Chapter #28

Classroom

Tumunog na ang schoolbell dahil recess na kaya naman tumayo na si Shana Michaela at si Mikey Way sa upuan nila ng mag lalakad na si Shana Michaela bigla naman siyang inakbayan ni Miz.

Miz: Shana Michaela sabay ka na sa amin mag recess ? ( nakaakbay pa din kay Shana Michaela )

Naiirita naman si Mikey Way sa ginawa ni Miz kay Shana Michaela.

Shana Michaela: Hay naku Miz ---- ( naputol ang sasabihin niya )

Mikey Way: ( Hinawakan sa wrist si Shana Michaela at Tumingin kay Miz ) Ayaw niyang sumabay sa inyo kasi sa akin siya sasabay mag recess

Neville: Teka nga hindi ka naman kinakausap bakit ikaw ang sumasagot

Miz: Neville relax lang Mikey hindi ikaw ang tinatanong ko kaya pwede ba wag kang maki alam dito ?

Mikey Way: ( Tumingin ito kay Shana Michaela ) Tara na baka iniintay na tayo nila Kuya sa Canteen

Shana Michaela: Okay ( Tumingin ito kay Miz ) Pano bye bye na ( ngumiti ito sabay nag lakad na )

Iniwan na ni Mikey at Shana Michaela ang grupo ni Miz.

Miz: Bwisit talagang EMO yan mukhang lumalaban na ( inis na sabi nito )

Neville: Hayaan mo na kung wala lang si Shana Michaela nakatikim na yan ng sapak

Corbin: Tara na kayo sa Canteen mamaya na tayo bumawi sa EMO na yan

Pumunta na ang tatlo sa Canteen para makakain na din sila.

Canteen

Nagulat naman sina Frank,Gerard at Ray sa sinabi ni Shana Michaela na ginawa ni Mikey kanina.

Gerard Way: Wow naman Mikey talaga nagawa mo yun kanina ( Gulat na Gulat na sabi nito )

Ray Toro: Mikey ano naman ang naisip mo at ginawa mo yun ?

Frank Iero: Oo nga kakaibang Mikey Way ata yung kanina ?

Shana Michaela: Talagang kakaiba miski naman ako nagulat sa ginawa niya kanina ( nakangiting sabi nito )

Mikey Way: Hay manahimik na nga kayo. Nagugutom lang ako kanina kaya ko nagawa yun ( pag papalusot nito )

Gerard Way: Talaga ? ( Mukhang hindi naniniwala sa sinabi ni Mikey )

May biglang tumayo sa lukuran ni Shana Michaela at binuhusan siya ng tubig. Na kinagulat naman ni Shana Michaela at nila Ray,Frank,Gerard at Mikey

Maryse: Hahahahaha ang saya naman ng grupong ito

Frank Iero: Maryse ano naman ang ginagawa mo dito

Shana Michaela: Frank ako na ang bahala dito. ( Tumayo ito at humarap kay Maryse ) Thank you ha nakakawala ng init yung ginawa mo ( kinuha nito ang baso ng tubig at binuhos sa mukha ni Maryse )

Maryse: ( Nagulat sa ginawa ni Shana Michaela )

Shana Michaela: Oh hindi ba masarap sa pakiramdam ( Tinaasan ng kilay si Maryse )

Maryse: Ang kapal naman ng mukha mong gawin sa akin yun ( Galit na sabi nito )

Bigla naman nag salita si Sasha Banks na nasa likod ni Maryse kasama si Becky Lynch.

SaSha Banks: Oy Maryse hindi ba ikaw ang makapal ang mukha dito hindi si Shana Michaela

Becky Lynch: Ikaw ang nauna bagay lang na gumanti siya sayo ?

Shana Michaela: Alam mo kesa lumala pa ito umalis ka na lang Maryse. Kasi baka mapansin ka ni Miz at baka dahil sa ginawa mo hindi ka niya lalong pansinin ( tinaasan ng kilay si Maryse )

Maryse: Hindi pa tayo tapos Shana Michaela ( Inis na sabi nito sabay umalis na )

Pagkaalis ni Maryse umupo na ulit si Shana Michaela duon na din umupo si Shasha Banks at Becky Lynch.

Frank Iero: Wow hindi ako makapaniwala sa nakita ko Shana Michaela napaalis mo si Maryse

Shana Michaela: Dapat lang na umalis siya pano kasi panira ng masayang moment

Mikey Way: ( Inabot ang panyo nya kay Shana Michaela ) Oh mag punas ka

Shana Michaela: ( Kinuha ang panyo na inabot ni Mikey Way at pinunasan ang mga parteng basa )

Gerard Way: Wow ang sweet naman ni Mikey

Ray Toro: Oo nga pano kasi may ganyan pa

Mikey Way: ( napangiti na lang ito )

Matapos ang kanilang recess ay bumalik na ang lahat sa kani kanilang classroom. Lumapas ang maraming Oras at natapos na ang klase nila. Tulad ng kinagawian ni Mikey Way pumunta muna siya sa Rooftop para mag palipas oras. Pero papunta pa lang siya ng rooftop napansin niyang may kausap si Shana Michaela sa hallway kaya naman nag tago siya sa pader para pakinggan ang usapan ng dalawa.

