CHAPTER 11
Chapter 11
Dei's Pov
"Akala ko hindi siya pupunta. Iyon ang sabi ni Elvin kanina, di ba? Pero mabuti na rin na nandito si Alcinous. Kompleto ang section natin."
Biglang sumulpot sa tabi ko si Remy at Juls, si Julito also known as Juls, was my gay classmate. Napapansin ko na ito sa classroom namin kaso sobrang bungangera niya lang. Running mate sila ni Hansel sa kadaldalan.
But right now, I'm thankful for Remy and Juls' company. I didn't feel lonely or out of place because of them. Si Elvin kasi para siyang langaw, kung saan-saan na lang dumadapo na grupo. Ang taas ng capacity ng kanyang social battery.
"Oo nga. Hay. Iba talaga kapag gwapo na, macho pa. Tapos sobrang generous."
Napa-side eye ako sa sinabi ni Juls.
Juls was oblivious to my death glare at him, which is why I turned my head to Alcinous. He was still busy greeting the people who had welcomed him. Politics seemed to suit him! It looked like entertaining and socializing with others came naturally to him— a trait that was totally and glaringly opposite to mine.
I let out a heavy sigh through my mouth and nose before sitting on the bamboo chair beside our table. Inuupuan ko ang towel na dala ko. It was a little bit uncomfy kasi sa pwet ko dahil sa matigas ng upuan!
I fished my phone out of my tote bag and opened the camera app. I took some photos of the surroundings, focusing on the blue seawater and the palm trees standing behind our cottage. I also captured a few shots of my sandals, now covered in sand.
"Mukhang matatagalan pa si Alcinous," it was Remy.
Juls and Remy took the space beside me. Kumuha si Remy at Juls ng chips doon sa table namin at kumain. Inalok ako ni Remy, na siyang nasa gitna namin ni Juls, no'ng chips, kaya kumuha na rin ako at kumain ng konti.
"Matatagalan talaga dahil sumulpot si Honey!"
Nakuha ni Juls ang aking atensyon nang mabanggit niya iyong Honey! Hindi tawagan ni Alcinous at no'ng babae ang Honey? So, Honey was actually a name? A name of that girl?
"Close kasi sila." sunod namang wika ni Remy.
"Hindi ko napansin na sila Honey pala ang nasa kabilang cottage, ha." si Juls
"Mga grade 12 ang nasa kabila," ani naman ni Remy. "At hindi rin talaga natin sila nakakasalamuha dahil nasa kabilang building ang mga ABM strand."
Nakinig ako kay Remy. Tama siya. Wala masyadong pumunputa sa building namin, which is sa STEM strand. Sa school kasi marami ang kumuha ng STEM at ABM na strand kaysa doon sa TVL at Hums kaya hindi nagkakasya sa apat na palapag na building ang mga students.
"Pero ang FC ni Honey kay, Alcinous." Puna naman ni Juls at medyo naasiwa ako dahil sa lakas ng nguya niya sa chips.
"Hindi naman siya FC, Juls. Talagang close sila. Narinig ko nga minsan doon sa palengke na pumunta si Honey sa bahay ni Alcinous!"
Now, I am more intrigued by Remy and Juls' conversation! I've never been a fan of this kind of thing, but I can't stand walking away when they're talking about Alcinous and that girl—Honey!
What's wrong with me? Why am I this bothered by Alcinous and that girl? Why does my neck feel hot at the thought of that girl visiting Alcinous in his house? Ano ang ginagawa niya doon sa bahay ni Alcinous? Are they... a couple?
No! Hindi! Kasi bakit aamin sa akin si Alcinous kung may girlfriend siya? Hindi naman siguro siya bad boy or playboy na type of guy, right?
Shit! Sumasakit na ang batok ko sa kakaisip!
"Ay, oo nga, friend! Nabanggit nga iyan ni Mama!"
Binigyan ko ng matatalim na titig si Remy at Julito.
"Are they relatives?" Pagsingit ko sa kanilang dalawa!
Tumawa si Julito. Si Remy naman ay halos mabilaukan sa kinakain na chips.
"Nilalandi mo ba ang relatives mo?"
I threw a disgusting look at Juls.
