Chapter #26
Ilang araw din ang lumipas na hindi pinapansin ni Mikey si Shana Michaela kahit na sila ang nanalo sa Spelling Competion hindi pa din sila nag uusap na dalawa.
Dumating na sa condominium ni Shana Michaela sina Gerard at Frank.
Condominium
Shana Michaela: Oh Gerard bakit hindi ninyo kasama si Ray at Mikey ?
Gerard Way: Hindi pa kasi alam ni Mikey na dito kami pupunta kaya sinabihan ko si Ray na sya na lang yung mag aya kay Mikey na pumunta dito
Frank Iero: Wag kang mag alala papunta na sila dito nag message na sa akin si Ray
Shana Michaela: Okay ( ngumiti ito at nilapag sa coffee table sa salas ang tray na may teapot at mga teacup ) Nga pala Frank kamusta si Maryse kinakausap ka pa din ba niya after nung makita natin siya sa Restaurant ?
Gerard Way: Wait lang Shana Michaela ano yung sinabi mo nakita ninyo si Maryse ?
Frank Iero: Oo Gerard at buti na lang andun si Shana Michaela kasi taob sa kanya si Maryse
Gerard Way: Teka nga bakit hindi mo manlang kinuwento sa akin yan Frank ?
Frank Iero: Kasi wala namang kwenta yung pinag usapan namin isa pa tama lahat ng sinabi ni Shana Michaela dahil parehas kayo ng sinabi sa kanya ( ngumiti ito )
Gerard Way: Baka naman mapahamak ka pa nyan dahil sa pag kikita ninyo hindi ba pinsan ni Miz yung pinalit nya sayo ?
Shana Michaela: Talaga pinsan ni Miz ang pinalit nya kay Frank ?
Frank Iero: Oo na alala ninyo nung nakita nyo kami ni Mikey sa Carnival ?
Shana Michaela: ( tumango ito habang umiinom ng tea )
Gerard Way: Nung araw na yun nakipag break sa kanya si Maryse. Pinuntahan namin si Maryse sa bahay niya at nakita namin na anduon din ang pinsan ni Miz. At pinamukha pa talaga ni Maryse kay Frank na yun ang kapalit ni Frank
Frank Iero: Kaya kesa mag mukmok ako sa bahay namin sabi ni Ray mag Carnival na lang daw kami para mawala naman yung nararamdaman kong pag kalungkot
Shana Michaela: ( nguti ito ) Ganyan naman talaga yang si Ray kapag malungkot ang kaibigan niya agad siyang nag iisip na paraan para mapasaya ito
Frank Iero: Pero hindi ko akalain na palaban ka din pala Shana Michaela. Pano naman kasi talagang nakipag sagutan ka pa sa kanya
Shana Michaela: Kaya ko kasi makipag sabayan sa kanila dahil alam ko kung paano makipag laro sa mga pangit nilang ugali. Pero kung pinsan ni Miz ang pinalit sayo bakit parang big deal yung pag lapit sa akin ni Miz ?
Gerard Way: Ayon kasi sa usap usapan sa school kaya siya nakipag relasyon sa pinsan ni Miz para lang mapalapit siya kay Miz
Shana Michaela: Ow kaya pala pero ng pangit ng taste nya kasi halata naman kay Miz na hindi siya tulad ng iba na alam nyo na yung matino na lalaki
Frank Iero: Tulad ba ni Mikey ?
Shana Michaela: ( ngumiti ito ) Ewan ko nga sayo Frank pati si Mr. Cute Emo dinadamay mo sa usapan
Biglang may kumatok sa pinto at agad naman na binuksan yun ni Gerard. At pinapasok ang dalawang tao na kakarating lang.
Ray Toro: Sorry na late kami
Mikey Way: ( panatingin ito kay Shana Michaela na nakaupo sa sofa katabi si Frank at biglang tumingin kay Ray ) Teka nga Ray bakit andito siya ?
