CHAPTER 10

Chapter 10


Dei's Pov

"Oh my God! Really? Did he actually say that?"

Umirap ako sa reaksyon ni Hansel matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari kahapon. Nandito ako sa room nila at kami lang dalawa rito since lunch break. May baon kami at hindi na kami pumunta sa canteen na paiba-iba ang lasa ng mga ulam. Dinaig pa ang panahon na paiba-iba ang klima.

Muli kong pinulot ang aking spoon at fork saka tinusok iyong isang hotdog at nilantakan.

"Gaga! Bakit hindi ka nagkwento sa akin kagabi! Dapat magvideo call tayo kagabi!"

Sinamaan ko ng tingin si Hansel.

"Iyan pa ba iisipin ko? Sumama ang pakiramdam ko dahil naulanan ako."

"Ay," napatakip siya sa kanyang bibig. "But anyways, anong sinabi mo sa kanya? Anong sagot mo?" Atat niyang tanong sa akin.

"Wala. It wasn’t even a question to begin with, Hansel Del Mundo, so why on earth would I bother responding?"

"Bakla ito! Dapat may sinabi ka!"

Umirap na naman ako. "Kumain ka na. Let's stop this discussion."

Hinabaan lang ako ni Hansel sa kanyang nguso. Tumahimik siya at kumain sa kanyang baon. Wala kaming tubig kaya dahan-dahan ang aking pagnguya. Ang tagal kasi ni Handell, siya ang tinext ni Hansel para bilhan kami ng tubig.

"Pero ang tapang ni Alcinous, Dei. Kahit na ganon... umamin siya sa'yo. Nagpakalalaki talaga."

Hindi ako sumabad kay Hansel.

"Ang bait ni Alcinous. He was extra caring for you. Sinundo ka, pinaypayan kasi pawisin kang tao, sinamahan sa gitna ng ulan, hindi kayo friends at malamig siya sa'yo pero deep within him. He cared for you sincerely. Masyadong mabait na lalaki si Alcinous. Parang hindi tuloy totoo ang lahat!"

Nilunok ko ang pagkaing nginunguya at nagtatagpo ang kilay na binalingan si Hansel.

"What exactly are you getting at here, Hansel?"

She shrugged her shoulders. "Wala. Ang sinasabi ko lang masyadong mabait si Alcinous tapos ikaw ang maldita mo. Wala kang ibang pinakita sa kanya na kabutihan pero nagustuhan ka niya! You're so pretty, Dei, but malaki rin ang hatak ng kamalditahan at kaartehan mo!"

"H-hey!" Suway ko kay Hansel. As much as I want to refute and counter her argument, I cannot find the right words to respond effectively. Because totoo naman lahat ng sinasabi niya.

Pero kasalanan ko ba? Kasalanan ko bang gusto ako ni Alcinous? Hindi ko naman panaginip iyong nangyari kahapon, hindi ko naman imbento iyon. Alcinous said to himself that he liked me and wouldn’t dare cross the boundaries between us.

And honestly, I’m not proud of it.

“Hansel, Dei,”

My eyes shifted from Hansel and landed on Alcinous, who was marching towards us with bottles of water in one hand and fresh milk in the other.

"Ang tagal mo naman, Dell. Muntik na ako mabilaukan dito."

Handell sat in the armchair before us.

"I didn’t see your message right away. Nasa field kami, naglalaro."

"Nang ano?" Hinablot ni Hansel ang isang bote ng Wilkins mula kay Handell.

"Soft ball," sagot naman ni Handell sa kanyang kambal. Nakangiting bumaling si Handell sa akin at binuksan muna ang bottled water bago nilapag sa harap ko.

"Thank you! How much is this?" tanong ko kay Handell.

"It's on me, Dei. At ito baka gusto mo rin." At nilapag niya naman ang isang fresh milk.

"Akin, Dell?"

Ngumingising bumaling si Handell kay Hansel. "Nothing for you, twin. Hindi ka naman mahilig sa ganyan."

Hansel's face crumpled. "Hindi mahilig pero umiinom naman."

Napairap ako sa kanilang dalawa.

"Sa'yo na lang ito, Hansel." I said and was about to hand the fresh milk to Hansel when Handell handed it to me.

"It's for you, Dei." Pigil ni Handell sa akin at saka pinanlakihan sa mata si Hansel.

"Marami sa bahay."