"Excuse me, Julito? That's so eww—"
"Kaya nga. Hindi sila relatives, Dei."
"So? Pumunta siya sa house ni Alcinous because?" I emphasized.
"Alam mo na sagot d'yan, bhie! Alangan naman pumunta si Honey sa bahay ni Alcinous para mag-census!"
Humagalpak ng tawa si Remy. "Sira ka talaga, Juls! Census! Hahahaha!"
Heat surges through my neck and ears, setting them ablaze!
"Dei, dati pa naman crush na crush na talaga ni Honey iyang si Alcinous! Junior high pa kami, yataps na yataps na siya kay Alcinous!" sabi ni Remy at nilagyan niya pa ng drama ang boses!
"FYI ginagamit niya lang ang pagiging anak ng kapitan card niya para may reason siya pumunta sa bahay ni Alcinous!" ani Juls.
Anak ng kapitan? Tch!
Mariin kong pinikit ang aking mata. Naririnig pa namin ang ingay sa kabilang cottage dahil sa pagdating ni Alcinous at kami naman dito, pinag-uusapan namin ang lalaki!
"Ay, oo, bakla! Narinig ko nga na pumunta si Honey sa bahay ni Alcinous dahil utos ng ama niyang kapitan pero kalaunan nakikita na na tumutulong sa gawaing bahay si Honey. Naglalaba at nagwawalis pa!" si Remy.
We should stop this. Puro lang naman 'rinig-rinig' itong mga sinasabi ni Remy at Julito, eh. Wala silang proof! Kaso... wala namang usok kung walang apoy, di ba?
But then again! For the nth time, why I am this affected? Shit!
Tumingin ako sa paligid. "Gusto niyo bang maligo?"
"Maliligo ka na? Sige!" Gulat na wika ni Juls.
I nodded. Kaysa naman pag-usapan pa namin ang buhay ng ibang tao.
Mabilis na naghubad si Remy sa kanyang oversized t-shirt, leaving her sports bra and cycling shorts. Si Julito naman ay hinubad din ang kanyang malaking polo shirt.
Tumalikod ako at akmang maghuhubad na ako sa aking suot na top nang marinig ko ng singhapan sa likod namin.
"Pare, maraming pagkain dahil nagdala si Dei. Hindi ka na sana nagdala pa ng manok!" Ang malakas na wika ni Elvin.
Naibaba ko ang aking kamay at humarap. Doon ko nakita si Alcinous na nakatitig sa akin na para bang bitbit ko ang pagkain na sinasabi ni Elvin.
"Oh, Dei. Maliligo ka na?" si Elvin.
"Yeah, pababa na naman ang araw."
Iniwas ko ang tingin ko kay Alcinous.
May classmate namin na sumigaw mula sa dagat, maglalaro daw. Kaya naman kaagad na nagdisperse ang mga classmates namin at tumakbo tungo sa dagat.
"Dei, tara na! May laro! Sali ka!"
Tumango ako kay Remy at Juls na nangangati na ang paa na tumungo sa dagat.
"Yes, coming!"
Umirap ako kina Elvin at Alcinous. Dadaan lang sana ako sa gilid nila nang tanungin ako ni Alcinous.
"Kumain ka na?"
"Yes," plain kong sagot sa kanya.
Rinig ko ang mga sipol ni Elvin sa tabi.
Nagpatuloy lang ulit ako at tumungo sa mga classmates namin.
Dahil sa pagpilit nina Remy at Julito sa akin na sumali sa laro. Nakisabay na rin ako. Hindi ko alam kung saan galing itong lubid pero nag-tug of war kami sa dagat! Syempre, nasa kabilang grupo sina Vyjane at Rizie.
Natalo kami pero tuwang-tuwa naman kami sa pagkalunog namin sa tubig. Sunod ay nag-float race sila kaso di lahat nakakasali kaya naghabul-bahulan pa sa dagat gamit iyong isang bola na pinagpasa-pasahan. Hindi ko alam kung ano itong trip nila pero nakisali dahil kay Remy at Julito.
