CHAPTER 7
Chapter 7
Dei's Pov
My eyes glared at Alcinous, who was still fanning my back. He wanted me to focus on the discussion happening in front. Pre-cal namin. Nangangamote ako sa subject na iyan. But here I am, my mind kept drifting to Alcinous, his hand busy fanning my sweaty back.
"Stop it," I told him.
How the hell am I supposed to focus when I see him busy jotting down our teacher's discussion with one hand while the other is fanning me? Is he serious? Nagpapaawa ba ito? Nagpapakonsensya sa akin? Because if he is, hindi ako nakakaramdam ng konsensya o awa ngayon. What I feel was inis from him?!
"You are sweating," he said in a low tone. Iyong tipong kami lang talaga ang nakakarinig sa aming pagta-talk dito sa likod.
Hansel already mentioned to me that Alcinous was truly a good guy. Many students, and even almost all the teachers here, were fond of him because of his generosity and respectfulness. Well, I saw it too. I knew... I knew he was kind and all those flattering words they said about Alcinous. But his goodness stirs something within me. I don’t like how generous he is. Nakakainis ang bait niya!
I don't know. Maybe I'm just bad kaya nakakaramdam ako ng ganito. Maybe I'm this bitch para makaramdam ng inis ngayon tapos pinaypayan niya ako. Tsk! I didn't ask him though. Nagkusa siya! At aaminin ko, masarap siya sa pakiramdam.
"I know. And what’s wrong with you? We’re not friends." Pranka kong saad sa kanya.
Napatigil si Alcinous sa pagpaypay sa likod ko.
Binaba niya ang notebook na ginamit at saka tumingin sa akin. His eyes remained stoic and emotionless.
My gaze shifted back and forth between his two orbs. The longer I stared into his eyes, the more I felt as if I were being drawn into the endless void of his gaze.
Alcinous opened his mouth, as though he wanted to say something, but no words came out. After a moment, the muscles in his jaw twitched before he tore his gaze away from me lazily, as if I were nothing more than a boring creature.
I cleared my throat, picked up my pen, and turned my attention back to the blackboard. Akala mo naman pogi— napaungol ako. Pogi naman kasi siya! Wala akong malait sa kanya kasi pogi siya at mabait! Sana bobo na lang siya!
I groaned inwardly upon seeing the board almost entirely covered with math problems. Ang dami nang sample problems na nasulat ng teacher namin sa board kaso wala akong ma-gets sa mga iyon. Nahihilo ako sa mga numerong nakasulat doon. Nahihilo ako kung saan iyon galing o saan nakuha!
Just what the heck?! Bakit nga ba ako kumuha ng STEM strand ngayon? Pwede naman sanang ABM na lang. Baka doon tolerable ang Mathematics. Dito sa STEM, mukhang papatayin ako ng Math. O baka bobo lang ako sa Math? Shit! I hate numbers!
Hanggang sa pumasok ang aming last teacher sa umaga. Banas ma banas na ako. Hindi na kayang i-doddle ni Hansel ang aking mukha sa sobrang inis ko ngayon. Una, ang init, nangangati na ang skin ko. Pangalawa, naiinis ako kay Alcinous kasi matapos niya akong paypayan ay nag-aact siyang nonchalant towards me. Hambog din siguro! Pangatlo, hindi ko pa maintindihan ang Pre-Cal namin! And lastly, I hate how my classmates look at me like I'm sore in their eyes. FYMI lang sa kanila, ako itong ayaw sa kanila. They're such fake classmates. Nagg-greet pa sila sa akin ng 'good morning' then after that ako pala ang pinag-uusapan nila? Akala siguro nila I'm that stupid para hindi ko iyon malaman.
"Sobrang arte ni Deimos."
"Apo kasi ng former governor iyon dito sa Monti Alegri."
"Parang hindi apo ni Gov, eh. Ang sama ng ugali."
"Nang iirap na lang bigla."
"Kaya walang gustong kumaibigan sa kanya kasi ang pangit ng ugali."
"Kaya siguro tinapon ng magulang dito sa Monti Alegri kasi ang sama ng ugali."
Those words came straight out of my classmate's mouth—my female classmate's. I heard it firsthand one time when I was heading home.. Kaya nga hindi ako nakakangiti ng maayos sa kanila dahil d'yan. At wala rin kong balak kaibigan sila. Mas mabuti nang mabango ang hininga ko kaysa makipag-plastikan sa kanila.
