Chapter #29
Nakarating na si Mikey at Shana Michaela sa sinasabing park ni Mikey.
Park
Mikey Way: Andito na tayo
Shana Michaela: Wow ang ganda naman dito ( masayang sabi nito habang nililibot ng kanyang mata ang lugar )
Mikey Way: ( Napangiti naman ito dahil sa nakikita niyang masaya si Shana Michaela )
Shana Michaela: Tara punta tayo doon sa picnic area gusto ko umupo doon sa ilalim ng puno mukhang nakakarelax doon
Mikey Way: Sige ba ( ngumiti ito )
Tumakbo na papunta sa ilalim ng puno si Shana Michaela dahil naman sa nakahawak pa din ang kamay ni Mikey sa kamay niya kaya sumunod na din agad si Mikey kay Shana Michaela.
Nang makarating sila sa ilalim ng malaking puno. Umupo na silang dalawa sa damuhan.
Shana Michaela: ( Huminga ito ng malalim ) Haaaay sa wakas makakapag relax na din ako ( masayang sabi nito )
Mikey Way: ( pinagmamasdan lang niya si Shana Michaela )
Shana Michaela: Mr. Cute Emo mukhang nag eenjoy kang hawakan yung kamay ko ha ( pang aasar nito kay Mikey )
Mikey Way: ( Bigla itong nahiya at tinanggal na ang pag kakahawak sa kamay ni Shana Michaela ) So--rry --- ( Hindi na niya natapos ang kanyang pag sasalita dahil nag salita si Shana Michaela )
Shana Michaela: Wag ka ng mag sorry okay lang naman yun sa akin. Hindi ko na din tatanungin kung bakit mo ginawa yun ( nag wink ito kay Mikey )
Mikey Way: ( Biglang bumilis ang tibok ng puso nito ) Aaammm Shana Michaela bibili lang ako ng makakain natin ( pag iiba nito ng topic )
Shana Michaela: Okay ( nakangiting sagot nito kay Mikey )
Tumayo sa pag kakaupo si Mikey at nag lakad na papalayo kay Shana Michaela.
Habang nag lalakad si Mikey.
Mikey Way: Haaay naku Mikey bakit mo ba kasi ginawa yun kanina ? Buti na lang hindi siya nagalit sayo kung hindi tiyak hindi mo siya kasama ngayon. Kailangan pigilin ko itong nararamdaman ko sa kanya mamaya mahalata nya ako baka pag nalaman nya ito baka layuan na niya ako ( mahinang sabi nito sa sarili niya )
Bigla na lang nabaling ang attention nya sa cellphone nya ng mag ring ito. Nang tignan niya nakita niyang si Gerard ang tumatawag sa kanya.
Phone Conversation
Mikey Way: Hello Kuya Gerard bakit ka napatawag ?
Gerard Way: Pauwi ka na ba ng bahay ? Andito na kasi si Frank at Ray hindi ba pumayag ka na sasama ka sa amin sa movie marathon namin ngayon
Mikey Way: Kuya Gerard baka malalate lang ako
Gerard Way: Bakit naman ?
Mikey Way: Kasi andito kami ni Shana Michaela sa Park na palagi nating pinupuntahan kapag gusto nating mag relax at mag picnic
Gerard Way: ( Naging masigla ang boses nito ) Teka nga Mikey wag mong sabihing nag dadate kayong dalawa ni Shana Michaela
Mikey Way: Kuya Gerard naman hindi naman yun ang dahilan kung bakit kami andito ngayon. Hindi kami nag dadate na dalawa nag hahanap lang siya ng lugar na pwede siyang mag relax kaya dinala ko siya dito
Gerard Way: O sige na hindi na kung hindi
Mikey Way: Kuya Gerard tama kayang sabihin ko na sa kanya ang tunay na nararamdaman ko sa kanya ?
Gerard Way: Bakit naman hindi ?
