Chapter #45

Shana Michaela: ( Ngumiti ito kay Frank )

Ray Toro: Totoo ba yung nakita namin ni Mikey ?

Mikey Way: Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kanina

Shana Michaela: Maniwala kayo sa nakita ninyo kasi totoo yun ( nakangiting sabi nito )

Gerard Way: Bakit ka ba kasi andito ? ( Mataray na tanong nito kay Shana Michaela )

Shana Michaela: Wala boring sa bahay kaya pumunta ako dito

Mikey Way: Pano mo naman nalaman itong bahay namin ?

Shana Michaela: Tinanong ko kay Ray sa message kanina lang

Mikey Way: Kaya pala habang kausap ko siya busy din siya sa cellphone niya

Frank Iero: ( Bigla naman na may naisip si Frank ) Guys may naisip ako

Gerard Way: ( Tumingin ito kay Frank ) Ano naman yun ?

Frank Iero: Laro tayo ng Truth Or Dare ( Nakangising sabi nito )

Shana Michaela: Ay masaya yan game ako dyan

Ray Toro: Okay din sa akin yan wala naman tayong gagawin ngayon

Gerard Way: Okay din sa akin yan para makabawi din kami ni Frank kay Shana Michaela

Shana Michaela: ( Natawa ito sa sinabi ni Gerard ) Sana nga makabawi kayo sa akin ( Pang aasar nito kay Gerard )

Mikey Way: Umpisahan na natin yang truth or dare game na yan

Kumuha si Gerard ng boteng pwede nilang gamitin sa pag lalaro ng truth or dare.

Unang nag paikot ng bote ay si Shana Michaela at huminto naman kay Frank ang bote.

Shana Michaela: Frank Truth Or Dare

Frank Iero: ( Nag isip ito sandali ) Truth

Shana Michaela: Okay ang tanong ko sayo may lihim na relasyon ba kayo ni Gerard ?

Nanlaki ang mata ni Gerard at Frank sa tanong ni Shana Michaela.

Gerard Way: Shana Michaela ano bang klaseng tanong yan ?

Shana Michaela: Gerard Okay lang naman niyang sagutin yung tanong na yun wala naman yung parents ninyo dito ngayon. Isa pa kami lang naman ang makakalam nito ( nakangiting sabi nito )

Mikey Way: Teka nga Shana Michaela bakit ganyan yung tanong mo kay Frank ?

Shana Michaela: ( Ngumiti lang ito kay Mikey )

Frank Iero: ( Huminga ito ng malalim ) Hindi ko na ata dapat pinili yung truth pero sasagutin ko yung tanong mo Shana Michaela ng totoo. Oo may lihim kaming relasyon ni Gerard

Nagulat naman si Mikey sa narinig niyang sagot ni Frank.

Mikey Way: ANO ? ( Gulat na tanong nito ) Kuya Gerard kelan pa yan ?

Gerard Way: A-no ka-si ( utal na sabi nito ) Ga-ni-to ka-si ya-n ( Tumingin ito kay Frank )

Frank Iero: Naging kami ni Gerard 2 months pag katapos namin mag break ni Maryse. Teka nga tapos ko na sagutin ang tanong ni Shana Michaela mamaya na yung ibang tanong ninyo.

Napangiti na lang sila sa sinabi ni Frank. Si Frank naman ang nag paikot ng bote at tumapat naman ito kay Ray.

Frank Iero: Truth Or Dare Ray

Ray Toro: Truth

Frank Iero: Ikaw ba ang nagsabi kay Shana Michaela ng tungkol sa amin ni Gerard ?