And those words na kanilang sinabi sa akin, hindi naman ako nasaktan doon. Aminado naman kasi akong hindi ako mabait. Maarte lang ako, maganda, at mabango. Period!
"Okay, so now, for your group project this semester in my subject, I want you to create a poem. To make it easier for you to choose your groupmates, the people in your row will be your groupmates."
Our teacher paused briefly and surveyed the class with her stern eyes as the subtle commotion among us gradually spread throughout the room.
Nag-ingay naman ang mga classmates ko. There was a hush of annoyance among some of my classmates, while others looked happy with our teachers, and some, like me, were indifferent to it.
However, my nonchalance was short-lived when I realized that Alcinous would be one of my groupmates! Hindi ba talaga ako love ni Lord sa araw na ito?
"Okay, silence!" With our teacher's commanding tone, everyone fell silent. "In your groups, form a small circle and decide who will be the group's leader and secretary. After that, write on a one-fourth sheet of paper the group name, leader's name, secretary's name, and then the members," Ma'am instructed.
Lahat sila nagkagulo na.
"Lift your chairs, huwag gumawa ng ingay! Minus 10 points sa grupong maingay!"
I don't know if our teacher was serious about it or not, but our classmates toned down.
I languidly stood up and was about to lift my chair because we were going to form a circle when Alcinous impassively lifted my chair for me.
"I can lift it naman." Malditang daing ko naman. Sinadya kong lakasan upang marinig talaga ni Alcinous.
"Alam ko, ang lamya mo lang kasi."
Naging mabilis ang paglingon ko kay Alcinous pero hindi ko na ito nasumabatan pa dahil inayos niya rin ang kanyang chair at umupo na parang walang nangyari!
The heck?! Kaya siguro hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko rito kay Alcinous kasi masama siya sa akin! Mabuti lang siya sa iba! Sa akin niya pinapakita ang totoong dirty ng attitudes niya!
'Baka naman ikaw lang ang masama at maldita.' Nailing ko ang aking ulo dahil sa munting bulong ng aking utak.
Padabog akong umupo. Sa aming grupo ay may dalawang girl, dalawang boy, at isang bakla, ako!
I noticed the two girls whispering to each other, their gazes fixed intently on Alcinous.
Sumama ang timpla ng mukha ko roon. Hindi pa ba sila nagsasawa sa mukha ni Alcinous? Yeah, pogi na itong si Alcinous. Siya na ang malinis at mabait sa iba. Pero really? Sa araw-araw naming magkakasama hindi pa sila nagsasawa?
Irap lang ako nang irap.
Nagpatuloy si Ma'am sa pagbibigay ng instructions para sa aming poem at nagsulat na rin ng rubrics sa board.
"Alcinous, ikaw na lang ang leader at ako ang secretary," saad ng isang kagrupo namin na babae na hindi ko rin alam kung ano ang pangalan.
"Hmm," tango ni Alcinous.
"'Yon! Ikaw na lang talaga ang secretary, Rizie, kasi maganda ang penmanship mo." Sulsol naman ng babae doon kay Rizie (pala ang name) na siyang nagboluntaryo.
Mabilis na kumuha ng intermediate pad si Rizie at nagsulat doon sa aming group name.
"Huwag kang maingay, Vyjane." Sundot naman ng babaeng si Rizie doon may Vyjane. Hindi mahirap hulaan na magkaibigan sila. Parehong pangit eh.
"Ay, ano pala ang spelling ng pangalan mo?" tanong ni Rizie sa akin.
"Huh? 'Di mo alam, Rizie?" tanong naman ng kagrupo naming si Elvin.
Alam ko ang pangalan niya dahil ako ang nagc-check ng paper niya minsan kapag may checking kami sa mga quizzes at exams.
"Hindi ko alam," nguso pang sabi ni Rizie. Nagmumukha siyang tutang walang ligo!
"Akin na, ako na magsulat!" Pagalit kong sabi.
Simaan ako ng tingin ni Rizie bago inabot ang papel sa akin. Si Elvin na ang tumanggap no'n at ibinigay sa akin ang papel. Dahil naligpit ko na ang aking ballpen. Kukuha na sana ako sa aking bag nang kunin ni Alcinous ang paper sa armchair ko at ito na ang nagsulat ng name ko!
