Chapter #41
Napansin naman ni Shana Michaela ang pag hinto ni Gerard sa pag lalakad.
Shana Michaela: Gerard bakit ka napahinto sa pag lalakad ?
Gerard Way: Huh !!!! Wala may nag message lang sa akin kaya napahinto ako para basahin
Shana Michaela: Si Mr. Cute Emo ba yan ? ( Masayang tanong nito )
Gerard Way: ( Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya )
Shana Michaela: Gerard Okay ka lang ba ?
Gerard Way: ( Huminga ito ng malalim ) Oo Okay lang ako pasensya na medyo masama lang kasi yung pakiramdam ko ngayon ( Pag sisinungaling nito )
Shana Michaela: Ganun ba gusto mo bumalik ka na sa kwarto nyo para makapag pahinga ka na ? Ako na lang ang mag hahanap kay Mikey
Gerard Way: Hindi na sasamahan na lang kita. Buti pa pumunta na lang tayo sa Mini Coffee Shop dito parang gusto ko kasing uminom ng coffee ngayon
Shana Michaela: Okay
Nag lakad na sila papunta sa Mini Coffee Shop. Nang makarating sila doon ay agad naman silang umorder ng coffee at umupo sa umpuang malapit sa pinto.
Nang makaupo na sila napansin naman ni Shana Michaela na parang may malalim na iniisip si Gerard.
Shana Michaela: Okay ka lang ba talaga Gerard ?
Gerard Way: Oo ayos lang talaga ako
Shana Michaela: Para kasing kanina ka pa tahimik at parang malalim masyado ang iniisip mo ?
Gerard Way: Masama lang talaga ang pakiramdam ko kaya ganito ako
Napansin naman ni Gerard ang Papa ni Shana Michaela at si Miz na mag kausap papalapit sa pwesto nila.
Gerard Way: Shana Michaela andyan ang Papa mo kasama nya si Miz
Shana Michaela: ( Lumingon ito sa Likuran niya at nakita niya ang Papa niya at si Miz ) Oo nga wait lang ha pupuntahan ko lang si Papa
Tumayo si Shana Michaela at inakap niya ang kanyang Tatay.
Mr.Hickenbottom: Oh mukhang masaya ka kesa nung huli tayong nag usap
Shana Michaela: ( Ngumiti ito ) Papa nung huli tayong nag usap pinasaya naman ako ni Mikey kaya hindi na po ako malungkot ngayon
Mr.Hickenbottom: Talaga nakakatuwa namang marinig yun kasi may taong nakakapag pasaya sayo
Shana Michaela: ( Ngumiti ito )
Miz: Hello Shana Michaela ( nag wink ito kay Shana Michaela )
Shana Michaela: Hi ( maikling sagot nito kay Miz ) Nga pala Papa doon na lang kayo umupo tabi namin ni Gerard
Mr.Hickenbottom: Sige ba
Miz: Mr.Hickenbottom ako na po ang oorder ng iinumin natin
Mr.Hickenbottom: Sige
Umupo na si Shana Michaela at ang kanyang Tatay binati naman ni Gerard si Mr.Hickenbottom.
Mr.Hickenbottom: Gerard bakit nga pala kayo andito ni Shana Michaela ?
Gerard Way: Sinasamahan ko lang po si Shana Michaela hanapin sina Frank,Ray at Mikey hanggang sa nag kaayaan po kaming dalawa na mag relax muna dito
Mr.Hickenbottom: ( Tumango ito bilang sagot )
Shana Michaela: Papa asan nga pala si Mama bakit parang wala siya dito ?
Mr.Hickenbottom: Ang sabi niya pupuntahan daw niya ang puntod ng kaibigan niya
Shana Michaela: Ahh yung pong bestfriend niya na palagi po niyang kinukwento sa akin yung si Sophia
Gerard Way: Sophia parang pamilyar yung pangalan na yan
Shana Michaela: Bakit Gerard may kilala ka din bang Sophia ?
Naalala ni Gerard na may itinago siyang panyo na ang nakaburdang pangalan ay Sophia. Pinapatapon sa kanya iyon ng Mama niya dahil yun daw ang pangalan ng tunay na nanay ni Mikey.