"Umalis ka na, Dell! Kakain pa kami." Taboy na lang ni Hansel sa kambal.

Tumawa naman si Handell.

I shook my head. Akmang babawiin ko na ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Handell nang may dumaan na mga students sa hallway. Nasa tabi lang kasi ako ng bintana kaya pansin na pansin ko sila. Idagdag pa ang ingay nila!

Mga classmates ko iyong dumaan, mukhang tapos na sa lunch nila, at sa pagtatagal ng mata ko sa labas. Biglang dumaan si Alcinous at nakaakbay sa kanya si Elvin.

And like a lightning strike, my eyes grew wider as unknown impulses raced through my veins, making my heart pound and sending chills through me while Alcinous' eyes lingered on me.

Our eyes locked, but it was Alcinous who broke the contact first, his gaze shifting upward. I followed his line of sight, only to realize that he was looking at my hand, which was beneath Handell's hand.

"Halika ka na, pare." At hinila na ni Elvin si Alcinous.

Binawi ko naman ang kamay ko na hawak ni Handell.

"Tsk." si Handell at saka tumayo.

Nang matapos kaming kumain ni Hansel ay bumalik na rin ako sa room namin.

Tinutuyo ko ang alcohol sa kamay ko nang pagpasok ko sa room ay nando'n sa upuan ko si Rizie. She was ardently talking with Alcinous, who, as always, wore his indifferent expression.

"Rizie nand'yan na si Deimos." Sabi ni Elvin kay Rizie.

Alam kong nakita ako ni Rizie pero nagkukunwari lang. Mukhang gustong-gusto na katabi si Alcinous.

"Ay, sorry. Hindi ko kasi napansin." Ang ingrata!

Tumayo si Rizie at humaplos sa balikat ni Alcinous.

"Punta ka sa Linggo, Alcinous, huh. Malapit na ang periodical exam kaya dagat muna tayo bago magsunog ng kilay." ani Rizie.

Kung kaya lang sunugin nang tingin ko ang kamay ni Rizie sa balikat ni Alcinous. Baka kanina pa sunog iyon.

Gosh! Bakit ganito? Why I hate her touching Alcinous like that? Why do I care? Porket sinabi ni Alcinous na gusto niya ako, ay nagiging ganito na ang reaksyon ko?

Oh my gosh! This is not so me!

"Titingnan ko kung wala akong trabaho." Bland namang wika ni Alcinous kay Rizie. Always naman siyang ganyan.

"Linggo naman, Alcinous."

"Oo, nga, pare. Halos lahat pupunta  saka... minsan lang naman." Pilit bi Elvin.

Tumaas ang kilay ko.

Maingay kong hinila ang aking chair at saka ko iyong inispray-an ng alcohol. Eww! Baka na-contaminate na kasi kay Rizie.

Hindi ko naman sana iyon gagawin, kaso uminit kasi bigla ang batok nang makita ko ang paghaplos ni Rizie kay Alcinous!

Does she really need to touch him? For what?!

Umawang ang labi ni Elvin nang makita ang ginawa ko. Tinaasan ko siya sa kilay kaya napailing lang ito.

Umupo ako at saka kinuha ang portable fan ko at nilakas ko ang iyon. Bigla na lang tumaas ang dugo ko sa aking ulo ah. Baka high blood na ako nito dahil sa init ng lugar! Walang aircon!

"Ang arte!" Rizie murmured under her breath.

My head quickly turned to Rizie, who was marching toward her chair! I was about to stand and grab her rebonded hair when Alcinous held my forearm.

"Huwag mo siyang intindihin."

Inis kong winaksi ang kamay ni Alcinous. Nag-aalburuto ako sa inis nang dumating si Ma'am, ang tecaher namin sa Komuniskasyon at Pananaliksik na subject. Pasalamat talaga si Rizie na dumating si Ma'am dahil hinding-hindi ako papapigil kay Alcinous.

Nagpupuyos ako sa aking damdamin habang nagl-lecture si Ma'am. Hawak ko ang fountain pen ko pero wala akong nasusulat sa notebook.

"Pare, punta ka na sa linggo. Marami tayo." Pumanting ang tenga ko sa sulsol na naman ni Elvin kay Alcinous.

Kumunot ang noo ko habang nakikinig sa kanila pero ang mata nasa board.

"Titingnan ko na nga lang, Elvin. May mga kapatid ako."

