CHAPTER 14

Chapter 14

Dei's Pov

"Uh, Alcinous, ikaw pala iyan, hijo! Kasama ka rin pala sa camping?"

I don't know if I'm just imagining things, but it seems like Manong Cesar was happy to see Alcinous with me!"

"Ah, opo. Sumunod lang po kami ng mga kaibigan ko." Magalang naman na sagot ni Alcinous kay Manong Cesar.

Is this normal? The thing na kinikilig ka because your suitor was so magalang? Oh my gosh! I know na kagabi pa sinabi ni Alcinous na manliligaw siya sa akin (though pinilit kong sabihin niya iyon). Pero ngayon lang yata siya nag-sink sa brain ko.

"Mabuti naman, hijo. Hihi! Binantayan mo ba itong si sir Dei doon?" And it came out as a tease.

Tipid na ngumiti si Alcinous. "Safety naman po ang lugar, Manong. At halos magkakilala lang ang lahat ng nandon. At opo... binantayan ko."

Huminga ako ng malalim dahil hindi yata good ang effect ni Alcinous sa heart ko. Bigla na lang siyang kumakabog ng lakas.

Ang mga hagikhik nina Remy at Juls ay hindi pinalampas ng tenga ko. Masama kong nilingon ang dalawa.

Baka gusto nilang palakarin ko sila pauwi?

"Gandang-ganda, bhie?" si Julito.

"Maganda naman talaga siya, bakla!" ani naman ni Remy.

Inirapan ko silang dalawa. I don't need their validation because I’ve always known that I’m pretty. My kuya and ate always tell me how pretty I am, and I know they wouldn’t lie to my face because we share the same genes. Plus, my sister and brother have exceptional face cards!

I was about to walk towards Alcinous when someone grabbed my forearm.

"Dei!" It was my friend, Hansel!

"Hansel, may car kayo?" I turned to face her.

Sumilip siya sa likod ko and I know kung sino ang tiningnan niya sa likod ko. Si Alcinous lang naman ang nasa likod ko at si Manong Cesar. I know Hansel didn’t have any business with Manong Cesar, so it must be Alcinous!

"Tsismis ka, Dei. Nanliligaw na sa'yo si Alcinous? Bakit iba naman yata ang sinabi mo sa akin the past weeks?"

I smiled cunningly at Hansel.

"Don't smile like that, Dei. You're giving me chills!"

I laughed. "Hmm, a sudden change, Hansel. But yeah, he's courting me." Kinikilig ko namang sagot kay Hansel.

"Aysus! Aayaw-ayaw ka pa no'ng una ha. Anyway, I'm happy for you, Dei. Even though you broke my twin's heart, I'm really shipping you with Alcinous." Tuwang saad ni Hansel.

As Hansel concluded her words, Handell suddenly emerged behind her.

"Tara na, Hansel." Kilabit ni Handell kay Hansel.

"Hmm, nilapitan ko lang saglit si Dei. Bilis mo naman akong nasundan." si Hansel kay Handell. Bumaling si Hansel sa akin at saka siya bumeso. "I'm truly happy na hindi mo na pinipigilan iyang tinitibok ng puso mo, Dei. Pero ingatan pa rin iyan. At nandito lang kami nina Remy at Juls para sa'yo."

Niyakap ko si Hansel. I've never met friends as supportive as they are. Their happiness for me warms my heart, and I’m deeply grateful for their unwavering encouragement and support.

Matapos kong mayakap si Hansel ay umalis din si Hansel pero naiwan naman si Handell.

"Handell,"

"I thought you didn't like someone else," Handell said in a low and serious tone, bitterness lacing his voice.

I bit my lip. "Handell,"

He smiled curtly. "Hindi mo ako binigyan ng chance na ligawan ka, Dei, pero si Alcinous pinagbigyan mo." He paused for a moment. "Really, I just hope for your happiness, Dei. That's all."

With that, Handell turned his back on me.

Napatingin lang ako kay Handell na naglalakad papalayo sa akin. Was I too insensitive? Mali ba iyong ginawa ko? I just turn him down because I don't want to hurt him more. Ayaw ko lang siyang umasa sa 'kin kaya hinindian ko siya.

Mali ba iyong ginawa ko? Bakit ganito? Bakit nag-guilty ako sa ginawa ko? Ganito ba talaga? Kailangan ba na kapag masaya ka, may masasaktan kang tao? O sa 'kin lang ito?

