Chapter #22
Hospital
Habang iniintay ni Ray at Mikey matapos ang pang gagamot kay Frank at Gerard. Kinausap muna ni Ray si Mikey.
Ray Toro: Mikey bakit ba umiiyak si Shana Michaela kanina ?
Mikey Way: ( Kinuwento niya ang nangyari sa kanilang dalawa ni Shana Michaela kanina )
Ray Toro: Pero Mikey sa totoo lang nung nakita ko siya sa school gate talagang parang wala siyang alam tungkol duon sa message na na receive mo ( Pag papaliwanag nito )
Mikey Way: Pero Ray paano mo maipapaliwanag sa akin na hindi siya ang nag message nun number niya ang nag reflect at nakita mo yun. Isa pa yung pinakita sa akin ni Miz na message kanina number nya din yun kaya pano mong sasabihing wala siyang kinalaman duon
Ray Toro: Maniwala ka man sa akin o hindi. Hindi ganyang tao si Shana Michaela sa tagal ko na siyang kaibigan hindi niya nagawang mang ganyan ng tao
Mikey Way: Pero pa ano mo nga akong mapapaniwala na hindi siya yun
Ray Toro: Sa ngayon hindi ko makukuhang mapaniwala ka. Pero alam ko na lalabas din ang totoo pasensya na Mikey pero hindi ako naniniwala na si Shana Michaela ang may gawa nitong nang yari ngayong araw. Hindi ko siya kinakampihan dahil kaibigan ko siya naniniwala lang ako sa kanya. Hindi ko din hihilingin sayo na wag kang magalit sa kanya alam ko kung ano ang nararamdaman mo pero isa lang ang masasabi ko sayo
Mikey Way: Ano naman yun Ray ?
Ray Toro: ( Hinawakan niya sa braso si Mikey ) Isipin mong maigi ang pang yayaring ito baka naman may gusto lang sumira ng friendship ninyong dalawa ni Shana Michaela
Bigla naman na lumabas na mula sa kwarto si Gerard at Frank dahil sa nagamot na sila ng nurse wala namang masamang tama ang dalawa kundi sugat at pasa lang kaya naman hindi na nila kailangan pang mag tagal sa Ospital.
Mikey Way: Frank buti naman gising ka na ?
Frank Iero: ( Ngumiti ito )
Ray Toro: Kamusta ? kaya nyo na bang umuwi ?
Gerard Way,Frank Iero: ( Sabay nag salita ) Oo kaya na namin
Mikey Way: Ayos ha ayaw naman ninyo nyang mag duet sa pag sagot
Natawa na lang si Ray,Gerard at Frank sa sinabi ni Mikey. Nag pasya na din sila na umuwi na para makapag pahinga na sila lalo na si Frank at Gerard.
Bahay Ni Ray Toro
Habang naka upo si Ray sa kanyang kama na alala niya na may nag message pala sa kanya kanina bago sila nagulat sa message na natanggap ni Mikey Way. Kaya naman agad niyang kinuha ang cellphone niya sa may lamesa katabi ng kama niya at agad naman niyang binuksan ang message.
Shana Michaela
Cute Curly pwede mo ba akong tulungan sa linggo pupunta kasi ako sa condominium ko mag aayos ako duon ^_^ .... Ano pwede ba Cute Curly ? ^_^
Ray Toro: Si Shana Michaela pala yung nag message sa akin kanina ( Mahinang sabi niya pagkatapos basahin ang message )
Maya maya ay may napansin siya sa message ni Shana Michaela sa kanya at binasa nya ulit yun.
Ray Toro: Teka nauna lang ng ilang minuto ang message na ito sa message na natanggap ni Mikey Way kanina ? Hindi kaya ------ ( May naisip ito at agad niyang dinayal ang number ni Shana Michaela )
Sa Bahay Ng Way Brothers
Pag pasok nila sa Salas ay agad na sinalubong na ng daldal ni Mrs. Way si Mikey Way.
