Chapter #31
Nang sobrang lapit na talaga ng mukha ni Mikey sa mukha ni Shana Michaela. Bigla naman na tumunog ang cellphone ni Shana Michaela dahilan para mabalik sa ulirat si Shana Michaela at inilayo naman ni Mikey ang mukha.
Shana Michaela: ( Kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa at tinignan kung sino yung tumatawag sa kanya ) Si Kuya Shawn Michaels pala ito ( Tumayo ito at medyo lumayo kay Mikey at sinagot ang tawag )
Mikey Way: Mikey ano ba itong mga pinag gagawa mo ngayon. Tiyak kung natuloy yun magagalit siya sayo baka nasampal ka pa niya ( mahinag sabi nito sa sarili )
Bumalik naman si Shana Michaela sa pwesto niya kanina at napansin si Mikey
Shana Michaela: Mr. Cute Emo bakit mo kinakausap ang sarili mo Okay ka lang ba ?
Mikey Way: Huh!!! Wag mo na lang ako pansinin ( Nakayukong sabi nito kay Shana Michaela )
Shana Michaela: Okay ( ngumiti ito )
Mikey Way: Tara mag lakad lakad na tayo
Shana Michaela: Sige tara na
Nag umpisa na silang mag lakad lakad sa park habang nag lalakad sila nag uusap silang dalawa.
Mikey Way: Nag karoon ka na ba ng boyfriend ? ( Medyo nahihiyang tanong nito )
Shana Michaela: Wala pa akong nagiging Boyfriend pano kasi wala naman akong magustohan sa mga nanliligaw sa akin. Bakit mo naman natanong yan ?
Mikey Way: Wala kasi sa ganda at yaman mong yan tiyak madami ka ng naging boyfriend. Pero mali pala ako ng akala
Shana Michaela: Ganyan naman talaga ang tingin ng karamihan sa akin lalo na ng mga tulad ko. Ikaw nag karoon ka na ba ng Girlfriend ?
Mikey Way: Wala pa akong nagiging Girlfriend
Shana Michaela: Talaga bakit naman ? Wala ka bang nagugustohang babae ?
Mikey Way: Tulad mo wala pa kasi akong nahahanap na nagugustohan ko. Pero may nagustohan akong babae kaso lang hindi ko siya maligawan kasi tiyak na hindi naman niya ako magugustohan
Shana Michaela: ( Nalungkot ito ng marinig na may nagugustohang babae si Mikey pero hindi na lang niya ito pinahalata ) Alam mo kulang ka lang sa lakas ng loob bakit naman hindi ka niya magugustohan ?
Mikey Way: Dahil sa Emo ako hindi ako tulad nila Miz,Neville at Corbin na mayaman,matalino, at sikat kaya tiyak ako na hindi nya ako magugustohan
Shana Michaela: Kung sino man yung babaeng yun ang tanga nya kapag hindi ka niya nagustohan
Mikey Way: Bakit naman ?
Shana Michaela: Pano naman kasi kung ikukumpara ka kay Miz,Neville at Corbin mas lamang ka pa din sa kanila. Tignan mo mayaman nga sila sikat at matalino nga sila pero may isang bagay ang wala sa kanila
Mikey Way: Ano naman yun ?
Shana Michaela: Hindi sila katulad mo na mabait at totoo sa sarili ( nakangiting sabi nito ) Kaya kung ako sayo kung sino man yang nagugustohan mong babae dapat subukan mong ligawan siya wala naman mawawala kung susubukan mo
Mikey Way: Mapapahiya lang ako pag ginawa ko yun
Shana Michaela: Hindi ka mapapahiya bakit matalino ka naman mabait at higit sa Cute Emo ka kaya ( nag salita ito ng pabulong ) Kaya nga gusto kita eh
Mikey Way: Pero yung pagiging Emo ko hindi nya magugustohan ( hindi naintindihan yung pabulong na sinabi ni Shana Michaela ) Ano naman yung binubulong mo dyan ?
Shana Michaela: ( Kinabahan sa tanong ni Mikey ) Huh!! Wala yun ( Nakakita ng isang tent na may nakalagay na Mask Painting ) Mikey gusto ko mag mask paiting tara punta tayo sa tent na yun
Mikey Way: ( Tinignan ang sinasabing tent ni Shana Michaela ) Sige tara para naman may magawa tayo
Shana Michaela: Yeheeey
Masayang pumunta sa tent si Mikey at Shana Michaela pag pasok nila duon ay madaming tao ang nag pipinta ng kanikanilang maskara.
May lumapit naman na babae sa kanila at tinanong sila kung gusto nilang mag mask paiting tumango naman silang dalawa kaya dinala sila sa isang bakanteng mesa na may maskara na pwede nilang pag piliian at andoon din ang mga pangkulay at pang dekorasyon na pwede nilang gamitin.