"Dei?"

Napatalon ako nang marinig ko ang boses ni Alcinous sa likod ko.

Umikot ako at humarap sa kanya.

"What's wrong?" Humigpit ang pagkakakuyom ni Alcinous sa kanyang panga. "May ginawa ba si Handell sa'yo?"

I shook my head and pouted, letting my frustration show clearly on my face. 

"May sinabi siya? Why do you look so down? Masama ba ang pakiramdam mo? Halika na, uuwi na raw kayo sabi ni Manong Cesar."

Ngumuso ako at malungkot na tumingin kay Alcinous. "Am I really that insensitive, Alcinous? Am I really that bad?"

Tanggap ko na naman na hindi talaga ako mabuting tao. I am maarte; at ilan lang ang kayang i-handle ang pagiging maarte ko. I am maldita and I know, mabibilang lang sa daliri ko ang taong kayang i-handle ang pagiging maldita ko. Pero... sobra-sobra na ba ang pagiging self-centered ko? Dahil ba rito nasasaktan ko na ang ibang tao without me knowing?

"Dei,"

"Just be honest with me, Alcinous. I don’t want flowery or sugar-coated words right now."

Umigting lalo ang panga niya.

"Dei, nakilala kita na maarte ka at mataray. Tanggap ko iyan. Look at Remy, Julito, and Handel. They love and like you. Yes, you have some flaws, but there’s no one perfect, right? I’m not saying I’ll tolerate those undesirable behaviors of yours. What I mean is, we’re still young, Dei. There’s still a chance to change."

I didn’t say anything and just stared at Alcinous’s handsome face. How could he be so handsome and understanding at the same time? His words really carved into the depths of my heart.

Earlier, my heart was breaking and my mind was in chaos. But his words had the power to mend my heart and calm my mind. He just toned everything down for me.

_ _ _

Nang magsimula ang intramurals, kaming mga hindi sumali sa mga sports ay required pa ring pumunta sa school. Especially sa aming PE teacher strict ang attendance niya sa amin tapos dapat may pictures kami sa lahat ng games sa school!

At sa gitna nang matirik na araw ay naglalakad kami nina Remy at Juls dahil gusto naming sumilip sa mga booths! Yes, napakadaming booths sa paligid ng school at may mga food stalls din!

"Dei, Remy, Julito!"

Napatay ko ang aking portable fan nang marinig ko ang sigaw ni Hansel!

"Si Hansel oh," turo naman ni Juls kay Hansel. May booth pala sila.

"Hali kayo rito! May mga palamig kami baka gusto ninyo!" Tawag pa niya sa amin.

Malaki ang tent ng booth nina Hansel at may chairs at table pa sila para sa customers nila.

"Taray, girl, madami na ba ang kita o kinukupit mo?" Biro pa ni Juls kay Hansel.

Binatukan ni Hansel si Juls. "Sira ka, Julito!" si Hansel at umikot sa parang kiosk or counter nila.

"Dei, anong sa'yo?" tanong ni Hansel sa akin. "Lemonade gusto mo?" suna niyang tanong nang kumunot ang noo ko kakatingin sa mga transparent jars.

"What's that? May lemons?"

"Ay, ipa-try mo na sa kanya iyan, Hansel." sabad naman ni Remy.

Nakakunot lang ang noo kong pinagpapawisan habang pinapanoood ko si Hansel. Ilang saglit lang ay may inabot na siya sa akin na plastic cup.

Ngumiwi ako. "Where's the lemon?" Bakit kulay blue ito?

"Bakla, powder lang iyan."

Oh!

Pinaba ko ito. "I want C2 na lang." Pagtataray ko.

"Ang arte naman ng baklang iyan akala mo naman kinaganda—"

"Oo, may C2 rin naman kami rito." Mabilis na agap ni Hansel doon sa kasama niya.

Tinitigan ko lang ang babae na siyang nagsabi no'n. They should try harder in order to hurt me. Lumang-luma na sa pandinig ko ang linyahang ganoon.

Hinawakan ni Juls ang braso ko at si Remy naman ay hinila na ako tungo sa mga silya sa harap ng booth nila Hansel.

"H-hatid mo na lang dito ang C2, Hansel." sabi ni Remy at mabilis na tumungo si Hansel.

