CHAPTER 15

Chapter 15

Dei's Pov

The three-day intramurals have ended, which is why we're back to our regular class schedule. At sa ilang buwan ko rito sa school nasanay na ako sa pag-akyat-baba rito sa classroom namin na nandirito sa fourth floor.

Kahit na medyo hinihingal ako, may ngiti pa rin sa labi ko habang binabaybay ko ang hallway ng fourth floor. Bali may tatlong classrooms kasi kada floor nitong building namin. At kaya hindi nabubura ang ngiti ko dahil excited ako sa fresh milk at C2 na naghihintay sa aking upuan.

It has been a week since Alcinous started buying fresh milk and C2 for me. Yeah, it sounds so petty and cliché, but I feel so kilig with Alcinous' small gestures.

Hindi na rin ako dinala ni Alcinous sa kinainan namin no'ng intramurals. Noong nanalo sila sa intramurals nag-celebrate kami, syempre kasama na rin sina Remy, Juls, Hansel, at Elvin.

At nang makarating ako sa room namin, sipop kaagad ni Elvin ang bumungad sa akin nang makita niya ako sa hamba ng door. Nakatalikod si Alcinous sa akin kaya hindi niya ako napansin. Si Elvin kasi ay naka-upo sa arm chair na nasa harap ni Alcinous.

"Good morning, Deimos!" Ngumiting aso pa si Elvin at tumingin kay Alcinous.

Nang marinig iyon ni Alcinous ay kaagad siyang napalingon sa akin at tumayo. Para siyang student na nahuli ng teacher na may ginawang masama!

Alcinous flashed his brightest smile, one so radiant it felt like it was meant just for me. "Good morning, Dei."

"Good morning. Good morning din, Elvin." Sinilip ko na rin si Elvin sa likod ni Alcinous.

I walked over to my chair, a smile already forming on my lips, and giggled softly as I picked up the fresh milk and C2, feeling a wave of delight at the thoughtful gesture of Alcinous.

"Thank you for this!" sabi ko kay Alcinous at umupo sa aking silya.

Umupo si Alcinous nilabas niya ang kanyang pre-cal na notebook. Yes, pati notebooks ni Alcinous kilala ko na rin. I know it's bawal pero pinapakopya ako ni Alcinous sometimes sa mga assignments namin especially sa pre-cal namin na bobong-bobo ako. Tolerable naman siya kaso mabilis kasi bumigay ang utak ko sa mga numbers.

Tingin ko, gusto ko lang ang numbers kapag pera na ng pinag-uusapan. Gusto ko nang maraming zero kapag pera na ang pinag-uusapan.

"May answers na ako sa assignment natin. Kung wala ka pang answers, pwede kang kumopya if you want." Offer ni Alcinous sa kanyang notebook.

Ngumuso ako. "You're spoiling me. Baka hindi na ako mag-aral nito sa calculus natin. Mas lalo akong magiging bobo."

"I-iexplain ko sa'yo isa-isa para maintindihan mo. Kung sa ibang subjects natin ay may nahirapan kang intindihin o concept na nahirapan ka. Ipapaliwanag ko sa'yo."

I pouted. Nasasayangan talaga ako na tumigil si Alcinous sa kanyang senior high. He was naturally smart. Mabilis siyang natuto. Pero kung hindi rin siya tumigil, baka hindi ko siya nakilala. Baka wala akong kinababaliwan ngayon!

"Okay," I said and accept his pre-cal notebook.

"Pakopya rin ako, Dei. Tsk! Akala ko hindi ka pa tapos eh. Tinext kaya kita kagabi, pare." Sabad naman bigla ni Elvin. "Picture-an ko na, Dei. Hihi!"

"Wala akong load." Plain naman na sagot ni Alcinous kay Elvin.

Nang matapos kunan ni Elvin ng picture ang assignment namin bumaling siya kay Alcinous. "Pare, sa essay natin tapos ka na? Patingin naman. Promise hindi ko, kokopyahin!" Nag-swear pa siya!

"Ayoko! Duda ako sa patingin-patingin mo na 'yan."

Nagdabog si Elvin pabalik sa kanyang upuan.

Natawa na lang ako sa inakto ni Elvin. Kinopya ko ang assignment ni Alcinous pero pinaliwanag niya rin sa akin kung papaano niya nakuha iyon. Thankfully, late ang aming first subject teacher. Gulong-gulo ako sa subject teacher namin pero nang si Alcinous na ang nagpaliwanag sa akin ay naiintindihan ko na siya.

"Stop muna!" Angal ko na kay Alcinous.

Tango lang ako nang tango sa kanya at umiikot na ang paningin ko habang tumatagal.

"Nakuha mo na?"

Binuksan ko ang C2 na bigay niya at uminom. Hindi pa nga nagsisimula ang klase kaso pagod na ang utak ko. I need to dehydrate my brain! Shit!

"Yes," sagot ko na lang sa kanya. "By the way, can I visit you at your house?" ani ko.

Nasamid si Alcinous sa kanyang sariling laway.

