CHAPTER 16

Chapter 16

Dei's Pov

"Hello, princess!" Kuya Thales enthusiastically greeted me as I answered his call—well, video call! I was in the middle of fixing my face mask when Kuya called.

They've been busy lately, so they haven't called me as much. However, they constantly send me texts. Always naman kasi silang nagtatanong sa akin if how na ba ako rito or Am I doing good ba raw dito.

So far, I've been doing well here in Monti Alegri. I know how much I disliked and hated the idea of coming here. I even cried my eyes out and sulked as my family drove me. But here I am now. I'm fine na rito sa Monti Alegri. Masaya na ako sa company ng mga new friends ko. They're so simple and very supportive sa akin. Isa sa mga hindi ko na-feel back then no'ng kasama ko sina Jonathan at Denisse. Siguro dahil magkaiba ang trip ng new friends ko now.

"Sorry, princess. Hindi kita nadadalaw d'yan. Your Ate Theano and I are so busy."

I smiled, but my smile quickly faded as my face mask shifted slightly, reminding me to keep it securely in place.

"It's fine, Kuya! Don't worry about me. I've been doing well dito sa house ni Lala!" Hindi matago ng boses ko ang tuwa pero maingat pa rin dahil gumalaw ang mask ko.

"You found new friends there, didn't you?" Kuya asked.

Tumango ako kaagad. Minsan ko nang nabanggit kay Kuya Thales ang mga friends ko rito at hindi niya pala ito nakalimutan.

"Yes, kuya! They're so nice!" Tuwa kong sagot kay Kuya.

"Sila ba ang reason kung bakit masayahin ka na d'yan? I'm so happy, Dei. I'm so happy watching yourself enjoying there."

I zipped my mouth. Nabanggit ko kina Kuya at Ate ang tungkol sa mga friends ko but never kong nabanggit si Alcinous sa kanila. Alcinous has been courting me for three weeks but I've never mentioned him to my family. I'm not afraid naman. Gusto ko lang na sulohin muna si Alcinous. And I know how OA my family is especially Kuya Thales and Papa!

"Y-yes, Kuya." I answered. But, of course, hindi lang naman ang friends ko ang reason why I'm this lively and happy dito! These past few weeks, Alcinous has become my source of happiness and the reason I’m eager to go to school! Kung pwede nga pumasok ako kahit weekends basta nasa school din si Alcinous!

At ngayon ay medyo malungkot ako sa lagay na ito, because Saturday na naman tomorrow at hindi ko na naman nakikita si Alcinous!

Omg! Ganito ba talaga kapag first time lumandi at magkagusto? Halos lahat na lang nang ginagawa ko si Alcinous ang naalala ko at bigla-bigla na lang ako natutuwa at kinikilig! Oh my gosh! This shit was so cliché but I love it!

"It's good to hear, princess Dei—"

"Deimos!" Biglang pagsingit ni Ate Theano mula sa linya ni Kuya Thales! At dahil sa gulat ko nadulas ang facemask sa mukha ko at nahulog sa aking hita!

"Ate!" I shouted back.

"Hiyang ka na yata d'yan sa Monti Alegri, Dei!" I saw Ate nudge Kuya and take the space beside him.

"Ate!" I said in an annoyed tone, but deep inside, I was so happy to see my beautiful sister! Miss ko na tuloy ang pagsuklay ni Ate sa buhok ko. "I miss you!"

"Miss na rin kita, Dei! Dadalaw kami ni Thales d'yan! Kailangan kong makita ang balat mo!" Ate Theano teased.

"Ate!" Pagdabog ko kunwari.

"Pikon ka naman. Pero... sina Mama at Papa mukhang dadalaw na rin d'yan. Miss ka na namin dito sa bahay, eh."

I just pouted. "Dadalaw kami d'yan. Kung hindi ngayong buwan, baka sa susunod." Ate added.

"I miss Mama and Papa na rin, Ate." Kahit na nagtatampo ako kay Mama, miss na miss ko na siya. Istrikta si Mama pero alam ko na mahal niya ako— kami. At kaya nga niya ako tinapon dito sa Monti Alegri, for me to learn my lesson this way.

"Pahinga ka na d'yan, Dei. Just text me kung ano ang mga needed mo d'yan para makapagpadala kami sa'yo. I love you, Dei." si Kuya.