At nang tumalikod kami ay sakto naman na dumating si Alcinous kasama si Elvin at iyong ibang classmates namin na players namin sa volleyball.

Alcinous looked a bit sweaty, his damp hair clinging to his forehead as he caught his breath. He wore black running shorts paired with a blue t-shirt, the exact shade of our team color, giving him a casual yet athletic appearance. May black knee pad din ang kanyang isang tuhod at sukbit sa isang balikat niya ang kanyang itim na backpack bag. Sa kanilang lahat na dumating ay siya lang talaga ang mas matangkad at malaki ang katawan. Siguro dahil siya rin ang matanda sa kanila.

My heart skipped a beat the longer I stared at him.

But then, Elvin threw a teasing grin at me and subtly nudged Alcinous's elbow.

Remy and Juls made a scandalous cough.

Ever since they found out that Alcinous was courting me, lagi na nila kaming tinutukso ni Alcinous sa isa't isa. Kahit na sa classroom ay may mga patama silang mga words sa amin ni Alcinous. And I can't rebutt nor stop them. It was making me kilig kasi!

I felt my cheeks burn.

Lumapit sa akin si Alcinous at sina Remy, Juls, at Elvin naman ay dumistansya sa amin.

"Naglunch na ba kayo?" tanong ni Alcinous sa akin.

I shook my head. Nagiging demure ako when it comes to Alcinous. Ewan ko takot akong ma-turn off siya sa akin. Takot ako na baka kapag naging maldita ako at nag-iinarte lalayo siya sa akin.

"Kumain muna tayo."

"Wala kayong game?"

"Sa hapon pa. Nanalo kami laban sa mga taga TVL."

I smiled. "Sinong kalaban ninyo this afternoon?"

"Mga Hums. Kain muna tayo?"

"Okay,"

Inaya ni Alcinous sina Remy at Juls pati na si Elvin na sumama sa aming lunch kaso mabilis na tumanggi ang mga kaibigan namin.

"Enjoy sa lunch ninyo." May panunuksong wika ni Remy sa amin.

"Eat well, Dei." Kumindat pa si Juls sa akin.

"Papahangin lang ako sa room, pare. Busog pa ako eh." Ani naman ni Elvin.

"Sige." saad naman ni Alcinous.

At aalis na sana kami ni Alcinous nang tawagin ako ni Hansel para sa aking C2.

"Sorry, Dei. Sorry sa kasama ko." aniya sabay bigay sa akin no'ng C2.

"It's fine, Hansel. Sanay na ako, besides what she said is true. I'm maarte naman talaga."

Kinalkal ko ang aking bag for bayad sa C2 kaso nauna nang iabot ni Alcinous ang kanyang 35 pesos kay Hansel.

"Alis na kami, Hansel." sabi ni Alcinous kay Hansel.

Nagulat naman ako nang biglang maglabas si Alcinous ng payong na kulay dilaw!

Tiningala ko si Alcinous. Oh my gosh! Kahit na pawisan siya hindi siya nangangamoy! Mas nangingibabaw ang amoy niyang fabric conditioner na humalo sa natural niyang amoy! So manly!

"M-may umbrella kang dala?"

Tumango siya at binuksan iyon at pinayungan ako.

"Nakaugalian ko nang magdala ng payong."

I nodded skeptically. "Wait, bakit ikaw ang nagbayad doon kay Hansel. You shouldn't do that."

Marahan niyang hinila ang siko ko nang maarawan ako. "35 pesos lang naman."

"You're courting me, Alcinous, but that doesn't mean you should provide for my needs, okay?"

"Alam ko, Dei. Hindi rin naman ito palagi. Kapag may pera lang bulsa ko."

Tumango ako sa kanya. Ayaw ko kasing provide siya nang provide sa akin tapos nahihirapan siya sa money. Because I know that he is the breadwinner in his family.

I almost made a disgusted face when we arrived at a small kainan in front of our school. The place was malinis naman kaso maraming tao tapos mainit pa!

"Okay lang ba sa'yo rito? O mag-tricycle tayo at doon tayo sa malapit na fastfood."

Mabilis akong umiling sa kanya. Babayahe pa kami tapos may game siya later.

"It's fine na dito." huni ko.

