Christmas Diaries
Sa totoo lang hindi ko alam kung paano sisimulan ito.
Hindi talaga ako 'yong taong gano'n katalino pagdating sa tamang grammars lalo na kapag nagsusulat ako ng mga story.
Pero sisimulan ko pa rin, just to share some of my christmas memories.
She's Alena, kababata ko. Pareho kaming naninirahan sa isang payak na komunidad kung saan magkakakilala ang lahat ng mga naninirahan, at para sa akin siya na ang pinakamagandang babae na makikita mo sa bayan.
Magkasing-edad kami at sa pagiging labing dalawang taong gulang namin ay hindi ko inaasahan na noon ko lamang din mararamdaman ang tinatawag nilang pagmamahal.
"Gusto mo bang manood ng fireworks? May dalang mga paputok si Tito Ruben sa bahay, balak niyang sindihan ka pagsapit ng alas-dose." wika niya na tila mala-anghel na tinig.
Wala akong maitugon gaya ng lagi kong hindi sinasadyang nagagawa tuwing kausap siya, palagi akong natatameme at natutulala sa ganda niya na batid kong napapansin din nito.
Tumango ako bilang sagot at pagkatapos ay nagpaalam na kami sa isa't isa.
Alam kong parang kahibangan pero pakiramdam ko na parang siya na, 'yong masasabi kong gusto kong mapangasawa.
"Marvin, ang kamay sa lamesa napagusapan na natin 'yan tuwing kumakain." usal ni mama habang naghahain ng pagkain namin para sa hapunan.
"Kailangan may manners kahit saan man tayo mapadpad." sabay-sabay na wika ng lahat ng nasa kusina na halatang kabisado na ang palaging sinasabi ni mama.
Pasado alas-onse na ng gabi at kasalukuyan kaming nakaupo ni Alena sa bubong ng bahay kung saan matatanaw ang kasiyahan ng pamilya niya habang nagluluto.
Malamig ang paligid at saktong kasarapan lamang upang humigop ng mainit na tsokolateng gawa ni Tiya Lucing.
Pero iba ang gabing ito.
Sa bawat bahay ay maririnig mo ang kaniya-kaniyang mga speaker na nagpapatugtog ng mga kantang pamasko at ang karamihan ay hindi mapigilan ang mapaindak sa tuwa na kanilang nararamdaman.
Hindi ko pa nasabi ngunit kasabay ng lamig ay ang ilang pagbagsak ng mumunting niyebe mula sa kalangitan pababa sa kinaroroonan namin.
"Ang lamig." bulong nito at nakangiting tumingin sa akin.
Wala akong naging tugon pero pakiramdam ko ay ang init ng mga pisngi ko.
"Ganito rin kaya sa Pilipinas?" tanong nito na sa palagay ko ay patungkol sa ilang mga kamag-anak niyang naiwan doon.
"S-siguro ay nasa mabuting kalagayan naman sila ngayon." maikli kong tugon.
"Marvin, Alena, mag-iingat kayo diyan at baka madulas kayo." paalala ni Tita Angelica sa amin.
Narinig kong bahagyang tumawa si Alena, pagkatapos ay hindi ko inaasahan na hinawakan nito ang kanang kamay ko.
"Gusto ko lang na sabihin na sobrang saya ko talaga na kasama kita ngayong pasko." sabi nito na lalong ikinagulat ko.
Nananaginip ba ako?
Napaghalakhak siya ng tawa bago ito tuluyang tumayo.
"Tara sayaw tayo." bulong nito sa akin na sinang-ayunan ko.
Sabay sa ritmo kahit sabihing parang kaliwa ang mga paa ay patuloy lang kami sa pagsasayaw habang nakatawa.
Pakiramdam ko ay parang ayaw ko nang matapos ang oras na ito.
Kasama siya... ang babaeng gusto ko.
Hanggang sa umabot sa puntong parang ayos na ang lahat ngunit saka naman hindi sasang-ayon ang tadhana.
"Alena!" rinig kong sigaw ni Tita Angelica habang mabilis na tumatakbo palapit sa lugar kung nasaan kami.
Mabilis ang mga bawat pangyayari, hindi ko namalayan na bumigay na pala ang bubong na siyang kinatatayuan namin at sa awa ng nasa itaas ay walang galos akong bumagsak sa lupa.
Pero si Alena, sa kasamaang palad ay nagtamo ng 'di ko maipaliwanag na mga galos.
Agad silang tumawag ng ambulansya, kasabay na rin ng pagdating ng pamilya ko ay tiningnan din nila ang lagay ko.
Batid man ng lahat na aksidente ang nangyari pero ramdam ko ang pagkamuhi sa mga mata at tingin ng ina ni Alena.
Kahit ako, nagagalit ako sa sarili ko kung bakit ko hinayaan na mangyari ang gano'n.
Nawala ang babaeng pinakamamahal ko na gano'n lang kabilis at sa paraan na walang sinuman ang makakaisip na mangyayari.
Ngayon, sa edad na dalawang put dalawa ay dala ko pa rin ang ala-ala na laging gumagambala sa akin tuwing sumasapit ang kapaskuhan.
"Napakawalang kwenta kong tao, Alena!" sigaw ko sa puntod nito kasabay ng mga luhang hindi ko namalayan na tumutulo mula sa mga mata ko.
"Hindi mo iyon kasalanan, huwag mong sisihin ang sarili mo." ani ng boses mula sa kung saan.
Tila ba narinig ko ang boses... na mula kay Alena.
"Alena?"
"Walang may gusto na mangyari iyon, kuya. Kahit si ate ay iyon din ang sasabihin." wika ni Aileen, ang labing walong taong gulang na nakakabatang kapatid na babae ni Alena.
Dala ang isang papel ay iniabot niya ito sa akin at sinabing isinulat pala ito ni Alena na para mismo sa akin.
Sulat mula no'ng araw na bago siya nawala na nais niya sanang iabot sa akin noong gabing 'yon pero hindi na nangyari.
"Inabot ng sampung taon bago ko naibigay ang sulat na iyan, alam ni ate ang nararamdaman mo sa kaniya at ganoon din ang nararamdaman niya para sa iyo. Ang gusto na lang ni ate ngayon ay ang makamove-on ka sa nakaraan." sabi ni Aileen.
"Kung alam mo lang, pinatawad ka na rin ni Mama at tinanggap niya na rin na aksidente lamang ang lahat kaya wala ka nang dapat isipin."
"M-maraming salamat, Aileen."
"Tara na kuya at 'wag ka na ring umiyak, nagluto si Tiya Lucing ng tsokolate na paborito at inaanyayahan niya tayo para maghapunan." usal nito at ngumiti na nakatingin sa akin.
Hanggang sa paglakad namin papalayo ay tangan ko pa rin ang liham ni Alena na saka ko na lamang sasabihin ang nilalaman.
Maraming salamat, Alena.
Maraming salamat sa mga ala-ala.
Mahal na mahal kita.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top