Chapter #60 Final
Prom Day
Habang inaayos ni Shana Michaela ang buhok niya pumasok sa kwarto niya ang kanyang kuya at umupo ito sa kama.
Shawn Michaels: Ang ganda naman ng kapatid ko ngayong gabi ( nakangiting sabi nito )
Shana Michaela: Salamat Kuya ( Sabi nito habang nakatingin sa salamin )
Shawn Michaels: Tiyak ako matutulala si Mikey kapag nakita ka niya mamaya
Shana Michaela: Matutulala talaga hindi ba pwedeng magandahan na lang siya sa akin ( natatawang sabi nito )
Shawn Michaels: ( Napailing na lang ito ) Kwentohan mo ako ng mangyayari sa Prom pag uwi mo
Shana Michaela: Oo naman ikaw lang naman ang pinagkwekwentuhan ko ng lahat ng nang yayari sa akin ( nakangiting sabi nito )
Shawn Michaels: Pano mauna na ako may pupuntahan pa kami ni Papa ngayon
Tumango si Shana Michaela bilang sagot nito at kinuha niya ang kanyang cellphone dahil tumunog ito.
Napangiti na lang siya ng mabasa ang message sa cellphone nya.
Shana Michaela: Excited na ako sa mangyayari ngayong gabi ( masayang sabi nito )
May kumatok naman sa kanyang pinto at agad niyang binuksan ang pinto.
Mrs.Hickenbottom: Wow ang ganda ganda mo naman ngayon ( Masayang sabi nito )
Shana Michaela: Salamat Mama ( Nakangiting sabi niya sa nanay niya )
Mrs.Hickenbottom: Andyan na si Mikey iniintay ka na nya
Shana Michaela: Talaga po ( Excited na sabi nito )
Tumango na lang si Mrs.Hickenbottom bilang sagot nito kay Shana Michaela.
Salas
Shawn Michaels: Mikey ikaw na ang bahala sa kapatid ko ngayong gabi ingatan mo yan
Mikey Way: Opo ako na po ang bahala sa kanya ngayong gabi promise po ibabalik ko siya ng maayos dito
Shawn Michaels: May tiwala naman ako sayo ( Tumingin ito sa hagdan ) Oh ayan na pala ang maganda kong kapatid
Natulala na lang si Mikey ng makita si Shana Michaela na bumababa sa hagdanan na nakasuot ng Skyblue gown with white gloves, dark blue 3 inch heels at black handbag.
Shawn Michaels: Sabi ko na nga ba matutulala siya sa sayo
Shana Michaela: ( Napailing na lang ito ) Mikey Okay ka lang ba dyan ?
Mikey Way: ( Nabalik ito sa ulirat niya ) Huh !! O-Oo okay lang ako ang ganda ganda mo
Shana Michaela: ( Napangiti na lang ito at nag blush ) Salamat ikaw din naman ang gwapo gwapo mo ngayong gabi
Mikey Way: Salamat ( Nakangiting sabi niya ) Tara na baka mamaya iniitay na tayo ng mga kaibigan natin sabi ni Kuya Gerard andoon na daw sila ni Frank si Ray naman daw papunta na kasama yung date nya
Shana Michaela: Kung ganun tara na excited na akong makita ang mga kaibigan natin ( masayang sabi nito )
Nag paalam na silang dalawa at umalis na sila.
School
Magkatabing nakaupo si Gerard at Frank habang si Ray naman busy sa cellphone niya.
Gerard Way: Ray ano papunta na daw ba sina Mikey ?
Ray Toro: ( Tumingin ito kay Gerard ) Oo papunta na sila dito ( Binalik ang tingin niya sa cellphone nya )
Gerard Way: Ano ba kasi yang pinag kakaabalahan mo ?
Frank Iero: Oo nga kanina ka pa busy dyan sa cellphone mo
Ray Toro: Wala ito kanina ko pa kasi katext si Bob kaya busy ako dito
Frank Iero: Bakit ano bang pinag uusapan ninyo at busy ka dyan siguro chicks yan no ( Pang aasar nito kay Ray )
Ray Toro: Sira ka hindi tungkol sa chicks ang pinag uusapan namin ni Bob. Gerard pag sabihan mo nga yang si Frank ( Pang aasar nito )
Gerard Way: Hay naku Frank tumigil ka na nga dyan kung ayaw mong gawin kong manok yang mukha mo dyan ( Mataray na sabi nito )
Frank Iero: Oo na mananahimik na ito kasing si Ray ayaw sabihin yung usapan nila ni Bob
Ray Toro: Basta mamaya malalaman nyo din itong pinag uusapan namin
Bigla naman nag salita si Shana Michaela sa likod nila.
Shana Michaela: Oy ano yang pinag uusapan ninyo ?
Pag tingin naman ng tatlo sa likod nila natulala sila kay Shana Michaela.
Frank Iero: Wow ang ganda mo naman
Gerard Way: Ikaw ba talaga yan Shana Michaela ?
Ray Toro: Naku Mikey ingatan mo yang kadate mo tiyak madaming pipila dyan para maisayaw yan
Mikey Way: ( Napailing na lang ito )
Shana Michaela: Tama na nga yung pangbobola nyo sa akin buti pa mag enjoy na lang tayo dito ngayong gabi
Mikey Way: Buti pa nga
Nag umpisa na silang mag enjoy sa party na yun.
Makaraan ang isang oras ay lumapit si Miz kay Shana Michaela.
