CHAPTER 1

Chapter 1

Dei Pov

"From now on, doon ka na titira sa Lola Fausta mo!" Galit na saad ni Mama sa akin nang makapasok kami sa bahay.

Napalingon ako kay Papa sa aking likuran na nakasunod sa amin ni Mama. Nang tingnan ko si Papa ay nginitian niya lang ako, isang malungkot na ngiti.

Hinintay ko si Papa at nang makalapit na si Papa ay kumapit ako sa braso niya.

"Papa, hindi ka naman papayag sa sinasabi ni Mama, right? You won't let your princess live in province naman, 'di ba? Papa." Pakiusap ko kay Papa.

Napabuntong hininga si Papa at ginulo ang buhok ko. "I will try to talk to your mama when her head cools down. Ngayon, 'wag muna dahil baka ora-orada kang ipadala sa probinsiya, hmm."

Ngumuso ako at tumango kay Papa. Hinalikan ni Papa ang noo ko at pareho kaming napaigtad ni Papa nang marinig namin ang malakas na pagbagsak ng mamahaling bag ni Mama doon sa center table ng sala namin.

"Damn," mura ni Papa sa gulat.

"Ayan." turo pa ni Mama sa amin ni Papa. "Ayan, ayan na ang sinasabi ko. Kaya hindi nagtatanda ang anak mong 'yan, Phill kasi kinukonsinte mo! Kaya kahit na anong salita hindi 'yan nakikinig kasi kinukonsinte n'yo naman!"

Kinuha ni Papa ang kamay ko na nakakapit sa kanya at tinungo si Mama na nag-aalburuto na sa galit. Dinaluhan ni Papa si Mama na galit na galit na talaga sa akin.

Napanguso ako at dahan-dahan na naglakad patungo sa hagdanan dahil gusto kong takasan ang galit ni Mama ngayon. Kaso isang paa ko pa lang ang nakatapak sa hagdanan ay sinigaw na ni Mama ang pangalan ko.

"Deimos!" Pagbagsak ni Mama sa buong pangalan ko.

May ngiwi sa mukha na humarap ako kina Mama at Papa. Si Papa ay may pag-uunawa akong tiningnan saka binigyan ako ng isang tingin na palapitin doon sa kanila ni Mama. Napalunok ako nang makita ko si Mama na para na akong hahambatin sa galit niya.

Simple lang naman kasi ang ginawa ko. Kagabi may party ang isa kong friend. Syempre dahil magkaibigan kami na tunay inimbita niya ako. Kaso lang 'di pumayag si Mama kasi thru call lang ako nagpaalam kasi alangan naman nundon sila sa Gensan. Kaya ayon kahit na 'di pumayag si Mama ay pumunta pa rin ako sa party. Medyo may kasalanan din ako kasi 'di ako nagpaalam kahit man lang sana sa isang maid namin na aalis ako. Umalis ako nang tahimik at walang nakakaalam ni isa.

'Di ko naman knows na magwawarla pala ang mga kasambahay namin na nawawala daw ako at kaya ayon tinawagan nila si Mama at sa pag-aalala ni Mama napalipad sila ni Papa dito pabalik sa amin ng wala sa oras. Nalasing kasi ako kagabi sa party kaya ayon doon ako nakatulog sa bahay ng kaibigan ko, sa bahay ni Jona—Jonathan. At sumugod sina mama doon. Nakakahiya but I have faults.

"Alam mo ba kung gaano ako nag-alala nang tumawag sina Yaya na wala ka rito sa bahay at wala ka sa kwarto mo, huh, Deimos?!" Sigaw ni Mama kahit na napakalapit ko lang sa kanya. Ang center table lang ang naghihiwalay sa amin.

Nagbigay ng sign sa akin si Papa na 'wag ko nang sagutin si Mama. Kaya tahimik akong tumango at umupo na lang sa sofa namin na kulay gold. Pinagsiklop ko ang kamay ko na nasa ibabaw ng aking hita at yumuko. Tinikom ko na rin ang lips ko.

"Mahal huwag mo namang sigawan ang prinsesa natin." Pagpapalamig ni Papa sa mainit na mainit na ulo ni Mama dahil sa akin.

