CHAPTER 6

Chapter 6

Dei's Pov

Nagpupuyos ako sa damdamin ko habang binubuhusan ako ni Hansel ng tubig. Ni hindi na ako gumalaw sa kinatatayuan ko simula nang tulungan ako ni Alcinous doon sa putikan, I mean doon sa palayan. I just fell in the rice plantation. What a disastrous thing that is?! Tama na lang siguro na sa bahay na lang ako ni Lala. Kung hindi lang ako pumunta dito ay hindi ito mangyayari sa akin.

Hindi nga ako nakapagpasalamat kay Alcinous sa pagbuhat niya sa akin galing doon sa palayan. Hindi na ako nagsalita dahil baka kung ibuka ko itong bibig ko, iba na ang i-bulyaw ko dahil sa galit. I don't know. Nanginginig ako!

I looked on the other side and found Alcinous silently cleaning himself alone. Nakatingin siya sa malawak na palayan at mukhang malayo ang iniisip. My eyebrow arched when I saw his defined muscles. Definitely a moreno guy. I don’t know if he’s naturally tan or if it's because he's always under the sun, working hard.

He wiped his stomach with the T-shirt he was wearing earlier. He really has a nice body. Para siyang 'yong tipikal na mga bida sa mga Turkish drama.

Napatingin naman ako sa mga taong nagta-trabaho sa palay na panay ang sulyap sa akin.

Inirapan ko sila at pinanlisikan sa mata ko. Bumaling ulit ako kay Alcinous nang suwayin niya ang mga trabahador.

"Balik na sa trabaho!" sigaw niya at kinumpas ang kamay.

He turned his head in my direction, and I quickly looked away, pretending not to notice. A sudden hollow feeling formed in my stomach as I felt the intensity of his gaze.

"Uwi na tayo, Dei?" Hansel asked, she inspected my back. "Namumula ang likod mo."

""How about my clothes, Hansel?" I asked with concern, my brows furrowing.

Her fingers found her lips, and she began to play with them.

"Oo nga."

"May problema ba?" I jumped when I heard Alcinous's deep and husky voice. Ni hindi ko man lang siya naramdaman na nakarating sa amin ni Hansel.

Hmp!

Si Hansel ang humarap sa kanya at ako naman ay napaiwas ulit ng tingin dahil tiningnan niya ako mula sa paa ko hanggang sa ulo. What the heck? What the hell was wrong with him? Why does he keep stealing glances at me?"

"Dei's clothes are wet. I was going to take him home because his skin is turning red," Hansel answered.

"Let's go home, Hansel," I interjected, grabbing Hansel's hand so we could leave, but Alcinous stopped us.

"No, if you don't mind, Deimos can use my spare shirt," Alcinous offered, looking me in the eyes.

Inirapan ko siya.

"Talaga?" Hansel exclaimed. Akala mo talaga siya ang susuot. 'Di man lang kinunsulta sa akin kung susuot ba ako no'n.

Tinulak ako ni Hansel tungo kay Alcinous. Muntik na ako madapa dahil hindi ko inaasahan ang pagtulak niya sa akin.

Inis akong lumingon kay Hansel at bubugahan ko na sana siya ng mga salita kaso hinawakan ni Alcinous ang baywang ko. Napaayos naman kaagad ako sa aking tindig!

"Sige, Dei, magbihis ka na roon. Baka kasi magkasakit pa ka dahil d'yan sa basa mong damit. Go!" Pagtaboy niya pa sa akin.

Inirapan ko lang siya kaso ngumisi naman siya sa akin. Talagang may saltik sa tuktok itong mga Del Mundo na ito. Talagang kambal sila no'ng Kuya Handel niya!

Nakataas ang kilay kong tiningnan si Alcinous. I really wanted to meet his intense gaze, but to my dismay, I couldn’t last a minute staring into his dark eyes! They’re just too overwhelming for me.

"Sumunod ka sa 'kin." There he goes his low and deep voice.

Pabagsak akong sumunod kay Alcinous doon sa kubo. It was a big hut that was made of wood and anahaw leaves— light materials. Tapunan lang ng isang pirasong pusporo itong kubo at liliyab na.