Mikey Way: Natatakot kasi ako na baka pag sinabi ko yun sa kanya layuan na niya ako. Kuya Gerard ayoko ng mawala si Shana Michaela sa akin alam mong mahal ko siya higit sa kaibigan. Pero paano ko sasabihin sa kanya yun ngayon
Gerard Way: Mikey tingin ko ito na ang tamang oras para sabihin mo yan sa kanya yang nararamdaman mo sa kanya
Mikey Way: Pero paano kung hindi nya ako gusto at dahil doon iwasan na niya ako
Gerard Way: Pero hanggang kelan mo itatago yan Mikey ? Basta subukan mo na mag tapat sa kanya kung ano ang maging resulta tanggapin mo na lang
Mikey Way: ( Huminga ito ng malalim ) Susubukan ko Kuya Gerard pano sige na baka iniitay na ako ni Shana Michaela iniwan ko kasi siya mag isa sabi ko bibili lang ako ng nakakain namin
Gerard Way: Sige basta kwentuhan mo na lang ako pag dating mo dito Okay
Mikey Way: Okay
End Call
Matapos ang pag uusap nila ni Gerard ay bumili na siya ng makakain nilang dalawa ni Shana Michaela. At bumalik na din agad siya kung saan niya iniwan si Shana Michaela. Pag balik niya nakita niyang may kausap sa phone si Shana Michaela.
Kwarto Ni Gerard Way
Frank Iero: Gerard asan na daw si Mikey ?
Gerard Way: Malalate daw siya kasama kasi niya si Shana Michaela sa Park na madalas namin puntahan
Frank Iero: Talaga bakit daw sila pumunta doon ? Wag mong sabihin na nag dadate yung dalawa ( masaya nitong sabi )
Gerard Way: Hindi daw date yun kasi nag hahanap lang daw ng lugar na relaxing si Shana Michaela
Frank Iero: Pero ganun na din naman yun isa pa alam naman natin na may gusto siya kay Shana Michaela ang hirap lang dyan sa kapatid mo ang torpe
Gerard Way: Mahiyain kasi yun kaya ayan tinatago nya ang tunay na nararamdaman nya kay Shana Michaela
Frank Iero: Bakit hindi kaya natin siya tulungan ?
Gerard Way: Paano ?
Frank Iero: Basta mag iisip ako ng paraan
Gerard Way: Akala ko naman may naisip ka ng paraan wala pa naman pala ( binato ng unan si Frank ) Teka sana ba si Ray ?
Frank Iero: ( Sinalo ang unan at tinuro ang kung asan si Ray ) Sakto nung tumawag ka kay Mikey tumawag naman sa kanya si Shana Michaela
Gerard Way: Bakit naman daw ?
Frank Iero: Ewan ko pero ayon sa narinig ko parang si Alex Riley ang pinag uusapan nila
Gerard Way: Yung pinsan ni Miz bakit naman nila pag uusapan yun ?
Frank Iero: Ewan ko yun nga din ang iniisip ko bakit nila pinag uusapan yung pinsan ni Miz
Gerard Way: Baka dahil doon sa nang yari kanina sa Canteen. Baka naman nagsumbong si Maryse alam mo naman yun masama ang ugali ng babaeng yun
Frank Iero: Tama ka dyan
Bumalik na sa kwarto si Ray at agad naman na nag urirat ang dalawa.
Gerard Way: Ray ano yung usapan nyo ni Shana Michaela about kay Alex Riley ?
Ray Toro: Ang lakas talaga ng pandinig ninyong dalawa ( natatawa nitong sabi )
Frank Iero: Syempre naman ano ba yun bakit ninyo siya pinag uusapan ?
Ray Toro: Nakipag kita daw sa kanya kanina si Alex Riley at nag papatulong sa kanya na gumanti kay Maryse
Gerard Way,Frank Iero: Ano nag papatulong sa kanya para gumanti kay Maryse ( Nag katinginan ito )
Ray Toro: Oo nag papatulong siya kay Shana Michaela. Pero bakit naman kaya si Shana Michaela pa ang hiningan niya ng tulong ?
Frank Iero: Baka naman dahil sa palaban si Shana Michaela at isa pa hindi ba may gusto si Maryse kay Miz tapos si Miz naman may gusto kay Shana Michaela
Ray Toro: Na si Shana Michaela naman ay may gusto kay Mikey ( Biglang napahawak sa bibig niya at nanlaki ang mata ) Opps hindi ko dapat nasabi yun
Nagulat naman si Gerard at Frank sa narinig nilang sinabi ni Ray.
Frank Iero: Totoo ba yung sinabi mo na gusto ni Shana Michaela si Mikey ?
Gerard Way: Oo nga Ray totoo ba yung sinabi mo ?
Frank Iero: Ano Ray sumagot ka totoo ba yung narinig namin ?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top