Aaminin kong spoiled talaga ako dito sa bahay. Oo bakla ko. Alam ni Papa, ni Mama, ng ate ko at kuya ko kung ano ako. Alam ng pamilya ko kung sino at ano ako. Wala akong nalilihim sa kanila at ililihim sa kanila. Alam nila ang tunay na kulay ng kanilang bunso. Though alam nila kung ano ako pero ,'di nabawasan ang pagmamahal ng pamilya ko sa akin. Lalong-lalo na si Papa at Kuya Thales ko. Ang kakambal naman ni Kuya na si Ate Theano ay may pagkahawig sa ugali ni Mama kaso mahal na mahal naman ako ni Ate. Siya pa nga minsan nagm-make up sa akin. Kaya rin siguro ako bading na bading ngayon dahil kay Ate Theano.

Kahit kailan ay 'di ko naramdaman na kakaiba ang turing nila sa akin kahit na bakla ako. Ni minsan 'di ko naramdaman na may kulang sa akin kasi kahit na ganito ako, pinupuno nila ako ng pagmamahal kaso lang sa pagmamahal nilang iyon ay nagpakampante ako at naging spoiled sa kanila. Well, maliban kay Mama at minsan si Ate rin pala ay pinagsasabihan ako.

Kuya and Papa always call me their princess instead of Ate Theano. Sayang nga lang dahil kung nandirito sana si Kuya baka kinausap na din noon si Mama tungkol sa biglaang desisyon ni Mama na doon ako patirahin sa bahay ni Lala Fausta sa probinsiya, sa bukid!

I cannot imagine what my life would be like in a place far from the city. A place with no nightlife. A place where I can't just leave whenever I want. Somewhere I won't be able to live extravagantly. That's where Daddy was born and molded. Oo probinsiyano ang Papa ko at na-inlove sa Mama ko na Manilena.

"Mama, I'm so sorry. I promise I won't do it again. I promise this will be the last time I leave the house without your permission and knowledge," I said, making puppy eyes.

Mommy scoffed and shook Daddy's hand off her shoulders.

"Deimos! Pang-ilang sorry mo na iyan? Pang-ilang promise mo na iyan na 'di mo na uulitin ang bagay na ginawa mo kagabi? Minor ka pa naman!"

Napatikom ulit ako sa bibig ko nang wala akong masagot. 'Di ko na kasi mabilang at matandaan kung ilan. Lumang-luma na talaga ang excuse ko na iyon. Sana pala nakaisip ako ng ibang dialogue o script na isasabi ko kay Mama.

"Mahal hayaan mo na-"

Tagpo ang kilay ni Mama na tiningala si Papa. "Ayan! 'Yan ang dahilan kung bakit 'di natuto iyang paborito mong anak, Phill. Kasi lagi mong kinokonsinti at pinagbibigyan. P'wes ngayon ako na. Ako na ang masusunod. At kapag sinabi kong doon siya Lala Fausta niya, doon siya. Doon niya ipagpapatuloy ang pag-aaral hangga't sa matuto 'yan."

Nagmukmok ako sa kwarto matapos ang bombang pinaputok ni Mama sa harap ko. 'Di na talaga mababago ang isip ni Mama, idagdag pa na doon niya ako pagpapa-aralin sa probinsiya. Si Papa ay walang nagawa doon sa desisyon ni Mama at naiintindihan ko si Papa doon.

Napaiyak na lang ako sa kwarto ko. Alam ko naman ang mga mali ko. Alam ko naman na matigas talaga ang ulo ko. Alam ko naman na sutil talaga ako pero hindi ko naman aakalain na aabot ang desisyon ni Mama sa ganito, na kakayanin niya akong itulak doon sa probinsiya ni Lala Fausta.