Tumayo si Alcinous.
"A-ako na ang magpasa, Alcinous, kasi mas pabor sa akin dito si Ma'am." Alma ni Rizie nang makita si Alcinous na tumayo
"Ako na," walang emosyong wika naman ni Alcinous at nagtuloy-tuloy na si Alcinous tungo kay Ma'am.
Pinanood ko si Alcinous. Ang tangkad niya talaga at moreno. Usually, I don't appreciate morenos that much. Pero kasi si Alcinous siya iyong klase nang moreno na malinis at alam kung papaano dalhin ang sarili. Siguro dahil mature siya. Unlike sa ibang classmates namin na dugyot pa pero ang lakas nang lumandi.
I mean, hindi naman sa pinakikialaman ko sila pero sana man lang kapag lumandi sila marunong na silang maglinis sa katawan at manamit ng maayos. It's so eww-eww for me na hindi malinis ang guys! Especially the nails and the ears!
"Si Alcinous na lang tuloy ang nagpasa. May isa kasi d'yan na nag-iinarte at ang lamya."
"Hey! Are you seriously talking about me?" Medyo sumama na ang tono ng boses ko. "Do you have a problem with me?"
"Wala. Ang akin lang, sana bilis-bilisan mo ang kilos—"
"I was about to get my pen, girl! You saw me but that man snatched the paper and wrote my name instead. Ni hindi ko iyon inutusan." Diin kong wika because that was true!
"Kung kasi hindi pa-lamya lamya at kunwari kinukuha ang ballpen mo sa bag mo—"
"Tama na. Pag-usapan na lang natin ang gagawin nating poem at kung ano ang theme natin." Alcinous' icy voice sliced through the air, halting Vyjane just as she was about to join hands with Rizie.
Ngumisi sa akin si Rizie at si Vyjane naman ay binilatan ako.
Hindi ko alam kung ano ang pinaglalaban ng mga babaeng ito. They suddenly want to pick a fight with me. It's obvious! Ang i-immature nila pero nangati ang kamay ko!
My blood clouds my vision.
"You—" akmang tatayo na sana ako nang hawakan ni Alcinous ang kamay ko sa akmang pagsugod ko kay Vyjane at Rizie.
I refuse to lower myself to their level, but if they want a fight, I’m ready to give it to them! I could easily slam their faces into this classroom's wall!
"Stop it." Pigil ni Alcinous sa akin.
"What?!" Nagpipigil sa galit kong tanong kay Alcinous.
Kinakagat ko na ang aking labi sa sobrang pagpipigil.
Alcinous eyes moved down to my lips. He gulped.
"Where inside the classroom. Nasa harap si Ma'am." Mahinang sabi ni Alcinous sa akin. "Calm down."
Nawala na ako sa mood. Si Alcinous naman ay nagpatuloy sa pagdi-discussi ng magiging theme namin sa aming poem at kung saan namin ito gagawin since sa next monday pa naman namin ito ipapasa.
At sa buong discussion ay hindi ko namamalayan na hawak ni Alcinous ang kamay ko. Siguro dahil sa sobrang galit.
As much as we want to do our project at school, hindi naman kaya kasi may ibang mga group projects din kami sa ibang subjects. That's why we decided to meet on Saturday and Sunday. Sa school namin isusulat ang poem at sa Saturday ang aming recording at sa linggo ang aming editing ng video. Si Ma'am kasi, gusto pang i-incorporate ang technology.
"Oh, bakit ganyan ang mukha mo?" puna ni Hansel sa akin nang magkita kami sa canteen.
"Iyong mga ka-groupmates ko lang. I hate their guts, and I don’t know why they want to pick a fight with me. Akala nila aatrasan ko sila. Never!" I ranted as I dropped my body onto her chair.
Nanlaki naman ang mata ni Hansel sa akin.
"Nakipag-away ka? Kumusta? Nanalo ka? Dapat nagtext ka sa akin ng backup—"
I rolled my eyes at Hansel. Minsan nagtataka ako kung papaano sila naging kambal ni Handell pero minsan pareho din talaga ang takbo ng utak nilang dalawa.
"I appreciate your support, Hansel. Pero hindi ako nakipag-away."