"Ingat ka d'yan, Dei! Baka may nanliligaw na d'yan sa'yo ha. Ang glowing mo pa naman d'yan!" Puna ni Ate Theano at mabilis naman ang pag-akyat ng dugo ko sa aking batok at mukha!

Mabilis kong pinatay ang video call bago pa ako tuksuhin ni Ate! That sister of mine talaga! Napaka niya!

After that tumawag na lang ako sa mga friends ko at natulog! Ayaw kong isipin masyado ang sinabi nina Ate na dadalaw sila sa akin dahil ilang beses na nila iyang sinabi. Ngayon, sumasapat na sa akin na tumatawag sila minsan at ang mga text nila. Nandirito naman si Lala, eh. Iyong pagka-miss ko sa family ko ay dina-divert ko na lang through calling and hanging out with my friends.

The next morning, I got bored in the house. Napapagod na ako kakausap kay Ate Klara. Because of Ate Klara's kadaldalan, she accidentally spouted that she had a long crush on Manong Cesar!

All this time, I thought Manong Cesar was married but hindi pala! Same sila ni Ate Klara pero nonchalant kasi si Manong Cesar, mukhang manhid siya sa pagtingin ni Ate Klara for him! I feel a little awa for Ate Klara tuloy!

"Manong, what do you think of Ate Klara?" I threw a bait question to Manong while he was driving the car on the way to Alcinous' house!

Yes! I will be visiting Alcinous without him knowing! I’m going to surprise him!

Kinilig naman ako sa sariling naisip! I don't care if he is still my suitor! Bibisita ako because want ko!

Manong glanced at me through the rearview mirror, offering a courteous smile. Despite his age, Manong Cesar retained his striking handsomeness and a well-toned physique that defied the years. Also, sabi ni Ate Klara, matanda raw sa kanya si Manong Cesar ng five years.

"Mabait po si Klara, sir. Saka magaling magluto at maalaga."

I crossed my arms and dramatically leaned back in my seat. "Do you think, Manong, mag-aasawa pa si Ate Klara?"

Manong Cesar's knuckles turned pale, his grip tightening on the steering wheel as if it were the only thing anchoring him in the storm of his thoughts
.
Aha!

"Maganda po si Klara, sir Dei... kung may lalaki man na magpapatibok sa puso niya ay tiyak na suwerte."

"I thought so Manong! Dapat ipakilala ko si Ate Klara sa other bodyguards namin sa Manila. They're handsome and awesome men, I'm sure Ate Klara would love any of them!"

At napaubo si Manong Cesar!

My gosh, Manong Cesar! You should make your move na to Ate Klara before it's too late!

Natahimik na si Manong Cesar hanggang sa makarating na kami sa maliit na eskena tungo sa bahay nina Alcinous. Mukhang na-threatened si Manong sa sinabi ko sa kanya.

"Sigurado ba kayo, sir, na kaya n'yo na po patungo sa bahay ni Alcinous?" tanong ni Manong sa akin as I carefully gathered the paper bag I had brought with me!

"Yes, manong, kaya ko na po on the way there."

"Hihintayin ba kita, sir?"

Umiling ako kay Manong bago binuksan ang pinto sa tabi ko.

"No need na, Manong. I'll text you na lang po or I can text Ate Klara!" I playfully said.

Kiming tumango si Manong Cesar sa akin.

Masaya kong binaybay ang daan tungo sa house ni Alcinous. Though, ito ang second time ko na pumunta sa house nila, tanda ko pa naman ang daan. Hindi na rin ako nagpayong today since hapon na naman at hindi na masyadong masakit ang araw sa skin ko.

"Tao po!" sigaw ko kahit na may ilang metro pa naman bago ako makarating sa bakuran nila Alcinous!

Pinagpapawisan na ako!

"Tao po!" Muli kong sigaw at sa pagkakataong iyon ay sumulpot na sina Zayla at Aldous!

Ang pi-pretty at cute talaga ng mga kapatid ni Alcinous! Siguro maganda rin ang nanay nila at tatay. No'ng pumunta kami rito sa bahay ni Alcinous para sa group project namin hindi ko nakita ang tatay ni Alcinous. Hindi rin naman kami nakapasok sa house nila.