Hindi naman ako naiiyak dahil galit ako kay Mama. Hindi ako umiiyak dahil sa naging desisyon ni Mama. Umiiyak ako dahil hindi ko alam kung ano ang magiging buhay ko doon sa bukid. Sino na lang ang mga barkada ko doon? Mga kalabaw sa bukid ni Lala? Mga palay niya doon? Mga insekto doon sa bukid? Mga damo doon? Mga naglalakihang bundok doon? Oh my gosh! Wala akong friends doon. Dahil only son si Daddy kaya wala akong pinsan doon. Siguro kay may ilang malalayong relatives kami doon na ka-age ko but hindi ko sila ka-close kasi 'di naman ako naglalagi doon at kapag umuuwi kami sa probinsiya saglit lang.

Dahil doon ay napahagulgol ako sa iyak at napatuwad doon sa kama ko at binaon ko ang mukha ko sa unan. Saka doon sumigaw. Napatigil lang ako sa pag-iyak ko nang may narinig ako katok galing sa labas ng kwarto ko.

Napaahon ako saka inis kong pinalis ang luha ko. Umupo lang ako at 'di ko binuksan ang pintuan. Galit ko lang pinupukol ng tingin ang pintuan namin.

"Princess Dei, it's kuya Thales." Princess Dei, iyan ang tawag sa akin ni Kuya.

Nanlaki ang mata ko doon. Nakauwi na pala si Kuya. Akala ko ay sa next week sila uuwi ni Ate Theano.

May galak sa puso ko na umuwi si Kuya kasi si Kuya ay kakampi ko rin at maaaring pakiusapan niya rin si Mama. Ngunit sa kabila ng galak na naramdaman ko dahil nakauwi si Kuya ay 'di ko pa rin siya pinagbuksan ng pintuan. Malabo na kasing magbago ang isip ni Mama.

'Di ko pinagbuksan ng pintuan si Kuya pero nabuksan niya pa rin ang pintuan gamit ang susi ng buong bahay namin. Nang makita ako ni Kuya ay napabuntong-hininga siya. Pumasok si Kuya at iniwang bukas ang pintuan. Sunod naman na pumasok si Ate Theano na nakairap na ang mata sa akin. 'Di nakatakas iyon sa mata ko.

"Princess." Lumapit si Kuya sa kama ko saka siya sumamp at niyakap ako. Yumakap din ako kay Kuya at umiyak sa kanya. Hinagod ni Kuya ang likuran ko at pinaghahalikan ang ulo ko while lamenting some comforting words.

"Tsk! Bini-baby ninyo ni Papa, kuya kaya lumalaki ulo n'yan. Konting iyak lang bumibigay kaagad kayo kaya ganyan 'yan. Bagay lang na ipatira 'yan doon sa probinsiya nang matuto."

Kuya Thales scowled upon hearing Ate Theano's remark.

Napayakap ako kay Kuya at malakas na umiyak.

"Tssk! Tssk!" Si ate Theano. "What a baby."

Kumalas si Kuya sa pagkakayakap namin at pinunasan niya ang luha ko. "Shhsh! H'wag ka nang umiyak. Namumugto na ang mga mata mo." ani Kuya.

Humihikbi akong tumango pero tumutulo pa rin ang mga luha ko. Mga traydor!

"Ikaw kasi ginalit mo si Mama. Nang sinabi ni Mama na hindi pwede dapat sana ay sumunod ka na lang." Pangaral ni ate sa akin. "Tigas ng ulo, e."

Hindi ko na pinansin ang mga pinagsasabi ni Ate Theano. Tumingin ako kay kuya at hinawakan ko ang kamay ni Kuya.

"Kuya, please. Kausapin mo si Mama na h'wag ituloy ang plano niya, Kuya. Hindi ako mabubuhay doon sa bukid Kuya. You know me naman Kuya, you know how sensitive my skin is, sa mga alikabok, 'di ba? I got skin rushes because of dust."

Napatango-tango si Kuya sa akin. Sinuklay niya ang buhok ko bago nagsalita.

"Sige kakausapin namin ni Theano si Mama."

"Anong-" napatigil si Ate nang lumingon sa kanya si Kuya. "Aish! Susubukan namin, Dei, pero huwag kang umasa na mababago namin ang isipan ni Mama, okay?"

Ngumuso ako at tumango sa kanila.

"Halika na. Magd-dinner na tayo." Si kuya.