"Huh?"

My forehead slowly creased. "My forehead slowly creased. "I want to go to your house. I miss you, Brother Aldous, and your pretty sister, Alcinous."

"May trabaho ako sa sabado at linggo sa palengke." Bumahid ang panghihinayang sa boses ni Alcinous.

"It's fine! Magw-wait ako for you sa house ninyo." Siniglahan ko ang aking boses.

"Papayagan... ka ba ni Gov?"

Ilang beses ko nang sinabihan si Alcinous na huwag na niyang tawaging 'Gov' ang Lala Fausta ko but he was just too stubborn lang talaga!

"Mmm, papahatid na lang din ako kay Manong Cesar."

"Alam ba ni Gov na... nililigawan kita?"

Napatigil ako sa tanong ni Alcinous sa akin. Actually, I've never mentioned Alcinous to any of my family. I don't know if my family already knows about this, but as of now, when they call me, they don't mention anything about my love life. So maybe it's safe to say they don't know about this yet?

"I-I didn't mention about you or..."

Humina ang boses ko nang tumango si Alcinous.

"Sorry," sabi ko at inipit ang aking ibabang labi.

Alcinous didn't want to cross the boundaries between us because of his current state and status. However, I was the one who pushed him to cross those boundaries. I didn't think much about the consequences when I did so. We weren't a couple yet, but I could already feel the aftermath of my actions.

"Okay lang, Dei. Naiintindihan ko naman pero kapag pumunta ka sa bahay. Siguraduhin mong magpapaalam ka nang mabuti kay Gov."

I nodded courteously at Alcinous.

Naputol lang ang aming pag-uusap nang dumating ang aming second subject teacher sa umaga. I was a bit distracted during the lecture as I thought about Alcinous and the consequences of my decisions.

Tumulo ang pawis sa noo ko at doon lang ako muling natauhan. Kinuha ko ang portable fan ko kaso nagulat ako nang maglabas din ng portable fan si Alcinous, though it was small compared to mine.

"Y-you bought a portable fan too?"

Tumango siya. "Pansin ko kasi na kahit may portable ka, pawisin pa rin dito sa likod mo."

Umawang ang labi ko. Akala ko for him ang binili niyang fan! Para sa akin pala?!

"A-Alcinous."

"Sige na. Makinig na tayo."

"Alcinous, hindi mo need na gawin ito. It's totally fine sa akin."

"Mmm, alam ko, Dei, pero gusto kong gawin. Khit nga no'ng... hindi pa ako umaamin sa'yo pinaypayan na kita. Ngayon pa kaya na nililigawan na kita?"

My heart really knows what it wants! It immediately fluttered at Alcinous' small and simple gestures towards me. I'm spoiled-so spoiled by my family-and all Alcinous did was supposedly a bare minimum act, but my petty heart was jumping with bliss because of it.

"Okay, class, that's all for this week! Thank you and goodbye!"

Kaagad na nagkagulo ang aming mga classmates! Tumayo kami.

"Goodbye and see you on Monday, Maam!" sabay naming paalam sa aming teacher.

Sinilid ko sa bag ang aking fan, notebook, at ballpen bago ko kinua ang alcohol at tissue para magbanyo.

"Ako na magdala sa bag mo, Dei. Sabay naman tayo maglunch kasama sina Elvin at Hansel." ani Alcinous.

Every lunch na rin, kapag wala kaming ginagawa, ay sabay-sabay kami maglunch sa canteen o di kaya'y sa ground kapag hindi mainit.

"Comfort room muna ako." sabi ko kay Alcinous.

"Samahan na kita?"

Mabilis akong umiling kay Alcinous.

"No, need."

"Sige, hintayin ka na namin dito para sabay tayo bumaba."

I gave Alcinous a brief nod before striding towards the door. Napapairap pa ako dahil sa dami ng students at ang no-noisy nila! Gosh!

Mabilis ang lakad ko dahil parang puputok na ang pantog ko at liliko na sana ako tungo sa comfort room nang may marinig akong mga bulong-bulungan!

"Napansin n'yo ba? Si Alcinous lagi nang nakadikit doon sa bakla na transferee!"

"Hinaan mo ang boses mo, girl!"

"Tsk! Nasa kabilang classroom naman iyon, grade 11."

"Kahit na, girl. Apo ng former governor iyong si Deimos yata ang pangalan!"

Napaatras ako at nagtago sa likod ng dingding. I can distinctly hear three different female voices, each laced with curiosity and intrigue, gossiping about me!

"Girl, if nakita mo lang kung gaano siya kaarte!" The voice sounded so familiar!

"Halata naman."

"Duh! Napadpad kaya iyon sa booth namin no'ng intramurals! Tinawag pa kasi ni Hansel!"

At doon ko naalala ang babae na kasama ni Hansel sa booth nila!

"Hindi alam kung ano ang lemonade!"

"Baka kaya iyan pina-transfer dito ng mga magulang niya kasi nasobrahan na sa arte."

"Masyadong mapagmataas sa sarili."

