesses!


I watched Dominique skipped happily as we proceed. That was one of her mini victories. Dominique wins over Gabrielle moments. Noon, binibilang namin kung ilang beses kaming nananalo hanggang sa hindi na namin masabayan ang bilang.


Gustong-gusto kong pigilan at pagalitan si bebs sa mga kinukuha niya. Sinong may kelangan ng chili paste, pasta, fruit cocktail, different types of pasta, sangkatutak na mga juice at condiments? Namimili kami ng pangstock sa apartment, hindi kami magpaparty!


Pero hindi na ako makakapagsalita. Alang-alang sa buhay ng mga Domo-kun ko sa bahay. I can't take that risk again. No!


"Padeliver nalang po dito sa address." Kinuha ng cashier ang credit card nang may marinig kaming sigawan sa labas ng supermarket.


"KYAAAAH!"


What the hell was that?


Napatingin kaming lahat sa kumpol ng mga sumisigaw na babae. May kung anong pakulo ata sa labas ng supermarket. Artista siguro. I don't know. I'm not sure. I really don't really care.


"Bebs, ano 'yun?" inalog-alog ako ni bebs habang nakatingin sa pila ng mga babae. "Let's go and see!" sabi niya bago kumaripas ng takbo palabas ng supermarket. Inaya niya ako pero umuna rin at iniwan ako?


"Here you go, ma'am." Inabot sa 'kin ng cashier ang credit card ni Dominique pero natigilan ako sa sunod niyang sinabi. "Thank you for shopping. Hope to see you again here at We Have It All—We Mean ALL—Mall!"


Anong pangalan ng mall na 'to? We have it all... we—what?


That was a weird name for a mall.


I shooed the thought away because I need to find my best friend on the loose.


"Ohmydee!" Oh, found her. It's her self-forced "famous" line. Ohmydee = Oh my Dominique. Natagpuan ko ang best friend ko na nakikitiad at nakikisiksik sa kumpol ng mga babae. Para lang makita niya kung anong meron, pinagsisiksikan niya ang sarili niya!


"Bebs!" Hindi niya ako narinig, obviously. Ang ingay sa paligid.  "Dominique!"


Sinubukan kong makipagsiksikan sa mga tao at malapit na akong maubusan ng pasensya dahil nakailang siko at tapak na sa akin ang ibang babae. Aray! Tiningnan ko nang masama ang babae sa tabi ko nang itinulak niya ako pero parang wala lang sa kanya dahil mas busy siya sa pakikipagsiksikan.


"Veena!"


Napatigil siya. It's one of her pet peeves. Ayaw niya na tinatawag siya gamit ang buong pangalan niya pero mas ayaw niya kapag second name niya lang. Alam kong alam niyang ako rin ang tumawag sa kanya. She roamed her eyes around hanggang sa makita niya ako.


"Alexa!"


And like her, I hate being called by my first name. Gantihan lang, ah? Ngumiti ako sa kanya. I also pleaded for her to reach me dahil nahihirapan na rin akong makipagsiksikan. She extended her hand and pulled me. I don't know how she managed to put herself in a comfortable spot amidst this chaos. Expert talaga kasi siya sa mga ganitong scenario. Halos malapit na kami sa unahan.


Wait. Wait.


Isang free taste stand?


Ito ang pinagkakaguluhan nila?


Isang free taste sa labas ng supermarket? Unbelievable!


"I know you're crazy and I know you love food. But I never thought your crazy will go beyond this."


Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. "Anong sinasabi mo? Anong pagkain ka dyan?"


"E, ano 'tong—"


Natigilan ako nang biglang may tumayong lalaki sa kabilang side ng stand at kasabay noon ang tilian ng mga babae sa paligid ko.


"Calm down, ladies. Shh shh!" natatawang sita ng lalaki. Pero imbes na kumalma, mas naging dahilan 'yon para lumakas pa ang sigawan. Artista ba siya? I don't recognize him—heck, I only know few names. "I know, girls. I know. But we have to have an order. Pila nalang po tayo, okay?"


Nagulat ako nang pumunta ang mga nasa paligid namin sa likod namin ni bebs. Bigla kami na ang nasa unahan ng pila! Kami din kasi yung nasa pinakagitna ng harapan ng stand. Ang galing talagang makipagsisikan ni bebs!


"Okay, okay. Thank you, girls! Just get in line. Walang tulakan." Nakailang ulit 'yong lalaki. "Let's start. Miss?"


Ako ba ang tinatawag niya?


"Miss?" ulit niya.


"Ako muna!" natauhan ako noong nagtatalon si Dominique sa tabi ko at lumapit sa lalaki. Ano bang meron?


"Okay, miss. Sino ang pipiliin mo as your free demo?"


Free demo?


Ng ano?


"Siya!" Siya? "Yung cute ngumiti."


Tumingin ako sa taas ng stand. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang mabasa ko ang nakasulat doon. I can't believe this. Seryoso ba 'to? Seryoso ba sila? Hindi ba against human rights 'to—pero...


"Thank you for shopping. Hope to see you again here at We Have It All—We Mean ALL—Mall!"


NO.


You have got to be kidding me! They really mean "all"—kasama ang tao?!


"KYAAAAH!"


Biglang lumakas ang tilian ng mga tao. Nakakabingi! Tumingin ako sa harapan at nakita ang best friend ko sa harap ng isang lalaki. Different guy. Oh. My. Dee. They're serious! Nasa harap si Dominique ng isang sobrang gwapong lalaki.


At—


Hinalikan niya si Dominique!


"KYAAAAH!"


Nanlambot ako sa nakita ko. Para akong tutumba.


Hinalikan si Dominique ng isang lalaki na hindi niya kilala para lang isa isang free demo? Prank ba 'to? Joke ba? Bakit may Boyfriend Demo dito!


And that kiss.


Hindi siya beso o noo. Smack kiss.


Sobrang namula ang mukha ng best friend ko. Gulat na gulat at kilig na kilig dahil sa nangyare. Nananaginip ba ako? This can't really be happening, right? This is way, way far from reality.


Oo, panaginip lang 'to.


Yeah. I'm only dreaming. I'm only—


"Here's our card. Please contact us if you're interested." Narinig kong sabi ng lalaking nagpaayos ng pila kanina. Wala na ang lalaking humalik kay bebs. Katulad pa rin kanina, pulang-pula pa rin ang mukha niya nang lumapit siya sa 'kin. "Next, please!"


Nagsitilian na ulit ang mga tao.


Ako na ang sunod.


Hinigit ako bigla ni bebs habang nakikisabay sa tilian ng mga tao. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang higpit ng hawak ni bebs sa braso ko. Oh, good Lord! I'm not dreaming!


"Try it bebs! Ohmydee! Ohmydee!" Without even waiting for me to react or even say something, tinulak niya ako sa harap ng stand kung nasaan ako hinihintay ng lalaki.


"Hi, miss. I'm Francis from Boyfriend Corp. Would you like to try our demo?"


Oh crap.


"Alam kong gusto mo! Kaya ka nga pumili, 'di ba?" Ngumiti siya nang nakakaloko. "So... pili ka na kung sino ang gusto mo."


Naglakad siya sa kabilang side ng stand para makita ko ang limang lalaking nakaupo sa likod niya. There are five and surprisingly good-looking men. I can feel my jaw dropping.





Oh my... gee.





This is real.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top