Ray Toro: Kasi siya ang may ari ng condominium na ito at siya yung sinasabi ko sayo na tutulungan naming mag ayos
Mikey Way: Pero bakit hindi mo agad sinabi sa akin na siya pala ang tutulungan natin ?
Ray Toro: Bakit pag sinabi ko ba sayo sasama ka ? Tiyak na hindi dahil hanggang ngayon galit ka pa din sa kanya
Gerard Way: Mikey hindi talaga siya ang may gawa nung message na yun hindi mo ba napansin yung way ng pag memessage nya sayo ?
Shana Michaela: ( Lumapit ito kay Mikey ) Kahit kelan hindi ako mag memessage na gagamitin ko ang pangalan ng kaibigan ko
Frank Iero: Mikey maniwala ka naman sa kanya tiyak ako kagagawan ni Miz ang lahat ng ito dahil nung oras na yun hiniram ni Corbin ang cellphone ni Shana Michaela para makitext
Shana Michaela: Totoo yun Mikey kaya sana naman maniwala ka sa akin
Mikey Way: Pano naman akong maniniwalang totoo yang sinasabi mo baka mamaya pati sila pinag lalaroan mo lang din
Shana Michaela: Wala ka ba talagang tiwala sa akin ?
Mikey Way: ( Natahimik ito )
Shana Michaela: Okay kung ayaw mong maniwala sa akin hindi kita pipilitin. Hindi rin kitang pipigilang umalis kun ayaw mong tumulong sa amin ( Halata sa mukha nito ang kalungkutan )
Gerard Way: Mikey tara muna sa labas mag usap tayo
Lumabas si Gerard at Mikey para makapag usap.
Gerard Way: Mikey ano pa bang gusto mong katibayan para maniwala ka sa kanya ?
Mikey Way: Ewan ko kuya nalilito na kasi ako hindi ko alam kung susundin ko ang puso ko o ang isip ko.
Gerard Way: Sundin mo ang puso mo Mikey dahil alam ko na hindi siya masamang babae at siya ang mag papasaya sayo. ( Hinawakan ang balikat ni Mikey ) Kaya ngayon hindi ka aalis tutulungan natin siya dito mag ayos at ngayon ding araw na ito mag kaka ayos kayong dalawa
Mikey Way: Pero Kuya ------
Gerard Way: ( Hindi pinatapos ang sasabihin ni Mikey ) Wala ng pero dahil alam ko ito ang makakabuti sayo. Wag mong hayaang mawala ang babaeng nag papasaya sayo ikaw din hindi ka na makakakita ng ganyang babae
Nag lakad na papasok ng condominium si Gerard at sumunod naman si Mikey kay Gerard pag pasok nilang dalawa condominium ni Shana Michaela nakita naman nilang nag uumpisa ng mag ayos ang tatlo habang nag kukulitan natigil lang ang mga ito ng makita sila.
Ray Toro: Ano Mikey tutulong ka ba sa amin ?
Frank Iero: O gusto mo na lang na tumayo dyan at intayin kaming matapos ?
Shana Michaela: ( Siniko si Frank at sabay tingin ng masama dito )
Mikey Way: ( Napangiti ito ) Tutulong ako tutal andito na din naman ako
Frank Iero: Yun naman pala buti pa tulungan mo na lang si Shana Michaela sa kusina duon kayo mag ayos
Gerard Way: Buti pa nga para naman mag kaayos na ulit kayo
Ray Toro: Kami na ang bahala dito ( nakangiting sabi nito )
Wala naman nagawa si Mikey kundi sununod na lang sa sinabi ni Frank. Kaya naman pumunta na siya sa Kitchen at sumunod naman duon si Shana Michaela
Kitchen
Nabalot ng katahimikan ang kitchen dahil hindi manlang kumikibo si Mikey. Hindi naman siya makausap ni Shana Michaela dahil nag aalangan siyang baka hindi rin siya sagutin nito. Pero bigla na lang nawala ang katahimikan ng dalawa ng mapasigaw si Shana Michaela.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top