Mrs.Way: Hoy Mikey saan mo nanaman dinala yang kapatid mo at ngayon lang kayo umuwi ? ( Masungit na tanong nito habang nakaharap sa TV )
Gerard Way: Mama nag pasama lang po ako kay Mikey sa isang kaibigan ko kaya ngayon lang kami naka uwi
Mrs. Way: ( Humarap ito sa kinatatayuan ni Mikey at Gerard at napansin niya ang band aid sa kilay ni Gerard at sugat nito sa gilid ng labi kaya nanlaki ang mata nito at agad pinuntahan si Gerard ) Naku Gerard ano ba ang nang yari sayo ha ? ( nag aalalang tanong nito )
Gerard Way: Mama wala po ito
Mrs. Way: ( Tumingin ito kay Mikey at piningot ang tenga ni Mikey ) Ikaw !!!!! ikaw nanaman siguro ang dahilan kung bakit ganito ang itsura ng kuya mo ( Galit nitong sabi kay Mikey habang pingot pingot ang tenga )
Mikey Way: Araaaay ko Mama hindi ko naman sinasadya na mag kaganyan si Kuya Gerard
Gerard Way: Mama tama na po yan sige na po hindi kasalanan ni Mikey ang nangyari sa akin ( Pinakalma niya si Mrs.Way para alisin ang pag kakapingot kay Mikey )
Mrs.Way: ( inalis na ang pag kakapingot kay Mikey ) Pasalamat ka at pinagtatanggol ka nitong kapatid mo buti pa umalis ka dito sa harapan ko baka kung ano pa ang magawa ko sayo. ( Tumingin ito kay Gerard ) Alika Gerard hahandaan kita ng makakain baka mamaya gutom ka na.
Wala naman nagawa si Gerard kundi ang sumunod sa kanyang nanay at si Mikey naman ay agad na pumunta na lang sa kanyang kwarto.
Kwarto
Pag pasok niya agad niyang binaba ang backpack niya at pumunta agad siya sa paliguan para makaligo at makapag palit ng damit matapos niyang maligo pumunta siya sa radio niya at binuksan ito at nag play ng CD at humiga sa kama niya.
Habang nakahiga siya sa kama niya kinuha niya ang cellphone niya at tinignan ang mga message.
Ray Toro
Mikey kamusta naka uwi ba kayo ng maayos ni Gerard ?
Mikey Way: ( matapos basahin ang message ) Haay si Ray lang pala ito ( Huminga ito ng malalim at hindi niya sinasadyang mapindot yung mga dating message ni Shana Michaela )
Shana Michaela
Mr. Cute Emo Good Morning ^_^ nag almusal ka na ba ? ^_^
Shana Michaela
Mr. Cute Emo naka uwi na ako sa bahay ikaw ? ^_^
Shana Michaela
Mr. Cute Emo papasok na ako sa school magkita na lang tayo sa rooftop ^_^
Biglang napatigil siya sa pag babasa ng mga dating message sa kanya ni Shana Michaela ng kumatok si Gerard kaya naman nilapag niya ang cellphone nya sa lamesa katabi ng kama niya.
Gerard Way: ( Pumasok sa kwarto ni Mikey ) Hindi ka pa tulog ?
Mikey Way: Hindi pa bakit ?
Gerard Way: Naniniwala ka ba duon sa nangyari kanina ?
Mikey Way: Ewan ko hindi ako makapag desisyon kung kanino ako maniniwala
Gerard Way: Isa lang ang masasabi ko sayo sundin mo ang nilalaman ng puso mo hindi ng utak mo ( ngumiti ito )
Mikey Way: ( Napakamot ito ng ulo ) Huh!!! Kuya hindi kita maintindihan
Gerard Way: Alam ko na galit ka sa kanya dahil ang sinasabi ng utak mo sya ang gumawa ng pangyayari kanina pero ang puso mo naman hindi naniniwala
Mikey Way: ( natahimik siya dahil alam niya na tama ang sinabi ni Gerard sa kanya )
Gerard Way: Matulog ka na may pasok pa tayo bukas ( Lumabas na ito sa kwarto ni Mikey )
Mikey Way: ( Humiga na ito sa kama at habang nakatingin sa ceiling naisip niya ang sinabi ni Gerard Way ) Tama si Kuya Gerard pero talaga bang wala siyang alam ? Bakit number nya ang nag reflect kung wala siyang alam?
Hindi namalayan ni Mikey na nakatulog na pala siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top