Hallway

Shana Michaela: Bitawan mo nga ako ( Mataray na sabi nito sa lalaking may hawak sa kanyang wrist )

Boy: Wag kang matakot hindi naman ako masamang tao ( Binitawan nito ang wrist ni Shana Michaela ) Ako nga pala si Alex Riley ako yung pinsan ni Miz

Nang marinig ni Mikey ang sinabi ni Alex biglang siyang napatanong sa sarili niya kung ano ang kailangan nito kay Shana Michaela.

Shana Michaela: Ano bang kailangan mo sa akin kung nag sumbong sayo si Maryse ---- ( Hindi natapos ang sinasabi )

Alex Riley: Alam kong hindi ikaw ang may kasalanan. Sa totoo lang alam ko naman na kaya lang ako naging boyfriend ni Maryse dahil gusto niya ang pinsan ko. Kaya kung pwede ba tulungan mo ako ?

Shana Michaela: Tulungan kita ? Bakit ?

Alex Riley: Dahil gusto ko sanang makaganti kay Maryse. Kapalit nito ang information kung ano ang sunod na plano ng grupo ni Miz kay Mikey

Shana Michaela: Sunod na plano kay Mikey ? Nang Grupo ni Miz ?

Alex Riley: Yung nang yari sa basketball court plano ni Miz yun para masira ang friendship ninyo ni Mikey. At mas malala ang susunod na plano nila kaya kung ako sayo tulungan mo ako para wag mapahamak si Mikey

Shana Michaela: ( Natahimik ito )

Alex Riley: Bukas ng umaga bago ka pumasok sa classroom ninyo makipag kita ka sa akin sa garden ng school na ito. Kung pupunta ka duon ibig sabihin papayag ka na tulungan ako. Pag isipan mong maigi para din naman ito sa kaibigan mo ( Tumalikod ito kay Shana Michaela at Lumakad na papalayo )

Nang makita ni Mikey na nag lakad na paalis si Alex agad siyang nag lakad papunta sa kinatatayuan ni Shana Michaela at nag panggap na parang dadaan lang duon.

Mikey Way: Shana Michaela akala ko nauna ka ng umuwi ? Bakit ka andito ? ( Masayang tanong nito kay Shana Michaela )

Shana Michaela: Huh !!! Wala pupunta sana ako sa rooftop ngayon kaso lang nag message sa akin ang kuya ko kaya napahinto ako dito ( tipid na ngumiti ito kay Mikey )

Mikey Way: Okay pano sabay na tayong umuwi

Shana Michaela: Sige ba

Habang nag lalakad ang dalawa pauwi binasag ni Mikey Way ang katahimikan ng pag lalakad nila.

Mikey Way: Bakit ang tahimik mo ata ngayon ?

Shana Michaela: ( Tahimik lang ito at mukhang malalim ang iniisip )

Mikey Way: Ayos ka lang ba parang hindi ganyan yung Shana Michaela na nakilala ko yung makulit at madaldal

Shana Michaela: Wala ito wala lang ako sa mood mangulit ( Huminto ito sa pag lalakad )

Mikey Way: Oh bakit ka napahinto ?

Shana Michaela: Ayoko pang umuwi sa bahay pwede bang dalhin mo ako sa kahit saang lugar na pwede akong makapag relax ?

Mikey Way: Bakit naman ?

Shana Michaela: Wala lang gusto ko lang pumunta sa isang lugar na tahimik at pwede ka bang makapag isip isip

Mikey Way: May alam akong isang lugar na ganyan kaso lang medyo malayo yun dito

Shana Michaela: Saan naman yun ?

Mikey Way: May isang park kasi kaming pinupuntahan ni Kuya Gerard. Maganda yung park na yun kasi maraming puno at madaming nag pipicnic doon.

Shana Michaela: Mukhang inresting naman yang lugar na yan tara puntahan natin ( Masayang sabi nito )

Mikey Way: Sige kung yan ang gusto mo

Habang nag lalakad silang dalawa ni Shana Michaela hinawakan ni Mikey ang kamay ni Shana Michaela. Napatingin naman si Shana Michaela sa kamay niyang hinawakan ni Mikey at ngumiti ito ng hindi napapansin ni Mikey.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top