I’ve never laughed so hard or had this much fun in the city! Jona and Denisse wouldn’t enjoy something like this—they’d rather indulge in alcohol, flirting, and shopping than be part of this. At kung ikukwento ko sa kanila ang ginawa ko ngayon dito at ang tuwa ko. Alam kong hindi sila maniniwala. Kasi pareho kami ng hilig... dati.
I've come to realize that happiness can be found in the simplest moments, like this one. I can smile even in the face of loss, and laugh at myself even when I stumble into the water. Nakakasabay ako kay Remy at Julito.
"Hala, Dei. Okay lang ba iyang balat mo? Namumula?"
Kung hindi lang pinuna ni Juls ang aking namumulang balat. Hindi ako aahon sa dagat. Nasobra na rin yata ako sa tuwa!
"I just have allergies. May meds naman akong dala."
Nakahinga ng maluwag ang dalawa.
"S-sige, iwan ko muna kayo." Paalam ko sa kanila.
I was examining my skin on the way to our cottage when I unexpectedly collided with something solid—no, someone solid. It was a firm, unyielding body, and to my surprise, it was none other than Alcinous. He stood there in nothing but his swim trunks, effortlessly showcasing his chiseled physique and sculpted muscles that seemed carved by the gods themselves.
A flutter stirred deep in my stomach at the sight of his well-defined form, leaving me momentarily breathless and utterly captivated. Batak siya magtrabaho like what Hansel said, kaya siguro ganito kaganda ang katawan niya?
Nanliit ang mata niya sa akin.
Tumagis ang kanyang bagang.
"Anong nangyari sa balat mo?" He advances towards me and I stepped back!
"It's fine!"
"It's fine? The last time na nakita kong namula ka ay nawalan ka ng malay."
Inirapan ko siya. "Dahil iyon sa sobrang init! I'm not used to it. Ito dahil lang siguro natagalan ako sa dagat!"
Gumalaw ang panga niya. "May gamot ka ba para d'yan?"
Tumango lang ako at nilampasan ko siya. Ewan ko pero tumataas sa ang dugo ko sa ulo kapag nakikita ko si Alcinous lalo na iyong pagtawag niya sa anak ng kapitan!
Uminom ako ng gamot. Hindi na ako nakasali pa sa mga games nila sa dagat hanggang sa lumipat sila sa tabing dagat at naipisang maglaro ng volleyball! Ang boys ng STEM, section namin, at ang kanilang kalaban ay ang boys ng kabilang cottage, ang mga ABM!
Sa lahat, nangingibaw talaga si Alcinous. Siguro sa pagod ko lang ito kaya kung ano-ano na ang pumapasok sa mind ko.
"Tabi tayo, Dei!" Makulit na wika ni Juls at tumabi sa akin bago pa ako makasagot. "Maganda ang laro na ito!" Kinikilig niya pang dagdag.
"Ang yu-yummy naman ng mga players!" Eksaherada naman ni Remy sa likod namin ni Julito.
May ngiwi sa labi kong nilingon si Remy na siyang papak ang paa ng manok!
"Woo! Go, Alcinous! Go, STEM!"
Naputol ng titig ko kay Remy nang marinig ng malakas na tili at sigaw! At galing lang naman iyon kina Rizie at Vyjane!
"Hindi ito beach volleyball tournament, huh!" Sabay namang lumipad ang ulo namin ni Juls sa pinanggalingan ng isang boses. At ang mabinibining sigaw ay galing kay Honey!
Animo'y ginagawa pang trumpa ang kamay!
"Alcinous galingan mo!" sunod nitong sigaw.
Tinukso pa siya ng mga kaklase niya at mahinhin pa itong ngumiti at sinuway ang kaklase na tumutukso sa kanya.
"Oh, no girl! Not so demure move!" ani Juls sa tabi ko at nakangiwi!
Tamad akong nanood sa laro at kahit na for fun lang iyon. Ang intense pa rin ng laro. Napapaigtad pa ako sa bawat hampas at palitan nila ng spike! Iba talaga humampas ng bola ang mga lalaki! Hindi nagpipigil at hampas lang kay hampas!
Naka-tatlong set lang sila ng laro at nanalo ang aming strand! At kahit na nanalo ang strand namin. Tinakbo talaga ni Honey at Alcinous at... yumakap! Vyjane and Rizie couldn't intervene in Honey's bold move!