My distaste on the outdoor interior of the hut was faded when I stepped inside the hut. It looks like a normal house or leisure house. May complete set na sala tapos may kusina rin siya na malinis at organized. Ang sarap talaga sa mata kapag malinis at organized ang mga bagay-bagay.

Pumasok si Alcinous sa isang kwarto, bali dalawa kasi ang room dito sa kubo, at pagkabalik nito ay may dala na siyang t-shirt na kulay puti at isang jersey shorts, may isang towel rin siyang binigay sa akin. Malinis ang mga iyon pero halatang pinaglumaan na niya.

"Here ako magbibihis?" I asked him as I accepted the clothes and towel he offered.

Umiling ito sa akin at tinuro ang isang pinto malapit sa kitchen.

"Doon, may banyo roon."

"Okay," bland kong sagot sa kanya.

"Sa labas lang ako—"

"No, you stay here. Hintayin mo ako." Walang hiyang putol ko sa kanya. Parang naging command na nga ang tunog ko no'n, mabuti na lang at tumango sa akin si Alcinous. Kita ko sa mukha nito ang pagtitimpi pero wala namang sinabi. Nagmartsa na lang ako tungo sa banyo.

Pumasok ako sa banyo. May isang pako roon kung saan ko sinabit ang damit. Wala siyang shower at isang bucket lang ang nakita ko roon, tabo, at may gripo.

Ano ba ang ini-expect kong banyo ng isang kubo? Tsk!

Naghubad ako at nagpunas sa katawan, sunod akong nagbihis sa t-shirt ni Alcinous at sa jersey shorts na sobrang luwag sa akin. Ia-adjust ko na sana ang laces no'ng jersey upang sumakto iyon sa akin nang makita ko ang isang cockroach sa dingding.

"Ahh! Ahhh!!" Buong lakas kong hiyaw at nagkukumahog sa paglabas ng banyo! Nangati ang lalamunan ko sa lakas ng aking sigaw! Parang nagulo ng sigaw ang buong bukid at pati na ang lahat ng insekto sa gubat.

"Deimos!" si Alcinous na siyang nagmamadali ring tumungo sa banyo kaso nakalabas na ako.

Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa aking katawan at tumalon ako kay Alcinous at yumakap!

"Cockroach! Cockroach! Oh my gosh! Cockroach!" Pagwawala ko habang mahigpit na nakayakap sa leeg ni Alcinous.

"D-Deimos," nahihirapang saad ni Alcinous pero yumakap lang ako sa kanya.

Oh my gosh, tiningnan ako ng cockroach kanina sa banyo! Parang lilipad na siya sa akin kanina! Oh my gosh!

"Bumaba ka!" ani Alcinous sa akin kaso umiling ako.

What if magfly ang cockroach sa akin? What if kumapit siya sa damit ko?

"No! May cockroach nga!" Nangingiyak kong saad kay Alcinous at yumakap sa kanya ng todo! I don't care if I hate this guy! Yayakap talaga ako sa kanya kaysa naman kastahan ako ng cockroach na iyon!

Oh my gosh! The cockroach is so pangit at feeling ko talaga kanina kakastahan niya ako!

Nanginginig ang mga braso ko sa leeg ni Alcinous! Takot na takot talaga ako doon sa cockroach! Iniisip ko pa lang ang mukha no'n at halos himatayin na ako!

"Deimos,"

"No!" Pagmamatigas ko.

Tumaas-baba ako kasabay ng malalim na bumuntong hininga ni Alcinous. Seconds later, I felt his arms wrap around me, and for the first time, I felt safe in someone else's embrace. I'm not being overly dramatic here! I'm just really afraid of cockroaches!

"Lalabas tayo na nakakulampit ka sa akin? Ayos lang ba sa'yo iyon?"

"I don't know! What about my clothes na naiwan ko there?"

Syempre, kanina hindi ko na maisip iyong damit ko dahil sa takot ko roon sa cockroach!

"Ako na ang kukuha roon."

"Dei!" Hansel shrieked!