"Halika ka nga muna rito, ayusin natin 'yang mukha mo." saad ni Ate.

Gumapang ako sa aking malaking kama at papunta sa kinauupuan ni Ate Theano. Saglit na tumayo si Ate saka kumuha ng wet wipes at suklay doon sa vanity ko.

Nilapag ni Ate ang suklay saka kumuha ng wet wipes saka pinunasan ang mukha ko.

"Dapat kasi sumusunod ka kay Mama. 'Yan tuloy ginalit mo kasi. Noong nakaraang b'wan nalasing ka sa bar. Alam mo naman na minor ka pa. Tsk! Sinundan mo pa noong nakipag-away ka sa mall dahil lang sa isang shorts at na-banned ka pa tuloy sa mall. Nasagad mo na talaga ang pasensya ni Mama, Dei." ani Ate habang pinupunasan ang mukha ko. Pagkatapos niya akong punasan ay sinuklay niya naman ang buhok ko. Hindi naman iyon mahaba at nanatiling panlalaki ang gupit ng buhok ko pero gustong-gusto ni ate na sinusuklay ang buhok ko.

Hindi na ako nakapagsalita doon. Tama rin naman kasi si Ate sa lahat ng sinabi niya. Talagang nasagad ko ngayon si Mama pero sobra naman ata na doon na niya ako pa-aaralin sa probinsiya.

"Ate 'di ko kaya doon sa bukid." Napabulong ako habang suklay si Ate nang suklay sa buhok ko.

"I'm also worried that we might find Mama's mind unchanged. I'm worried about you because I know how clumsy and feeble you are. You're also very sensitive, especially with your skin. But Kuya and I will try to talk to Mama, okay?"

Kahit na rini-realtalk ako ni Ate mahina rin talaga siya sa akin. May pagka-pusong mamon talaga si Ate sa akin kahit na sinusungitan niya ako. Ako kasi ang Barbie niya dito sa bahay namin. Niyakap nila ako ni Kuya saka bumaba na kami.

Pagdating sa aming dining ay nandun na si Mama na pangiti-ngiti na kay Papa. Medyo gumaan ang dibdib ko doon dahil mahimas-masan na si Mama.

"Oh! Andyan na pala kayo magsi-upo na kayo at nang makakain na." Saad ni Mama.

Naging tahimik ang buong minuto na kumakain kami. Nang matapos at siniserve na ang aming dessert ay aalis na sana si Mama at Papa nang magsalita ng sabay si Kuya at Ate.

"Mama." Sabay na wika nina Ate Theano at Kuya Thales.

Tumaas ang kilay ni Mama. "Ano? Sabay pa talaga kayong nagsalita, huh."

"Mama seryoso ka ba talaga na papatirahin mo si Dei sa probinsiya 'ma?" Si ate.

Umupo ng maayos si Mama at biglang napalitan ng pagkaseryoso ang mukha.

"Seryoso ako doon, Theano." Sagot ni mama.

Namuo ang luha ko habang maliit na kumakagat sa apple na hawak ko. Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang luha ko sa pag-agos.

Napailing si Kuya. "Mama hindi sanay si Dei sa bukid. Sensetive siya, 'ma. Tapos pag-aaralin mo siya doon? 'Ma mas mabuti na dito—"

"My decision is final and unmovable. Regardless of what you say, my mind won't change. Sinabi ko nang doon siya sa Lala ninyo at 'di na iyon magbabago. Magtulungan pa kayong tatlo, 'di na magbabago ang isip ko. At sinabi mong sensetive ang kapatid mo, Thales? Malamang dahil simula pa lang pagkabata ni Dei ay 'di na 'yan dinadapuan ng alikabok at 'di nga iyan pinapahawakan ng kung sino-sino lang at kulong sa bahay. Kaya hindi siya nasanay. Mas mabuti doon sa bukid masasanay 'yan doon. Malalaman niya kung saan at paano nabuhay ang Papa ninyo doon sa bukid. At para na rin malaman niya kung gaano kahirap maghanap ng pera na winawaldas niya sa mga kapritso niya araw-araw."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top