Chapter #44
Makalipas ang kanilang Semester Break. Balik nanaman sila sa school.
Rooftop
Nakaupo si Mikey sa paborito niyang pwesto. Habang nakaupo naman siya ay tumabi sa kanya si Shana Michaela.
Shana Michaela: Namiss ko ng lugar na ito
Mikey Way: Bakit naman ?
Shana Michaela: Ang tagal na din kasi nating hindi nakakatambay dito
Mikey Way: Tama ka dyan. Nga pala anong balak mo tungkol sa pag papanggap natin ?
Shana Michaela: Wala tutuloy lang natin yung pag papanggap. Ayoko din naman na maging future husband si Miz. Buti pa sana kung ikaw yun okay lang sa akin
Mikey Way: ( Napatingin naman ito kay Shana Michaela dahil sa huling sinabi nito ) Tama ba yung narinig ko ayos lang sayo kung ako ?
Shana Michaela: ( Napangiti na lang ito ) Hindi ko uulitin kung ano yung sinabi ko ( Tumayo na ito sa pag kakaupo ) Tara na pasok na tayo sa classroom mamaya malate pa tayo
Hindi na sumagot si Mikey tumayo na ito. Nang makapasok na silang dalawa nagulat naman sila sa pag salubong ni Sasha Banks at Becky Lynch sa kanilang dalawa.
Sasha Banks: Shana Michaela bakit hindi mo sinabi sa amin na kayo na ni Mikey
Becky Lynch: Oo nga ikaw ha nag lilihim ka na sa aming dalawa ni Shasha
Shana Michaela: Huh!! Pano nyo nalaman yun ?
Miz: ( Biglang sumingit ito sa usapan at umakbay kay Mikey ) Ako ang nag sabi sa kanila Shana Michaela ( Tumingin ito kay Mikey ) Mukhang natalo mo ako ngayon Mikey
Mikey Way: ( Inalis ang pag kakaakbay sa kanya ni Miz ) Ano nanaman bang pakulo ito Miz ?
Miz: Wala naman nakwento ko lang naman sa kanila na kayo na ni Shana Michaela hindi naman siguro masama yun. Bakit hindi ba totoong kayong dalawa na ?
Shana Michaela: Miz pwede ba tumigil ka na nga hindi masama na sinabi mo sa kanila dahil yun naman ang totoo
Becky Lynch: Wow naman masaya ako para sa inyong dalawa ni Mikey
Sasha Banks: Ako din natutuwa ako na kayong dalawa na dahil halata naman sa inyo na gusto nyo ang isat isa simula nung maging mag kaibigan kayo
Mikey Way,Shana Michaela: ( Napangiti na lang sila sa sinabi ni Sasha at Becky )
Maya maya dumating na din ang kanilang guro at makalipas naman ng ilang oras ay dumating na ang oras ng uwian.
Hallway
Habang nag lalakad si Gerard hinarang naman siya ni Neville,Corbin at Miz.
Miz: Gerard wala ata yung dalawang kaibigan mo ?
Gerard Way: Ano ba ang kailangan ninyo sa akin ? ( Inis na sabi nito )
Miz: Gusto ko lang gantihan ka ( Nag smirk ito ) Dahil hindi mo nagawa yung pinapagawa ko sayo
Pumunta sa likod ni Gerard si Neville at Corbin at hinawakan si Gerard para hindi ito makaalis at makalaban kay Miz.
Gerard Way: Bitawan niyo ako ( Inis na sabi nito habang pinipilit makaalis sa pag kakahawak sa kanya ni Neville at Corbin )
Miz: ( Sinapak niya sa mukha ng malakas si Gerard at sinipa naman niya ang tiyan nito )
Gerard Way: ( Dahil sa natamo niyang sapak at sipa napaupo ito at naubo )
Miz: Patikim pa lang yan Gerard bibigyan kita ng isa pang pag kakataon kailangan magawa mo na yun kung hindi sasabihin ko na talaga kay Mikey ang totoo
Gerard Way: Hindi na ako natatakot na sabihin mo yun kay Mikey
Miz: Talaga ( Tumawa ito ng malakas ) Hindi mo alam ang tunay na ginawa ng Papa mo sa kapatid niya. Sabihin na lang nating sinadya ang aksidente na nangyari sa magulang ni Mikey. Alam mo ba yun ?