"K-kuya Deimos!" Sinalubong ako ni Zayla na mangha sa presensya ko!

"Kuya, wala po rito sa bahay si Kuya Alcinous. May trabaho po si Kuya sa palengke." Mahinang sabi ni Zayla sa akin.

I tapped her hair. Nakakainggit ang hair niya!

"It's fine, Zayla. I know naman."

Dinala ako ni Zayla doon sa bakuran nila, doon sa ilalim ng puno na may malaking sofa sa ilalim.

Napansin ko si Aldous na tahimik lang na nagmamasid sa amin ni Zayla.

Nilapag ko sa kuwayan na sofa ang mga dala kong paper bags! It's full of chocolates and cookies na pinapadala ni Kuya Thales sa akin. Mga imported ang mga iyon!

"Aldous, come here!" Kamay ko naman kay Aldous.

Mahinhin na lumapit sa akin si Aldous habang papak ang kanyang kamay.

"Oh my, it's dirty. Don't bite your nails, Aldous." Suway ko kay Aldous because it bothered me na kinakagat niya ang kanyang nails!

Binigay ko kay Zayla ang isang paperbag at ang isa naman ay pinakita ko kay Aldous!

"Wow! Ang daming chocolates." Manghang saad ni Zayla pero kaagad na nilapag ang paper bag pabalik sa sofa. "K-kuya Deimos nakakahiya naman p-po."

Mabilis akong umiling kay Zayla. "Dinala ko iyan for you and Aldous, Zayla. Marami pa ako n'yan sa house kaya naisipan ko na bigyan kayo. Hindi ko rin naman kasi sila mauubos mag-isa sa house namin."

"P-pero po..."

"If you're worried about your Kuya Alcinous. Don't worry, ako kakausap sa kanya, okay!?"

I was taken aback when Zayla hugged me! "Salamat, Kuya Deimos! Hindi ka lang po maganda, mabait din!"

I know I am pretty pero iba pa rin kapag may iba na nag-compliment sa'yo!

Ginulo ko ang buhok ni Zayla at kumalas din siya sa yakap. Binalingan ko si Aldous na nakatitig sa paper bag na bitbit-bitbit ko.

Kumuha ako ng isang chocolates doon at binuksan ko iyon bago sinubo kay Aldous.

"Dapat mag-wash ka ng hands mo, ha." Sabi ko sa bata.

Tumango si Aldous sa akin at namula ang tenga!

"Tinuruan na po si Aldous ni Kuya Alcinous, Kuya Deimos, kaso minsan nakakalimutan po ni Aldous maghugas ng kamay."

Umupo si Aldous sa tabi ko at ako na ang nagbalat ng chocolates for him! Ang behave niya na bata! Opposite sa inaasahan ko na makulit na mga bata!

"Zayla, where's your father? Bigyan mo rin siya ng cookies."

Napatayo si Zayla bigla. "Sige, Kuya Deimos! Dadalhan ko po si Tatay sa loob."

Nag-enjoy ako kakasubo kay Aldous sa chocolates at kahit na hindi niya ako masyadong nasasagot, kinakausap ko siya. Hanggang sa bumalik si Zayla.

At napatayo naman ako mula sa pagkaka-upo ko nang makita ko ang isang matandang lalaki na sumilip sa bintana ng bahay!

I gulped, my throat tightening with unease. But nothing could prepare me for the way my heart pounded violently against my ribcage when I caught Alcinous’s father's cold gaze directed at me. I couldn’t be mistaken—there was no doubt in my mind; it was truly their father! Sino pa ba ang ibang matandang lalaki ang nakatira doon? Hindi naman siguro ghost? Right?

"Kuya Deimos, tubig po baka nauhaw na po kayo. Saka itutuloy ko lang po ang paglalaba ko." Alok ni Zayla sa akin no'ng tubig.

Dahil kay Zayla nawaglit ang aking atensyon sa kanilang ama na sumilip sa window! Though my heart was still in a mess because of their father's mere stare! Shit!

"S-sige, Zayla." ani ko kay Zayla.

Tumingin ako sa bintana pero nang bumaling ako roon ay hindi ko na nakita ang father nila.

"Sama ako, ate. Tulong ako." si Aldous naman.

"Huwag na, Aldous. Samahan mo na lang si Kuya Deimos dito." ani naman ni Zayla.

