Chapter #32
Matapos kumain ay tinulungan ni Mikey at Shana Michaela ang matandang babae sa pag liligpit ng kanilang kinainan ng matapos naman yun ay pumunta na silang dalawa sa kwarto kung saan sila matutulog.
Kwarto
Nakahiga na si Shana Michaela sa kama at si Mikey naman ay nakahiga sa sofa.
Shana Michaela: Mr. Cute Emo
Mikey Way: Bakit ?
Shana Michaela: Salamat at dinala mo ako sa Park kanina nag enjoy ako doon
Mikey Way: Wala yun ( Busy sa cellphone nya )
Shana Michaela: ( Hindi na ito sumagot at pinagmasdan si Mikey )
Busy naman si Mikey sa cellphone nya kaya hindi niya napapansin na pinag mamasdan siya ni Shana Michaela.
Kaya siya busy sa cellphone niya dahil katext niya si Ray.
Phone Conversation
Ray Toro
Mikey asan ba kayo ni Shana Michaela ? Anong oras na kanina pa daw tinatawagan ng kuya niya si Shana Michaela pero nakapatay daw ang phone nito.
Mikey Way
Andito kami sa bahay na madalas namin puntahan ni Kuya Gerard inabot kasi kami ng malakas na ulan nung pauwi na kami. Low battery na ang phone ni Shana Michaela kaya naman hindi na siya nakatawag sa Kuya niya ako naman nawalan ng signal kaya hindi na din ako nakatawag sa inyo.
Ray Toro
Ganun ba sige sasabihan ko na lang ang Kuya ni Shana Michaela at bukas susunduin na lang namin kayo dyan
Mikey Way
Sige. Nga pala may gusto sana akong itanong sayo ?
Ray Toro
Ano naman yun ?
Mikey Way
Talaga bang wala pang nagugustohan si Shana Michaela ?
Ray Toro
Bakit mo naman biglaang natanong yan ? Pero ang sagot sa tanong mo wala pa siyang nagugustohan kasi mapili yang babaeng yan
Mikey Way
Wala lang hindi lang ako makapaniwala na wala siyang nagugustohan. May mga alam ka ba na mga paborito nya ?
Ray Toro
Naku naman sa tagal kong kasama yang babaeng yan tiyak alam ko na ang mga paborito at ayaw nyan
Pinag usapan nila ang mga bagay na gusto at ayaw ni Shana Michaela.
End Of Conversation
Napansin naman ni Mikey na tulog na si Shana Michaela kaya naman tumayo siya at pinuntahan si Shana Michaela para ayusin ang kumot nito.
Nang maayos niya ang kumot ni Shana Michaela napatingin siya sa mukha nito.
Mikey Way: Ang ganda mo talaga swerte ang lalaking mamahalin mo. Sana ako na lang yun pero tiyak na malabo naman na ako yun
Shana Michaela: ( Malalim na ang tulog nito )
Mikey Way: ( Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ni Shana Michaela hanggang sa madikit ang kanyang labi sa labi ni Shana Michaela )
Ilang segundo din ang lumipas bago alisin ni Mikey ang labi niya sa labi ni Shana Michaela. Matapos yun ay pumunta na siya sa sofa at masaya siyang natulog.
Kinabukasan
Nang magising silang dalawa ay pinakain na sila ng matandang babae ng agahan at inintay nila ang pag dating ng susundo sa kanila. Nang dumating ang kuya ni Shana Michaela kasama si Gerard agad na silang sumakay sa kotse at hinatid na sila sa School.
Nang makarating naman sila sa school agad na pumunta sa garden si Shana Michaela.
Garden
Alex Riley: ( Nakatayo ito habang hawak ang isang bulaklak ) Akala ko hindi ka pupunta dito
Shana Michaela: Gusto ko lang naman malaman ang tungkol sa sinasabi mong plano ni Miz kay Mikey
Alex Riley: Sasabihin ko sayo yun kung tutulungan mo ako
Shana Michaela: Alex ayoko ng madamay pa sa kung anong meron sa inyo ni Maryse. Gusto ko lang malaman ang plano ni Miz at ng grupo niya
Alex Riley: Bakit ko naman sasabihn sayo kung hindi mo ako tutulungan ?
Shana Michaela: Ano ba ang balak mong ipagawa sa akin ?
Alex Riley: Isa lang naman ( ngumiti ito )
Naramdaman ni Shana Michaela na may tao sa likod niya.
