CHAPTER 17

Chapter 17

Dei's Pov

The moment I saw Honey, a surge of heat rushed through my head and down the back of my neck, igniting an intense fire within me. My hands clenched into tight fists as my anger skyrocketed, teetering dangerously at its peak. As Honey approached, her piercing gaze fixed on the laundry behind me.

"Do'n ka na, Honey." sabi ni Alcinous kay Honey and it seemed like the girl didn't hear Alcinous! 

Honey clasped her hands over her mouth, letting out a dramatic gasp as though the air had been stolen from her lungs. Her wide, startled eyes locked onto mine, brimming with shock and a flicker of fright etched across her pale face.

Nice acting, Honey! Tsk!

"Naglaba ka rito, Deimos? Ikaw ang naglaba n'yan?" Tinuro niya ang mga puting damit ni Alcinous na nagkukulay green na!

My heartbeat thundered in my ears, but the pounding was soon overshadowed by a surge of frustration and simmering anger toward Honey!

Binaba ni Honey ang kanyang kamay at saka pinagkrus niya ang kanyang braso sa harap ng kanyang malalaking dede! Mas na-emphasized pa tuloy ang kanyang malaking hinaharap dahil sa kanyang ginawa!

Ganito ba siya manamit kapag pumupunta siya rito sa bahay ni Alcinous? Lagi ba siyang naka-sleeveless at short shorts? Lagi ba niyang winawagayway sa harap ni Alcinous iyang dibdib niya? Lamang lang niya ang kanyang dibdib at sex organ kaya huwag na huwag niya akong mauunahan!

"T-tumulong lang sa akin si Kuya Deimos," pagtatanggol naman ni Zayla sa akin sa tabi. Naiiyak na rin siya pero nakuha niya pa akong ipagtanggol kay Honey.

"Tinuruan ni A-ate si Kuya Dei maglaba." Sunod namang sabad ni Aldous.

Binalingan ni Alcinous ang mga kapatid. "Pumasok muna kayo sa loob. Mamaya na itong labahin, Zayla. Sige na. Pasok na kayo." Utos ni Alcinous sa mga kapatid niya.

"Sorry, Kuya." Mahinang wika ni Zayla.

"Huwag mong intindihin ang mga damit. Pasok na kayo." Muling sabi ni Alcinous kina Zayla.

Mabilis na kinuha ni Zayla ang kamay ni Aldous at pumasok sila sa loob ng kanilang bahay! Naiwan kaming tatlo rito sa may laundry area nila Alcinous.

"Halika ka rito. Titingnan natin itong nalalapnos mong kamay." Hinila ako ni Alcinous at nagmatigas ako sa aking kinatatayuan.

I tried to wrench my wrist free from his grip, but his strength overpowered mine.

"Dei," aniya at gumalaw ang panga.

I heard Honey erupt in a violent cough, which instantly drew my attention. I turned to her once more, fixing her with my most piercing, deadliest glare.

"Dei, come on. Baka makita ito ni Gov, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa'yo." Problemadong sabi ni Alcinous kaya naputol ang titig ko kay Honey.

"What about the laundry?" ani ko kay Alcinous.

"Ako na ang bahala d'yan."

"But galing ka sa work mo."

"Tinutulungan ko talaga si Zayla maglaba pagkatapos ng trabaho ko sa palengke, Dei. Tulong-tulong kami lahat dito, kaya halika na. Nag-aalala ako sa kamay mo." Katwiran naman ni Alcinous.

"But I ruined your white shirts and uniform. Wala kang mawi-wear sa Monday." sabi ko at lumabi upang pigilan ang luha ko na nagbabadyang umagos! Nakokonsensya ako for what I have done! Earlier, tumatanggi sa help ko si Zayla. Ayaw niya akong humawak ng mga clothes nila but I was stubborn and nagpumilit na tumulong. Tapos ngayon nakasira pa ako ng mga damit ni Alcinous.

"May iba pa akong white t-shirts. Pwede naman iyon. Huwag mong isipin ang mga damit ko."

"A-Are you sure?" Duda kong suna kay Alcinous.

"Hmm!" si Alcinous at dinala ako doon sa ilalim ng puno kung saan iyong malaking sofa.

Unti-unti nang naging normal ang beat ng heart ko when I noticed Honey following us behind! Muli akong nairita sa babae!

Maybe I'm just really a bitch or something because I don't like Honey at all! I've never been this sensitive to the people around me. No one bothered me this much—until Honey! Wala pang ginagawa n'yan si Honey pero irita na ako sa kanya.

I'm not threatened or jealous of her. It's just that my blood really doesn't agree with people like her!

"Upo ka muna rito. Titingnan ko sa loob kung may pwede akong igamot d'yan sa kamay mo." Sabi ni Alcinous sa akin.

