Chapter #53
Bob Bryar: Nasa isang bahay si Shana Michaela pero maraming bantay ang bahay na yun
Mikey Way: Bahay ? ( Naguguluhang tanong nito )
Gerard Way: Madaming bantay ? ( Nagtatakang tanong nito )
Frank Iero: Bakit artista ba siya kaya madaming bantay doon sa bahay kung asan siya ?
Napatingin naman ng masama si Mikey at Bob kay Frank.
Frank Iero: Oh bakit kayo ganyan makatingin ? ( nakangising tanong nito )
Mikey Way: Frank naman alam mo naman na hindi siya artista
Bob Bryar: Oo nga at siya yung tipo ng mayaman na ayaw na may bodyguard o kung anong mag babantay sa kanya. Kaya ano yang pinag sasabi mo ? ( Nakakunot noong sabi nito )
Frank Iero: Sabi mo kasi kanina madaming nag babantay doon sa bahay kaya yun ang naisip ko
Ray Toro: Ikaw talaga Frank puro ka kalokohan
Gerard Way: Oo nga bakit ba naman kasi yan ang naisip mo ? ( Nakataas ang kilay )
Frank Iero: ( Napangiti na lang ito ) Pano naman kasi sabi ni Bob madaming bantay kaya yun ang naisip ko
Napailing na lang si Ray,Gerard,Mikey at Bob dahil sa sinabi ni Frank.
Bob Bryar: Buti pa ikwekwento ko na lang ang nakita ko nung gabi bago napunta sa bahay na yun si Shana Michaela
Mikey Way: Buti pa nga para naman malaman namin ang nangyari nung gabi na yun
Bob Bryar: Napadaan ako sa lugar na malapit sa isang park nung gabing yun dapat kasi pupuntahan ko si Shana Michaela sa bahay nila para kamustahin siya. Habang nag lalakad ako nakita kong may humintong sasakyan sa harap ni Shana Michaela at may bumabang tatlong lalaki na nakatakip ang mukha. Lumaban si Shana Michaela sa mga lalaki pero hindi niya kinaya kaya siya nakuha ng mga yun. Sinundan ko kung saan nila dinala si Shana Michaela pero dahil nga sa madami ang bantay ng bahay na yun hindi ko siya nagawang iligtas
Gerard Way: Teka bakit mo pala dadalawin si Shana Michaela ? Ano ba ang relasyon mo sa kanya ?
Bob Bryar: Dati nya akong kaibigan at manliligaw lumayo ako kay Shana Michaela nung binusted niya ako bago siya lumipat ng bahay. Ngayon lang ulit ako nag kalakas ng loob na dalawin siya ulit
Ray Toro: Alam na din niyang si Mikey ang maswerteng nagustohan ni Shana Michaela
Frank Iero: Buti naman alam na niya yan dahil mahirap na kung may makaka agaw pa si Mikey kay Shana Michaela
Bob Bryar: Wag kayong mag alala hindi ko siya gustong makita dahil sa kukulitin ko siya. Andito ako bilang kaibigan niya
Frank Iero,Gerard Way: Good ( Sabay na sabi nito )
Mikey Way: ( Napaisip ito ng malalim ) Ray, Gerard, Frank kung hindi grupo ni Miz ang may pakana nito sino naman ang gagawa nito kay Shana Michaela ?
Napaisip naman ang tatlo sa sinabi ni Mikey.
Bob Bryar: Naisip ko lang na baka alam ng mga tao na yun na mayaman si Shana Michaela kaya kinidnap siya at huhuthutan ang pamilya ni Shana Michaela
Frank Iero: May punto ka doon pero may isa pa akong naiisip na pwedeng gumawa nito ( Tumingin ito kay Gerard )
Gerard Way: Frank wag mong sabihing si ----
Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil bigla namang bumalik sa alaala niya ang narinig niyang usapan ng Nanay at Tatay niya nung gabing nalaman ni Mikey ang totoo.