"Kaya naman ni Zayla iyon, saka hindi tayo whole day sa dagat. 1pm ang napag-usapan at kanya-kanyang pledge naman tayo sa foods. Go ka na."

"Titingnan ko."

In the end, Elvin didn't get the answer he needed from Alcinous.

"Pst! Dei!" Pabulong na tawag ni Elvin sa akin. Napapagitnaan kasi namin si Alcinous.

Tinapunan ko nang tamad na tingin si Elvin. Ngumisi siya at tumingin saglit kay Alcinous bago muling tumingin sa akin.

"Punta ka," ngumungusong saad niya.

"To where?" Pagod kong untag sa kanya.

"Sa dagat, dito lang sa Monti Alegri."

I bit my lips.

"Para naman makapag-bonding ang section natin. Ito ang unang bonding natin. Saka huwag kang mag-alala, Dei, may cottage!" Dagdag ni Elvin.

"I'll see."

Umangat ang isang sulok ng labi ni Elvin.

"Pareho naman kayo ni Alcinous eh."

"I'll tell my Lala first."

"Sige, text mo ako, ha. Para sunduin din kita sa inyo kapag hindi mo alam ang lugar." Diing wika ni Elvin.

"May driver siya, Elvin. Alam no'n ang pasikot-sikot dito sa Monti Alegri dahil tauhan ni Gov." Biglang sabad naman ni Alcinous sa amin.

Umurong-sulong ang ngisi sa labi ni Elvin.

"Wala rin naman kaso sa 'kin kung susunduin ko siya, pare. May motor ako."

"Wala kang license at delikado ang motor."

"What if ikaw na lang ang sumundo kay Deimos sa bahay ni Gov kung ganoon, pare? Tapos sabay na kayong pumunta sa dagat."

My eyes popped out at Elvin's not-so-good idea!

Biglang bumaling sa akin si Alcinous. Nanunuri at nananantya ang kanyang titig sa akin.

My stomach twisted!

"W-what?!"

"Pupunta ka?" si Alcinous l.

May narinig akong sipol at hindi ko lang alam kung saan galing.

"Sasabihin ko pa kay Lala." Mahina kong sagot kay Alcinous.

Baka ma-grounded na naman ako rito!

"Text ka sa akin."

"E-excuse me?" I exaggerated.

"Para ako na ang magtext kay Elvin na pupunta ka o hindi. Saka kung pupunta ka, magpahatid ka sa driver ninyo. Huwag kang a-angkas sa motor ni Elvin... delikado."

Laglag ang panga ko kay Alcinous. Hindi man lang ako nakapagsalita hanggang sa nag-announce si Ma'am ng konting pasulit daw!

Hindi ko na pinansin si Alcinous. Where's the boundaries that he won't dare to cross? Tch!

"Lala," ani ko kay Lala. May binabasa siya rito sa sala nang maabutan ko.

Lala closed the folder and put it aside as she offered me her lovely smile. Hmm, lovely yet cunning!

"What is it, apo?"

I sat across from her.

"Iyong mga classmates ko..." Simula ko. Tumango naman si Lala. "They invited me..."

"Saan ito, Dei?"

I swallowed. Wala naman sana akong balak na pumunta. Kaso naburyo na kasi ako rito sa bahay. Mukha na lang lagi ni Hansel ang nakikita ko. Sumasakit na mata ko sa video calls namin.

Wala akong ibang dahilan sa pagpunta kung hindi ang dagat lang! Sana maganda!

"Beach. Maliligo. May cottage naman daw po." I cannot with my demeanor! I feel so demure!

"Alam na ito ng kuya mo? Nang daddy mo?"

Umiling ako. "Ikaw lang naman ang nandito, Lala."

Lala sighed.

"Papayag ako pero magpapahatid ka sa driver natin, hah. Text me or call me when something happened. Saka huwag mong pauwuin si Cesar, hayaan mong bantayan ka niya roon."

I grimaced at Lala's words.

"Lala, I'm not a child."

"I know, Dei, but still. Aalis ka lang sa bahay kapag kasama mo si Cesar."

I have no choice but to abide by Lala's order.

I went to my room and picked up my phone to text Alcinous. I have no choice since I didn’t get Elvin’s number.

'pupunta ako tomorrow.' Text ko kay Alcinous.

Binaba ko ang aking phone at saka pumunta sa aking study table para matapos ang assignment ko sa pre-cal namin.