Maryse: ( Pumalakpak ito ) So ganun ba talagang kahalaga sayo ang Emo na yun ?
Shana Michaela: ( Humarap ito kay Maryse ) Ano naman ang ginagawa mo dito ?
Alex Riley: Isa lang andito siya para pahirapan ka
Maryse: Tama si Alex ikaw naman kasi matalino ka nga pero bakit parang kapag si Mikey na ang usapan nawawala ang talino mo ?
Shana Michaela: ( Tinaasan ng kilay si Maryse ) So pakana mo lang ito wala naman pala talagang alam si Alex tungkol sa plano ni Miz ?
Maryse: Oo para sabihin ko sayo kaya ako nakipag break kay Frank dahil sawa na ako sa kanya isa pa simula ng naging kami ni Frank medyo nabawasan ang popularity ko. Kaya naman ako tinulungan ni Alex na kunwari kaming dalawa para lang mabalik ang popularity ko sa school. Pero may isang nakakasagabal sa popularity ko yun ay ikaw
Shana Michaela: Pano naman akong naging sagabal sayo eh hindi ba pinag uusapan ka sa buong campus na kaya mo sinagot si Alex para maging close ka kay Miz
Alex Riley: Ginawa lang niya ang chismis na yun para pag usapan siya. Pero simula ng nanalo kayong dalawa ni Mikey para atang ikaw na ang pumapalit sa kanya. Kasi wala ng ibang nakitang matalino kundi ikaw
Shana Michaela: Ang babaw nyo namang dalawa ang gusto nyo lang pala popularity bakit kaya hindi kayo mag artista para buong bansa kilala kayo
Mag lalakad na sana si Shana Michaela pero hinawakan siya sa wrist ni Alex.
Shana Michaela: Bitawan mo nga ako
Alex Riley: ( Mas hinigpitan ang hawak sa wrist ni Shana Michaela )
Shana Michaela: ( Pinipilit makawala pero hindi siya maka wala ) Aray ko nasasaktan ako
Alex Riley: Masasaktan ka talaga dahil yun ang balak namin ni Maryse
Bigla naman na may nag salita mula sa likod ni Maryse.
Mikey Way: Bakit hindi nyo siya subukan saktan para naman makita din dito sa video yang kalokohan nyo ? ( May hawak itong cellphone )
Frank Iero: Oo nga isa pa malaking popularity ang makukuha nyo dito kaya lang pwede kayong mapatalsik sa school na ito dahil dito
Alex Riley: Hindi ko akalain na duwag ka pala Shana Michaela kasi sinama mo pa dito ang mga kaibigan mong puro EMO
Ray Toro: Hindi duwag si Shana Michaela dahil hindi niya sinabi sa amin na andito siya ngayon
Mikey Way: Sinundan ko lang siya kaya ko nalaman na andito siya. Kaya kung ayaw ninyong pag usapan kayo sa school na ito dahil sa pag alis nyo buti pang bitawan nyo na lang siya
Gerard Way: At bumalik na lang kayong dalawa sa classroom nyo kasi para kayong mga lantang na bulaklak na nahahalo sa mga magagandang bulaklak dito sa garden
Alex Riley: ( Binitawan ang wrist ni Shana Michaela ) Maryse tara na makakabawi din tayo sa mga ito
Maryse: Hindi pa tayo tapos Shana Michaela
Shana Michaela: ( Tinaasan ng kilay si Maryse ) Iintayin ko ng susunod mong gagawin at ito ang tandaan mo hindi kita aatrasan
Umalis na si Alex at Maryse
Shana Michaela: Salamat sa tulong ninyo hindi ko akalain na andito kayo. Pero Mikey pano mo paano mo nalaman ang tungkol dito ?
Mikey Way: Kahapon ko pa alam na makikipag kita ka dito kay Alex wala akong tiwala sa kanya kaya sinundan kita dito
Frank Iero: At syempre sumama kami para naman malaman namin kung ano ang chismis
Shana Michaela: ( Natawa naman ito sa sinabi ni Frank ) Chismis talaga ang inintindi mo
Mikey Way: Hay naku tama na itong kalokohan na ito tara na kayo malalate na tayo
Gerard Way: Tama si Mikey mahirap na pag nalate tayo
Pumasok na sila sa kanikanilang room. Natapos naman ang isang buong araw nila ng maayos. Nang uwian na nila inaya ni Shana Michaela sina Ray,Gerard,Frank at Mikey sa bahay nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top