Ray Toro: ( Natawa naman ito sa tanong ni Frank ) Oo ako yun dahil wala naman ibang nakaka alam nun kundi ako lang

Gerard Way: ( Binato ng unan si Ray ) Ang daldal mo talaga Ray

Ray Toro: ( Sinalo yung unan na binato ni Gerard sa kanya ) Wala naman masama kung malaman ni Shana Michaela at Mikey ang tungkol sa inyong dalawa ni Frank

Mikey Way: Oo nga Kuya Gerard akala ko ba wala kang itatagong secret sa akin ang daya mo

Gerard Way: Natatakot lang akong malaman ng iba ito kasi alam mo naman yung mga ibang tao kala mo perpekto

Shana Michaela: Pero Gerard masaya nga ako para sa inyong dalawa ni Frank

Mikey Way: Hindi rin naman kita ikakahiya na kuya kita kahit malaman kong kayo ni Frank

Ray Toro: Tignan mo Gerard hindi sila tulad ng iba na magagalit o mandidiri sa inyo ni Frank

Frank Iero: Pero madaldal ka pa din Ray

Ngumiti na lang si Ray at pinaikot na ang bote huminto naman ito kay Gerard.

Ray Toro: Truth Or Dare

Gerard Way: Para maiba naman Dare

Ray Toro: Naku ayaw mo lang matanong tungkol sa inyo ni Frank pero sige ( Lumapit ito kay Frank at may binulong )

Frank Iero: ( Ngumiti naman ito at tumango bilang sagot sa binulong ni Ray )

Ray Toro: Gerard halikan mo sa labi si Shana Michaela ( Tumingin naman ito kay Mikey na halatang medyo hindi gusto ang pinapagawa niya kay Gerard )

Shana Michaela: Hala bakit ako ? ( Gulat na tanong nito kay Ray )

Ray Toro: Wala trip ko lang isa pa game lang naman ito

Shana Michaela: Humanda ka sa aking kulot ka mamaya ( pang aasar nito kay Ray )

Gerard Way: ( Tumingin naman ito kay Frank )

Frank Iero: ( Tumango ito bilang sagot na okay lang sa kanya )

Lumapit ito kay Shana Michaela at unti unting nilapit ni Gerard ang mukha niya sa mukha ni Shana Michaela ng sobrang lapit na ang mukha niya bigla naman nag salita si Mikey kaya napatingin siya kay Mikey.

Mikey Way: Guys punta lang ako sandali sa kitchen ( Tumayo agad ito at pumunta sa kitchen )

Nagkatinginan naman si Ray at Frank at napangiti. Nagtataka naman si Shana Michaela sa tinginan ni Ray at Frank. Si Gerard naman sumunod kay Mikey sa kitchen.

Kitchen

Gerard Way: Mikey bakit ka umalis ?

Mikey Way: Ayoko ko lang na makita yung pinapagawa sayo ni Ray

Gerard Way: ( Natawa ito ) Mikey game lang naman yun

Mikey Way: Alam ko pero ewan ko ayoko lang makita yun dahil alam mo naman na gusto ko si Shana Michaela tapos makikita ko na hahalikan mo siya

Bigla naman nagsalita si Frank na nakasandal sa pinto ng kitchen. Katabi naman ni Frank si Ray na nakatayo din sa entrance ng kitchen.

Frank Iero: Bakit kasi hindi mo pa sabihin kay Shana Michaela ang totoo mong nararamdaman sa kanya ng hindi ka nagkakaganyan

Mikey Way: Dahil alam kong hindi naman niya ako mahal ng higit sa kaibigan ( Nakayukong sabi nito )

Shana Michaela: Bakit sino naman ang nag sabi sayo nyan ? ( Nakatayo ito sa likod ni Frank at Ray )

Mikey Way: ( Bigla naman siyang napatingin kay Shana Michaela ng marinig niya ang boses nito ) Kanina ka pa ba nan dyan ?

Shana Michaela: ( Tumango ito ) Tinatago lang ako ni Ray at Frank sa likod nila

Mikey Way: ( Bigla itong kinabahan ) Ibig sabihin narinig mo yung sinabi ko ?

Shana Michaela: Oo naman na kaya ka pumunta dito dahil sa ayaw mong makita yung gagawin na dare ni Gerard kasi gusto mo ako ng higit sa kaibigan

Gerard Way: Mikey tingin ko ito na yung tamang panahon para sabihin mo sa kanya

Frank Iero: Oo nga alam na din naman niya

Halos sobrang kaba ang nararamdaman ni Mikey sa mga oras na yun dahil alam na ni Shana Michaela ang totoong nararamdaman niya para dito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top