"Oo, nga tapos mukhang ginawang alipin si Alcinous! Nakita ko taga bitbit bag, minsan taga payong pa, at saka isang beses nakita ko pinaypayan ni Alcinous!"

"See? Masyadong masama ang ugali. Akala niya lahat napapasunod niya dahil apo ng dating governor. Masyadong spoiled! Siguro hindi na disiplina ng mga magulang o baka hindi mahal ng mga magulang dahil sa sama ng ugali. Or baka ganon din ang ugali ng mga magulang at pamilya niya!"

At nagtawanan ang mga babae!

Pinikit ko ang aking mata at saka huminga nang malalim! I'm already used to people badmouthing me and saying nasty things about me, but this is the first time I've heard people saying rude things about my family!

I want to burst out and confront the three women gossiping about me, but as much as possible, I won't stoop to their level!

Malakas ang kabog ng dibdib ko at naninikip ang dibdib ko sa galit! Pati batok ko umiinit dahil sa galit! Hindi nailabas ng aking galit pero tumulo naman ang luha ko.

I angrily wiped my tears and turned around, only to bump into something hard-no! It was... Alcinous' muscular body that I bumped into!

"A-Alcinous!" My tears trickled down my cheeks.

Alcinous clenched his jaw, his fists tightening into unforgiving balls of rage. Fury radiated from him, every inch of his face etched with madness

Sa galit palang sa mukha ni Alcinous ay alam ko na na may narinig siya mula sa mga babae!

I pushed his body. "Let's go. S-sa baba na ako magbanyo. Maraming nag-use sa bathroom dito." Natataranta kong wika.

Hinawakan ni Alcinous ang kamay ko at pinagsiklop niya ang mga daliri namin at hinila ako palabas sa akong pinagtataguan.

"Alcinous, sa baba na ako-"

Kumabog ang dibdib ko nang makita ko ang tatlong babae na napa-ayos sa kanilang tayo nang makita kami ni Alcinous.

Bumilog ang kanilang mata at napasilip sa akin dito sa likod ni Alcinous.

"A-Alcinous, ikaw pala." ani ng isang babae. Iyon 'yong babae kasama ni Hansel sa booth nila!

"Ako nga. Tapos na ba kayong pag-usapan ang ibang tao? Tapos na kayong makialam?"

Namutla ang mga babae.

Hinila ko ang polo ni Alcinous upang tumigil na siya pero parang hindi niya nararamdaman ang hila ko sa kanya.

Hilaw na tumaw ang isang babae. "T-totoo rin naman ng mga sinabi namin!"

"Talaga? Bakit kilala n'yo ba ang tao? Siguro kilala ninyo dahil sa apelyido na naka dikit sa pangalan ni Dei. But who gives you the right to talk about them? Dei, is not perfect at kayo rin naman. Saka iyong parang alipin ako ni Deimos? Ano naman ngayon kung magpaalipin ako? Masama bang pagsilbihan ang taong gusto mo? Walang inuutos si Dei sa akin. Lahat..." Humingang malalim si Alcinous. "Lahat ng ginagawa ko... kusa kong ginawa dahil nanliligaw ako sa kay Dei. Sa susunod kapag may narinig pa ako mula sa inyo, makakarating na kay Gov ang mga sinasabi ninyo tungkol sa apo niya at sa kanyang pamilya."

I didn't utter a word; I just let Alcinous drag me out of there. Kung hindi rin naman ako hihilain ni Alcinous ay baka hindi ako makakalakad ng maayos!

Pagkarating namin sa classroom ay doon pinunasan ni Alcinous ang luha ko. Gusto ko sanang magtanong kung nasan sina Elvin dahil wala nang tao sa classroom pero nagsalita na siya.

"Huwag mo silamg isipin. Huwag mong intindihin ng mga sinasabi nila. They're just jealous and envious of the things you have and the good people around you, Dei."

"B-but what they said was all true! I'm bad, I have ugly behavior, I'm not good enough!" I cried. "I'm really bad at n-nagiging slave na kita!"

"You're just being you, Dei. Again, you are not Deimos Aldejar kung hindi ka maarte, masungit, at mataray. And you're good, Dei. Kasi kung hindi, alam kung pinatulan mo na sila. Magkaiba lang siguro tayo ng depinasyon at pananaw sa salitang mabuti at mabait. But for me, you're already enough. You're far from perfect, but you're still too good for me."

"Y-you still like me... despite everything?"

"Sa tingin mo, pinapaypayan kita dahil mabait lang ako? Tingin mo ba, sumunod ako doon sa outing ng section natin sa beach, dahil gusto ko? Tingin mo ba sumunod ako sa'yo doon sa camping dahil gusto ko? Hindi ako ganon kabait para gawin iyon sa kahit nino, Deimos Aldejar. Ewan ko kung ano ang ginawa mo sa akin. Pero hulog na hulog na ako, Dei. Matagal na." Makahulugan niyang saad at pinalis ang luha ko.

***
This story is already at chapter 22 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top