Habang nag pipinta at nag dedekorasyon sila ng kanilang napiling maskara nag uusap silang dalawa.
Mikey Way: Ang arte naman nyang ginagawa mo sa maskara mo
Shana Michaela: Bakit ba eh ikaw nga ang emo nyang ginagawa mo sa maskara mo
Mikey Way: Eh sa ito ang gusto kong design ng maskara ko
Shana Michaela: Eh ito din naman ang gusto kong design ng maskara ko nakikialam ka
Mikey Way: Wala gusto ko lang maki alam sayo
Shana Michaela: ( Natawa naman ito kay Mikey )
Matapos ang isang oras ay natapos na sila sa pag pipinta ng maskara nila. Naisipan naman nila na umuwi na kaya naman tinago na nila sa bag nila ang ginawa nilang maskara at lumabas na sila sa tent.
Habang nag lalakad sila pauwi ay bigla naman bumuhos ang malakas na ulan.
Daan
Shana Michaela: Ang lakas naman ng ulan
Mikey Way: Tama ka dyan pano tayo mag lalakad pauwi nito ?
Shana Michaela: Tatawagan ko na lang ang kuya ko ( kinuha sa bulsa niya ang cellphone nya pero nakita niyang patay na ito ) Naku lowbat na ako
Mikey Way: ( kinuha sa bulsa niya ang cellphone nya at nakita niyang walang signal ito ) Wala akong signal baka dahil sa lakas ng ulan kaya wala akong signal
Shana Michaela: Pano na yan gabi na tapos ang lakas pa ng ulan ?
Mikey Way: May alam akong pwede natin puntahan para naman hindi tayo nag iintay dito sa daan kung kelan hihinto ang ulan
Shana Michaela: Sige puntahan na natin yang sinasabi
Nag lakad na sa ulanan ang dalawa at talagang basang basa sila sa ulan. Ilang minuto ang lumipas ay narating na nila ang sinasabi ni Mikey. Isa itong simpleng bahay lang.
Kumatok sa gate si Mikey at may lumabas namang matandang babae at pinag buksan ng gate si Mikey at Shana Michaela at pinatuloy silang dalawa sa bahay.
Bahay
Matandang Babae: Oh Mikey bakit ngayon ka lang napadalaw dito ? Asaan ang kapatid mong si Gerard ?
Mikey Way: Nasa bahay po siya ngayon
Matandang Babae: Ganun ba ( tumingin ito kay Shana Michaela ) Eh sino naman itong magandang dalagang ito na kasama mo ngayon ?
Mikey Way: Kaibigan ko po siya po si Shana Michaela
Shana Michaela: Hello po ( nakangiting bati nito sa matandang babae )
Matandang Babae: Iha alam mo bang ikaw pa lang ang kauna unahang nakita kong babae na kasama ni Mikey
Shana Michaela: Talaga po
Matandang Babae: Oo naman bata pa lang si Mikey at Gerard ay kilala ko na sila palagi silang pumupunta dito kapag galing sila sa park na malapit dito
Shana Michaela: Ganun po ba
Mikey Way: Pano kasi dati namin siyang yaya ni Kuya Gerard pero nung hindi na siya kayang bayaran ni Mama at Papa umalis na siya sa bahay namin. Pero nung pumunta kami ni Kuya Gerard sa park na malapit dito nakita namin siya at dinala nya kami ni Kuya Gerard dito sa bahay niya. Kaya sa tuwing pupunta kami sa Park dadalawin namin siya dito
Shana Michaela: Okay kaya naman pala parang kilalang kilala ka niya
Matandang Babae: Ay naku magbihis na muna kayong dalawa at basang basa kayo baka mag kasakit kayo nyan intayin nyo ako dito at kukuha ko kayo ng damit
Tumango naman ang dalawa at pumunta sa kwarto ang matandang babae at kumuha ng damit.
Shana Michaela: ( Ginala ang mata sa bahay ) Ang simple naman ng bahay na ito ang cute
Mikey Way: ( napangiti na lang ito dahil sa reaksyon ni Shana Michaela )
Shana Michaela: Bakit naman nakangiti ka dyan Mr. Cute Emo ?
Mikey Way: Wala para ka kasing bata dyan na ngayon lang nakakita ng ganitong klaseng bahay
Shana Michaela: Sa totoo lang hindi naman kasi yung bahay ni Ray malaki lang ng kaunti dito
Dumating na ulit ang matanda at inabot na ang damit na gagamitin nila dalawa ang banyo doon kaya naman nakapag bihis silang dalawa at ng matapos silang mag bihis agad na silang pumunta sa kitchen para kumain ng hapunan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top