I was like an obedient puppy, dutifully following my owner’s every command.

Umalis din si Alcinous at pumasok sa bahay nila. I was patiently waiting for Alcinous and behaving myself well kahit na nasa tabi ko si Honey kaso ginalaw talaga ni Honey ang utak at dugo ko na nanahimik!

"Dapat sigurong malaman mo, Deimos, na hindi mo playground ang Monti Alegri! At mas lalong hindi mo laruan o puppet si Alcinous!"

Mabilis ang paglingon ko kay Honey! Pareho kaming dalawa na naka upo sa magkabilang dulo nitong sofa.

"What? What are you talking about, honey?" My voice turned bitter as I uttered her name. It really didn't set my mood right.

She sneered and rolled her eyes! "Hindi pa ba obvious ang sinasabi ko sa'yo? Akala mo ba hindi nakakarating sa akin ang usap-usapan sa school? Tapos pumunta ka pa rito sa bahay nila at sinira mo ang damit niya? Akala mo ba mayaman si Alcinous na nakakabili ng mga uniform niya kahit kailan?" Inis na wika ni Honey.

My heart starts to beat wildly again in anger!

"W-what?" I uttered, confusion written all over my face as I stammered. "What usap-usapan ang tinutukoy mo? And to tell you, Honey, hindi ko sinasadya na masira ang clothes ni Alcinous! I'm not that crazy para sirain ang damit niya! And about sa sinabi mong ginagawa kong playground ang Monti Alegri. How can you say I was playing? Witch, you don't know my story at all! Kaya huwag na huwag kang magsasalita ng ganyan about me!" Galit pero mataray ko pa ring sumbat kay Honey!

Kinuyom ko ang mga kamay ko upang pigilan ang sarili na huwag sugurin si Honey dahil umiinit na ang kamay ko! Nangangati na itong mambunot ng hair niya!

"Come on, Deimos. Huwag mong sabihin na hindi mo alam na may kumakalat sa school na ginagawa mong alipin si Alcinous. Pinapadala mo sa bag mo, hinihintay ka gate, binibilhan ka ng snacks, ginagawa mong alila si Alcinous! Pinapaypayan ka pa!"

I rolled my eyes.

"Honey, Alcinous is courting me! That was his way of showing his feelings—"

I was interrupted in my argument when Honey started laughing like an insane woman! May pa cover-cover pa siya sa kanyang bibig!

"Nanliligaw? Nahihibang ka na yata, Deimos!"

I heaved a dramatic sigh. "Oh, it’s true, and I don’t owe you any proof! You’re just a nuisance in my life!"

Umiling si Honey sa akin. Nagpunas pa siya sa kanyang mata na para bang naluluha siya sa kakatawa! Mabuti pa sana at nalunod na siya sa tears niya pero mukhang fake naman ang pagpunas niya! Wala akong nakitang luha na tumulo mula sa eyes niya! She was just overreacting!

"Hinding-hindi ka liligawan ni Alcinous, Deimos. Sa pangit ng ugali mo at sa kaartehan mo? Tingin mo liligawan ka niya?"

"Alcinous likes me!" I shot back confidently, my shoulders squared and my eyebrows arched.

"Oh! Baka pinilit mo lang? Hinding-hindi manliligaw sa isang bakla si Alcinous! Hindi siya bakla!"

Ngayon parang gusto ko nang kulamusin at kalmutin ang mukha ni Honey!

"Are you crazy?" Mataray kong saad. "Can't Alcinous like me? Can't he like someone who's gay?"

"Lalaki siya, hindi siya bakla!!"

Bumuntong hininga ako. "You, a narrow minded fake bitch and a dumb! Hindi mo ba know na pwedeng magkagusto ang straight guy sa bakla?! Also, hindi porket lalaki si Alcinous at nililigawan ako at gusto ako, ay magiging gay siya! Shit! Used your common sense, fake bitch!" I could feel my heart pounding wildly inside my chest!

But what I didn’t expect was when Honey abruptly stood up, rushed toward me, and slapped me! I could only close my eyes in sheer surprise! However, her hand didn’t land on my face!

I heard a loud pang, but I wasn’t the one who got hit! I opened my eyes only to find out that it was Alcinous who caught Honey's hand before it could reach me!

"A-Alcinous!" Gulantang na sambit ni Honey!

Tumayo ako at susugurin ko na sana si Honey dahil sa ginawa niya kaso yumakap ang braso ni Alcinous sa baywang ko!

"Bitiwan mo ako, Alcinous! I will—"

"Calm down! Calm down, Dei!" Pigil ni Alcinous sa akin at humigpit ang braso sa baywang ko!