Gerard Way: Huh!! Wala parang narinig ko lang yang pangalan na yan kaya parang pamilyar sa akin
Shana Michaela: Okay ( Nakangiting sagot nito )
Dumating na si Miz dala ang inumin nila ni Mr.Hickenbottom. Tumabi ito kay Shana Michaela.
Miz: Nga pala Shana Michaela asan ang boyfriend mo hindi mo ata kasama ngayon ?
Mr.Hickenbottom: Boyfriend ? ( Gulat na sabi nito )
Miz: Opo si Mikey ang boyfriend ni Shana Michaela
Mr.Hickenbottom: Talaga Shana Michaela bakit hindi mo manlang sinabi sa akin yan
Shana Michaela: ( Napatingin ito kay Gerard )
Gerard Way: Kasi po kahapon lang naging silang dalawa ng kapatid ko
Mr.Hickenbottom: Ganun ba mukhang Miz naunahan ka ni Mikey.
Miz: Mukha nga po pero ayos lang po yun Mr.Hickenbottom masaya naman po ako para kay Mikey at Shana Michaela ( Nakangiting sabi nito )
Mr.Hickenbottom: Maganda yan pero Miz pwede naman na maging mag kaibigan kayo ni Shana Michaela
Miz: Tama po kayo dyan
Mr.Hickenbottom: So Shana Michaela bakit hindi tayo mag family bonding bukas dyan sa tabing dagat kasama ang mga kaibigan mo lalo na ang boyfriend mo ( Masayang sabi nito ) Miz pwede kang sumama sa amin kung gusto mo ?
Miz: Wag na po gusto ko din po kasing makasama si Papa bukas
Mr.Hickenbottom: Okay ( Tumingin ito sa Orasan ) Pano maiwan ko na kayo dyan Shana Michaela bukas ha
Shana Michaela: ( Tumango ito )
Umalis na ang tatay ni Shana Michaela at naiwan naman ang tatlo.
Miz: Pano ba yan mukhang kailangan ninyong maging sweet ni Mikey bukas Shana Michaela
Shana Michaela: Miz kung wala ka ng ibang sasabihin maganda pwede bang umalis ka na lang dito
Miz: ( Ngumiti ito ) Hanggang ngayon kasi parang hindi ako naniniwala na totoo na kayo na
Shana Michaela: Alam mo Miz maniwala ka na lang pwede ba kasi yun naman talaga ang totoo. Gerard tara na nga umalis na tayo dito
Gerard Way: Buti pa nga tara na
Tumayo na ang dalawa naunang mag lakad palabas coffee shop si Shana Michaela dahil nang maglalakad na si Gerard hinawakan ni Miz ang wrist nito kaya napatingin ito kay Miz.
Gerard Way: Ano nanaman ba ang kailangan mo ?
Miz: Simple lang hindi ako manggugulo bukas dahil alam kong ikaw ang gagawa ng paraan para mag kahiwalay si Mikey at Shana Michaela kaya sana naman magawa mo na agad yun kasi baka mamaya mainip ako at sabihin ko yun kay Mikey
Gerard Way: ( Huminga ito ng malalim ) Bakit ba kasi hindi mo na lang tigilan si Shana Michaela kung talagang mahal mo siya hayaan mo siyang maging masaya
Miz: At ano para mapunta siya sa kapatid mo ? Gerard hindi ako mag papatalo sa kapatid mo baka nakakalimutan dumi lang sa akin si Mikey.
Gerard Way: Kung dati kayakayanin mo lang siya hindi na ngayon kaya kung ako sayo tantanan mo na siya pati si Shana Michaela
Miz: ( Natawa ito ) Gerard Gerard wag ka ngang umastang mabait kasi hindi ba may tinatago ka din naman kay Mikey at sa ngayon alam ko yun kaya kung ayaw mo masaktan si Mikey sumunod ka sa gusto ko
Gerard Way: ( Tinalikuran na nito si Miz at nag lakad na palabas ng coffee shop )
Kinuha naman ni Miz ang kanyang cellphone at tinawagan niya si Corbin para tulungan siyang mahanap ang tunay na magulang ni Mikey.
Miz: Tignan natin ngayon kung hindi kayo magkagulong magkapatid ( nakangiting sabi nito )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top