"No," sabad ko. "Sama na rin ako sa inyo."

Nasa gilid lang pala ng house nila ang kanilang laundry area! Open space actually at may maliit na semento lang kung saan sila naglalaba. May mga balde at ilang palanggana at mga basang damit.

My mind was still preoccupied by Alcinous father cold eyes. But thankfully, I was entertained by Zayla, madaldal din kasi. At nang hindi na ako makatiis ay sumali na ako sa paglalaba nila. Si Aldous naman ang taga-timba ng tubig sa mga balde.

"Hahaha! Hindi ka po marunong, Kuya. Ayusin n'yo po ang pagkusot." Natatawang puna ni Zayla sa magaslaw kong kusot.

Shit! Nangangalay ang hands ko at sumasakit na ang mga daliri ko! Mahapdi na rin ang mga palapulsuhan ko.

"It's so mahirap pala ang paglalaba." Komento ko. Pinagpapawisan na naman!

"Madali lang naman po, nakakapagod lang." ani Zayla.

Ah! Ang good girl ni Zayla. Kaya pala ang babango at lilinis ng mga damit ni Alcinous because of her!

Naiinggit ako kay Zayla dahil bawat kusot niya sa damit ay tumutunog! Habang ako ay hindi alam kong tama pa ba itong kusot ko sa simpleng t-shirt lang!

Basta ko na lang nilagay sa isang palangga ang kulay green na tshirt na kinusot ko at kumuha naman ng ibang damit na lalabhan.

Nagkukusot ako ng damit nang biglang nataranta si Zayla.

"Hala, b-bakit dito mo nilagay ang de-color na damit, Kuya Deimos." Kinakabahang sabi ni Zayla at kinuha ang t-shirt na tinapon ko doon sa palangga!

At ganon na lamang ang panlalamig ng mukha ko at batok nang makita kong nagkulay green na ang ibang mga puting t-shirt doon!

Napalunok ako ng malalim!

"Papaano ito ngayon? Mga uniform at puting t-shirt ito ni Kuya Alcinous." Alalang wika ni Zayla. Hindi na mahitsura ang puting shirts ni Alcinous!

Nabitiwin ko ang kinukusot kong t-shirt at halos masuka sa lakas ng tibok ng dibdib ko dahil sa kaba.

"Ate," usal ni Aldous na mukhang kinakabahan na rin.

"W-what should we do?" Nauutal ko nang tanong sa kaba.

"Zayla? Aldous?" It was Alcinous voice!

"K-Kuya," si Aldous.

Napatayo ako at unti-unting lumingon.

Nanlalaki ang mata ni Alcinous nang makita ako. Naka-itim na taslan shorts si Alcinous at puting sleeveless shirt kaya kita ko tuloy ang kanyang malapad na balikat.

"D-Dei, anong ginagawa mo..."

"A-Alcinous, I'm just trying to help Zayla with the laundry... a-and I'm sorry, I think I ruined your uniforms and white shirts?" patanong kong sapaw sa kanya.

Lumapit si Alcinous at saka may sinilip ang naging gawa ko.

Nangunot ang noo ni Alcinous. Marahan ang kanyang pagbuga ng hangin mula sa ilong.

Hinawakan ni Alcinous ang kamay ko at sinuri niya ito ng may pag-aalala. "Bakit ka naglaba? Papaano kung nagkasugat-sugat ka d'yan? Naglalaba ka ba sa bahay ni Gov? Tingnan mo, namumula na at may sugat na ang mga palapulsuhan mo."

At ngayon ko lang napansin ang kamay ko na may sugat-sugat na nga! Nalalapnos na! But I'm more worried about his uniforms!

"Alcinous, I r-ruined your shirts."

Bumuntong hininga siya habang hawak pa rin ako ng marahan sa kamay.

"Luma na naman ang mga iyan. Bibili na lang ako ng bago. Halika ka rito, tingnan natin ang kamay mo..." aniya kaso may sumabad.

"Alcinous!" I suddenly heard a girl's voice shout out of nowhere! My head snapped in the direction of the sound, and my mood instantly soured when I saw Honey standing there.

Sabay ba silang dumating? Hindi ko lang ba napansin ang babaeng ito dahil sa kaba ko kanina?


***
This story is already at chapter 24 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top