"Umuwi ka na, Honey! Hindi ko alam kung ano ang sadya mo rito ngayon sa amin pero huwag ngayon—"

"No! Huwag ka nang pumunta rito! You're banned from coming here!" I interrupted!

Nanginginig si Honey at humakbang sana papalapit kay Alcinous kaso inunahan na siya ng lalaki.

"Umuwi ka na, Honey. Nadi-disturbo si Papa sa loob."

"Sorry, Alcinous. Hindi ko sinasadya. Hindi naman sana ikaw ang sasampalin—"

"Honey umuwi ka na. Bisita ko si Dei at hindi ko gusto ang inasta mo sa harap niya. At narinig ko rin ang mga sinabi mo sa kanya. I respected our friendship, Honey at sana ganon ka rin. Saka, totoong nililigawan ko si Deimos, hindi niya ako inaalipin dahil ako ang kusang gumagawa no'ng mga binanggit mo kanina. Ayaw ni Deimos pero ang nagpupumilit."

Tumulo ang luha ni Honey! Humihikbi pa siya kaso hindi naman ako nakaramdam ng konsensya. She deserves it. Umiiyak siyang umalis at ako naman ay dinala ni Alcinous sa loob ng house nila!

My courage in front of Honey just popped like a bubble in the air when Alcinous' father came out of the room!

Halos magtago na ako sa likod ni Alcinous dahil sa kaba ko! Alcinous's father was a handsome man, but his face was deformed, perhaps because he had suffered a stroke! At hindi na rin siya nakakalakad ng maayos!

"Pa, si Deimos po." ani Alcinous. "Dei, ang papa ko si Ador Tavera."

"G-g-good afternoon po. Nice to meet you po." Magalang kong sabi, using my softest and kind voice!

I extended my hand to him, but Alcinous' father, Ador, just ignored it as if it were invisible! I felt an unexpected punch in my gut!

"Pakainin mo ang bisita mo, Alcinous. Dinalhan n'yan ang mga kapatid mo ng mga pasalubong." Matabang na wika ng father ni Alcinous at tumalikod sa amin, bumalik sa kanyang kwarto!

"Pa!" Tawag ni Alcinous sa kanyang father pero hindi na ito lumingon sa amin.

Naiiyak ako sa hiya dahil sa pag-ignore ng papa ni Alcinous sa akin!

Ano ba ang ini-expect ko? Nag-iexpect ba ako na magugustuhan ako ng papa ni Alcinous? I'm sure narinig niya ang sigawan namin sa labas kanina and I knew na-turn off na siya sa attitudes ko! I'm no better than Honey either!

"Dei..."

"I-It's fine, Alcinous!" And I forced a smile, but my lips trembled, betraying the unease I struggled to hide.

"No, hindi maayos ang ginawa ni Papa. Kakausapin ko siya mamaya. Alam na niya naman na may nililigawan ako. Alam niya na may gusto ako sa'yo."

I swallowed. So, nakwento na ako ni Alcinous sa father niya? Probably, kilala na ako ng father niya prior today?

Therefore... Alcinous father didn't actually like me for his son at all?

"I-It was fine. Baka hindi pa handa ang father mo sa ganito at... you know... I'm g-gay and alam natin ang matatanda."

Bumuntong hininga si Alcinous. "Kakausapin si Papa. Maayos kong sinabi sa kanya na may natitipuhan na ako at nililigawan ko na. Alam niya rin naman na ikaw ang gusto ko."

Hinawakan ko ang kamay ni Alcinous. "Let's just give your father a time to digest everything... besides, you're still courting me!" I playfully said. "Hindi pa kita sinasagot!"

Lumabi ako sa kanya.

"Alam kong sasagutin mo ako. May surprised visit ka nga sa akin, eh." Tukso naman sa akin ni Alcinous and my cheeks immediately burn in red!

Ngumuso ako at kumibot ang bibig.

Hinawakan ni Alcinous ang dalawa kong kamay.

"Sorry ulit sa inasta ni Papa."

Inilingan ko si Alcinous. "I understand. No need to worry about it."

Umigting ang kanyang panga. "Salamat din sa mga pasalubong mo sa mga kapatid ko. Tuwang-tuwa sila sa chocolates at cookies na dala mo."

"Sa susunod magdadala ulit ako."

"Huwag na. Baka mamihasa sila." Marahan niyang wika.

May nilagay na parang ointment si Alcinous sa nalapnos kong skin pero hindi siya gumaling! I endured for several days as my wrist throbbed with pain every time it came into contact with water!

In the following weeks, a Monday morning arrived, but we didn't have to go to school because it was a holiday! And Alcinous text me na sa palayan siya magw-work today! That's why I decided to visit him there! At isasama ko ang mga friends ko, sina Remy, Juls, and Hansel!

May mga punong mangga, lansones, at iba pang fruits ang lupain ni Lala at mamimitas kami! Gustong-gusto rin naman nila!