Miz: Ang ganda mo naman Shana Michaela
Shana Michaela: Thanks ( Nakangiting sabi nito )
Miz: Nga pala may nag hahanap sayo sa rooftop
Shana Michaela: Huh!! Sino naman yun ? ( Nag tatakang tanong nito )
Miz: Basta buti pa tara na sa Rooftop promise wala akong gagawing masama sasamahan lang kita
Neville: Wag mo naman sanang pag isipan ng masama si Miz promise hindi kami maninira ng masayang gabi ninyo ni Mikey
Baron Corbin: Tama si Neville doon
Shana Michaela: Okay fine sasama na ako sa inyo pero tiyakin nyo lang na wala kayong gagawing masama
Miz,Neville,Baron Corbin: Promise ( Sabay sabay nilang sabi )
Sumama si Shana Michaela kay Miz at pumunta na silang dalawa sa Rooftop.
Mag kakasama naman na nakaupo si Mikey,Frank at Gerard. Habang nakaupo at nag lalambingan si Gerard at Frank bigla naman na lumapit sa kanila si Ray.
Ray Toro: Mikey si Shana Michaela kasama ni Miz papunta sila ng Rooftop ngayon baka kung ano nanaman ang gawin ni Miz kay Shana Michaela
Mikey Way: ( Nanlaki ang mata nito ) ANO ??
Ray Toro: Mikey puntahan na natin siya doon
Mikey Way: Tara na Oy Kuya Gerard Frank mamaya na yang lambingan nyo samahan nyo kami doon
Wala naman nagawa si Frank at Gerard kaya sinamahan na nila si Mikey at Ray sa Rooftop.
Rooftop
Pag dating nila sa rooftop nakita nilang maganda ang ayos nito.
Gerard Way: Wow ang ganda naman ng pag kakaayos dito
Frank Iero: Tama ka dyan Gerard mukhang iba ang pakiramdam ko dito
Agad na pinuntahan ni Mikey si Shana Michaela ng makita niya ito at inakap.
Mikey Way: Okay ka lang ba ? May ginawa ba sayong hindi maganda si Miz ? ( Nag aalalang tanong nito )
Shana Michaela: ( Bumitaw ito sa pag kakaakap ni Mikey ) Okay lang naman ako wala ding ginawang masama si Miz sa akin ( Nakangiting sabi nito )
Nag salita naman si Miz na nasa tabi ni Bob.
Miz: Grave ka naman Mikey narinig mo lang ang pangalan ko feeling mo gagawan ko agad ng masama si Shana Michaela. Hindi ba pwedeng bumawi ako sa inyong dalawa sa lahat ng ginawa kong masama
Bob Bryar: Mikey hindi naman siguro masamang tulungan ako ni Miz na ayusin itong munting surpresa namin sa inyong dalawa
Mikey Way: Teka ano bang nangyayari dito ?
Ray Toro: Nag plano kasi kami ni Bob na gawing special itong Prom day para sa inyong dawala
Gerard Way: So ibig sabihin ito yung pinag kakaabalahan mo kanina pa
Frank Iero: Kaya pala hindi mo maiwan ang cellphone mo kanina dahil dito
Ray Toro: ( Napangiti na lang ito ) Pano mag party na tayo dito
Miz: Sige na mag enjoy kayo dito walang sasaway sa inyo dito babalikan ko na yung mga kaibigan ko
Aalis na sana si Miz ng mag salita si Mikey
Mikey Way: Miz salamat
Miz: Wala yun enjoy the night
Umalis na si Miz at naiwan na lang sina Ray,Bob,Mikey,Frank,Gerard at Shana Michaela.
Ray Toro: Tara na mag enjoy na tayo
Nag saya silang mag kakaibigan sa Rooftop at maya maya lang nag patugtog ng love song si Bob.
Isinaway naman ni Frank si Gerard at sinayaw naman ni Mikey si Shana Michaela.
Habang isinasayaw ni Mikey si Shana Michaela.
Mikey Way: Kahit na hindi pa kita girlfriend masaya ako na kasama kita at handa parin akong naman akong mag intay sayo
Shana Michaela: Mikey hindi mo na kailangan mag intay dahil ngayong gabi na ang pinaka iintay mo
Mikey Way: Anong ibig mong sabihin ?
Shana Michaela: Dahil ngayong gabi tayong dalawa na ikaw na ang boyfriend ko ( Masayang sabi nito )
Mikey Way: Talaga ? ( Masayang tanong nito )
Shana Michaela: ( Tumango ito )
Hinalikan sa labi ni Mikey si Shana Michaela at ganun din naman si Shana Michaela.
Mikey Way: Shana Michaela Salamat sa pag dating mo sa buhay ko
Shana Michaela: Alam mo kung bakit ako pinanganak sa mundong ito ?
Mikey Way: Bakit ?
Shana Michaela: Because I was born to make you happy
Mikey Way: ( Napangiti na lang ito ) I love you Shana Michaela
Shana Michaela: I love you too Mikey Way ( Nakangiting sabi nito )
💞 THE END 💞
-----------------------------------------------------------
A/N:
Sana nagustohan nyo po ang Ending ng story na ito ^_^ Dedicated po ang chapter na ito kay MCRsweetrevenge
Salamat po sa lahat ng sumuporta at nag basa nito hanggang sa huli sobrang napasaya nyo po ako sa mga comment at vote nyo sa story na ito.
Sana suportahan nyo din ang iba ko pang story ^_^
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top