Mikey Way: Kuya Gerard may alam ka ba ?
Gerard Way: Hindi ako sigurado pero ----
Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil sa tumunog ang cellphone niya nang tignan niya kung sino ang tumatawag nakita niya ang number ng tatay niya kaya naman sinagot niya ang tawag.
Inutusan naman si Gerard ni Mr.Way na kausap niya sa cellphone na speaker phone para marinig daw ni Mikey ang sasabihin niya. Ginawa naman ni Gerard ang inuutos ng kanyang tatay.
Mikey Way: Ano po ba ang kailangan mo sa akin ?
Mr.Way: Isa lang naman ngayong alam mo na ang totoo gusto kong pumunta ka kay Madam Nellie ang tunay mong lola at sabihin mong hindi ka sasama sa kanya at wag niya akong aalisin sa kompanya
Gerard Way: Papa tama na po yan hayaan mo na lang po na sumama si Mikey sa tunay na pamilya niya
Mr.Way: Gerard tanga ka ba hindi ko sasayangin ang lahat ng pinaghirapan ko. Isa pa pala Mikey sabihin mo din kay Madam Nellie na iurong niya ang demanda sa akin tungkol sa pag kamatay ng kapatid ko at ng anak niya
Mikey Way: Bakit ko naman gagawin na sabihin sa kanya yun ? Maganda nga na pag bayaran mo ang kasalanan mo. Dahil ikaw ang pumatay sa sarili mong kapatid at sa tunay kong nanay ( Galit na sabi nito )
Nagulat naman si Frank,Ray,Bob at Gerard sa sinabi ni Mikey.
Mr.Way: Wala kang ibedensya sa mga sinasabi mo Mikey
Mikey Way: Wala mismong si Mr.Cesar na ang nag sabi sa akin ng katotohanan kaya dapat lang na maparusahan ka ( Galit na sabi nito )
Mr.Way: Kung ganun hindi talaga mapag kakatiwalaan ang lalaking yun. Pero kung ayaw mong gawin ang gusto ko mag paalam ka na lang sa pinakamamahal mong babae si Shana Michaela
Nagulat naman ang lima ng marinig nila ang pangalan ni Shana Michaela.
Gerard Way: Papa anong gagawin mo kay Shana Michaela ? ( Mataas na tonong tanong nito )
Mikey Way: Wag na wag mong sasaktan si Shana Michaela ( Galit na sabi niya habang nakatiklop ang kamao )
Mr.Way: Kung ganun sundin mo ang gusto ko para mabalik ng buhay ang babaeng pinaka mamahal mo
Inend call na ni Mr.Way ang tawag. Napaisip naman ang lima kung ano ang pwede nilang gawin para tulungan si Shana Michaela.
Bob Bryar: May naisip akong paraan ( Tinuro si Gerard at Frank ) Kayong dalawa pumunta kayo kay Madam Nellie at ipaalam ninyo ang tungkol dito
Gerard Way: Bakit ano bang plano mo ?
Frank Iero: Oo nga
Bob Bryar: Pag napaalam na ninyo kay Madam Nellie ang tungkol dito mag papunta kayo ng pulis sa lugar na yun. Kami naman ni Ray at Mikey ang pupunta sa lugar na yun para isave si Shana Michaela
Ray Toro: Mukhang maganda yang plano mo Bob
Mikey Way: Mahalagang mailigtas natin si Shana Michaela
Frank Iero: Kaya dapat kumilos na tayo gawin na natin ang plano ni Bob
Gerard Way: Tama ka dyan Frank tara na sa bahay ni Madam Nellie. ( Tumingin ito kay Mikey ) Mikey mag iingat ka
Mikey Way: ( Tumango ito bilang sagot )
Pumunta na sila Gerard at Frank sa bahay ni Madam Nellie. Naiwan naman sina Mikey Ray at Bob para pag planuhan ang pag sasave kay Shana Michaela.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top