"Wow! Achievement mo iyan. Nakapagpigil ka!"
"It was Alcinous." Bumuntong hininga ako.
Sinundot ni Hansel ang tagiliran ko. Ngumiting aso ito. "Oii, nangangamoy love story!"
"The heck! Siya lang ang nagpigil sa akin na huwag kulamusin ang bibig nina Rizie at Vyjane! And I don't like it. Anong akala ng lalaking iyon? That he can handle me? Tsk!"
Tumango-tango sa akin si Hansel.
"Hay, kain ka muna, Dei. Mamaya na iyang rants mo. Kain ka muna. Resume ka ulit mamaya kapag busog na." suway niya naman sa akin at pina-andar ang portable fan ko bago ito hinarap sa akin.
The days passed by hanggang sa dumating ang Friday. I was so thankful na kahit na seatmates kami ni Alcinous, hindi niya ako ginagambala.
"Bukas, Alcinous, okay lang ba na sa bahay ninyo tayo?" tanong naman ni Elvin kay Alcinous nang uwian na namin.
"Pwede naman," si Alcinous at sinilid nito ang papel at notebook sa bag. "Pero sa hapon na kasi may trabaho ako sa umaga, eh."
Tumango si Elvin.
"Chat ka namin," singit naman bigla ni Rizie.
Napairap ako.
"Text na lang. Wala akong Facebook." ani naman ni Alcinous.
My eyes widen. Wala siyang Facebook? Oh my gosh!
"Sige, number mo?" Edgy namang anang ni Rizie at inabot ang Android phone kay Alcinous.
Napairap ako. Parang nais lang nitong si Rizie makuha ang number ni Alcinous. Tsk! Tapos itong babaeng ito gusto pang awayin ako? Dapat IOS muna ang phone niya bago niya ulit ako gustong awayin. Baka isampal ko sa kanya ang latest IOS phone ko at bago kong bag!
"Text na lang kayo kapag papunta na kayo." ani Alcinous.
"Sige, Alcinous, una na kami. Kitakits bukas!" ani Elvin at tumango rin ito sa akin.
Kimi namang kumaway sina Rizie at Vyjane kay Alcinous. At bago ito lumabas ng room ay inirapan naman ako.
As if I care!
Naiwan kami ni Alcinous dito sa room.
'Relax, self. Hindi sila worth it awayin dahil fake ang Channel bag nila at Android lang ang phone.' Paglubag ko sa aking sarili na umiinit na ang dugo!
Pinatay ko ang aking portable fan at tumayo para umuwi na rin. Hinintay ko rin kasing humupa ang mga tao sa hallway dahil ayaw ko sa amoy nang naghahalong mga amoy ng students.
Yes, I'm that maarte! No one will care. Only the insecure bitches!
"Aalis ka na?" Biglang tanong ni Alcinous nang palabas ako.
Humarap ako sa kanya. Sukbit na rin sa isang balikat niya ang kanyang lumang bag. Dahil tapos na ang klase kaya malaya niyang okay nang ibukas iyong iyong polo niya kaya kita ko ang kanyang sando na puti at mukhang nakailang laba na rin iyon.
"Obviously," bagot kong sagot sa kanya.
"Don't you want my number?"
Napatawa ako. Nanatili naman siyang seryoso.
"And why would I?" Natatawa talaga ako!
Humakbang siya papalapit sa akin. The setting sun behind him makes him look glow in front of the orange sun rays.
"Pupunta ka sa amin, di ba?"
"Yes, and?"
I swallowed hard as he took another step closer. His imposing figure loomed over me, casting a shadow so vast it engulfed me, making me feel like a helpless prey trapped in the darkness of his presence.
"Hindi mo alam ang address ko."
"That's not a problem. I can always ask, Hansel." Maraming alam ang babaeng iyon.
"Why ask her when I’m here?" The raspiness of his voice didn’t sit well with me. Something inside me was churning because of his deep, raspy voice!
"And why do you care?"
"It’s my personal business, Dei." He looked at me as if he could see my soul through my eyes!
"E-excuse me?" I stammered, my heart racing.
"Give me your number. Ako ang magti-text sa'yo sa address ko. At para din malaman ko kung paparating ka na sa amin para masundo kita."
***
This story is already at chapter 10 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top