Ang masama ko ng mood ay mas lalo pang sumama! I rolled my eyes and stood up.
"I'll go home na." I announced.
"O-oo, sige-sige. Ingat ka, Dei!" si Julito.
"Masaya kami na nakasama ka namin ngayon, Dei! Sana sa school magkabonding tayo!" si Remy.
I quickly gathered my belongings and offered a polite, composed smile to my classmates inside the cottage. Naglilinis na sila at nililigpit na rin ang mga gamit.
Sa bahay na ako maliligo! I need to leave this place immediately, or else I will explode! I don't understand why my heart is beating so loudly that it hurts.
Pagkalabas ko ng cottage ay nilingon ko saglit ang gawi ni Alcinous na nakangiting nakikipag-usap doon sa mga lalaki.
Nagtagpo ang tingin namin pero mabilis akong tumalikod sa kanya!
"Let's go, Manong." ani ko kay Manong Cesar pagkasakay ko sa kotse.
"S-sir, ang classmate n'yo po." si Manong na siyang nagkukumahog kanina na pumasok sa kotse.
Tumingin ako sa side mirror ng kotse. It was Alcinous that was catching his breath.
"Alis na po tayo."
"Hindi ninyo bababain, sir?"
"Yes, manong, kaya tara na."
Napatikhim lang si Manong Cesar at saka binuhay ang makina ng kotse.
After ng outing ng section namin, dumistansya ako kay Alcinous. Pakiramdam ko kasi na marami ng nagbago sa akin simula nang umamin siya sa akin.
Our brief eye contact made my stomach twist. Our skin-to-skin contact (of course, it was inevitable since we were seatmates) sent an unknown electricity coursing through my body that made me shudder! Even his mere presence was already a huge deal to me! Right now, I feel like an alien to myself. I don’t know what all of this is! Everything feels new to me—foreign!
I’m just grateful that Alcinous hasn’t been bothering me at school. While I’m contemplating and analyzing this strange thing happening to my body, all I want is to stay away from him! It’s impossible since we’re classmates, but not talking to him is enough! I think...
I was writing my essay during lunch break in the canteen when I heard some loud gasps. I was with Remy and Juls. Si Hansel naman ay biglang nag-excuse. Mabilis na nagkasundo ng tatlo since madaldal silang lahat! Also, Hansel was a student leader.
"Oh my, may nililigawan ba si Handell?" Singhap ni Julito.
"M-mukhang meron, bakla! Ang laki ng bouquet at ang daming chocolates! Swerte naman!" segunda naman ni Remy.
Inilapag ko ang ballpen at saka nag-angat ng tingin.
Dahil hindi naman ganon kalaki itong canteen! Nakita ko kaagad si Handell na bitbit ang isang bouquet ng pink roses at chocolates!
My forehead furrowed in confusion as I noticed Handell leisurely strolling toward our direction.
"Hala, mukhang dito patungo!"
"Shut up, bhie!" supil ni Juls kay Remy.
"Hi, Dei!"
Suminghap sina Juls at Remy.
Kinunutan ko sa noo ko si Handell. He wore a broad, infectious smile, beaming from ear to ear, yet I found myself unable to mirror the same energy he was radiating.
"What? If you're looking for your twin. She went out—"
"I'm here for you!"
Another gasped raptured!
"For me?"
"Mmm, and this is for you." And Handell extended his arms, handling the bouquet and chocolates to me.
"E-excuse me? What is this, Handell!?" My teeth gritted.
Sumeryoso si Handell. "I want to court you, Dei."
Nalaglag ang panga ko sa kanya. Padabog akong tumayo.
Umaingay ang canteen dahil sa mga boses ng lalaki na biglang dumating kaya napatingin ako doon. Ang mga classmates ko ang dumating at nando'n rin si Alcinous! Kahit na nasa likod si Alcinous, parang nagblur sa paningin ko sina Elvin at ang malinaw lang sa mata ko ay si Alcinous! Klaro lang ngayon sa akin ang malakas na pintig ng puso ko at ang presensya ni Alcinous!
***
This story is already at chapter 14 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top