Hansel’s eyes nearly popped out of their sockets when she saw me clinging to Alcinous like my life depended on him.

"O-oh," she stuttered.

"Oh, you can let go of me now, Alcinous," I muttered shyly.

Hindi naman kailangang sabihan ulit si Alcinous dahil kaagad niya rin akong binaba sa sahig. Tumakbo ako papalapit kay Hansel na may nakakalokong ngisi sa kanyang labi!

What the heck?

"Kukunin ko lang ang damit mo," Alcinous announces before heading towards the bathroom where the ugly cockroach was lurking! Damn that pangit!

"Oi, ano iyong nakita ko?" Sundot pa ni Hansel sa aking tagiliran.

My head snapped at her. I wore my bitchiest stare before uttering.

"What? What ba ang nakita mo?" I fired nastily.

Hansel rolled her eyes. "What pa ba? Edi, iyong nakakulampit ka kay Alcinous! Bigla ko tuloy'ng naalala sa'yo ang nakita kong Tarsier sa Bohol!"

"What? How dare you, Hansel, na i-compare ako doon sa species na iyon?"

I find Tarsier a cutie but not when being compared to me! Gosh! I'm too pretty to be compared to those kinds of species! Gosh!

Malakas na tumawa si Hansel. Minsan talaga masasabi kong very demure itong si Hansel pero minsan nawawala rin sa sarili. Nagiging asal kanal siya!

"Bakit hindi ba?" she said then eyed me from head to toe. Ang tuwa sa mukha ni Hansel ay mas lalong lumawak at saka tumaas-baba ang kanyang balikat sa pagpipigil ng tawa!

"What!?" Inis ko nang untag rito.

I rolled my eyes. I really don't know why I am close to this girl!

"I didn't think you would look this good sa damit ni Alcinous, Dei. No offense but..."

"Hmp!"

I crossed my arms over my chest and heave. I discreetly took a glance over my body. Malaki ang jersey short ni Alcinous sa akin. Malaki rin ang kanyang T-shirt for me pero comfortable naman. Akala ko nga mangangati pa ako lalo.

Naputol lang ang aking pagsuri sa aking clothes ang may marinig akong mga pukpok galing sa banyo!

Sumilip kami ni Hansel at ilang sandali lang ay lumabas na si Alcinous bitbit ang clothes ko.

"Ilalagay ko lang ito sa plastic," aniya na nakatingin sa akin.

I didn't respond.

"Ah, sige, sige, Alcinous! Bait mo talaga!" Pangiti-ngiting saad naman ni Hansel.

Nilapitan ako ni Hansel at kinurot ang aking tagiliran! Oh my gosh! The nerves of this girl na kurot-kurutin ako!

I was about to make some scolding kay Hansel when Alcinous meddled.

"Ito," he said, handing the plastic to me.

Oh my! My poor dirty clothes! Susuotin ko pa kaya ito? Maybe not!

"Alis na kami, Alcinous! Salamat ulit."

Si Hansel lang ang todo pasalamat kay Alcinous hanggang sa umuwi na kami.

Pagkauwi ko sa bahay ay wala si Lala Fausta, the housemaid said that Lala went out na naman at possible na gabihin.

Nasasanay na naman ako na mag-isang kumakain at tahimik ang bahay. Sa pagtira ko rito sa Monti Alegri nakontento na ako paunti-unti sa pagtingin sa ulap, sa mga bundok, at sa mga hayop. Hindi na ako nahihilo at naiiyak sa mga iyon.

"Tapos na po kayo mag-dinner, ate?" tanong ko sa isang kasambahay na siyang nag-i-aid sa akin dito sa dining table.

"O-oo, sir!"

Tumango ako.

Pagkatapos kong magdinner ay umakyat na rin ako sa kwarto ko. Maliligo na sana ako nang tumunog ang aking telepono. Dahil may Wi-fi naman sa bahay kahit papaano nakaka-video ko na sila Mommy.

"What?" bungad ko kay Kuya.

"Hello, princess! I miss you! How are you?"

Umirap ako at umupo sa kama. "I'm fine, Kuya. But still... gusto ko pa ring umuwi d'yan!"

