13th Floor
"KUYA heto na ako pasakay na ako ng elevator, sabi ko naman sayo magiging ayos lang ako hindi ba?" usal ko sa kuya Joseph ko mula sa cellphone habang paakyat ako sa floor na paglalabian ko ng gabi.
Masyado na kasing inabot ng gabi natapos ang christmas party sa opisina kaya napagpasyahan ko na lamang na mag-stay sa isang hotel pansamantala kesa mamasaheros nang dis oras na ng gabi.
Mahirap na, delikado.
"Basta mag-iingat ka..."
"Oo nga kuya, para namang akong baya nito hahaha. Nagtatrabaho na nga ako grabe ka pa rin maging concern sa akin."
"Mainam na nag-iingat, alam mo naman na ikaw na lang ang natitira sa akin."
Bahagya akong nakaramdam ng lamig matapos niyang sabihin ang mga kataga na iyon. Siguro ay nalulungkot pa rin ang kuya matapos na mawala ang mga magulang namin ilang taon na rin ang lumipas.
"Basta bukas, siguraduhin mo lang na makakapunta ka sa bahay para man lang makapag-celebrate tayo ng pasko na magkasama."
"Opo."
Natapos ang usapan namin at sakto naman ang pagbukas ng pintuan ng elevator sa floor na pupuntahan ko.
Room 081722, 13th Floor
Ewan ko ba pero parang ang weird nitong floor kung saan ako inilagay ng lalaki sa lobby kanina.
Parang may kakaiba sa kaniya.
Mabilis ko namang nahanap ang kwarto at gaya kanina mula nang mabuksan ko ito ay isang malamig na pakiramdam ang nadama ko.
"K-kailangan yata nilang bawasan ang aircon sa floor na 'to."
Inilagay ko ang gamit ko sa kama at nagpasyang magbabad muna sa bathtub katulad ng nakagawian ko tuwing sumasapit ang malalim na gabi.
Naghanda na rin ako ng tuwalya sa upuan upang madali ko na lang din itong kukunin kung sakaling aahon na ako.
Ilang sandali habang kasalukuyan akong nakababad sa tubig, walang saplot at nakapikit ay bigla namang may tumawag sa cellphone ko.
"Teka, alas-dose na pasado ah. Sino pa ba naman ang tatawag sa akin sa ganitong oras?" sabi ko sa isip ko.
Si Kuya.
"Jenny, pasensya na hindi kasi ako makatulog eh. Medyo masama kasi pakiramdam ko." usal nito mula sa kabilang linya.
"Ayos lang ako kuya, ipahinga mo na lang ang sarili mo."
"Nasaang floor pala ang room mo?" tanong nito na ikikakunot ng noo ko.
"13th floor kuya, bakit?"
"A-ano?! 13th floor ba kamo?"
"Kakasabi ko lang hindi ba, kuya."
"Imposibl-" putol na sabi nito matapos bigla na lang namatay ang tawag.
Nawalan ako ng signal.
Ang weird naman.
Hindi ko na iyon inintindi at umahoj na rin sa tubig upang makapaghanda na para matulog.
Kataka-taka ko naman na dinampot ang tuwalya na nasa sahig na kanina'y sa ibang lugar ko lang inalagay.
Lumingon-lingon ako sa paligid at nakiramdam kung may iba pa bang tao sa paligid.
Pero wala naman.
Hanggang sa mamataan ko ang ilang mga mata na nakatitig mula sa madilim na bahagi ng kwarto.
Kinilabutan ako.
Dahan-dahan akong lumapit dito at kapansin-pansin na para bang lalo kong naaaninag ang mga mata na nakikita ko.
"Hindi ka na dapat pa tumuloy." isang bulong na siyang tanging umalingawngaw mula sa likuran ko.
Mabilis nitong hinablot ang mga mata ko gamit ang kaniyang mga matutulis na kamay.
Napakasakit.
Sinusubukan kong sumigaw ngunit walang boses na ibig lumabas sa boses ko.
Agad akong napaluhod habang nangangapa sa paligid ko.
Ganito pala ang pakiramdam na maging isang bulag, lubos na kawalang pag-asa.
Nakapa ko pa nga ang isa sa mga mata ko na nahulog mula sa sahig.
"Mommy! Daddy! Kuya!" sigaw ko sa isip ko.
Ramdam ko ang pag-agos ng dugo pababa sa pisngi ko.
Mainit.
"Jenny!" boses mula sa kung saan at mabilis itong tumakbo palapit sa akin, base sa yabag ng kaniyang mga paa.
"Kuya?!"
"Mga hayop kayo!"
"Kuya!"
Naramdaman ko na lamang na may dumamping kamay sa bisig ko at inalalayan ako sa pagtayo.
"Jenny, tumakas ka na. Ako na ang bahala sa kanila, mahalaga ay makaalis ka rito." sabi nito sakin habang inaakay pa rin ako sa paglalakad.
*Ting!*
Elevator.
Makakaalis na ako.
Mabilis akong pumasok sa loob at pinindot ang button patungo sa pinakababa ng hotel.
Tanginang hotel 'to, 1-star ka sakin 'pag nakaligtas pa ako rito.
"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" sabi ng boses mula sa isang lalaki na pumasok rin.
Sa wakas, ligtas na ako.
Pero paano si kuya?
Si kuya ko!
"Manong! Pakibalikan si kuya, nasa 13th floor siya. Nasa peligro ang buhay niya!"
"Kuya!"
"Kuya!!!"
"MA'AM!" naramdaman ko na lang na may tumapik mula sa braso ko. Dinilat ko ang mga mata ko at sakto naman na mga tao sa lobby ng hotel ang nakita ko.
Ilang segundo pa ang lumipas nang mamalayan ko na nakahiga pala ako sa isang couch dito at dito na rin inabot ng umaga.
Sinabi rin nila na naawa na rin sila kaya hindi na nila ako ginising pa dahil mukhang puyat at pagod na pagod rin daw ako.
"Pero dahil po diyan ay sisingilin pa rin namin kayo sa room na dapat ay tutulugan ninyo kagabi, Room 081722, 14th Floor."
"14th Floor, Hindi ba 13th?"
"Nako Ma'am, wala pong 13th floor ang hotel na ito. Actually kahit tanungin ninyo pa sa ibang mga hotel managers, walang 13th floor dahil malas 'yon." saad ng isang staff at bahagya pa itong natawa.
"P-Pero..."
Naramdaman ko na lang na biglang may nagba-vibrate mula sa bulsa ko.
May tumatawag.
Si Ate Justine, asawa ng kuya ko.
"J-Jenny ang kuya mo, h-hindi na siya nagising kaninang umaga. Sinubukan pa namin siyang dalhin sa ospital per-" putol na sabi ng ate ko matapos kong mabitawan ang cellphone na hawak ko kani-kanina lang.
Ang kuya ko.
"J-Jenny, andiyan ka pa ba?"
"Jenny?"
"Jenny..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top