Lola Amoure

"Silent night, holy night..." pagkanta ng mga napiling choir sa pagsapit ng pasko.

"All is calm, and all is bright..."

Nakatitig sa malayo, mula sa isang sulok ang isang babae habang ang lahat ay nakikinig sa kantahang inihandog ng paaralan.

Tila ba gaya ng saliw sa musika na walang ibang maririnig kundi ang magagandang tinig mula sa mga batang nasa itaas ng entablado.

Isang perpektong pagkakataon upang mapanatag ang lahat na walang kung anumang masama ang mangyayari.

Hanggang sa isang malakas na pagsigaw ang isang umalingawngaw mula sa labas ng kwarto, isang malaking sunog ang siyang kasalukuyang nagaganap na walang sinuman ang nakapansin.

Kaguluhan, maraming kaguluhan ang nagaganap at ang lahat ay may mga nagmamadaling lumabas mula sa masikip na daanan.

"Bakit mo iyon ginawa?" tanong ni Jenny sa Lola Amoure nito habang hawak ang kutsilyo sa kaniyang kanang kamay.

Tikom ang bibig at walang naibigay na sagot ang matanda habang inaalala ang mga nangyari.

"Live tayo dito sa isang eskwelahan kung saan naganap ang pinaka-kahindik-hindik na pangyayari kung saan kumuha ng buhay ng maraming tao, tatlongpung taon na rin ang lumipas ngunit mababanaag pa rin sa mga kamag-anak ang sakit mula dito sa naganap na sunog."

Isang pangyayari na hindi malilimutan ng matanda, sa lugar kung saan ito nakaranas ng iba't ibang pagmamalupit.

"A-Amoure, anong ginagawa mo? Hindi mo pwedeng gawin iyan!" sigaw ng isa sa mga faculty staff na nakatali sa upuan habang abala si Amoure sa pagbubuhos dito ng litro-litrong gasolina.

"Sleep in heavenly peace." Pagkanta nito at isang maliwanag na kislap ng apoy ay huling matatanaw bago tuluyan itong dumampi sa lupa at magliyab ang paligid.

Natapos ang hapunan sa bahay nila Jenny.

At ang tanging matatanaw na lamang mula sa bahay ay ang nagliliyab ng apoy mula kay Lola Amoure.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top