Lapis at Krayola
"AKO naman dapat ang nanay, puro na lang si Marissa lagi."
"Tumigil ka nga, George. Si Marissa ang babae kaya siya lang ang pwedeng maging nanay."
"Oo nga, bading!"
At dahil sa inis ko ay napagpasyahan ko na umalis na lang sa mistulang tahanan namin sa aming bahay-bahayan.
"Si Marissa, lagi na lang si Marissa. Bahala sila, hahanapin din naman ako ng mga iyon." singhal ko at naglakad-lakad sa gitna ng ulanan.
Hanggang sa nakita ko na naman si Manong na nakaupo sa gilid ng kalsada, madumi, at palaging may lata na kasama.
"Manong!" sigaw ko at agad ko siyang nilapitan. Gaya ng inaasahan ay ngumiti ito sa akin, bagay na ikinakatuwa ko nang sobra.
"Kamusta, George?" tanong nito.
Agad akong nagkwento tungkol sa mga nangyari sa araw ko at isang buntong-hininga ang pinakawalan nito bago tuluyang nagsalita.
"George, makinig ka.."
"Ang buhay ay parang panahon,
May tag-ulan at tag-araw,
Buhay ay hindi laging maganda at masama,
Depende iyan sa tumatanaw,
Gaya ng pag-ibig ni lapis kay krayola,
Magkaiba man kung titingnan,
Ngunit pawang mga may kaniya-kaniyang katangian,
Na espesyal para sa isa't isa."
"Hindi man laging sayo ang mundo pero asahan mo na laging may mga tao na handang tumanggap sa kung sino ka," wika nito at tumingin sa malayo. "Basta matuto lang tayong mahalin ang ating sarili."
"Ang sweet naman non, Manong."
"Walang anuman, George. Happy Pride Month sayo."
Hindi ko na napigilan ang mga luha na tumulo mula sa aking mga mata, sa pagkawala ng ulan ay ang magandang bahaghari naman ang naging kapalit.
Tama si Manong.
Nagpaalam na ako at umuwi na sa aming bahay.
Isang napakagandang ala-ala.
Maraming salamat kay Manong.
Paalam.
#WattpadAThonChallenge2023 #WattpadJuneEntry
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top