Malaki ang naging ngiti ni Alcinous at saka hinatid ako sa isang mesa kung saan harap namin ang wall fan. Si Alcinous na rin ang nag-order ng food para sa akin.

Habang hinihintay ko si Alcinous. Napansin ko ang mga titig ng mga matatanda sa akin. Sanay na ako sa mga titig ng ibang tao sa akin pero ngayon iba ang pakiramdam ko. Naco-conscious ako dahil sa mga titig nila na parang nakikita na nila ang kaluluwa ko na parang nangj-judge rin.

Napapatitig sila sa akin tapos nagbulung-bulongan sa kanilang kasama!

Yumuko na lang ako hanggang sa makabalik si Alcinous dala ang aming foods. Medyo gumaan ang dibdib ko dahil kay Alcinous.

"Ayos ka lang? Naiinitan ka?" Usisa ni Alcinous sa akin.

"Huh? N-no! I'm fine. Maybe I'm just hungry." ani ko.

"Kumakain ka ba nito? Tortang talong ito, tapos ito naman giniling na baboy, at pork chop. Don't worry malinis dito at masasarap ang pagkain."

Ngumiti ako kay Alcinous. "Thank you for the food, Alcinous. But how much ang babayaran ko sa'yo? We should split up kung ilan ang nabayad mo."

Umiling siya sa akin at saka kinalat sa plato ko ang kanin, umuusok pa kasi iyon sa init.

"Sa akin lang ito."

"Alcinous," I groaned.

"Ngayon lang, Dei."

"Promise?"

"Promise ngayon lang."

And I smiled at him.

Hindi ako nakakakain ng maayos dahil sa mga titig ng ibang tao sa amin ni Alcinous.

"Oh," sambit ko nang punasan ni Alcinous ang gilid ng labi ko gamit ang thumb niya.

"May ketchup lang." aniya.

Prolly, the food was so delicious. Tinikman ko lahat ng foods na binili ni Alcinous; ang tortang talong, giniling na baboy at iyong pork chops. Iyong C2 ko na lang din ang aking ginawang pantunaw. Thankfully nabusog ako despite those disgusting look thrown by the other people around us.

Pinatapos lang ako ni Alcinous sa pag-ayos sa aking mukha at hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila ako palabas. Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas kami ni Alcinous sa kainan. Nawala na kasi iyong mga disgustong titig ng mga matatanda sa akin— sa amin ni Alcinous.

Muling binuksan ni Alcinous ang kanyang payong at tumawid kami patungong school.

"Hindi na tayo kakainin doon." Biglang anunsyo niya.

"Huh? I thought you like it there? Masarap din naman ang foods nila." wika ko.

Kumuyom ang panga niya. "Basta hahanap ako ng iba na masarap din."

"Alcinous," Tumigil kami saglit sa labas ng gate. Pinapayungan niya pa rin ako. "Is it because ba sa mga... people there?"

Rinig ko ang pagtagis ng bagang ni Alcinous.

"It's fine. Sanay na ako roon. Let's eat there next time." And I smiled pero hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Alcinous. His expression remain stiff!

"Dei, hindi porket sanay ka ay ayos na. Ayaw ko nang ganoon. Tang ina!"

I gulped when I heard him curse! Shit!

"Dei, pwede kang umangal sa 'kin, okay? Kung hindi ka komportable sabihin mo sa 'kin. Kung may ayaw ka, sabihin mo sa 'kin. Ayaw kong nagtitiis ka dahil lang gusto ko roon."

"Alcinous, wala naman silang ginawa."

"Wala nga silang ginawa pero hindi ka komportable sa mga titig nila. Ayaw ko no'n. Hindi na tayo kakain doon."

"Alcinous,"

"Umangal ka kung gusto mo, Dei. Magreklamo ka kung gusto mo. It's fine by me."

"No, I don't want to. You'll get turn off."

Umiling siya at humakbang palapit sa akin. His towering height makes me feel small and inferior.

"I'll show you the real me, Dei. So, show me yours too."

I shook my head. "No, you can't handle it."

"I'll handle it and cradle it, Dei. Wala akong pakialam sa kaartehan at katarayan mo. Huwag kang magkunwari sa harap ko para lang mas magustuhan kita. Remember, kahit na maarte ka, masungit, at mataray ginusto pa rin kita."


***
This story is already at chapter 20 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top