The next day, around one in the afternoon, I had already gotten my bag ready: sunblock, a portable fan, a towel, and clothes. My tote bag was a little bit stuffed with my things.

"Sir Dei, ito po nagluto po kami para sa dadalhin ninyo. Pinaluto po ito ni Gov para daw may madala kayo."

"Thanks, ate Klara."

"Enjoy kayo, sir."

"Ako na magbitbit nito, Klara." Si Manong Cesar naman.

Namula naman ang mukha ni Ate Klara at inabot ang eco bag kay Manong Cesar. Mmm.

Nagpaalam ulit ako sa mga kasambahay namin. Wala na kasi si Lala dahil maagang umalis sa bahay para sa kanyang work. Yeah, kahit linggo, may inaasikaso.

At hindi ko na kailangan pang utusan si Manong Cesar sa daan papunta sa beach because he knew na naman where iyon. I just told him the name of the beach, and he immediately navigated the car way there.

"Dei! Yown! Nakapunta ka!"

It seems like Elvin was the only one who was enthusiastic about my presence because when my other classmates saw me, their faces immediately turned sour.

"Manong, ibigay n'yo po ang foods sa kanya," saad ko kay Manong.

Nanlaki ang mata ni Elvin nang makita ang laman ng malaking eco bag.

"A-ang dami!"

"Here mo na lang ako bantayan, Manong. Or you can wait for me in the car."

Umiling si Manong Cesar. "Ayos na ako rito, sir. Huwag n'yo po akong intindihin."

Nakailang pasalamat si Elvin sa akin at kay Manong Cesar bago niya ako hinila sa cottage.

May nadaanan kaming magbabarkada rin yata sa naunang cottage.

Aaminin ko na. Maganda talaga ang lugar, though, walang masyadong tao sa place pero super linis ng dagat na nagkukulay blue! Super fine and white din ng buhangin!

Pagpasok namin dito kanina ay may entrance fee pero super mura lang naman.

"Guys, may dalang pagkain si Dei! Sobrang dami!" Nilapag ni Elvin ng eco bag sa mesa na may iilang pagkain.

My classmates were intrigued and looked at the eco bag on the wooden table. Elvin took the Tupperware out of the eco bag one by one, and my classmates' jaws dropped upon seeing the loads of food.

"Pasikat!"

My eyes roamed to where the voice was coming from, and I saw Rizie in the corner, with Vyjane and my other female classmates beside her.

"Hindi naman ito pasikat. May kaya lang at generous!" ani ng isang classmates namin.

"Tama, tama!"

"Upo ka na d'yan, Dei." Nguso ni Elvin sa isang bakanteng kahoy na upuan.

I craned my neck and looked around. Alcinous isn’t here! I should be thankful, but I don’t know, something inside me feels crushed.

Tch! I didn’t even think he’d come here or anything.

I expected less and worse from this outing, but it turned out well. My classmates included me in their conversations and asked me about my life in the city and my Lala, of course!

Some of the girls were giving me the cold shoulder, but I don’t care. I’m already used to it.

"Ayaw mo pa bang maligo, Dei?"

"Later," ani ko sa isang classmates ko.

"Sige, una na kami sa dagat."

Tumango ako sa kanila.

Kukunin ko na sana ang aking telepono upang kumuha ng larawan sa dagat upang maipakita ko kay Hansel at sa kanila ni Jonathan at Denisse, nang biglang umingay sa kabilang cottage!

"Oy, pare! Alcinous! Tang ina sinasabi ko na nga ba, pupunta ka rin!"

Dahil sa sigaw ni Elvin napalinga ako kung saan si Alcinous! Biglang humataw ang puso ko at halos masuka sa lakas ng tibok no'n.

Tumayo ako at doon ko nakita si Alcinous, nasa naunang cottage siya napatigil dahil pinagkaguluhan siya ng classmates namin at ibang mga kakilala niya yata na nag-occupy sa katabing cottage.

"Alcinous!"

My eyes turned away from Alcinous when I heard a scandalous yell from a girl. She had obviously just come out of the sea, and water was dripping from her body. Naka-bra at maong short shorts lang siya.

"Honey, nandito ka pala," ani Alcinous sa babae. At kung hindi ako nagkakamali, ito rin ang babaeng nakita kong sumalubong kay Alcinous no'ng first day namin!

Tch! Honey?

Gusto ko na tuloy umuwi!

***
This story is already at chapter 13 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top