"Ikaw ang aakyat, Julito!"

"Hoy, bhie! Respeto naman sa ganda ko! Sa ganda at ayos kong ito? Ako ang papa-akyatin mo sa mga puno?!" Mataray naman na kontra ni Juls kay Remy.

"Babatuin na lang natin!" Suggestions naman ni Hansel! Tuwang-tuwa sa sarili niyang naisip na ideya.

"Bawal 'yan, bakla!" suway naman ni Remy kay Hansel!

"Edi, si Alcinous na lang ang pa-akyatin natin!" sunod na wika ni Hansel at tama na dumating kami sa kubo!

"What? No! Baka mahulog siya! Ayoko!" Matigas kong tanggi as if ako ang tinatanong nila in behalf of Alcinous!

"Sus! Sanay na sanay umakyat si Alcinous!" si Juls.

"Oo nga!" si Remy!

"No! Baka ma-accident siya!" Paninindigan ko!

Kaso nang hanapin nila si Alcinous sa palayan ay wala si Alcinous. Ang sabi no'ng isang trabahor nasa ibang bahagi ng lupain si Alcinous. Nagbabantay raw ito sa mga palay dahil inaatake ng mga maya!

I volunteered na puntahan si Alcinous! Tinuro nila ang daan sa akin at kahit na gustong sumama ng mga kaibigan ko, naglakas loob akong puntahan si Alcinous nang mag-isa!

At sobra naman ang tuwa ko nang matunton ko si Alcinous! Nakasandal siya sa malaking puno ng kahoy at nakatingin sa malawak na palayan! Hindi niya ako napansin na paparating dahil nasa palayan ang kanyang buong atensyon!

May bitbit na isang sombrero si Alcinous, naka-pantalon din siya na naka-fold hanggang sa ilalim ng kanyang tuhod at kulay blue na t-shirt. His blue shirt clung perfectly to his frame, accentuating his muscles in all the right places, highlighting the strength and definition of his physique.

"Alcinous!" Tawag ko sa kanya!

Saglit na nanlaki ang kanyang mata nang makita ako. Umiling-iling pa siya, as if namamalikmata siya sa kanyang nakikita!

Tumayo siya mayamaya! "Dei, anong ginagawa mo rito? Mainit!"

Ngumuso ako at nakangiting lumapit sa kanya. Naka-sweater pants naman ako at t-shirt na kulay olive green. Hindi na ako nagshorts!

Mabilis niya akong pinaypayan gamit ang kanyang abaniko na sombrero nang nakalapit sa kanya.

"Kasama ko ang mga friends ko. Mamimitas kami ng fruits!" Magiliw kong sabi sa kanya at nasa likod ang dalawang kamay. 

"Sinong aakyat?"

Sumimangot ako. "Ikaw daw but I strongly disagree with their idea! It's dangerous!"

"Okay lang. Sanay na naman ako."

"No, no, no! Dito muna tayo!" sabi ko.

Nagdududa ang mga titig ni Alcinous sa akin.

"Please?"

Bumuntong hininga siya at sumuko rin!

Bumalik si Alcinous sa kanyang kinasasandalan kanina at ako naman ay umupo doon sa pagitan ng kayang nakahiwalay na legs! Nilatag din ni Alcinous ang extra niyang t-shirt sa grass para hindi raw ma-irritate ang skin ko.

I leaned into Alcinous, a smile playing on my lips as my stomach fluttered with a thousand butterflies. The sensation of his firm, muscular frame pressed against my back sent a thrilling warmth through me.

His hands, now free, brushed lightly against my skin, sending a ripple of delicate shivers that stirred the butterflies within me even more. A subtle, teasing feeling tugged at my heart, making it swell with emotions I couldn't quite name.

Hindi kami naiinitan since mayabong ang punong kahoy at mahangin pa!

Tuwang-tuwa na ako na katabi at nakita ko si Alcinous! Tinulungan ko rin siya doon sa pagtataboy ng mga maya sa palay nang biglang may sigaw sa pangalan ko!

"Deimos Aldejar!"

In an instant, the flash of lightning jolted me upright, and I spun toward the source of the voice. My heart skipped a beat, and my eyes nearly bulged from their sockets as I caught sight of him—Kuya Thales! He strode toward us. His strides cutting through the storm like a force of nature.

Pulang-pula si Kuya Thales sa galit!

At hindi ko na nasundan ang sunod na nangyari nang matumba si Alcinous sa lupa dahil sa suntok ni Kuya!

"Alcinous!" sigaw ko naman at dinaluhan ko si Alcinous sa lupa! Bahala na si Kuya kung matamaan niya ako! Ako ang pumunta rito kay Alcinous!

***
This story is already at chapter 25 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top