Nagtatampo ako kay Kuya... sa kanilang lahat! Umatake ang allergy ko rito pero hindi nila ako kinuha rito! Kahit sabihin ko mang unti-unti na akong nasasanay sa lugar... I still miss my previous life in the big city. Tapos sasabihin pa nila na precious daw ako? Tsk, fuck that precious!

"Don't worry, princess hindi ka rin matitiis nina Mom at Dad."

I only sighed. I doubt that.

"Sige na, kuya. I still need to take a bath."

Tumango si Kuya. "Wait! Kaninong damit iyang suot mo?"

Napatingin ako sa aking suot at napagtanto kong hindi pa pala ako nakapagpalit ng damit simula nang makarating ako sa bahay! Damit pa pala ni Alcinous ang suot ko!

Oh my gosh!

"Oh, it's from my friend, Kuya. No need to fret!"

"Deimos,"

"Sa kaibigan ko nga! Sige na, kuya! Bye!"

Kuya is still skeptical but he still nodded. "I love you, Dei. Dadalaw ako sa'yo d'yan."

After the video call, I rushed to the bathroom and took a good shower! Hindi ako marunong maglaba kaya naman pinalabhan ko na lang ang damit ni Alcinous sa katulong.

When Monday came, I got anxious as I sat on my chair! I almost forgot! Magkatabi pala kami ni Alcinous! We're seatmates but I was so rude sa kanya kahit na tinulungan niya ako roon sa palayan!

It was down to me that I was so bitch kay Alcinous!

"Alcinous!"

"Good morning, Alcinous!"

"Nice, lagi nang pumapasok!"

"Tatapusin mo na ba ang grade 11 ngayon, Alcinous?"

Mga wika ng classmates ko kay Alcinous na kararating lang.

"Hmm," Alcinous' short response to my classmates.

Alcinous made his way to his chair— beside me, and I hardly drew a breath as our distance closing. What the heck?! What's wrong with me? Nahihiya ba ako dahil nahulog ako sa palayan? O baka nahihiya ako dahil sa kamalditahan ko sa kanya?

Nag-angat ako ng tingin nang hindi umupo si Alcinous sa kanyang upuan.

"What? Why tumatayo ka lang d'yan?"

Gusto kong sampalin ang bibig dahil nagtutunog maldita na naman!

"Iyong bag mo,"

Oh dear Lord, please, open the ground for me! Kinain ng init ang aking mukha at saka ko kinuha ang aking bag na nilagay ko pala sa kanyang chair!

Umupo siya nang mabakange ko na ang chair niya.

Hindi ako makatingin sa lalaki kaso nararamdaman ko ang mga nanunusok niyang mata sa akin!

"Ayos ka lang ba?"

Bumuga muna ako ng isang malalim na hininga at saka siya nilingon. Nakatingin nga siya sa akin. Sa kanyang tono kanina ay mukhang may concern pero nananatiling malamig at seryoso ang kanyang mukha.

"Why would I not?"

"Dahil roon sa nangyari sa palayan."

I cleared my throat.

"I... I'm fine!"

Tumango siya.

"Iyong damit ko pala."

Umirap ako. Tsk! Luma na naman iyon! "Pinalabhan ko. Bukas baka ma-bring ko iyon."

Tumango siya at doon naputol ang aming pag-uusap.

Mainit ang room at kahit na may portable fan na ako, binabaha pa rin ng pawis ang aking likod. Hindi tuloy ako mapakali sa aking upuan. At dahil doon hindi ako makapag-pukos sa klase! Nangangati ako sa init! Parang may nanunusok na sa balat ko!

Ngunit ilang sandali lang ay naramdaman ko ang hangin galing sa likod ko. Nilingon ko ito at nakita ko ang kamay ni Alcinous na may hawak na isang notebook at pinaypayan ang likod ko!

"A-Alcinous,"

"Huwag mo akong intindihin. Makinig ka." aniya habang ang mata ay nakatingin sa blackboard!

Napapatitig lang ako sa kanya dahil pinagpapawisan din naman siya pero bakit niya ako pinaypayan?

***
This story is already at chapter 9 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top