Gerard Way: Ano ba yang pinag sasabi mo ? Hindi na ako natatakot sayo dahil alam kong gawa gawa mo lang yan kung ano man yang sinasabi mo
Mag sasalita na sana si Miz ng may humawak sa balikat niya kaya napaharap siya sa likuran niya. Pag harap niya sa likuran niya ay nakatikim siya ng isang malakas na sapak sa mukha.
Miz: ( Napaupo naman ito at napahawak sa pisngi niya ) Ang lakas din naman ng loob mong sapakin ako Frank
Frank Iero: Hindi lang yan ang aabutin mo kapag hindi ninyo nilubayan si Gerard ( Galit na nakatingin kay Miz )
Ray Toro: Hindi na kami natatakot sa inyo ngayon
Mikey Way: Kung dati hindi ako lumalaban sayo ngayon hindi na ako papayag na bulihin mo ako o ang kuya at mga kaibigan ko
Neville: Ang tapang mo naman ata Mikey ( Maangas na sabi nito )
Baron Corbin: Wag kang mag tapang Mikey dahil baka itong pinag tatanggol mo ngayon na tinatawag mong kapatid hindi mo kilala
Miz: Neville Corbin tara na kayo hayaan na muna natin itong mga ito makakabawi din tayo sa kanila
Umalis na ang tatlo at agad naman pinuntahan ni Mikey,Frank at Ray si Gerard at tinulungan ito tumayo.
Mikey Way: Kuya Gerard ano ba ang kailangan ni Miz sayo bakit ka niya binugbog ?
Gerard Way: Wala ito alam mo naman yang si Miz ( Pag sisinungaling nito )
Frank Iero: Mikey tara iuwi na natin si Gerard sa inyo
Tumango na lang si Mikey tulad ng sinabi ni Frank inuwi na nila si Gerard.
Bahay Ng Way
Ginamot na ni Frank ang sugat sa mukha ni Gerard habang nakaupo naman si Mikey at Ray sa kabilang sofa.
Mikey Way: Nakakainis na talaga yang Miz na yan
Ray Toro: Sinabi mo pa pero Mikey maiba ako bakit hindi nyo na lang totohanin ni Shana Michaela yang pag papanggap ninyo ?
Mikey Way: ( Napayuko ito ) Hindi ko kasi talaga masabi sa kanya na gusto ko siya
Gerard Way: Mikey sabihin mo na kasi baka mahuli pa ang lahat
Frank Iero: ( Tinignan ng masama si Gerard )
Gerard Way: Bakit ? ( Tanong nito kay Frank )
Frank Iero: Pwede ba mamaya ka na makisali sa usapan nila. Dahil ginagamot ko pa itong sugat mo sa mukha
Gerard Way: Sorry na ito kasing si Mikey
Frank Iero: Pag hindi ka tumigil kakadaldal mo dyan ( Naputol ang sasabihin niya dahil nag salita si Gerard )
Gerard Way: Ano ?
Bigla naman nag salita si Shana Michaela na nakasandal sa pinto.
Shana Michaela: Hahalikan ka daw nya Gerard. Kaya kung gusto mo mahalikan ni Frank sige daldal lang ( Nakangiting sabi nito )
Nagulat naman ang apat kay Shana Michaela.
Mikey Way: Kanina ka pa ba dyan ?
Shana Michaela: Hindi naman kakarating ko lang ( Nakangiting sabi nito )
Gerard Way: ( Tumingin ito kay Shana Michaela ) Bakit ka naman napunta dito ?
Frank Iero: Gerard naman eh ang kulit mo talaga
Gerard Way: ( Tumingin ito kay Frank )
May naisip naman na kalokohan si Shana Michaela kaya naman pumunta ito sa likod ni Frank.
Frank Iero: Isa pa tala--- ( Hindi na niya natapos ang sinasabi niya dahil sa ginawa ni Shana Michaela )
Tinulak ni Shana Michaela si Frank dahilan para mahalikan ni Frank si Gerard sa labi.
Gerard Way: ( Gulat na gulat ito habang mag kadikit pa din ang labi nila ni Frank )
Nagulat din si Ray at Mikey sa nakita nila si Shana Michaela naman nakangiti habang nakatingin kay Gerard at Frank.
Frank Iero: ( Umayos na ito at tumingin kay Shana Michaela )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top